ATHENA
"Athena"
"Cyril"
"What did you just call me?" sabay na naman kami. Did he just call me Athena!? I hate it when someone is calling me Athena. I hate them to the core! Gosh! Sinusumpa ko ang pangalan na yan!!
"Don't call me at my second name" sabay na naman kami.
This is awkward...really awkward.
"Just call me Mark" sabi niya. Why would I? Kung pwede namang bakulaw? Chonggo? Chimpanzee? Shokoy? Monkey? Diba? Mas magaganda yun. Pero mas bet ko parin yung Cyril kaya no way! Cyril or Romero parin ang itatawag ko sa kaniya. Lalo na ngayon na nalaman kung naaasar pala siya sa pangalang yan! Aba! Mas lalo ko siyang aasarin.
"Why would I? Kung dati siguro pwede ko pang itigil but now? No way! I'm enjoying calling you Cyril. Ang ganda kaya, right Cyril?" sabi ko sa kanya.
"Damn! Stop calling me Cyril!" namumula siya habang sinasabi yan. Mukhang nagalit ko ata talaga siya. At bigla pa talaga siyang prumeno sa gilid ng kalsada. Hindi ko naman inaasahan yun kaya ayan! Ending? Nauntog!
"Ouch! The heck?! Why did you stop the car?" sigaw ko sa kanya. Mauubusan ako ng boses nito sa kakasigaw ko. Nakakainis naman kasi talaga.
"I will just start the car if you stop calling me Cyril" sabi naman niya habang nakasandal at nakapikit pa na para bang relax na relax siya. Wow ha! Just wow!
"Then stop calling me Athena" sabi ko naman sa kanya at nagcrossed arm. Napamulat naman siya sa sinabi ko at agad na tumingin sa akin pero tinaasan ko lang siya ng kilay. Ano!?
"If I want to call you Athena. I will" sabi niya. Geez! Narinig ko na naman ang walanghiyang second name na yan! Nakakapangkulo na ng dugo ha!
"Yun naman pala eh. Want to call me Athena? Then allow me to call you Cyril. Easy as that!" naaasar ko ng sabi. This is getting annoying to handle!
"No fucking way!" sabi naman niya. Aba! Minumura niya ko!? Kapal talaga ng mukha!
"Fine! Don't you ever call me Athena again!" sabi ko sa kanya tsaka ko siya siniringan. Nakakabwesit na talaga siya! As in!
"Damn! Athen-" ani niya.
"Shut up! Sabi ng wag mo kung tatawagin ng ganyan diba! Hanggat di mo ako pinapayagang tawagin ka na Cyril then don't call me that way or better shut your mouth" sabi ko ng di siya tinitignan. Naiinis na talaga ako sa kaniya.
"Fine! Call me Cyril all you want! Just allow me to call you Athena" naiinis niyang sabi pero inirapan ko lang siya at sumandal ako. Siya pa may ganang mainis. Hindi talaga kami nagsasama ng matagal na walang inisan.
"Sure. Athena is all yours" relax kung sabi. Wait-that looks wrong! Athena is all yours!? Parang mali ha!
"Athena is all mine? So, you're all mine now, huh?" napatingin agad ako sa kaniya habang nanlalaki pa ang mata. Sabi na eh! Mali! Mali! Mali!
"Damn you!" naiinis pero may halong awkwardness na sabi ko.
"Geez. Calm down. I'm just teasing you" sabi niya at parang sumisilay ang ngiti sa labi niya pero hindi ito tuluyang lumabas.
Sayang! Ano kayang itsura niya pag nakangiti?
"So...it's nice to meet you, Cyril Romero"
Okay na sana pero lumapit siya. Napakalapit. Napapikit ako habang siya naman ay nagsalita sa tapat mismo ng tengga ko. I can hear his breathing at lumalapat yun sa balat ko! Nakakapanghina.
"It's nice to meet you too, Athena Lee-Romero"
That's what he said. And my heart! It's beating! Crazily.
Geez! Geez! Geez! My heart!! What the heck is happening to me!? My heart is beating like crazy right now! And...And his breath! Gosh! It's making me quiver.
Agad ko siyang itinulak palayo at hindi ako makatingin sa kaniya. Nahihiya ako! Nahihiya ako sa pinaggagawa niya! Hindi ko na sana siya titignan ulit but he chuckled. Nilingon ko siya saglit at nakangisi siya pero hindi nakatingin sa akin.
"You're blushing" nakangisi niyang sabi. Agad na nanlaki ang mata ko at agad akong napahawak sa dalawang pisngi ko!
Blushing!? No!!!!
Mas lalo akong nahiya at hindi makatingin sa kaniya. Umiinit ang pisngi ko! As in! Gusto ko siyang sapakin sa pinagsasabi niya pero nahihiya akong hawakan siya. Ni tignan nga lang siya di ko magawa.
Muli niyang pinaandar ang sasakyan at maya't maya ay ngingisi. Para siyang baliw na ewan! At mas naiinis ako sa kaniya dahil sa pinaggagawa niya!
Dirediretso lang siya sa pagmamaneho hanggang sa tumigil siya. Napalingon ako sa labas ng kotse.
Asan kami? Bahay? Kaninong bahay 'to? At anong ginagawa namin dito?
