Chereads / Killa Maffia Series 1: You And I / Chapter 3 - Alexa Swift

Chapter 3 - Alexa Swift

ATHENA

Ng makarating kami sa room ay agad kaming pinagtinginan tsaka sila tumingin sa kamay namin. Agad ko namang nabitawan ang kamay niya tsaka ko na siya iniwan at umupo ako sa upuan ko. Ganon din naman ang ginawa niya. May mga nagbubulungan na naman pero di ko sila pinansin.

I'm tired!

Chenick ko yung phone ko kung anong araw ngayon ang it's thuesday. Vacant pala namin ngayon, buti naman ng makatulog ako.

Yumuko ako sa lamesa tsaka ko isinuot yung headset ko at nilakasan ang volume pero walang effect dahil ang ingay parin nila. Nakakapangkulo ng dugo ha! Sige tignan natin kung mag iingay pa kayo.

Tumayo ako, sinipa ang upuan sa harapan. Enough na para maagaw ang atensyon nila dahil natigil sila sa pagiingay at tumingin sa akin. May mga nagulat, natakot, walang paki at mayroon ring tinignan ako ng masama.

"Can't all of you shut your mouth? Saan ba gawa yang mga bunganga niyo? Sa megaphone? Kung magsidaldal kayo parang ang lalayo ng kausap niyo! But shit!! May magustong matulog dito. Gusto kong matulog kaya pwede ba-no! I should not ask, I should command. Shut the fuck up!" hindi naman ako palamurang tao eh. Yes I'm a bitch and I'm proud of it but hindi ko hilig ang magmura pero they hit the bottom line. Ayaw na ayaw kung naiistorbo ako pag gusto kung matulog and they know that pero sige parin sila kaya ayan.

Nanahimik naman sila pero may bobita talagang ayaw tumigil. They should really stop talking kasi alam nila ang kaya kung gawin pag napuno na talaga ako. Yes, isa ako sa mga kinakatakutan sa buong campus pero itong isang bobitang ito walang takot sa akin. Tsk!

"Hey bitch, just shut up will you? Can't you see, you're disturbing us. Kung sila takot sayo pwes ako hindi. And bakit naman ako mamatakot sayo-ohh wait! Maybe because of your face, nakakatakot nga naman talaga." this is what I'm talking about. Si Alexa Swift, my one and only rival dito sa academy, diko nga alam diyan kung bat kaaway niya ko. Inggit lang yan kasi mas mataas ako sa kanya, sa rank and of course in beauty. I'm more beautiful than her.

"What did you say? I'm disturbing you? Ako nga yung nadidisturb niyo eh. And my face? May problema ka sa ganda ko? Oh baka gusto mong sabihin ko pa sayo kung anong ginagamit kung sabon para naman di ka na naiingit sa akin." nakangisi kung sagot. Pero ano pa nga ba di malamang di siya magpapatalo.

"Sa ganda mo? Where? Why can't I see it? Baka naman kasi ikaw lang ang nakakakita niyang gandang tinutukoy mo." nakangisi na ring sabi niya. Oh I'm loving this show! "Hindi mo talaga makikita, insecure ka eh. But I promise you my dear, maganda talaga ako. Malayong mas maganda sayo." sabi ko at tinalikuran siya. Akala ko titigil na siya but hindi. She did something even worse that my bitchiest side is triggered!

"You witch! At bat naman ako maiinsecure sa tulad mo! And no! I'm one hundred and one percent sure that I'm beautiful than you." sigaw niya and guess what? Sinabunutan ba naman ako ng eskandalosa na 'to.

Hinawakan ko ang kamay niyang nakakapit sa buhok ko tsaka ako umikot para mapaharap sa kaniya at kasabay naman ng pag ikot ko ang pagka ikot rin ng braso niya kaya naman napasigaw siya sa sakit. Hawak ko sa isa kung kamay ang kamay niya habang ang isa kung kamay ay nangangati ng sampalin siya.

Itinaas ko ang kamay ko tsaka balak sana siyang sampalin kaya naman napapikit siya.

Pero agad ko ring binaba ang kamay ko at tinignan siya ng mariin na ngayon ay nakamulat na at bakas ang takot sa mukha.

"Alexa. I warned you. Sinabi kung wag ako diba, binalaan na kita. Wag ako. Wag ako Alexa. Because whatever you do, you will NEVER win against me!" nanggigigil na sabi ko tsaka ko binalibag ang kamay niya hawak ko.

Naglakad ako pabalik sa aking upuan at lahat ng nadadaanan ko ay gumigilid. Alam nilang galit ako kaya mas magandang umiwas na sila.

Like what I said, I can be as good as a saint but I can also be a bitch when I needed to.

Pagtapos ng nangyari between sa amin ni Alexa ay nanahimik ang buong classroom. Buti naman, nakatulog nga ako ng pagkahaba haba eh.

I'm satisfied!

Ng matapos ang klase ay lumabas na ako. Nauna na sakin si Lenia dahil may pupuntahan pa raw siya. Ewan ko ba doon sa babaeng yun, di nagsasabi sa akin.

Saktong nasa pinto na ko ng may makasagi sa akin. Sino naman to?? Hindi ba nya nakikita na may tao. Ang lawak lawak ng daan, masasagi pa ako.

