CYRIL
"Forgive me, love. Please forgive me..." I'm so sorry for being to coward.
"I hope someday I will have the courage to tell you how I really feel. Just not now, my love. Not now" I added. She starts to calm down. Pinunasan niya ang luha sa mata niya bago niya ako itinulak palayo.
I push myself up and look at her. Tumayo siya mula sa pagkakahiga at lumabas ng room namin ng hindi man lang ako nililingon.
Damn!
Umupo ako sa dulo ng kama. I grip my hair out of frustration. This should be a vacation but what the hell just happened?
"Argh!" what now, Cyril?! Ano ng gagawin mo?!
"She won't leave me, right?" pagkakausap ko sa sarili ko. This is crazy. Nababaliw na talaga ako.
But what if she leaves me? Paano kung ipatigil niya na ang kasal? Fuck! What will I do?
"Hindi ko alam. Hindi ko na alam ang gagawin" I whispered. Akala ko masakit ng hindi ko masabi sa kaniya ang totoo pero mas masakit palang isipin na baka iwan niya ko ng tuluyan.
I feel like my heart's being torn by pieces. That someone just pierced my heart. It damn hurts!
Hindi ko alam na aabot pala kami sa ganito. At first, I just care about her and protect her. Hanggang sa lumalim ang nararamdaman ko sa kaniya. Just one day, I wake up and realized that I already fell for her, hard. She's the one who bring back my smile. She can make me laugh. She can bring out the emotion inside of me.
But what can I do? She doesn't even know that I love her.
Fuck this life!
LENIA
Hayss! Kamusta na kaya yung dalawa? Mukha kasing hindi sila okay. They look good together at mukha namang hindi sasaktan ni Mark si Jade kaya komportable ako na siya ang mapapangasawa ng best friend ko.
Baka anong magawa ko sa kaniya pag sinaktan niya si Jade. I really hope maging okay na sila.
Magkakasama nga pala kami sa iisang room pero may dalawang kwarto. Maluwang namang parehas kaya girls yung kabila at boys naman yung isa. We really planned to separate the two. Mas gusto kasi naming makilala nila ang isa't isa. We all agreed kaya nga sana maging okay na sila.
I sigh. "Hey," lumingon ako sa gilid ko kung saan nakaupo si Brent, by the way nasa couch kaming parehas. "ano bang iniisip mo? Kanina ka pa bumu-buntong hininga ah" again, I sigh.
"Kasi naman yung dalawa. They doesn't look okay. Sa tingin mo magkakabati rin sila agad?" I asked. Agad siyang tumango. "Of course! Kilala ko si Mark. Alam kung hindi niya hahayaang magalit sa kaniya si Jade" confident niyang sagot.
"Sana nga..." ewan ko ba kung bat nag aalala ako. I just don't feel right. Para kasing mag mali.
"Don't worry too much. Mag pahinga ka muna, alam kong pagod ka sa biyahe natin" he said then hold my hand. Agad akong yumuko at iniwasan siya ng tingin. I'm blushing! Alam kung pulang pula na 'ko at nakakahiya kung makikita niya. Aasarin niya na naman ako!
"Si-Sige. Pasok m-muna ako sa kwarto na-namin" ano ba Millenia! Umayos ka nga! Bat ka nauutal diyan?!
Hindi ko na siya hinintay na sumagot, agad na akong tumayo at hinila ang kamay ko. Nakakahiya! Nakakahiya! Nakakahiya!
Brent naman kasi eh! Bat kailangan mong gawin yun!?
Pumasok ako ng kwarto namin. Wala roon si Joan at Gary. Ang naaalala ko, nagpaalam sila kanina na maglalakad lakad raw. Ewan ko ba sa dalawang yun eh ang init init kaya. Bahala sila.
Humiga ako at balak ba sanang matulog ng may biglang nagbukas ng pinto.
"Lenia! Millenia!" what the hell? Sino naman yun!?
"Lenia! Gising, dali!" hinila ako ng Joan at Gary paupo sa kama. "Ano bang problema niyo dalawa?!" I asked.
Hinihingal silang tumabi sa akin. Ano na naman bang ginawa ng dalawang 'to? At saan sila galing?
"S-Si..." halos hindi makapagsalita si Joan dahil naghahabol siya ng hininga. Ganon din si Gary.
