Chapter 11 - Awkward

ATHENA

Jealous? No! No way! Hindi ako nagseselos and I will never be!

Pero ng makita kung si Alexa yung babaeng humalik sa kanya parang mas nasaktan pa ako. Why? Bakit si Alexa pa? Okay lang sana kung ibang babae eh, oo masakit pero mas masakit dahil si Alexa pa.

"Omg!! Jade! Are you cyring?" natauhan naman ako ng magsalita si Lenia. Hinawakan ko ang pisngi ko at basa nga ito. So it's true, umiiyak nga ako.

Hindi ko na lang siya sinagot at tumayo na 'ko. Nakita ko kasing nakatingin si Cyril sa amin. Nakita niya pa ata akong umiiyak. Ang tanga mo kasi Jade, bat ka kasi umiiyak!?

"Don't tell me affected ka sa nakita mo" sabi ni Lenia at sumabay sa akin sa paglalakad. Dali dali ko namang pinunasan ang luha ko.

"Duh! Hindi nu. Napuwing lang ako. Tsaka ako? Magseselos? Tsk! That's not even in my vocabulary" sabi ko tsaka ako umirap.

"Jade, nahuhuli na kita sa mga sarili mong salita" sabi niya. Kumunot naman ang noo ko. What does she mean?

"I said 'affected' not jealous. Wala akong sinabing nagseselos ka. I never emphasizes the word 'selos'. Iba ang affected sa nagseselos" mahina niyang sabi pero parang bomba sa akin dahil sa lakas ng impact. Shit Jade!! What's happening to you!?

"I....." I don't know what to say.

"It's okay Jade. Okay lang yan. I know you're still shocked but don't worry, andito lang naman ako eh" sabi niya habang nakatingin sa akin. Having her as my best friend? I'm lucky. Very, actually.

"Thank you" mahina kung banggit tsaka siya hinila para yakapin. Napatigil naman siya at hindi inasahan ang ginawa ko. I'm not this kind of person but just like what I told before, I can also be a saint. Anytime. Especially sa mga mahal ko.

"...." kumalas ako sa yakap ng hindi siya nagsalita.

"Hey, I said thank you" sabi ko ulit habang kunot noong nakatingin sa kaniya.

"A-Anong sabi m-mo?" sabi niya habang nauutal. Hindi na ko nagulat sa reaction niya.  I seldom say thank you and sorry so hindi ko siya masisisi kung bat ganyan ang reaksiyon niya.

"Tsk! Wala" sabi ko at nauna nang naglakad. Pumasok na ko sa room at umupo na sa upuan ko. Nagsalpak naman ako ng earphone sa tenga ko tsaka pumikit. Pero bago pa ako tuluyang makapikit ay pumasok siya. Nakita ko siya.

I just stare at him. No emotion, just staring. Too cold, too cold to handle. Kaya nung umiwas siya ng tingin ay umiwas na din ako at hindi na siya sinundan ng tingin. Pumunta naman na siya sa upuan niya at sakto ring dumating na si Ma'am kaya umayos na rin 'ko ng upo.

Nagdiscuss na si Ma'am pero ito ako hindi makapag concentrate kasi iniisip ko parin yung naramdaman at nakita ko kanina.

Natapos ang klase ng lutang parin ako. Ni wala nga akong naintindihan sa mga sinasabi ng professor namin eh. Bigla naman akong natauhan ng may pumitik sa noo ko.

"Jade, why are you spacing out?" nakakunot noong bungad ni Lenia. Nakakailan na 'tong babaeng 'to ha! Nung una binato ako ng notebook tas ngayon namitik. Masakit pa naman siya mamitik.

"Ouch! Masakit!" ani ko at tumayo na habang hinihimas ang noo ko.

"Alin? Yung noo mo o yang heart mo?" sabi niya at tinuro pa talaga ang dibdib ko. Hinawi ko naman yung finger niyang nakaturo sa dibdib ko.

"Nevermind" what!? Nevermind!? Anong klaseng sagot yun!!? Hindi talaga ako makapag-isip ng maayos.

"Sabi ko na nga ba your affected sa nakita mo kanina. Nagseselos ka, yan! Sinabi ko na ha! Selos! Yan ang right word diyan sa nararamdaman mo kaya wag mo na itanggi" bigla naman akong na speechless sa sinabi niya. Bakit nga ba ganito ang nararamdaman ko??

"Oohhh it's true nu, nagseselos ka nu kasi kasama niya si Alexa at hindi ikaw" dagdag niya pa. Pinagdidiinan pa talaga bawat salita. Walangyang babaeng 'to! Pagkatapos kung mag thank you sa kaniya, ito igaganti niya sakin!

