Chereads / Killa Maffia Series 1: You And I / Chapter 31 - Where The Hell Are You?!

Chapter 31 - Where The Hell Are You?!

ATHENA

I'm done packing my luggage. Ngayon kasi ang alis namin papunta sa resort nila Christian. We're considering this as a vacation of the barkada.

Pababa na ako ng maalala ko ang nangyari kagabi. That mysterious caller. Halos hindi ako makatulog dahil sa walanghiyang caller na yun. Buti na lang hindi na siya ulit tumawag. I was planning to tell Cyril about that mysterious caller pero hindi ko pa naman kasi siya nakikita rito sa bahay. Ewan ko kung nasaan na ang lalaking yun.

Kinuha ko muna ang phone ko bago ako tuluyang bumaba. I sat in the couch tsaka ko tinawagan si Cyril.

Nag riring pero hindi niya naman sinasagot. Ano ba yan! Asan na ba kasi si Cyril? Maaga pa kami ahh. 4 in the morning na, 5 ang alis namin. Asan na siya?

Sinunod ko namang tinawagan si Lenia.

'Jade, hi! Nakaready ka na ba?'

"I'm done packing my luggage kaso si Cyril kasi..."

'Why? What happen?'

"Hindi ko kasi mahanap si Cyril. I tried contacting him but no use. Hindi niya naman sinasagot."

'Baka naman may pinuntahan lang saglit.'

"Saan naman yun pupunta? Why he didn't even bother to tell me? Nag aalala na ako."

'Wait, let me call Brent. Baka may alam siya.'

"Update me huh."

'Oo, bye muna.'

"Bye"

Binaba ko ang tawag tsaka ko tinitigan ang phone ko. Umaasang tatawag o magtetext man lang si Cyril. Pero pumuti na ang mata ko, wala paring Cyril na tumawag sa akin.

Asan na ba kasi ang lalaking yun!? Lagot talaga sakin yun pag dating niya!!!

Agad akong napatayo ng may kumatok sa pintuan namin. Halos liparin ko ang pagitan namin ng pinto. Baka si Cyril na yan!

Pero bumagsak ang balikat ko ng walang Cyril na bumugad sa akin. Si Lenia, Brent, Gary, Joan, Michael at Christian ang nasa harapan ko. Pilit kong pinigilan ang luhang gustong tumulo sa mata ko.

Asan na ba kasi siya!? Hindi niya ba alam na sobra na akong nag aalala?!

Pabagsak akong umupo sa couch at sumunod naman sila sa akin.

"Wala man lang ba siyang sinabi sayo?" sabi ni Brent. Umiling ako sa kaniya. "He didn't even contact me" mahinang sabi ko. Ano ba naman 'to! Asan ba kasi nagpupunta ang lalaking yun!?

"Damn! Where the hell is he?!" nilingon ko si Michael ng magsalita siya. He also looks frustrated. Ngayon ko lang nakitaan si Michael ng ganyang emosyon. He's so used in hiding his emotion kaya ngayon na nagpakita siya ng emosyon niya, mas lalong nag aalala ako.

I lowered my head as tears starts dripping in my checks. Ayaw ko ng ganito! Hindi ako ganito! Asan ka na kasi Cyril?!

"Jade, wag ka ng mag alala. Sigurado akong okay lang si Mark." pagpapatahan sa akin ni Joan pero parang wala akong naririnig. Si Cyril lang ang nasa isip ko. Bakit wala siya dito? Ehh ang aga aga pa naman ahh! Bat kailangan niyang umalis ng hindi nagpapaalam?

"Mark!!! Fuck you!!" agad kong tinaas ang tingin ko kay Michael ng banggitin niya ang pangalan ni Cyril.

"S-Si Cyril ba yan?" I asked tsaka ako tumayo. He nod before he speak. "You fucker, pinag alala mo si Jade! Here, talk to her. Kanina pa yan hindi mapakali" tsaka niya binigay sa akin ang phone.

"H-Hello?"

'Love...'

Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko ang boses niya. Parang gusto ko siyang hilahin sa telepono at pagsusuntukin! Gago siya!