"What? Sino?"
"Si J-Jade..."
Agad na nagpanic ang buong katawan ko ng marinig ko ang pangalan ng best friend ko. Hinawakan ko sa balikat si Gary at niyugyog siya. "What happen?! Tell me, Gary! Anong nangyari?!" mabilis kung sabi. Hindi naman siya sumagot. "Ano ba! Gary, sagot!" dagdag ko habang niyuyogyog parin siya.
"W-Wait lang ka-kasi!!" sigaw niya at tulak sakin. "Gosh! Nahihilo ako! I want to vomit!" sigaw niya ulit at pumasok sa restroom sa loob lang rin ng room namin.
Hala! Nasobrahan yata ako sa pagyugyog sa kaniya.
"Ganito kasi yun, Lenia. Naglalakad kami sa may gilid ng beach kanina ng bigla naming nakita si Jade na tumatakbo palabas ng hotel. And she doesn't look good. Parang nag away yata sila ni Mark" biglang sabi ni Joan. Nilingon ko naman siya at nakinig sa kwento niya.
"Tatawagin kaso namin siya pero nakita niya na kami. Dapat lalapitan na namin siya ni Gary ng bigla siyang umiling at tumakbo ulit. Nag aalala kami ni Gary kaya tumakbo agad kami paakyat dito sa hotel room natin. God! Nakalimutan na nga naming may elevator pala eh!" frustrated na dagdag niya. Kaya pala parang hingal na hingal sila. Mga tanga naman kasi, naghagdan pa eh may elevator naman. Jusko!
Pero-
Si Jade!
Tumayo ako ng kama at walang sabi na lumabas ng kwarto namin. Nakita ko yung tatlong boys sa may sala, mukhang may importante silang pinag uusapan.
Ayaw ko namang makichismis kaya kinuha ko muna ang atensiyon nila. "Guys!" napatigil naman silang tatlo.
"Si Margarette/Joana?" sabay na tanong ni Christian at Michael. Langya! Napaghahalataan ah!
"Mimi, ano bang nangyari sa dalawang yun?" tanong naman ni Brent. Tumabi ako sa kaniya. "Si Jade daw nakita nilang tumatakbo palabas ng hotel" mahinang sagot ko pero sinigurado kung maririnig nila.
"What?!" sabay na sabi ni Christian at Brent. Umirap ako sa kanila. "Dalian niyo na diyan! May nalalaman pa kayong what what!" nanggigigil kong sagot at lumabas ng hotel room namin.
Katabi lang namin ang room nila ni Mark kaya agad akong kumatok doon. Naka ilang katok pa ako bago bumukas ang pinto.
"L-Lenia..." si Mark ang bumungad sakin. He look bothered. Kita ang stress sa mukha niya. Mukhang nagtalo nga sila ni Jade.
"Mark, si Jade?" agad na tanong ko. He stared at me for a second bago siya umiling. "She came out" matamlay niyang sagot.
Nagsimula na namang magpanic at mag isip ng kung ano ano ang isip ko. Why do I feel so wrong?
Kahit gusto kung magwala, pinakalma ko parin ang sarili ko. "Sinabi niya ba sayo kung saan siya pupunta?" kalmadong sagot ko. And again, he shakes his head. "No" wala paring gana na sagot niya.
"Hindi mo man lang ba tinanong kung saan siya pupunta?"
"Hindi"
"Wala ka naman palang kwentang fiancé eh!"
Natahimik siya. "Mimi!" tinignan ko si Brent. Hindi maganda ang expression ng mukha niya.
Then I realized...
Shit! Shit! Shit! Bat ba kasi ang daldal ko?!
"I'm sorr-"
"It's fine. After all, you're right" akala ko magagalit siya o kaya'y titignan niya ako ng masama. But what he did was far of what I've imagine.
He lowered his head and go back inside their room.
What the hell is wrong with him?! Wala ba talaga siyang plano na hanapin si Jade?
Sinundan namin siya sa loob. Balak ko sana siyang batukan ng matauhan man lang ng bigla siyang humarap sa akin.
Nagulat pa ako kaya napaatras ako. Akala ko nga matutumba ako, buti na lang andiyan si Brent at nasalo niya ko.
