ATHENA
"Good morning earth!" sigaw ko sabay inat. It's a new day again and the weather looks so nice! Nilingon ko ang gilid ko, nagbabakasakaling nakahiga at tulog parin si Cyril. Pero agad akong napasimangot ng hindi ko siya nakita. Where is he? It's just 6 in the morning. Anong oras siya nagising?
I blinked multiple times and get up. Umalis ako sa kama at lumabas sa room namin. Since I can't find Cyril, mag lalakad na lang muna ako sa labas.
Halos wala pang katao tao paglabas ko. Bilang lang ang mga yun. Mga nagjojogging, naglalakad at yung iba nakaupo. Sinuot ko ang hood ng jacket ko at nagsimula ng maglakad. Hindi pa ganon ka araw kaya hindi naman masakit sa balat.
I keep on walking ang walking. Balak ko sanang yayain si Cyril sa kumain sa labas pero hindi ko naman kasi siya naabutan kanina. Asan na ba kasi ang lalaking yun?! Ang aga aga, nawawala agad.
Tumigil ako sa paglalakad ng makaramdam ako ng init. Pinunasan ko gamit ang likod ng aking palad ang pawis na nasa noo ko.
I faced the beach. Ang gandang tignan. Pero mas maganda sana kung andito siya.
I sighed and was about to remove my jacket when I someone hugged me from the back. Hawak niya rin ang mga kamay ko at parang pinipigilan akong tanggalin ang aking jacket.
Hindi pa ako nakakalingon ng magsalita ito. "Magandang umaga, mahal. How was your sleep?"
It's Cyril.
Imbes na ngumiti sa kanya ay umirap ako. "Anong maganda sa umaga kung wala ka paggising ko?" I whispered. Mahina lang yun at wala akong balak iparinig sa kaniya.
But then, he chuckled. "Well, I had a good sleep. Because I wake up next to you."
Napaubo ako sa sinabi niya. Langya! Narinig niya ba yung sinabi ko?!
"Bitawan mo nga ako!" ani ko tsaka siya kinurot sa kamay para mabitawan niya ko pero walang kwenta yun dahil hindi man lang siya naapektuhan.
Inside, he hug me tighter. "I'm sorry if I'm not there when you woke up. May inayos kasi ako." he said then put his head on my shoulder. Napaiwas ako ng makaramdam ng kiliti. Ano ba naman tong lalaking to!
Sinubukan kong tinulak ang kamay niya pero mas malakas siya sa akin. "Why are you pushing me? Galit ka ba?" I didn't answer. Umirap lang ako at muli siyang tinulak.
"Bitawan mo na kasi ako. Babalik na ko sa loob." malayo sa tanong niyang sagot ko.
And on my shock, binitawan niya nga ako. Ahhh!! Ano ba naman yan! Nag iinarte lang naman ako eh! Hindi ko naman talaga gustong bitawan niya ko. Aish!
Napapadyak ako sa inis at nagmamadaling iniwan siya. Nakakainis! Nakakainis talaga! Bat niya ko binitawan?! So ganon pala, hindi man lang ba niya ko lalambin-
"Ahhhhhhh!" napasigaw ako at napapikit ng maramdaman kong umangat ako sa lupa. He carried me! Binuhat niya ko ng bridal style. Agad akong napakapit sa leeg niya ng maramdaman kung tumakbo siya.
"Ano ba! Tumigil ka nga!" sigaw ko na naman pero tawa lang ang nakuha kung sagot. Mas pumikit at mas humigpit ang kapit ko sa kaniya ng mas bumilis pa ang takbo niya. Damn! Pakiramdam ko mahuhulog talaga ako!
"Pag ako talaga nahulog, Cyril, sinasabi ko sayo, hindi kita kakausapin ng isang buwan!!!"
He laughed. "Don't worry, mahal. Hindi ko hahayaang mahulog ka."
Doon humigpit pa lalo ang hawak niya sakin. Sinubukan kong buksan ang mata ko pero muli ko lang yung pinikit ng maramdamam ako ng hilo. Bwesit ka talaga, Cyril! Bwesit ka!
"Saan mo ba kasi ako balak dalhin?! Sinabi nang tumigil ka sa kakatakbo eh!! Nahihilo na ko!" sigaw ko. Damn! Nakakahiya! Baka pinagtitinginan na kami. Aishhhh!!
"Stay still, love. I have a surprise for you." and after he said that, he stop.
Nanatiling nakapikit ang mata ko. Mamaya bigla na naman siyang tumakbo. Pero ng magsimula siyang maglakad ng mabagal, doon na ko napamulat.
Bumungad sa akin ang mukha niya na nakatingin sa harapan. Tumutulo ang pawis sa noo niya at namumula ang mukha niya. Rinig na rinig ko rin ang hingal niya.
Tinaggal ko sa pagkakakapit sa leeg niya ang right hand ko para punasan ang pawis niya. I wipe it with the back of my hand. Napayuko naman siya at tumingin sa akin. And he smiled, sweetly.
