Chereads / Killa Maffia Series 1: You And I / Chapter 33 - No Breeding At All

Chapter 33 - No Breeding At All

ATHENA

Iminulat ko ang mata ko at nasa daan parin kami. Teka anong oras na ba? "Love, anong oras na? Matagal pa ba tayo?" I asked, sleepy. "It's just 7 in the morning, love. Medyo malapit lapit narin naman na tayo" two hours na pala kong nakatulog. Si Cyril kaya hindi inaantok? Mas nauna pang nagising sakin yan eh.

"San daw ba yung resort sila Christian?" tanong ko. "In Pangasinan" woah, it's my first time na pupunta ng Pangasinan. Lumingon ako sa labas at puro field ang nakikita ko. Siguro ang fresh ng hangin dito. Puro greens eh. 

"Love, want to stop over? May madadaanan tayong 7/11. Want to eat first?" napalingon ako ng Cyril ng banggitin niya ang 'eat'. Geez! Gutom na nga ako! "Yes, please" ngiti naman ang sinagot niya sa akin hanggang sa makakita na ako ng mga building sa nadadaan namin at natanaw ko na nga ang store. Nagugutom na talaga ako.

Cyril stopped the car in front of it. Hindi ko na siya hinintay na buksan ang pinto. Eh sa gusto ko ng bumaba at nagugutom na ako. "Too hungry?" I nod as I pulled him inside. 

Uunti pa ang tao sa loob. Puro naka uniform at mukhang mga bumibili ng breakfast. Wala akong balak na pagtuunan sila ng pansin pero hindi nakalampas sa akin ang mga bulungan ng tatlong babae.

'Nakikita mo ba ang nakikita ko? Oh gosh! Ang pogi niya, girl!'

'Malamang nakikita ko rin nu! At tama ka nga, ang pogi nga!'

'Hoy may mga boyfriend na kayo! Ipaubaya niyo na rin naman siya sa akin'

'Hahaha sure, girl. Sayo na! Go!'

'Dali! Pakitaan mo kami!'

Agad na kumuyom ang kamao ko. Aba naman talaga! Lintek na mga 'to ah! Eh kung paguntog untugin ko kaya silang tatlo.

Malandi namang naglakad papalapit sa amin yung isang babae habang excited na nakamasid sa kaniya yung dalawa. Napataas kaagad ang kilay ko ng ilahad niya ang kamay niya sa harap ni Cyril. Aba! Ang kapal ng mukha!

"Hi handsome. Sylvia's the name. How about you?" ako lang ba o talagang pinalandi niya pa ang boses niya?! 

Pupunta na sana ako sa harap ni Cyril para sumagot doon sa babae ng akbayan ako ni Cyril. Nalipat naman ang tingin sa akin nung babae. She scanned me from head to toe! Oh geez! Pinapainit talaga ng babaeng 'to ang dugo ko. Ginawa ko rin ang ginawa niya, I also scanned her from head to toe at nagstop ako sa mata niya. Sinigurado kung makikita niya sa emotion ko ang disgust dahil sa itsura niya.

"I don't care about you. Now, get out of our way" pigil ang tawa ko sa naging sagot sa kaniya ni Cyril. Hahahahaha! Ano ka ngayon!? Eh di nganga ka! "W-What?" she stammered. Oh embarrassed? 

I wrapped my arms around his waist. Nakayakap ako ngayon sa beywang niya. Mas sumama naman ang itsura nitong babae sa harapan namin. "You're beautiful indeed. But no breeding at all. Oh and please move. You're wasting our time" boring sa sabi ko sa kaniya. Wala siyang nagawa kundi ang umiwas. Dapat lang, kanina pa kaya ako nagugutom dito. Baka makaladkad ko pa siya palabas dito kung hindi siya gigilid.

"Tara na nga, love. Ang aga aga umiinit agad ang dugo ko" sabi ko at hinila na si Cyril. I heard him chuckled. Tinaasan ko siya ng kilay. "Anong tinatawa mo diyan?!" mas lalo siyang natawa sa sinabi ko. "You're clingy when you're jealous" umirap ako sa kaniya. Bwesit na lalaking 'to. Ngayon pa nagawang magbiro kung kailan nagugutom ako!

At anong jealous?! Sino naman nagsabi sa kaniyang nagseselos ako! Hindi ahhh!

Tsk! Pigilan niyo ko baka di ko matansya 'to at ano pa ang magawa ko!

Padabog akong kumuha sa cup noodles na naka display at iniwan siya doon. Bahala nga siya sa buhay niya! Wala na ang tatlong babae kanina. Tsk, buti naman! Kukuha na sana ako ng pera sa wallet ko ng may naglagay pa ng isang cup noodles doon at nagbigay ng pera.

"Dito na po bang dalawa, sir?"

"No-"

"Yes" Lumingon agad ako sa kaniya. "I can pay for my own" sabi ko. He stared at me back. "I know but I insist" napairap na lang ako.

Ng matapos siyang magbayad ay kinuha ko na agad yun akin. Gutom na talaga ako kaya bahala siya diyan. Nilagyan ko ng mainit na tubig ang cup noodles tsaka ako naghanap ng mauupuan. Nakahanap naman ako kaagad kasi wala pang katao tao dito.

Hindi ko maiwasang hanapin siya. Nilalagyan niya ng mainit na tubig yung cup noodles niya. Nakatitig lang ako sa likod niya ng bigla siyang humarap. Agad akong yumuko.

Geez! Sana di niya nakitang nakatitig ako sa kaniya!

"Love..." hindi ko itinaas ang tingin ko kahit alam kung nasa harapan ko na siya at nakaupo. Bat parang naiilang yata ako? "Hey, love. I'm sorry" he says sorry! This is rare! Bahala na nga, di ko rin naman siya kayang tiisin.

Tuluyan ko na siyang tinignan. "F-For what?" I asked. "About teasing you a while ago" parang ang babaw naman yata kung magagalit ako sa kaniya ng dahil lang dun. "Forget it" sagot ko.

He, then smiled. I smiled back to him. Iba na yata ang tama ko sa lalaking 'to.

Mga around 30 minutes din siguro ang tinaggal namin doon sa store. Nagstart na ring mag drive si Cyril. Isang oras pa raw ang byahe bago kami makarating. Madali na lang yun kaya hindi na ako bumalik sa pagtulog. Tumitingin na lang ako sa mga nadadaanan namin.

This is my first adventure with him. Hope nothing bad will happen.