Kunot noo siyang titingin sa akin tapos inilipat niya ang tingin niya kay Brent. Si Brent lang kasi ang sumunod sa akin.
Akala ko, titingin ulit siya sa akin pero hindi. Lumampas ang tingin niya kay Brent, sa likod namin siya nakatingin.
Lumingon rin ako at nakita ko sila Gary at Joan kasama sila Christian at Michael. Kaya pala. Sila ang tinitignan niya.
"J-Joan? G-Gary?" mababakas ang gulat sa boses niya. Oh anong nangyari sa kaniya?
"I thought you're w-with Athena..." he added. "No, Mark! We saw her running kanina outside. She look so bothered. What happen ba sa inyo?" Gary answered.
Saglit na natigilan si Mark bago ko siya marinig na magmura. Malulutong at magkakasunod na mura.
"Fuck! Fuck! Fuck!" malulutong na mura niya bago siya muling bumaling sa amin.
"Lenia, stay right here with Joan and Gary-"
"Brent" he looked at Brent.
"Christian" he looked at Christian.
"Michael" he looked at Michael.
"Follow me." this time, bumalik na yung dating Mark. Walang emosyon ang mukha at boses niya but he looks scary at the same time.
Kahit ako, agad na napatango sa sinabi niya. Nakakatakot siya.
Lumabas silang mga boys ng room. Hindi ko alam kung saan sila pupunta o kung anong gagawin nila but I should obey Mark lalo na't nakakatakot siya talaga.
"Ano ng gagawin natin dito?" I asked.
"Hindi ko alam."
"Aish! Me too!"
I sighed. Wala man lang ba kaming maitutulong para hanapin si Jade?
CHRISTIAN
He's back. The Mark Cyril Romero that we know. The leader of Killa Maffia. The ruthless and cold-hearted Black.
Kahit ako, kinakabahan na sa kaniya. Matagal na panahon na ng makita ko ang ganitong emosyon sa mukha niya. Tingin palang at tindig niya nakakatakot na. Masamang galitin si Mark. May dahilan kung ba't kami ang nasa pinakamataas na posisyon ng Underground World. Hindi basta basta ang Killa Maffia. We may look innocent outside but we're merciless inside.
Gago ako, inaamin ko yun pero pag nagseryoso rin ako umaatras ang mga kalaban ko. Ganon din kay Brent at Michael pero iba kay Mark. Kaya niyang gawin lahat ng na-master namin. He can track, plant bombs, use an arrow and bow and use a different kind of swords. Walang wala kami sa kaniya. Kayang kaya niya silang harapin lahat but we won't left him. Nandito kami sa tabi hindi bilang kamembro ng Killa Maffia kundi dahil kaibigan namin siya.
Tumigil ako sa paglalakad ng huminto rin sila. Nilibot ko ang paningin ko. Nasa harap namin ngayon ang isang-
"Teka! Kailan pa tayo nagkaroon ng headquarter sa resort namin?!" gulat kung tanong. Jusko ko naman! Paano ito naitayo dito ng hindi ko man lang alam?!
Kung gago ako pwes mas gago ang mga kasama ko. Hindi man lang ako sinagot! Pag nalaman 'to nila Mommy paniguragong pat-
"Don't worry. Your parents won't know this" Michael answered. Teka lang ulit! "Ako lang ba yung walang alam na may HQ na pala sa resort namin?" the two of them nod. Si Mark lang ang hindi. He's still emotionless. Para ngang wala kami sa paligid niya.
When Mark starts walking inside, we followed him. What the heck!? This place is amazing! Kumpleto sa gamit. Parang yung main headquarter rin namin.
"What's the plan?" Brent asked. Umupo siya sa couch na nandoon. Sumunod rin kami pero nanatiling nakatayo si Mark. Malayo ang tingin niya at hindi kumikibo. He's damn scary!
Walang sumagot. Nakayuko lang kaming lahat at walang kumikibo. Walang gustong magsalita. Because one wrong word from us can make Black angrier.
"Diablos" I raised my head when he finally spoke. Diablos? What's with them?
"They're here"
"What?!" n-nandito sila? Pero bakit?! Ano namang gagawin nila rito? Wala naman silang mapapala sa amin.
Wait! Hindi kaya-
"They planned to kidnap them"