"Asan ka bang lalaki ka?! Ha!!? Alam mo ba kung gaano ako nag alala sayo?! Akala ko kung ano ng nangyari sayo! Bat di ka man lang nagpaalam sa akin?! Lagot ka talaga sa akin pag dating mo dito! I hate you!! Wag ka ng magpapakita sa akin dahil masasapak t-talaga ki-kita..." my voice cracked before I even finish my sentence. Nagpatuloy na rin ang pagtulo ng luha ko.

'Calm down, love. Okay lang ako. I just checked something important. Wag ka ng umiyak. I'm on my way home.'

"M-Mag iingat k-ka" galit man ako sa kaniya, hindi ko parin siya kayang tiisin. Ewan ko nga kung bakit ganon na lang ako karupok pagdating sa lalaking 'to.

'I'll drive safely. Wag ka na mag alala. Just wait for me and greet me with a hugs and kisses.'

I grimaced. "Suntok at sipa, gusto mo?" I answered. I heard his laugh, ang sarap sa pandinig.

'I prefer hugs and kisses, love'

"Ewan ko sayo! Dalian mo na diyan!" sagot ko. He chuckled before he said the eight letters and the three words that can makes my heart beats crazily.

'I miss you...'

"J-Just be here already. A-And I...I miss you t-too" kinakabahang sabi ko at agad na yumuko. Nag iinit kasi ang pisngi ko at andiyan sila Lenia na nakamasid lang sa akin.

Ako na ang nagbaba ng tawag at binalik ito kay Michael. "P-Pabalik na daw siya..."

"Sabi ko naman sayo, okay lang siya eh" sabi naman ni Joan. I smiled at her. "Oh sige na! Mag ayos na kayo ng makaalis na tayo pagbalik niya. Mag fi-five na! Let's go, let's go!!" maingay na sigaw ni Christian.

Nilapitan naman siya ni Gary. "Baby, tone down your voice" gulat akong napatingin sa kanilang dalawa. Did I heard that right? Did she just called him 'baby'?

Umakbay si Christian kay Gary. "I'm sorry, baby" gulat na gulat man ay hindi ko na lang iyon pinansin. Mukhang ako lang naman ang may hindi alam sa kung ano mang mayroon sa kanilang dalawa eh.

I'm outdated. Nice! Note the sarcasm, please!

Ako agad ang nagbukas sa pinto ng may kumatok doon. And this time, it's him.

Cyril.

"Good morning, love"

Gusto ko man siyang sapakin ngayon ay iba parin ang ginawa ko. I hug him. Tightly.

"I hate you!" sabi ko habang yakap parin siya. Then he hugs back. "You're so sweet" then he chuckled.

Pinalo ko siya sa braso.."Ewan ko sayong lalaki ka! You made me so worried!" I sobbed. "Bat di ka man lang nag paalam sa akin?"

"Hindi ko naman kasi alam na maaga kang magigising. I was planning to be quick but yeah, you just wake up after I leave the house" he answered. "Whatever! Dalian mo na. Mahuhuli na tayo. Nakaayos na ba ang gamit mo?" I asked.

He shyly smile then shakes his head. "Hays! Tara na, ayusin na natin! Mapapagalitan na tayo nila Christian nito eh" sabi ko at hinila siya paakyat ng kaniyang kwarto.

'Tong lalaking 'to talaga! Ang gandang batukan! Hindi pa pala nakaayos ang gamit tapos kung saan saan nagpupunta.

Ng makapasok kami, agad niyang kinuha ang luggage niya at binuksan ito. Nilagay niya naman na ang mga importante na bagay doon. Clothes, sanitary and hygiene items at iba pa. Nakaupo lang ako sa kama niya habang nakamasid sa kaniya.

My brain can't still digest what just happened a while ago. Kanina, hindi ko talaga alam ang gagawin ko. My head is not functioning well and I'm not thinking straight. Hindi ko nga rin alam kung bat nagpanic ako ng ganun. I'm an optimistic type of woman kaya madalang akong magpanic pero kanina, iba talaga eh.

Feeling ko kasi kanina may ma- "Love, are you okay?" napatigil ako ng magsalita si Cyril. Nasa harapan ko siya at malamlam ang mata niya.

I nod. "Okay lang ako. Dalian mo na diyan, I'll just wait you here" then I smile. He smiled back bago bumalik sa kaniyang ginagawa.

Maybe I should stop thinking too much. Kung ano ano ng pumapasok sa isip ko.

Tsaka nangako naman si Cyril eh. Hindi niya ipapahamak ang sarili niya, hindi pwede. Hindi ako papayag.

