CYRIL
I'll bring her back. I will do everything. Akala ko kaya kung balewalain siya at hayaan siya pero hindi pala.
I will tell her. I swear, I will.
Bahala na ang mangyayari. Ang importante masabi ko sa kaniya at maiparamdam ko sa kaniya na mahal ko siya. Ako ng bahala sa mga sagabal. I won't let my fear get the best of me.
Mahal rin ako ng taong mahal ko, palalampasin ko pa ba yun? Fuck, no!
Fuck the world! Fuck everything! Ikaw muna bago ang iba. Wait for me, Athena. Antayin mo ko diyan. I'll get you immediately.
Antayin mo ko, mahal ko.
ATHENA
Nakatingin ako sa mga ulap. Gusto ko sanang maligo sa dagat pero ang init pa naman. Kaya ito ako ngayon, nakaupo at nakasilong sa may puno ng niyog malapit sa isang bar ata 'to.
Gusto ko lang mahimasmasan. Masakit pala. Bat ba naman kasi ganito ang pinasok mo, Jade? Ano ba talagang iniisip mo at minahal mo siya? Kailan pa at bakit? Ano bang mayroon sa kaniya?
Ewan ko ba sa puso kong 'to. Bakit sa kaniya pa tumibok. Marami naman diyang iba! Mas pogi, may appeal, mayaman, cute, macho at lalong lalo na mabait! Shit naman! Bat kasi sa kaniya pa, Jade? Bat kay Cyril pa!?
Dang it!
"Why it should be you?!!" sigaw ko. Mukha namang walang tao eh. Ang alam ko mamayang hapon pa sila darating.
Unti unting tumulo ang mga luha ko. Damn! I hate crying! I don't deserve to cry just because of him! Damn you, Cyril!! "Mark Cyril Romero, I hate you!!!"
"Don't..."
Nanlalaki ang mata kung tumingin sa likuran. Agad kung pinunasan ang mga luha na nasa pisngi ko. How did he found me? Anong ginagawa niya dito?
He slowly walked near me. Tumayo ako. "H-How did you found me?" I asked.
Nakatitig ako sa kaniya ng bigla niya kung hinawakan sa kamay at hinila palapit. Then he hugged me. "Don't make me worried again. And stop making me crazy." he whispered.
Nanlaki ang mata ko. "H-Ha?"
"Halos mabaliw ako kanina. I don't know where you are, I don't know if you're safe, I don't know..." tumigil siyang hinihingal. He looks so tired. Ano ba talagang nangyari?
"Why are you worried? I'm fine. Wala namang mangyayari sakin na masama." I whispered back. Mas humigpit naman ang yakap niya. Mabagal na yumakap din ang mga braso ko sa beywang niya.
Oo nasaktan ako pero wala eh, siya yung mahal ko.
"Why shouldn't I be worried? Hindi ko alam kung nasaan ka. Paano kung may nangyari na sayo. I can't forgive myself if something bad happen to you." then he kissed my temple. Naninibago man sa kilos niya, ito parin ako nagdidiwang. May kung ano ano akong nararamdaman sa tiyan ko at ewan ko kung kilig ba ang tawag dito.
"Okay lang ako." maikling sagot ko. "I know but I can't help to feel worried."
Bumitaw ako sa kaniya kahit mukhang ayaw niya pa kung pakawalan. Bumalik ako sa pagkakaupo at tumingin sa dagat. I felt him do the same. "Ang ganda nu." I said then closed my eyes.
"Yes. Very." he whispered. Binuksan ko ang mata ko at tumingin sa kaniya.
He's looking at me.
"Very beautiful..."
Napatigil ako sa sinabi at sa tingin siya. He's looking at me like I'm the most special and gorgeous woman for him. Alam kung maganda ako, matagal ko ng alam yun. Pero iba ang epekto sakin ng tingin ni Cyril. I never felt this thing before.
"You're so gorgeous, do you know that?" he said.
Kumurap ako. I don't feel awkward but at the same time, I also don't feel comfortable.
Hindi ko alam kung paano ako magrereact o kung ano bang dapat sabihin ko kaya tumitig na lang ako sa kaniya. He's staring back at me, rought but tender.
Tinignan ko naman ang kamay ko ng hawakan niya 'to, tsaka ulit ako tumingin sa kaniya. He squeeze my hand. "Do you really love me?"
