ATHENA
Pagkatapos naming kumain...I mean, ako pala, bumalik na agad kami sa hotel. Ako lang naman kasi ang kumain, hindi naman kumain si Cyril. Busog pa raw siya eh, ewan ko nga kung bakit siya busog eh hindi pa naman siya nag aalmusal.
Dito kami tumuloy kila sa room nilang lahat. Nakakainis nga kasi kami lang ni Cyril yung nakahiwalay. Ano yun? Plinano?!
Nandito kaming apat ngayon sa kama ni Lenia. Dito kami tumambay habang nasa labas naman ang mga boys. "You're so sweet talaga ni Cyril, girl!"
Natawa ako sa sinabi ni Gary. "We're not the sweetest! Mas sweet pa nga kayo ni Christian kaysa sa amin." nanunudyo kung sagot sa kaniya. Namula naman siya. Tumawa rin si Lenia at Joan sa sinabi ko kaya silang dalawa naman ang tinignan ko.
"You two, may hindi rin kayo sinasabi sa akin eh."
Mukha namang nagulat sila at napatigil sa pagtawa. Sabi na eh! "I don't have something to say." naunang saad ni Joan at sumunod naman si Lenia. "Ako rin."
Nagsalubong ang kilay ko sa sagot nila. Mga impaktita! Saakin pa magtatago!
"Talaga lang ahh.." bulong ko at nag isip ng paraan para mahuli silang dalawa.
Alam ko na!
Tumingin ako sa pintuan at agad na tumuro doon sabay sabing, "Oy si Michael at Brent oh!"
At ang dalawang sinungaling, ayon naglingunan. Hahaha! Huli kayo!
Ng makita nilang wala naman talaga si Brent at Michael ay masama nila akong tinignan. I chuckled because of their reaction. Ano ha?!
"Pagsisinungaling pa kayo sa akin?"
Sabay silang napaiwas ng tingin at napalabi. Tsk! "Ano na? Kwento na dali!"
Napabuntong hininga si Lenia at siya ang unang nagsalita. "Oo na, oo na! Naiinis kasi ako kaya hindi pa ako nakakapagkwento sayo." she stopped for a second. "Bwesit kasing Brent yun! Napakamanhid! Hindi man lang ba niya maramdaman na gusto ko siya! Ang tagal tagal naming hindi nagkita tapos ngayon na magkasama na kami, parang wala parin ako sa kaniya! Hindi man lang siya gumagawa ng move! Aishh! Nakakainis talaga! Kung hindi lang nakakahiya na babae na ang manliligaw, matagal ko na siyang niligawan!"
Hindi lang ako ang napanganga sa sinabi niya. Kaming tatlo! Alam ko naman kasing may gusto siya kay Brent pero hindi sumagi sa isip ko na ganito na pala kalalim. Like what the! Handa siyang ligawan si Brent?! Siya!? Siya ang manliligaw!
"My goodness, girl! I think you need to move on!" maarteng sabi ni Gary kaya nakatanggap siya ng batok kay Joan. "Manahimik ka na nga lang diyan."
"Kaya ayaw kung magkwento sa inyo eh! Nakakahiya!" ani Lenia at nagtakip ng mukha. Nakanganga naman akong napailing at nilipat ang tingin kay Joan.
"Eh ikaw? Ano namang drama mo?"
Kunot noo siyang tumingin sa akin. "Kailangan ko ba talagang sabihi-"
"Magsasalita ka o magsasalita ka?" taas kilay kung tanong.
Wala siyang nagawa kundi ang mapabuntong hininga at magkwento. "Ganito kasi yun...teka paano ko ba kasi sisimulan.."
She sighed again. "Hindi ko kasi maintindihan si Michael. Minsan sweet siya, minsan naman parang wala siyang pakialam. Minsan ang kulit kulit niya, minsan ang tahimik niya. Basta ang gulo niyang kasama! Tapos kahapon...nung natutulog ka, napaaway siya. Doon ko lang nakita ang bayolenteng Michael. As in, hindi ko talaga siya nakilala nun. Imbes na magpakumbaba siya, siya pa mismo yung naghamon ng away. Parang hindi si Michael. Kasi diba, tahimik lang si Michael at parang palaging walang pakialam sa sarili kaya hindi ko talaga alam kung paano ko siya pipigilan kahapon. Buti na lang may mga dumating na pumigil sa kaniya."
