Chapter 47 - Ambush

CYRIL

Damn it! Damn it! Damn it! Anong gagawin ko?! Hindi ko pwedeng isakripisyo ang kalagayan ni Athena. I can't just stop the car and face them. Sobrang delikado.

Patuloy lang ako sa pagmamaneho ng mabilis. Hawak ko parin ang kamay ni Athena na namamawis at nanginginig. This is what I'm talking about. Alam kung darating din ang araw na to but fuck, hindi ko naman inasahang ganito kaaga. They didn't even give a warning. Not so Diablos.

"Baby, calm down." I whispered and kiss her hand. Hindi ko siya malingon dahil mabilis ang pagmamaneho ko. Baka madisgrasya pa kami.

"C-Cyril, please tell me what's happening."

Mas humigpit ang kapit ko sa kamay niya. "It's nothing. Just stay calm and don't let go of my hand." sagot ko. Hindi ko alam kung anong dapat kung sabihin. I can't let her know. Baka kamuhian niya ako.

...

ATHENA

I exactly don't know what's happening pero hindi ako tanga para hindi malamang nasa panganib kami. I want to panic pero ayaw kung maging pabigat kay Cyril.

Saglit ko siyang nilingon at nagulat ako ng walang emosyon ang kaniyang mukha. Parang wala lang sa kaniya ang nangyayari. Damn it! Is this just a joke?! Pero hindi eh. Seryoso siya sa mga sinasabi niya kan-

"Dapa!!!" bigla akong nagpanic. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hanggang sa naramdaman ko na lang na yakap ako ni Cyril.

Pumatak ang mga luha ko. Wala akong ideya kung ano ba talagang nangyayari pero sigurado akong tama yung narinig ko.

Putok ng baril. Putok ng baril yung narinig ko.

Wala akong nagawa kundi ang humagulgol at yumakap din kay Cyril. Niyakap ko siya ng mahigpit habang nagdadasal ako. Please save us.

Kasabay ng paggewang ng sasakyan namin ay ang malalakas na putok. Putok ng mga baril. Hanggang sa makaramdam ako ng malakas na impact. Muntikan na akong masubsob sa harapan ng kotse kung hindi lamang ako naagapang saluhin ni Cyril.

Hindi ko maiwasang tumingin sa labas. Maraming kotse ang nag aalisan at butas butas ang kotseng sinasakyan namin. Nahigit ko ang paghinga ko ng makaamoy ako ng mabahong amoy.

What's that? Inilibot ko ang paningin ko at ganon na lang ang gulat ko ng makita kung bumunggo kami sa isang malaking puno.

Nilingon ko si Cyril pero hindi siya nagsasalita. Mahigpit parin ang yakap niya sa akin. Tinitigan ko siya at lumapit sa kaniya. Nasa baba parin kami at masikip dito kaya madali ko siyang nalapitan.

"Love..."

He didn't raise his head. Hindi rin siya sumagot. Ayaw kung mag isip ng kung ano ano pero hindi ko maiwasan. Hindi siya kumikibo pero alam kung may malay parin siya dahil habang tumatagal ay mas humihigpit ang yakap niya.

Itinaas ko ang kamay ko at hinawakan ang pisngi niya. I plan to raise it but he stopped me.

"L-Love...can you do me a favor? Please?" mahinang bulong niya. My forehead wrinkles. Kinakabahan man ay sumagot parin ako. "W-What favor?"

"Can you please get out of the car and immediately get inside the van? Yung van na minamaneho ni Michael." mahina paring sabi niya. Mas kumunot ang noo ko. "Bakit? Why only me?"

He let a loud sigh. "Please, baby. Please." there's a begging on his voice. "No. Hindi kita iiwan dito." pagmamatigas ko.

"Damn it, Athena! Just get out!" napaiglad ako sa sigaw niya. Hindi ko inasahang sisigawan niya ako. But I stay still. "I won't!"

Nag init ang gilid ng mata ko at hindi ko napigilan ang luhang gustong lumabas dito. Hindi! Hindi ko siya iiwan!

"Get. The. Hell. Out." ramdam ang talim sa bawat salitang binabanggit niya. Binitawan niya rin ako at bumalik siya sa pagkakaupo sa driver seat.

Akala ko pababayaan niya na ako doon pero hindi, inalalayan niya akong umupo sa passenger seat pero hindi niya ako tinitignan. Patuloy ang pagtulo ng luha ko.

"Please, Cyril. Please, don't push me away." umiiyak na sabi ko at kinuha ang kamay niya but he took his hand away. Pakiramdan ko ay ilang beses na sinaksak ang puso ko sa ginawa niya.

"Get out, Athena. Please, just get out." mas lalong rumiin ang boses niya at hindi niya parin ako tinitignan. Bakit ba pinapaalis niya ako? Bakit ba pinagtutulakan niya ako palabas?

"Why, Cyril? W-"

"Just get the fucking out!" napatulala ako sa sigaw niya. He cussed at me. Hindi ko alam na aabot siya sa puntong mumurahin niya ako.