"Cyril..."
Mas humigpit ang kapit niya sa kamay ko. Is it just me o talagang napakalamig ng kamay niya? "I'm asking, love. Please answer me honestly..."
"Yes. I really do love you. And it hurts." then I lowered my head. Pilit kong pinipigilan ang pagtulo ng luha ko.
I felt his hands on my cheeks and he raised my head. "Please, don't stop loving me." I froze. Ang bilis ng tibok ng puso ko at nanlalamig ang kamay ko.
"W-What do you mean?"
He pulled me into a hug. "Love..."
Tahimik akong naghihintay sa sasabihin niya.
"I'm a jerk for hurting you a while ago. Napakatanga ko, napakagago ko and I'm so sorry about that."
He sighed. "But I'm saying this anyway. Do you know how much happiness I felt when you said that you love me? Gustong gusto kitang yakapin at halikan kanina. I want to shout in glee. But I can't do it..."
"Know why? Because I'm so fucking scared. Magulo ang buhay na mayroon ako at ayaw kung may mangyaring masama sayo. I fucking do love you! So damn much! I want to shout in the whole damn world that I love Jade Athena Lee! That I'm so lucky to have you. Pero takot na takot akong sabihin sayo yan dahil ayaw kung hilahin ka sa magulong mundo ko but the fuck I care about that! Mas mahalaga ka. Mas importante ka sakin at ayaw kong nakikita kang nasasaktan so I'm fighting this fear. I'm scared that something might happen to you but thinking that you might leave me because I hurt you is far more scarier. So please forgive me. I'm sorry for making you cry. I can't promise that I won't do it again but I will do my best to protect and love you. You're my strength so please don't even think of leaving me."
Gulat na gulat ako sa lahat ng sinabi niya. Is this real o baka naman nananaginip lang ako? My heart's beating so fast and I don't know what should I feel.
Mahal din ako ng taong mahal ko?
He let go of me but his right hand is on my cheeks. "Please say something."
I blinked. "W-What should I s-say?"
Umiwas naman siya ng tingin. "I just confessed and I'm so fucking nervous about it. Please calm me down, mahal." nasa malayo parin ang tingin niya.
Dahan dahan kung hinawakan ang kamay niyang wala sa pisngi ko. Ang lamig nito at medyo nanginginig pa. He's really nervous.
He looked at me, tenderly. "Actually, I really don't know what to say. Magulat ako sa lahat ng sinabi mo, sino bang hindi magugulat? Parang kanina lang nung umamin rin ako sayo, wala akong nakuhang sagot and now here you are, confessing and saying that you love me too. I don't know if I should believe you. You just rejected me when I said that I love you. Kaya hindi ko alam kung maniniwala ba ko sayo, I don't know if you're just saying this because you don't want to see me cry. Paano kung hindi mo talaga ako mahal? Paano kung sinasabi mo lang yan para pagaanin ang loob ko?"
I squeezed his hand. "I'm also scared, Cyril. Sobrang akong natatakot at kinakabahan. Natatakot ako dahil baka wala kang tugon sa nararamdaman ko. I'm scared because, what if I confessed that I love you and you just don't feel the same? Ang mas nakakatakot pa, baka magbago ang trato mo sakin. You're so sweet to me, you care for me, and I feel so loved when I'm with you. Kaya nga hindi na ako nagulat ng malaman kong mahal kita. At ayaw kung magbago ang mga yun. So even I'm not sure if you feel the same, I took the risk. Umamin ako sayo."
I lowered my head. "Kaya sobra sobra akong nasaktan kanina. You're my first love. You're my first kiss. You're all my first's. Kaya hindi ko maiwasang iwan ka kanina. I just can't take it. I need to calm myself down. Ayaw kung umiyak sa harapan mo. Hindi ako yun eh. Hindi iyakin yung Jade Athena Lee na nakilala mo. I seldom cry and I don't want you to see me so ugly and down. Kaya iniwan kita. I can't help it...I just can't." I gulp and forced myself not to cry pero hindi ko parin napigilan ang sarili ko. Nag unahang tumulo ang mga luha ko. Gusto kung punasan ang mga yun pero ayaw kung bitawan ang kamay niya.
I'm scared that this is just a dream. Ayaw ko siyang bitawan, baka bigla na lang siyang mawala.