What?! Si Michael napaaway?! Parang napakaimposible naman nun! Yung piping yun, napaaway?! Wow! Magugunaw na ba ang mundo?
"Sigurado ka bang hindi ka nananaginip?" natatawang tanong ni Lenia. "Right, girl! Parang imposible naman yata yang kwenekwento mo!" dagdag naman ni Gary samantalang napailing lang ako.
"Totoo nga kasi yun! Pati nga ako nagulat diba!"
Sinunod kung nilingon si Gary. "Eh ikaw? Akala mo nakatakas ka na nu. Hindi! Magkwekwento ka din!"
Nagulat naman siya sa sinabi ko pero nagsalita parin siya. Dapat lang, hindi siya makakatakas sa akin. "If tungkol yan kay babe Christian then wala kayong maririnig sa akin. We're just being sweet to each other, no more no less, okay? Or in short, we're just magkaibigan."
Agad na kumunot ang noo ko sa sinabi niya. A girl and a boy can never be friends. It's either yung babae ang mahuhulog o yung lalaki.
"Liar." bulong ni Lenia. "Kung ganon pala ang magkaibigan di sana kinaibigan ko na rin agad yung crush ko para sweet kami sa isa't isa." sarcastic na sabi ni Joan.
Umirap naman ako sa kaniya. "Friend my ass! Tell us the truth or I'll cut your tounge." pananakot ko pero parang wala lang sa kaniya yun. "As if kaya mo naman, girl! And I am telling the truth! Hindi ko nga si gusto!"
Impossible! Halata naman na kasi sa kaniya bakit pa niya itatanggi. "Whatever, Gary. Kung hindi ka aamin then don't." pagsusungit ko tsaka siya ulit inirapan. She frown and crosses her arms on her chest. "I really don't like him. He's a playboy. Oo, maybe he's my crush pero hindi na sosobra doon. Trust me, guys. I'm telling the truth."
Sinusubukan kung hulihin siya sa mga mata niya pero hindi ko magawa. Is she really telling the truth?
"Kung totoo nga yang sinasabi mo, then bakit ang sweet niyo sa isa't isa?"
She shrugged. "Sinasabayan ko lang naman siya eh." she looked at Joan. "You know me, Jo. Ayaw na ayaw ko sa mga playboy. I bet he breaks a hundred hearts of a women already."
Nagulat naman kami ng bigla siyang batukan ni Lenia. "Grabe mo naman husgahan si Christian! What if he already stops being a playboy and he changes because of you?"
Gary caress her head and sighed. "Girl, you know, a playboy will always be a playboy and Christian is no different from that."
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Is she really Gary, our friend? "Tell me, did a playboy broke your heart from the past?"
Natigilan siya at napatingin sa akin. Kahit sila Lenia at Joan ay natigilan sa tinanong ko.
Gary open her mouth to speak but no words came out from it. She closes it again and just shakes her head and change her gaze. Umiwas siya ng tingin sa akin at kahit kila Lenia at Joan ay hindi siya makatingin.
Did I got her?
Nalipat ang tingin namin sa pinto ng bumukas yun. It's Christian. "Girls, magready na kayo. Uwi na tayo maya maya. And Jade, tawag ka nga pala ni Mark. Punta na raw kayo sa room niyo." tumango ako sa sinabi niya. Nilingon ko saglit si Gary at nakayuko siya. Muli akong tumingin kay Christian at kunot noo na siyang nakatingin kay Gary.
"Babe? Are you okay?"
Nagmamadaling tumayo si Gary at sumagot ng hindi man lang tumitingin kay Christian. "Y-Yes. Oo naman. Banyo lang ako saglit." sabi niya at agad na pumasok sa bathroom.
Nakakunot parin ang noo ni Christian but he just shrug his shoulder. Tumingin siya sa akin. "Tara na, Jade. Baka magalit sa akin si Mark pag hindi pa kita kasamang lumabas."
Tumayo na rin ako at sumunod kay Christian. Cyril immediately meet my gaze pagkalabas na pagkalabas ko pa lang. "Kanina ka pa ba diyan?"