"Love, I'm done. Tara na?" natigil ako sa pag iisip ng magsalita siya. Hila hila niya ang maleta niya at nakangiti sa akin. His smile hypnotize me. Nakatitig lang ako sa kaniya at hindi siya sinagot.

Until he slowly came near me. Then he kneel para mapantayan ako.

"Are you really okay?" he whispered. I nod. Hindi ko na magawang magsalita. "Talk to me. Please," he added.

"A-Ang gwapo m-mo..."

He froze. Nakatitig lang siya sa akin na para bang nawawalan ako ng ulo. Then he blinks, multiple times. "W-What?" he stammered.

Umiling ako at hinila siya patayo. Tsaka rin ako tumayo at ipinatong sa balikat niya ang dalawang kamay ko. "Sabi ko, my fiancé is so handsome" nakangiti kung sagot at titig na titig sa mata niya.

He stared at me for almost a minute at hindi siya nagsasalita. I don't want to ruin the moment kaya hindi na rin ako sumagot. Then suddenly, he put his arms around my waist and cage me possessively.

"How can your simple words make my heart beats this fast?" that caught me off-guard. Hindi ko inaasahang sasabihin niya yun. Ako naman ang natatameme at siya ang nakangiti.

I can't take that smile! Ang gwapo niya!

"Let's go, love?" he said, still smiling. Wala akong nagawa kundi ang tumango. Nagpahila ako sa kaniya palabas ng kwarto hanggang sa tuluyan kaming nakababa.

"Tara na! Pa-vip kayo eh nu!" sigaw ni Christian sa amin. "Christian..." mahina pero may diin na banggit ni Cyril sa pangalan niya.

"Sabi ko nga boss, tagalan niyo lang. Handa kaming maghintay." sagot nito habang nakapeace sign. Napailing ako. One word from him and Christian instantly retreated. Ano ba talagang mayroon sa lalaking ito?

"Tsk" masama ang tingin ni Cyril sa kaniya bago ako nito hinila palabas ng bahay. Pansin ko lang ah, kanina pa siya hila ng hila. Ibalibag ko kaya tong lalaking 'to? Tss, ang tanong, kaya ko ba?

"Teka lang naman bro! Hinintay namin kayo tapos ngayon iiwan niyo kami dito!" sigaw ni Christian at sumunod na sa amin. Napailing ang mga kasama ko dahil sobrang ingay niya and take note, it's just 5:30 in the morning. "Don't mind that asshole, love. Let's go" bulong ni Cyril bago niya ipulupot sa baywang ko ang braso niya. Geez! What's wrong with the organ inside my chest!? It's palpitating too much and I don't know how to calm it!

Kalmado ang lakad ni Cyril. Buti hindi niya naririnig ang tibok ng puso ko. Ang lakas kasi talaga.

Napatingin ako sa van na nasa harapan namin. I was about to enter when he stopped me. "Oh, bakit mo ko pinigilan?" I ask. He shakes his head. "We're not going to ride that thing. I have my car so why bother to ride another?" he answered. So ibig sabihin..."Hindi tayo sasabay sa kanila?" gulat kung tanong. Alam kaya ng lalaking 'to kung saan yung resort na pupuntahan namin?

"No. I can drive and you're going with me" wala akong nagawa kundi ang tumango. As if I can win against him. Of course, I can but whatever!

Nasa gilid lang pala ng van ang kotse niya. Binuksan niya ang passenger seat kaya pumasok na ako doon. "I'll just get our things" tumango ako bago niya isinara ang kotse. Naghintay ako saglit hanggang sa marinig kung bumukas ang compartment ng kotse niya. Nilagay niya na ata ang gamit namin.

Pumasok na siya sa driver seat at nagstart ng magmaneho. Nauna na palang umalis sila Christian sa amin. "Tinanong mo ba kila Christian kung saan yung pupuntahan natin?" tumango naman siya at nagfocus sa pagmamaneho. 

Itulog ko muna ka- "Rest first. Maaga kang nagising and we still have a long way to go" natawa naman ako. Mind reader na ba si Cyril ngayon? "I was about to do that" nakangiti kung sagot. "Oh" sagot niya then he chuckled. Tumawa ako ng mahina bago ko ipikit ang aking mata.

I yawn as drowsiness slowly eats me.