Chereads / Killa Maffia Series 1: You And I / Chapter 37 - Fuckin' Use Your Brain!

Chapter 37 - Fuckin' Use Your Brain!

CHRISTIAN

I knew it! Plano nilang gamitin sila Jade laban sa amin. Are they watching us? Bat hindi man lang namin nahahalata? Or Mark knows it from the start?

"Then we should go back!" Michael exclaimed. Nakakuyom ang kamao niya at nagtatangis ang bangang niya.

"Right! Wala silang kasama doon! Mark, we need to stay beside them!" pag sang ayon ni Brent. Halata rin ang galit sa boses niya. Kailangan nga naming bumalik. Nasa panganib sila Margarette.

Humarap samin si Mark. He's so furious. Kung nakakapatay lang ang tingin baka kanina pa kami nakahandusay dito. Nanginig ang kamay kung nakakuyom din dahil sa mga tingin niya. It feels like he's shooting daggers at us.

"B-Black, calm down. We need to think of a plan" I said, hoping it would calm him down.

"Athena is fucking missing! Do you think I can calm down?! I won't come back until I found her! I don't need a fucking plan! I can't waste any more time!" sigaw ni Mark sa amin. Michael stands up and did something that even I didn't expect him to do.

He punches Mark!

"Fuck you! Do you think you can fucking find her in that way?! Mag-isip isip ka nga! Did you forget that we control the game and we played the rules?! Think, you dumbass! Fuckin' use your brain!" he shouted at him. Hindi ko inaasahan na sasagutin niya si Mark. He even punched him! Hard! Because Mark is on his knees!

Natahimik si Mark at nanatili siyang nakayuko. Mukhang nahimasmasan siya kahit papaano. Pinunasan niya ang dugo sa labi niya bago tuluyang tumayo.

He looked at me then Brent then Michael. "You're right. We need a plan" hayss! Salamat naman at natauhan na siya.

"We can do that while staying in the hotel. Baka may mapahamak pa sa kanila pag hindi pa tayo bumalik" sabi ni Brent. Sumang ayon naman ako. I'm worried about Margarette. Baka malaman ng Diablos na hindi namin sila kasama. Maganda na yung sigurado.

Bumalik kami sa hotel and Brent bring his tracking laptop. Nagulat pa nga ako lalo kasi may mga weapons at kompleto sa technology yung HQ namin dito sa resort.

"Brent!"

"Babe!"

"Michael! Mark!"

Tawag nilang tatlo sa amin. Margarette immediately hug me. Niyakap ko naman siya pabalik. "What's the update, babe? Nahanap niyo na ba si Jade?" ramdam ko ang pag aalala sa boses niya.

I caress her hair. "Not yet, but I promise that we will find her so stop worrying" narinig ko naman siyang bumuntong hininga. "I can't help it. Nag aalala ako kay Jade" mahinang bulong niya.

I hug her tighter.

"Ladies, can you please stay at the room first? May gagawin lang kami. We promise to find Jade immediately" I looked at Brent. Nasa beywang ni Lenia ang kamay niya habang sinasabi yun. Lintek na 'to! Ang landi talaga!

"Babe, get some rest. Wag ka ng masyadong mag aalala" muling sabi ko bago siya pinakawalan. She nod before going inside the room with Lenia and the others.

Nagsiupo naman kami sa couch at agad na binuksan ni Brent ang tracking laptop niya. Para itong briefcase pero technology yung laman. "So, what's our plan?" he asked. "Just like the old times. We hunt then we kill" seryoso at walang emosyong sagot ni Mark. Napatango tango naman ako. I miss this shit! Ang tagal na rin pala simula nung nagplano kami ng ganito.

"Did you install it already?" tanong ulit ni Brent. Mark nod. "Good"

Nagsimula na si Brent na pindot pindutin yung tracking laptop niya. Pogi ako alam ko yun pero putcha wala akong maintindihan sa mga nakikita ko sa device na 'to. May mga green lines tapos may may kung ano ano pang nakalagay doon. May mga code din siya na nadadagdagan at gumagalaw habang nagpipindot pindot si Brent.