He shakes his head. "Nope." he answered emphasizing the 'p'. "Let's go."
.....
Binagsak ko ang katawan ko sa kama ng makarating kami sa room namin. Nilingon ko si Cyril ng marinig ko siyang tumawa. "Why?"
Umiling siya at umupo sa dulo ng kama. Lumuhod naman ako at lumapit sa kaniya. "Anong oras tayo aalis?"
He glances at the clock. "One o'clock." he answered.
Ako naman ang tumingin sa orasan. 11 pa lang, pakapag aayos pa kami. "I'll just take a bath tapos sunod ka na lang sa akin." saad ko pero kumunot ang noo ko ng ngumisi siya. "It's a waste of time, love. Why don't we take a bath together?"
I froze. Ramdam ko ang dahan dahang pag init ng pisngi ko. I immediately covered my face so he can't see me blushing. "Shut up!" malakas na sabi ko at tumayo na agad. Tumakbo ako papuntang banyo ng hindi man lang siya tinitignan.
Napasandal ako sa pintuan ng bathroom dahil sa pag init ng pisngi ko. Hindi ko maiwasang mapalunok. Aish! Bat ang init?! Pinaypayan ko ang sarili ko dahil sa sobrang init. Pero mas lalo lang akong pinagpawisan ng marinig ko ang tawa niya.
"I'll just put your towel here." halata sa boses niyang nakangisi siya ngayon. Napatigil ako at agad na nilock ang pinto ng banyo ng marinig ko ang pagtunog ng doorknob nito.
Mas lumakas naman ang tawa niya. "Ok, ok! I'm not going to enter. Sinasabit ko lang itong towel mo."
I rolled my eyes. "Whatever, Cyril. Lumayo ka nga sa banyo!" ani ko. Mukha namang lumayo na nga siya kasi humina na sa pandinig ko ang tawa niya. Ang lalaking yun talaga!
Mabilis akong naligo at nagtoothbrush narin. Paano ko kukuni ang towel ko?! Geez, siguradong nasa labas lang si Cyril! Bahala na nga, bibilisan ko na lang.
Binuksan ko ng maliit ang pintuan, yung kakasya ang kamay ko. Tsaka ko nilusot ang kamay ko doon at agad na kinuha ang towel. And fortunately, nakuha ko naman agad. Sinara ko ulit ang pinto at nilock iyon. I wrapped the towel around my naked body. Sinigurado kung hindi ito mahuhulog at hinigpitan ko talaga ito. I sighed before opening the door. Mahigpit ang kapit ko sa towel na para bang may aagaw nito sa akin. Well, mabuti na yung sigurado.
Dahan dahan akong lumabas ng banyo. I roamed my sight around. Wala si Cyril?
Kumuha ako ng damit ko. Pants and plain oversized shirt. I firstly wore my undergarments and was about to wear my pants ng biglang bumukas ang pinto. Agad akong tumingin doon at...
"Ahhhhhh!!"
"I'm sorry! I'm sorry! I'm sorry!"
Pinulot ko ang towel at itinakip ito sa katawan kung undergarments lang ang suot. "Get out!" sigaw ko sa kaniya at agaran niya namang isinara ang pinto.
I was breathing hastily habang mahigpit paring hawak ang towel. It was Cyril! Siya ang nagbukas ng pinto! Geez, hindi niya ba alam kumatok!
Dahil sa nangyari ay mas binilisan ko ang pagbibihis. I already finish wearing my clothes without a minute. My gosh! Nakakahiya talaga! Did he saw something?! What if he did? My goodness! Paano ko haharapin si Cyril nito?!
"Done already?" nalipatang tingin ko sa pinto ng marinig ko ang boses niya. Bahala na! "Y-Yeah."
Dahan dahan kong narinig ang pagbukas ang pinto pero umiwas ako ng tingin doon. Nagpanggap akong tinutuyo ko ang buhok ko para makaiwas ng tingin sa kaniya.
"Ahm...I'm...I'm sorry." he whispered. Geez! What should I say? Dahil hindi ko alam ang sasabihin, tumango na lang ako sa kaniya ng hindi parin siya tinitignan.