"Hey Mister, ang lawak lawak ng daan pero nakasagi ka pa rin. Base naman sa nakikita ko eh may mata ka. Ano yan? Nabulag ka lang saglit at hindi mo ako nakita?"

"Sorry miss. Teka, diba ikaw si Jade?" kilala niya pala ako kasi ako hindi ko siya kilala. "Paano mo ako nakilala?" I asked. "Famous ka kaya dito sa Academy." that's not new. Marami talagang nakakakilala sa akin dito. Hindi ko nga alam kung bakit kilala nila ako pero ako hindi ko sila kilala. Well, kung ganito ba naman ang gandang taglay mo, talagang sisikat ka but I don't really care kung maraming nakakakilala sa akin. They can call me bitch but I'm sorry hindi ko sila uurungan.

"Sino ka ba?" tanong ko sa kanya. "I'm Brent Corpuz." inilahad niya naman ang kamay niya para makipag shake hands. Nagdadalawang isip pa ako kung tatanggapin ko yun pero mukhang hindi naman siya manyakis at ang decent niyang tignan and I don't want to be rude so I accept it. "Jade Athena Lee.." sabi ko sa kanya at naki pagshakehands. Napalingon naman ako ng makita kong dumaan si Romero sa gilid namin. Wait-Cyril! Yun! Yun pala ang name niya. Hindi na masama.

"Hey Mark, wait up!" sigaw ni Brent sa papaalis ng si Cyril. "Sige Jade, una na ako. Bad mode ata si Mark." sabi ni Brent sabay takbo at hindi man lang ako pinagsalita. Gosh! So ungentleman!

Lumabas na rin ako ng room at dumiretso sa parking lot. Ng makarating ako ay agad na hinanap ng mata ko ang aking kotse. Mahalaga sa akin ang mga cars ko. They are my babies!

Ng makita ko ito ay agad kong nilapitan yun. Chineck kung may gasgas o wala and fortunately, wala naman.

Koenigsegg CCXR Trevita.

One of the most expensive cars in the whole world. It's a Koenigsegg CCXR limited edition.

4. 8 million dollars!

But I love this car not because it's expensive but because it's a gift from my Papa. Yes, he gave this car to me when I debut. That's why I really cherish it.

Nagdrive na ko pauwi at pagdating ko sa bahay sinalubong na naman ako ng mga butlers at maids. Ito naman lagi ang routine pag umuuwi ako ng bahay. Maid at butlers lagi ang sasalubog. Busy naman kasi palagi sila Mama at Papa.

"Good evening, Young Princess." sabay sabay nilang sabi tumango na lang ako sa kanila at dumiretso na sa loob.

Nagulat ako pagpasok ko dahil nakita ko sila Mama at Papa. Napakurap pa ko ng ilang beses at chinecheck kung totoo nga 'tong nakikita ko. Nakalimutan kung sabihin na sa ibang bansa sila nag tratrabaho dahil nandoon ang ibang company namin.

Kaya naman nagulat ako ng nakita ko sila. "Mama!! Papa!!" tumakbo ako papunta sa kanila at niyakap sila. They're my weakness. Sa kanila lang ako lumalambot. "Ohh! Our princess is so sweet naman." sabi ni Mama. Kay Mama ako nagmana kasi grabe magalit si Mama parang ako pero may namana rin naman ako kay Papa yun ay ang pagiging sweet at caring na napakadalang namang lumabas. Sa kanila lang talaga ako nagiging sweet.

"I miss you!!" sabi ko at mas hinigpitan ang yakap sa kanila. I really miss them. Akala ko hindi na naman sila makakauwi. Four months na lang kasi then I will turn 19. They once ask me, what's my wish and I said them, coming home. Pero sabi ni Papa ay marami pa silang aasikasuhin kaya hindi sila makakauwi. But they are here! They're home!!

"We also miss our baby!" sabi naman ni Papa. His calling me baby again. Ilang beses ko ng sinabi that stop calling me that way pero tumatawa lang siya saying 'But you're our baby'. "Tara na princess. Kain na tayo, nagluto ako ng favorites mo." sabi ni Mama. Dali dali naman akong tumakbo papunta sa dining area. Geez, I'm really changing if I'm with them! "Wow! Sinigang at pinakbet.." yeah. Sinigang at pinakbet ang favorites ko hindi naman kasi ako yung taong masilan pagdating sa pagkain.

"Hahaha dahan dahan princess hindi ka mauubusan." natatawang sabi ni Papa na nasa likod ko na pala. Tumawa lang rin naman ako. "Sorry Pa. Namiss ko lang talaga ang luto ni Mama."sabi ko kay Papa at tinikman ko na ang luto ni Mama. Syempre inuna ko yung sinigang at sinunod ko naman yung pinakbet.

"Waahh! Ang sarap parin ng luto mo Ma!" sigaw ko. Gosh! This is not me! Hahaha. "Wala ka paring pinagbago princess, your still so noisy." natatawang sabi ni Mama and Papa agreed. Okay, I defeated. Medyo maingay nga yun. Kumain na kami at pagtapos namin kumain pumasok na ko ng kwarto ko at natulog.