Ewan! Jusko, nakakabobo tong mga nakikita ko!

Masakit man sa ulo, nakatitig lang ako sa laptop niya. Ng biglang may nagpop out na red dot doon. "Gotcha!" sabi ni Brent at pumitik pa. Kumunot naman ang noo ko.

"Ano yang pulang yan? Sino ba kasing trina-track niyo? Putcha wala akong kaalam alam ah!" hindi ko na nabigilang magsalita. Binatukan naman ako ni Brent. "Gago! Bat kasi ngayon ka lang nagtanong!?" singhal naman niya. Aba! Makabatok naman tong bakulaw na 'to!

"Malay ko ba naman kasi sa ginagawa mo! Ang alam ko lang naman ay pogi ako!" then I smirk. At ang gago, binatukan na naman ako. "Ang hangin mo eh mas pogi naman ako sayo!" proud na sagot niya. Ang kapal naman ng mukha nitong pangit na 'to!

"Anong poging pinagsasabi mo?! Ikaw? Saan banda?!" kunwaring nagtataka na tanong ko. Babatukan na naman sana niya ako ng hawakan ko ang kamay niya. "Nakakailan ka na ah!"

Hinila niya naman ang kamay niyang hawak ko at muling bumalik sa ginagawa niya kanina.

Hahaha! Natakot ko ba? "Wala ka pala eh!" pang aasar ko pero hindi niya ko pinansin. Teka! Natakot ba talaga si Brent sakin?

"Gago. Tumingin ka sa likuran mo" bulong niya. Oh bat may pabulong bulong to ngayon?!

Nalilito man, sinunod ko parin siya. Lumingon ako sa likod at doon ako natigilan. Nanginig ang buong katawan ko. Pakiramdam ko namumutla nako sa sobrang takot.

Humarap ulit ako kay Brent. Nung hindi ko na siya nakikita, tsaka lang ako nakahinga ng maluwag.

Fuck! Mark is scarier than I thought he would be!

Sobrang nakakatakot yung tingin niya kanina sakin. Fuck! Fuck! Hanggang ngayon, halos manginig parin ako. Sabi na nga ba, dapat hindi na lang ako nagtanong kanina.

I heard Brent chuckled. Tinignan ko siya ng masama then I raised my middle finger at him. "Fuck you!" mahina ngunit may gigil na sabi ko.

Muli siyang nagpindot pindot sa laptop niya. "I found her!" biglang sabi niya. Dahilan para mapatayo si Mark. "Where is she?!" nagmamadaling tanong nito.

"Hmm. Near some bar?" nilingon ako ni Brent. "May bar bang malapit dito sa resort niyo?" he asked.

"May bar mismo dito sa loob ng resort"

"That's fine with me! Let's go!" Mark exclaimed. Nagsitayuan naman kami at nagready na. None of us bring a weapon. Wala naman daw kasing nakita si Brent na kilos ng Diablos. Mukhang nakatunog na sila na alam naming nandito sila kaya sa tingin ko, umalis na sila. Sana nga. My parents will kill me pag nalaman nila 'to.

Palabas na kami ng room ng mahagip ng mata ko ang kwarto kung nasaan sila Margarette.

"I'll stay" seryosong saad ko. "Christian..." tawag ni Michael sa akin. "Walang kasama sila Margarette. You go, maiiwan na ko dito" alam kung baka nakaalis na sa resort ang Diablos pero ayaw ko paring makampante.

"Mark, ikaw na lang ang pumunta. Maiiwan na kaming tatlo dito. We know you can handle it alone" nagulat ako sa sinabi ni Brent. "I can't leave Mimi" dagdag niya.

Tinignan muna kami ni Mark isa isa bago siya sumagot. "Okay"

"Bring her back!" Brent shouted. "I will" sagot naman ni Mark bago siya tuluyang umalis.