"I'll just take a bath." muli niyang sabi at narinig ko naman ang pagbukas at pagsara ng pinto ng bathroom.
Doon ako nakahinga ng maluwag. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin! He just saw me almost naked!! Geez!!!
I wrapped my hair with the towel. Kinuha ko ang luggage ko. Mag aayos na nga lang ako ng gamit para kumalma naman ang isipan ko.
Inayos ko ang damit ko, mga gamit ko at iba pang dapat ilagay sa maleta ko. Maybe I should arrange his stuffs too.
Kinuha ko rin ang maleta niya at binuksan yun. Pero agad lang na nanlaki ang mata ko at sinara ulit yun dahil sa bumungad sa akin. It's his underwear! Ano ba kasing iniisip mo, Jade at pati gamit niya papakialaman mo pa!?
Binalik ko na lang ang maleta niya at hindi na yun pinakialaman. Goodness! Ang daming nangyayari ngayong araw! My innocent mind is already corrupted!
Umiling na lang ako. I try to divert my mind when I heard something beeped. Hinanap ko ang pinaggalingan nun at phone ni Cyril ang nakita ko. It was turned on. Kinuha ko yun at nagulat ako ng mukha ko ang bumungad sa akin. I'm his wallpaper!
Kahit nagulat ako na ako ang wallpaper niya, hindi ko na lang yun pinansin. Someone message him. I open the message and it's from an unknown number.
From: 09...
/Just a warning Black. Take care of your girl./
Kinilabutan ako sa nabasa. I don't know why. And whose Black? Teka, baka naman nawrong send lang to o kaya spam. But the text give me chills. Nagtaasan ang mga balahibo ko at bigla ako kinabahan. Ewan ko ba. The text give me some impact!
Mas lalo lang akong kinilabutan ng maaalala ko ang mysterious caller ko nung gabing doon kumain sila Lenia sa bahay. Is this two connected? O baka naman kung ano ano lang ang iniisip ko?
I took a deep breath and calm myself down. I also deleted the message. Baka naman nawrong send lang talaga yung sender. Sabi niya kasi Black, sino naman yang Black na yan?
I shakes my head and put Cyril's phone down. I'm just thinking too much.
Tinanggal ko na lang ang towel sa buhok ko at sinuklay ito para mas mabilis na matuyo. Ng medyo hindi na ito basa at hindi na tumutulo, sinunod ko namang ayusin ang itsura ko. I put some powder and just a light pink lipbalm. Hindi ko naman hilig ang magmake up tulad ni Alexa. Oh and speaking of Alexa, I already miss that bitch! Parang bumabait kasi ako pag hindi ko siya nakakaaway.
I stilled when I heard a door, opening. Mukhang tapos ng maligo si Cyril. I need to go out! Tumayo ako at plano na sanang lumabas ng magsalita siya. "Where are you going?"
Hindi ko siya nilingon. "Outside. Magbibihis ka pa." sagot ko ng hindi siya tinitignan. I heard him chuckled. "Why do you need to go outside if you can stay here?"
Napanganga ako at nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ayaw niya ba akong lumabas? Does he wants me to stay here while he wears his clothes?! No way!
"A-Ano bang pinagsasabi mo diyan!? I'm going out!" may inis sa boses ko at pinahalata ko yun sa kaniya. Pero ang loko, tinawanan lang ako. Bat ba siya tawa ng tawa? Mukha bang nagjojoke ako?!
"Calm down, baby. I'm just lifting the atmosphere. Para kasing ang serysoso mo. I'm already clothed, okay?"
Nagdadalawang isip pa ako kung maniniwala pa ako sa kaniya pero sa huli ay nilingon ko parin siya. Hays! Buti naman at nakabihis talaga siya! Bat ba kasi hindi niya na sinabi kaagad kanina?! Asar talaga!
I rolled my eyes and sitted on the bed. "Mag ayos ka na rin ang gamit mo. It's already 12, baka hinahanap na tayo nila Lenia." masungit kung sabi sa kaniya.
Muli akong umirap ng mag salute siya sa akin. "Yes, madam." sarcastic akong napatawa sa sinabi niya.
Hindi ko na lang siya pinansin. Really? I never thought that a cold and emotionless Cyril can be this irratating! Aish! Pakiramdam ko tatanda ako ng maaga pag siya palagi ang kasama ko!