Nagising ang galit sa dibdib ko dahil sa sinabi niya. "Fine! Fine, Cyril! Fine!" balik kung sigaw at malakas na binuksan ang pintuan ng sasakyan. Nakita ko sa di kalayuan ang van na sinasakyan nila Lenia.

Mabilis akong naglakad papunta doon ng hindi nililingon si Cyril. Galit ako sa kaniya. I hate him!

Padabog ko yung binuksan at walang sabi sabing pumasok. Ramdam ko ang mga tingin nila pero wala akong pinansin ni isa. Hanggang ngayon ay nabwebwesit parin ako.

Ano ba kasing problema ng lalaking yun?! Nung una, grabe siya kung protektahan ako tapos ngayon ipagtutulakan niya ako palayo?! Edi sige! Bahala siya sa buhay niya. Minumura mura niya pa ako! Punyeta siya!

Sumakay ako sa pinakalikod ng maramdaman kung umandar ang van. Gusto kung saktan ang sarili ko ng hindi ko napigilang lumingon pabalik.

But what did I just saw made me froze. It was Cyril. Nakikipaglaban siya ng suntukan. But what shock me is not him fighting. It was the blood that's dripping in the side of his stomach.

M-May tama siya?

Kaya niya ba ako pinaalis dahil ayaw niyang malaman kung nahihirapan na siya? Dahil ayaw niyang makita kong may tama siya? Dahil ayaw niyang makita ko na nakikipaglaban siya?

Agad akong humarap kila Michael. "Bumalik tayo, please! Si Cyril! Please go back!" utos ko sa kanila pero ni isa sa kanila ay hindi ako tinignan. Kahit si Lenia.

"Please, guys! Please! He's...he's bleeding. Please, he is bleeding!!" pag kukumbinsi ko parin sa kanila hanggang sa tignan ako ni Michael sa rear mirror.

"I'm sorry, Jade. I'm really sorry but we can't."

Hindi ko na napigilan ang umiyak dahil sa sinabi niya. No! No! Baka anong mangyari sa kaniya!

Patuloy ang pag iyak ko ng makaramdam ako ng yakap. "Jade, please calm down." I know it was Lenia. Maya maya ay yumakap na din sa akin sila Joan at Gray. Umiiyak na rin si Gray habang nakayakap sa akin.

"H-How can I c-calm down!? Please, let's go back!! Please! I'm begging, please! Si Cyril, may tama si Cyril. Pag hindi tayo bumalik, baka anong mangyari sa kaniya!"

Nagmamakaawa kong tinignan si Michael. Kaibigan din nila Cyril! Alam kong hindi nila matitiis si Cyril. Alam ko. "Please Michael." tinignan ko naman si Brent na kahit alam kung umiiwas ng tingin ay nakikinig parin sa sinasabi ko. "Brent."

Tsaka ko naman tinignan si Christian na seryoso ang mukha. Nawala yung Christian na palabiro. "Christian."

Mariing napapikit si Brent at hinampas ang sandalan ng upuan sa harapan niya.

"Damn it! Bahala na! Michael, balikan natin si Mark!"

Kahit na umiiyak ay napangiti parin ako ng biglang kabigin ni Michael ang manibela pabalik. "Just promise me one thing, Jade." Michael said.

"A-Ano yun?"

"Stay in this van. Wag na wag kayong bababa. At kahit anong makita mo mamaya, please, please don't judge Mark so easily." naguguluhan man sa mga sinasabi niya, tumango parin ako.

Mabilis ang pagmamaneho ni Michael at unti unti kung naaaninag si Cyril. Napapalibutan siya ng mga lalaking nakaitim at...at may mga dalang baril.

Hindi ko na naman maiwasang mag alala para sa kaniya. They have guns! Anong laban niya sa kanila?! They have a guns!!

Malakas na prumeno si Michael at agad silang bumabang tatlo. Hindi ko inalis kay Cyril ang tingin ko. Ayaw kong mawala siya sa paningin ko dahil baka pag nalingat lang ako ay baka may mangyari na sa kaniya.

Tahimik ko silang pinagmamasdan hanggang sa makalapit sila Michael sa maraming lalaki na nakapalibot kay Cyril.

Mukha namang nagulat si Cyril ng makita sila Michael. Agad niyang inilibot ang mata na para bang may hinahanap. At tumigil lang iyon ng makita niya ako.

Kitang kita ko ang pangambang sumilip sa mga mata niya. Takot at kaba. Yun ang nakita ko sa mga mata niya.

But I smiled. Kahit sobrang hirap dahil sa nakikita kung kalagayan niya. Namumutla siya at ang puting damit na suot niya ay napuno na ng dugo.

Pero kung tumayo siya sa harapan nila ay parang wala siyang iniindang sakit. Para bang wala siyang tama ng baril. But I know, as his fiancee, nahihirapan na siya. I can see it in his eyes, alam kung tinitiis niya lang pero gusto niya naring matumba.

I know because I love him. And it's so hard so see him in that state.