Chereads / Killa Maffia Series 1: You And I / Chapter 5 - Marriage?!

Chapter 5 - Marriage?!

ATHENA

Nagdrive na ako pauwi at pagdating ko nakita ko sila na bihis na bihis. "Mama, Papa what's the event? Bat bihis na bihis kayo?" gulat na gulat naman silang humarap sa akin tsaka napahawak sa dibdib. "Ano ka ba naman anak. Papatayin mo ba kami sa gulat ng Papa mo?" hinihingal na sabi ni Mama. Grabe pala magulat si Mama, pero hindi naman ako magugulatin.

"Sorry Ma. Bakit nga pala kayo bihis na bihis?"

"May imemeet tayong business partner princess" teka parang may narinig akong hindi ko nagustuhan ahh. "Tayo? Tayo ba yung sinabi niyo Pa o nabingi lang ako saglit? Kasama ako?" tanong ko kay Papa. "Oo princess, kasama ka. Go, change your uniform." sagot in Papa sa akin. Ba't kailangan ko pang sumama? I hate going to business meetings!!

Wala akong nagawa kaya naman umakyat na lang ako ng kwarto at nagbihis. Naka skinny jeans ako at white long sleeve tapos sandals na may maliit na takong. Sadyang sakto lang. Habang nasa hagdan ako ay tinignan ko sila, hindi pa yata nila ako napansin kasing nag-uusap sila.

"Ma, Pa..."  sabi ko pero mahina lang sakto lang para marinig nila. Napatingin naman sila sa akin at ngumiti ng sobrang lawak.

"Our princess is so gorgeous, right hon?" sabi ni Mama na nakangiti. "Yes hon, she's simple yet so elegant." sagot naman ni Papa. Kinikilig ako sa parents ko pag ganyan sila. Their love story is my favorite! Yakap kasi ni Papa si Mama pero nakatagilid si Mama at nakasandal ang ulo sa dibdib ni Papa. Gets you ba? Kung hindi, bahala na kayo!

"Thanks Ma. Thanks Pa. Kanino pa ba ako magmamana di syempre sa inyo po." paglalambing ko sa kanila. Its just that, namiss ko lang talaga sila.

"Tell me, what is it?" tanong ni Papa

"What do you mean Papa?"

"Playing innocent, my baby?" binigyan ko naman si Papa ng what-do-you-mean-look. Napangisi naman si Papa. "Princess. We can read you like just the back of our hand. I know you want something. What is it?" Papa's right. My parents really know me the most. Alam nila kung kailan ako masungit, sweet, galit, and if I want something.  "You really know me Papa, Mama." sabi ko at ngumiti ng sobrang lawak.

"So, what is it baby?" si Mama naman ang nagtanong. "Papa, Mama, can...can I join you in the car?" alam kung ang babaw niyan pero ayaw kasi nila akong sumasabay sa kanila kasi pag umalis na raw sila wala na raw akong masasabayan. Para raw masanay ako pero wala miss ko sila eh.

Natawa naman sila sa sinabi. Napasimangot tuloy ako. Nagkatinginan naman sila at sabay na sumagot.

"Sure..."

"Really?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yeah." tumakbo ako palapit sa kanila at niyakap sila. This is really not so me! "Thanks, Ma, Pa. I love you!" my sweet side is attacking me! Hahahaha! "We love you too, baby.." sabi ni Mama at Papa.

Tumayo si Papa at niready na yung car. Naiwan na kami ni Mama doon ng sumigaw si Papa.

"Hon! Princess! Tara na. We're going to be late." sabi ni Papa kaya tumayo na kami na Mama at lumabas. "Coming hon!!" sagot naman ni Mama.

Sumakay na kami sa kotse ni Papa at nagmaneho na si Manong Edi - ang driving namin, papuntang ***** Restaurant. Itsura palang halatang mayayaman ang kumakain. Bumaba na kami at pumasok sa loob. Pagkabukas palang ng pintuan ay naamoy ko na kaagad ang mga pagkain nila. Gosh! Bakit bigla yata akong nagutom.

Naglakad sila Papa papunta sa isang upuan kung saan may dalawang tao siguro na 40+ na sila. Sumunod lang naman ako at umupo sa may gilid ni Mama.

"Good evening Mr. and Mrs. Lee." sabi nung babae. Ang ganda niya. Madalang lang ako magsabi ng kaniyan at sa mga tunay na magaganda ko lang talaga yan sinasabi. Tulad ko! Ang ganda ko! "Good evening Mr. and Mrs. Romero." sabi naman ni Papa 

Wait- Romero??

Parang familiar sakin yung surname nila. Para bang narinig ko na hindi ko lang alam kung kanino. Sino na nga ba yun? Romero?

"Is this your daughter?" ngayon yung lalaki naman ang nagsalita. At aaminin ko, gwapo rin siya. Around 40+ na sila pero fresh na fresh parin talaga. Ang gwapo at ang ganda nila. "Yes." sabi ni Papa. "Good evening po Sir, Ma'am." tsaka ako nag bow para paggalang sa kanila. "Just call us Tito Mike and Tita Elianna." nagnod naman ako sa kanila.

"Napakagandang bata." sabi ni Tita. I told you! Maganda talaga ako! Dyosa! "Thank you po." sabi ko at ngumiti. Ang tunay na maganda talaga nagiging close sa maganda. I like Tita na! "Sit down and let's just wait our son." kaya naman naupo na kami. Magkatabi si Mama at Papa habang nasa gilid naman ako ni Mama.

"Hey mom." bigla namang may sumulpot na lalaki sa gilid nila Tita at humalik sa pisngi ni Tita. "Mr. and Mrs. Lee this our son, Mark Cyril Romero." sabi ni Tito Mike.

Cyril?! Gosh! Kaya pala pamilyar yung Romero!

Siya pala yun! Oo nga pala! Romero nga pala siya! Bakit ba nakalimutan ko yun! Pero teka-

"Good evening Sir Ma'am." teka nga! Bat nandito yang Romerong yan? Tsaka bakit ang bait ata? Eh sa pagkakaalala ko, masungit yang isang yan! "Just call us Tito and Tita." nagnod naman siya. Hinila naman ako ni Mama patayo kaya napatayo ako. "Iho, this is my daughter, Jade Athena Lee." sabi ni Papa. Teka, bat nila ako pinakikilala sa lalaking to? Bat ba kasi nila ako sinama dito at bat nandito rin sya??

Tinignan niya naman ako na para bang kinikilatis niya ang mukha ko. Imposibleng hindi ako nakilala ng Romero na 'to! "Hi..." sabi niya. Tss! As I know hindi totoo yang hi hi niyang yan. "Hello..." sagot ko naman sa kanya. Gusto niyang makipaglaro? Sige game ako! "Okay. Let's sit, may paguusapan pa tayo." bat ba kasi kasama kami? Ano ba sasabihin nila? I'm having a bad feeling for this! "Mom, Dad, bat niyo ba ako pinapunta rito?" parehas lang pala kami ng iniisip. "Oo nga naman Ma, Pa. Bakit ba kasama pa kami?" pag sang ayon ko sa kaniya. Kating kati na kung malaman kung bat nandito kami.

"We talked about some deal. And we all agreed. We think that getting you married will be good. We all get benefits."

"Married!!!?"