He slowly wiped my tears and lean close to me. Magkadikit ang mga noo namin. I closed my eyes. Ayaw kung mawala siya, ayaw kung matapos tong moment na to kaya mas humigpit ang kapit ko sa kamay niya. Ganon din naman ang ginawa niya..
"I love you." he whispered. My heart skipped a beat. "Please, t-tell me, this is not a dream." I whispered back. Naramdaman ko siyang umiling. "This is real and what I feel for you is also real. Mahal kita, Athena. Mahal na mahal." his voice is so soft. Doon ako nakahinga ng maluwag. Ramdam na ramdam ko sa boses niya ang pagmamahal na sinasabi niya.
"I love you too."
He hugged me. Niyakap ko rin siya pabalik. Nakasandal ako sa dibdib niya at rinig na rinig ko ang malakas na tibok ng puso niya. I like the sound of it. The rhythm of his heart, beating so fast.
"Can you hear it?" he asked. "Yes and I like the sound of it." I answered, smiling. "You're the only one who can make my heart beat this damn fast." he chuckled. "You really made me fall for you, so hard. " naramdaman kong nakangiti siya. Hindi ko pinigilan ang tawang gustong lumabas sa labi ko. "I did?" he nodded.
"Athena..." tumingala ako para makatingin sa kaniya. He's also looking at me. "Yes?"
Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sakin ng unti unti kung nakita ang ngiti sa mga labi niya. He shakes his head. "Nothing. I'm just so happy." mas lumawak ang ngiti ko sa sinabi niya.
"Ako rin. Ang saya ko."
We stayed like that for a minute. Nakasandal ako sa kaniya at nakaakbay siya sa akin habang nakaharap kami sa dagat. This feels so calm and peaceful. I want to stay like this forever. Ang gaan sa pakiramdan.
I was staring in the sea when I remember something. "Love! Diba sabi mo kanina, gusto mong isigaw sa buong mundo na mahal mo ko? Now you can do it!" excited kung sabi sa kaniya.
He chuckled. "Yeah." tumayo siya at nilahad niya ang kamay niya sakin. Tinanggap ko naman yun at inalalayan niya kung tumayo. Bat ang sweet ng lalaking mahal ko?
"I will tell the whole wide world that I love you."
Pinagpagan ko ang damit ko at nakangiti akong humarap sa kaniya. "Tara doon, malapit sa dagat!" hinawakan ko ang kamay niya then I pulled him near the sea. Tanghali na kaya medyo mas mainit pero dahil malamig ang simoy ng hangin, ang sarap parin sa pakiramdam.
Bumitaw ako sa kaniya then I stretched my arms and closed my eyes. Pinapakiramdaman ko ang malamig na hangin. Hindi ko maiwasang alalahanin lahat ng mga nangyari samin this past few days. Sinong mag aakala na mamahalin namin ang isa't isa. Eh para kaming aso't pusa noon kung magsagutan. There even comes na ayaw kung magpakasal sa kaniya. I hate him so much before. Siguro nga totoo yung kasabihan na 'the more you hate, the more you love.'
Love is really is a funny thing. It can happen to anyone, anywhere and anytime. Ang mas nakakatawa pa, magigising ka na lang isang araw na mahal mo na pala yung pinakahuling tao na inaasahan mong mamahalin mo. I never expected this to happen. Iba talaga ang tadhana. I just hope na wag niya kaming masyadong paglaruan. To the point na baka masaktan na namin ang isa't isa. I really hope, hindi kami darating sa puntong yun.
Nagulat ako ng maramdaman ko ang kamay niyang yumakap sa beywang ko mula sa likuran. But I stayed my eyes close. Pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko at ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko.
"I will now say to the world how much I love the woman I'm hugging right now. Listen carefully."
I nodded. Pero nagulat lang ako lalo ng bumulong siya sa tenga ko. "I love you. I love you damn fucking much, Jade Athena Lee."
I slowly opened my eyes. I dragged my gaze at him. "Why did you whispered it to me?" mahina kung sabi. He smiled so lovingly.
"Because you are my world. And I just said to my world how much I love you."
Natahimik ako. I bit my lips. Pinipigilan ang ngiting gustong lumabas sa mga labi ko. How can Cyril be this sweet?