"No. I am not jealous. At bat naman ako magseselos?" sabi ko naman sa kanya sabay taas ng kilay pero ang honghang 'to, inirapan pa ko! Aba! Aba!

"You're jealous! Admit it, Jade! You're jealous because Alexa kissed him and Mark didn't push her away. And because he's with Alexa and not with you" mataray niyang sabi sabay flip ng hair. Natututo na ata 'tong Lenia na 'to sa pag ka bitchy ko. Pinandiinan pa talaga yun kiss. Pagkiskisin ko yung mukha nila eh.

"Tsk! Ang daldal mo!" sagot ko sa kaniya tsaka ako sumimangot. Ginaganyan ganyan niya na 'ko ngayon!? Sige! Doon na siya sa Mark Cyril Romero niya na yun!

The hottest and sexiest Mark Cyril Romero...

Yuck!! Ewwness!!

Hottest!?

Sexiest!?

Ohgosh! I'm going to vomit!! Like, duhh!! So much ewwness!! Yuck!!

"Ohhh bat nag iinarte ka diyan?" wika niya habang nakataas pa ang kilay niya. Inirapan ko na lang siya at lumabas na ng room. Ako pa talaga ang nag iinarte! Siya nga 'tong kung ano anong kabalbalan ang lumalabas sa bibig!

Sumunod naman siya sakin at dumiretso na kami ng parking lot pero hindi ko alam na kakailanganin ko na naman palang maasar para lang makarating ng parking lot.

"Ohhh! Hi dear" sabi ni Alexa. Siya na naman ang nakaharang samin. Hindi na ba talaga 'to napapagod makipagsagutan sakin. Mabuti lang sana kung nananalo siya sa akin eh hindi naman.

"First of all, hindi ka special sa akin so don't call me dear. Second, get out of my way. And third, stop messing with me. Mainit ang ulo ko, lalo na sayo, kaya umiwas ka muna" naiinis kung sabi habang nakatingin ng masama sa kaniya. Not now Alexa, baka ano pang magawa ko sayo dahil sa nakita ko kanina.

"I just want you to know that Cyril-"

"Fuck! How many time do I have to tell you that stop calling me Cyril!" napalingon siya doon sa sumigaw. Lumingon rin ako at holy fudge! Si Cyril!

"O-okay Cy-Mark" sabi ni Alexa at nahihiyang umalis. Buti nga sayo! Landi kasi!

Pati fiancé ko nilalandi!

Lumapit si Cyril sa amin tsaka pumunta sa harap ko.

"Let's go" sabi niya at hinila ako. Syempre hinila ko naman yung kamay ko sa kanya. Kapal namang manghila nito. Buti nga di ko siya sinigawan sa pagkapit niya sa 'kin eh.

"Let go of me" kalmado kung sabi pero may diin.

"I said let's go. Wag kang nag iinarte diyan" what!!!? Nag iinarte!!? Ako!? Walanghiyang Cyril 'to ah. Eh kung batukan ko kaya. Nakakaimbyerna!

"Nag-iinarte!? Hoy bakulaw na Romero! Pwede ba! Bitawan mo nga ako! Let me go! Damn it!" sigaw ko sa kanya pero tiningnan niya lang ako ng masama.

"Sige na! Sumama ka na! Romero na yan teh oh! Aarte ka pa ba? Basta bye bye na! Ingat ka!" sigaw naman ni Lenia sa akin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. Kinampihan niya pa talaga 'tong bakulaw na 'to. Di niya na 'ko pinansin at ang napakabait kung kaibigan, ayun! Iniwan ako sa bakulaw na 'to!

Hinihila parin niya ako hanggang sa makarating kami sa kotse niya.

"Teka nga!! Ano ba! I said let go of me!! Hindi mo ba ako naiintindihan!? Huh!? Nasasaktan na 'ko ha!" sigaw ko sa kanya. Geez! Nananakit na ang lalamunan ko kakasigaw. Medyo lumuwag naman ang kapit niya sa akin pero hindi niya parin ako binibitawan.

"I don't want to be with you. But I need you to come with me. Damn cooperate, will you!?" naiinis na sabi niya. I don't want to be with him also. Ang kapal naman ng face niya kung iisipin niyang gusto ko siya makasama nu!

"Fine. But-wait! Paano yung kotse ko?" sabi ko naman sa kanya.

"Tsk! Papauwi ko na lang" sabi niya. No choice ako kaya sumakay na rin ako. Infairness sa kaniya ha! Bongga ang kotse. Lamborghini. Pwede na rin.

Spell awkward...syempre A-W-K-W-A-R-D. Tanga lang.