....
"Finally! Ang tagal niyo ha!" bungad sa amin ni
Christian ng makita namin siya sa parking lot. Mukhang nasa loob na yung iba. Nilagay ni Cyril sa compartment ang gamit namin at muling bumalik sa tabi ko.
He possessively wrapped his arm around my waist. Hindi ko maiwasang mapangiti. Kung hawakan niya kasi ako parang may kukuha at hihila sa akin palayo sa kaniya.
"Let's go." he said, coldly. Then guided me inside his car. Kita ko rin pumasok na sa van si Christian and Cyril turn around to go inside the driver seat.
Ng makapasok siya, he instantly opened the engine and starts driving. Pinauna niya sila Christian habang sumusunod naman kami sa kanila. We stayed silence. Walang nagsasalita sa amin. Sumilip na lang ako sa labas para hindi na madagdagan ang awkwardness.
"Athena..."
Nilingon ko siya ng tawagan niya ako sa second name ko. My once hated name. "Yes?"
A smile creep into his lips. Sumagot siya kahit hindi tumitingin sa akin. "Did you enjoy our stay there?"
Ngumiti rin ako at tumingin sa harapan. "Yes, of course, I did." pinahalata ko ang saya sa boses ko. "And that place will always be memorable for me. Doon kasi tayo nagkaaminan and doon natin ginanap ang pre wedding natin. I enjoyed every moment there, with you."
Nagulat na lang ako ng may biglang humawak sa kamay ko. I look at my hand then to Cyril. He's holding my hand tightly. "I enjoyed every moment too. And it's all because of you."
Hindi man siya nakatingin sa akin, ramdam ko parin sa boses niya ang sincerity. Pinatong ko ang isa kung kamay sa kamay niyang nakahawak sa akin. He look at me for a second pero binalik niya rin ang tingin agad sa kalsada. "Thank you. For coming into my life."
Naramdaman kung humigpit ang kapit niya sa kamay ko. He squeeze it tighter. "And thank you too. For being my soon to be wife."
Namasa ang mata ko sa sinabi niya. Hanggang ngayon, hindi parin talaga ako makapaniwalang nangyari ito sa amin. Life really knows how to twist everything. Just imagine, dati kung kaaway, ngayon minamahal ko na. How cliche!
Saglit kaming nanahimik hanggang sa maramdaman kong mas lalong humigpit ang kapit sa akin ni Cyril. I gaze at him and I saw how he swallowed. "Cyril?"
Hindi niya ako sinagot. Hindi niya rin ako nilingon. Mas humigpit lang ang kapit niya sa akin. Kumunot ang noo ko. "Hey, what's wrong?"
Umiling siya. "Just hold on tight. Wag na wag kang bibitaw sa akin." seryosong saad niya. Mas kumunot ang noo ko at nagsalubong ang kilay ko. Ano ba talagang nangyayari?
Napakapit nga ako ng mahigpit sa kamay niya ng biglang bumilis ang takbo ng sasakyan namin. Ilang beses siyang bumusina at nakita ko na lang na bumilis din ang takbo ng van na sinasakyan nila Christian.
Bumilis ang tibok ng puso ko sa nangyayari. I started to panic and my hands are sweating. Gusto ko sanang bumitaw sa kaniya kasi nakakahiya dahil namamawis ang kamay ko but he didn't let me.
What the hell is happening?!
"Cyril, ano ba kasing nangyayari? You're scaring me!" kinakabahan kung tanong sa kaniya. Natatakot na ako at hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay may mangyayaring hindi maganda.
"Don't be scared, baby. I'm here, nothing's going to happen." he whispered. At parang gamot ang mga sinabi niya dahil pinakalma ako nito.
"Can you get my phone and dial Michael's number?" sabi niya at agad ko naman yung sinunod. Binuksan ko ang phone niya at dinial ang number ni Michael. Without three rings, he answered.
'Mark...' sagot nito sa seryosong boses. Naguguluhan ako sa nangyayari pero kumapit na lang ako kay Cyril ng mahigpit.
And with Cyril's dangerous, serious and scary voice, he answered,
"Diablos."