"Thank you, wife."
Napatigil ako sa itinawag niya sa akin. I didn't expect that at all. Hindi niya pa naman ako asawa.
Tumango lang ako at umiwas ng tingin dahil siguradong namumula na ang pisngi ko ngayon.
Asar kasing lalaki to!
Binaba niya ko ng medyo nakalayo layo na kami sa hotel. Ano ba talagang balak ni Cyril? Nagugutom na ko!
Inilibot ko ang paningin ko pero wala namang iba. Beach parin ang bumungad sa akin at ang araw na pasikat pa lang. Nakasimangot akong tumingin sa kaniya. "Ano naman ginagawa natin dito? Wala namang nagbago." mahinang sabi ko at tinaasan siya ng kilay.
Pero nakakainis dahul tumawa lang siya at tinalikuran ako. Naglakad siya papalayo sa akin. "Cyril, saan ka pupunta?!"
Ng medyo nakalayo na siya, humarap siya sa akin. And he smile. "See you later, mahal! I love you!" then he starts walking again.
Naramdaman ko ang paglakas ng tibok ng puso ko. He just shouted that he loves me! May ibang napatingin sa akin at napangiti. Napakagat ako sa labi ko dahil gusto kung magsisigaw sa kilig. Geez, bat ba ganito ka, Cyril!
"Aishhh!" mahinang impit ko ng hindi ko na maaninag. San na naman nagpunta ang lalaking yun?! Pagtapos niya kung sabihan ng ganon, aalis na lang siya bigla!
Magkasalubong ang kilay kung aalis na sana ng biglang umilaw ang kinaaapakan ko. Nakapabilog ang ilaw na nasa sand at ng humarap ako sa pinuntahan ni Cyril, nakita ko ang ilaw na papunta doon. It looks like it's giving me a path to Cyril.
Napangiti akong napatingin doon habang dahan dahan na humahakbang at sinusundan ang ilaw. Nakatitig lang ako doon, ang ganda kasing tignan.
I walk and walk and walk hanggang sa lumiko ang ilaw na sinusundan ko. Lumiko iyon papunta sa may...dagat?
"Wow..." napanganga ako sa nakita. I saw a bridge na papunta sa small kubo kubo house. Marami ring ilaw na nakapalibot doon.
And Cyril is also there, standing in the middle of the bridge, wearing a white tuxedo and a bright smile was plastered on his lips.
Hindi parin ako makapaniwala sa nakita ko. Is this the surprise he told me a while ago? Kaya ba wala siya sa tabi ko ng magising ako dahil inayos niya to?
Mabagal ang lakad kung lumapit sa kaniya. He's standing like a model of a luxury tuxedo. He's so handsome. And that smile. Madalang kung makita pero napakaworth it naman.
Ng malapit na ako sa kaniya ay nilahad niya ang kamay sa akin. I chuckled and accepted it. "Ano to?" natatawa ngunit nakangiti na sabi ko.
"Surprise, mahal."
Mahina akong natawa at pinunasan ang butil ng luha na tumulo sa mata ko. "Ang daya mo naman eh. May pa tuxedo ka pa tapos ako nakapajama at nakajacket. Hindi man lang ako nakapagready."
Kinuha niya pa ang isa kung kamay at hinawakan yun ng mahigpit. "My love, you will always look gorgeous in every way and in everything you wear. Kahit ano pang isuot mo at kahit ano pang itsura mo, ikaw parin ang pinakamagandang babae sa paningin ko. Ikaw lang, mahal ko."
Namasa ang mata ko sa sinabi niya. This man really knows how to make me speechless. "Ano ka ba! Hindi ko naman sinabing pangit ako ah. Ang ganda ko kaya." sabi ko at napasinghot ng may tumulong luha sa mata ko.
Natawa naman siya. "Yeah, yeah." ani niya na parang napipilitan kaya napataas ang kilay ko. "Bat parang napipilitan ka?"
Umiling siya. "I'm not. Let's go?" tumango naman ako at sumunod sa kaniya. He intertwined our fingers. Napatingin ako doon at hindi ko maiwasang mapangiti.
Pumasok kami sa loob at mas lalo akong napanganga. This is amazing! May mga rose petals na nakakalat sa sahig habang may red carpet sa gitna nito na papunta sa pinakaunahan.
It feels so romantic.
Napalingon ako sa kaniya ng bitawan niya ang kamay ko. I saw him walk to the front, at the last of the carpet, tsaka siya tumayo sa gilid nun.
Kumunot ang noo ko sa ginawa niya.
Nalipat ang tingin ko sa gilid ng makita kung pumasok sila Lenia. Kumpleto silang lahat at nakaayos din. Naglakad sia Gary at Joan sa left side habang pumunta naman sila Michael at Christian sa right side, malapit kay Cyril. While Brent go straight at the front. Nakatayo siya doon sa gitna habang nakangiti. And Lenia stay beside me.
What the hell are they doing?