Nilingon ko siya at nakakunot ang noo niya habang may tinitignan sa kaniyang phone. Ano naman kaya yun?
Bigla niya akong nilingon kaya agad akong napaiwas ng tingin. Binalik naman niya agad ang tingin sa phone niya.
"I think...we're here" mahina niyang sabi tsaka tumingin sa bahay. Tumingin rin ako doon at tsaka tumingin sa kaniya.
"You're not sure?" banggit ko. Nahihiya parin ako dahil sa nangyari kanina pero isinantabi ko muna yun. Baka kasi nawawala na kami.
"I'm sure na dito yung address na nakasulat. But I don't know why we're here" sabi niya at muling tumingin sa phone at titingin sa bahay.
"C-Can I see your phone?" nahihiya kung tanong. Binigay niya naman agad yun pero biglang namatay at nung i-on ko ay may passcode.
"Passcode?" tanong ko sa kanya. Nilingon niya naman ako saglit. Binalik niya ang tingin sa bahay tsaka nagsalita.
"Your name" napakunot ang noo ko sa sagot niya.
My name? What does he mean?
"W-What?" naguguluhan ngunit kinakabahan kung tanong. Tinignan niya muna ako bago sumagot.
"4636" sabi niya ng hindi tintanggal ang tingin sa akin. Umiwas ako ng tingin at nilagay ang sinabi niya. Nag open naman ang phone.
4636? My name? Jade Athena Lee?
Oo nga! Yung bilang ng letters ay yung passcode.
But...what is the 6?
Dahil sa curiosity ko ay hindi ko naiwasang magtanong sa kaniya.
"What is the 6?" mahinang tanong ko. Kumunot naman ang noo niya pero agad ding nagbago yun. Mukhang na gets niya yung tinanong ko.
"My surname" mahinang sagot niya at umiwas ng tingin. Nagulat naman ako sa sagot niya.
There we go again with my 'crazily beating heart'. Ang lakas ng tibok ng puso ko! Like anytime, it can get out of my rib cage!
"Why?" napakahina kung banggit. Akala ko ay hindi niya yun maririnig pero nagsalita siya.
"What do you mean why?" agad akong umiling pero di ko parin siya tinitignan.
"W-Wala. Don't mind me" nahihiya kung sabi at tinoon ang tingin sa kaniyang phone. Nagbukas ito sa messages and I guess ay messages ito from his mother. May nakalagay na address doon and I think ay hindi kami naligaw. Mukhang nasa tamang lugar nga kami.
Lumabas siya kaya agad narin akong lumabas. Hindi ko parin naibabalik ang phone niya ng bigla niyang pindutin ang doorbell ng bahay. Dalawang beses niya yung ginawa bago may magbukas ng gate. May lumabas naman na babaeng nakasuot ng pang maid. Siguro kasing edad lang ni Nanay Cora.
"Sino po sila?" sabi niya habang sinusuri kami.
"Cyril and Athena" sabi ni Cyril habang nasa bandang likod niya lang ako. Ang tangkad niya kasi kaya halos hindi na ako makita.
"Ay iha, iho. Kayo na pala yan. Dalian niyo ng makausap na kayo ng mga magulang niyo" sabi niya. Agad naman akong sumilip mula sa likod ni Cyril. Naguluhan ako. Magulang? Bat andito sila Mama?
Pumunta ako sa gilid ni Cyril at tinignan si Manang.
"Andito po ang mga parents namin?" tanong ko. Agad namang tumango si Manang sa tanong ko. So hindi nga kami naligaw.
Nilingon ko ang paligid at nakita ko ang dalawa pang kotse maliban sa kotse ni Cyril. And the other one was Papa's. Andito nga sila!
Umalis naman si Manang kaya sumunod na kami sa kanya. Nasa unahan si Cyril habang nasa likod niya naman ako. Habang sumusunod sa kanila ay naalala ko yung phone ni Cyril. Nasa akin pa pala.
Binilisan ko ang lakad ko dahil ang lalaki ng hakbang niya. Ng maabutan ko siya ay agad kong hinawakan ang braso niya. Napatigil naman siya at nilingon ako tsaka niya nilingon ang kamay kung nakakapit sa braso niya pero di ko yun binitawan.
"Why?" tanong niya. Imbes na sagutin siya ay iniabot ko sa kaniya ang phone niya.
"You can hold it if you want" sabi niya ulit. Umiling naman ako at muli itong inaabot sa kaniya. Tinignan niya yun saglit at tsaka kinuha.
Akala ko ay tatalikuran niya na ako at maglalakad na ulit pero hindi pala. Mas lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa wrist. Nagulat ko naman siyang tinignan. Naglakad siya habang hawak parin ako at wala naman akong nagawa kundi ang sumunod. At dahil ang lalaki ng hakbang niya ay halos tumakbo na ako.
Ang nakakapagtaka lang, bakit hindi ko yata siya sinusungitan ngayon? Nahihiya parin kasi ako sa sinabi niya kanina. Lalo na dahil hindi ako umangal. Hindi ako makatanggi.
May parte sa aking ayaw tumanggi at yon ang hindi ko maintindihan.
Ng makarating kami sa may pinto ay agad na bumungad sa amin sila Mama, Papa, Tito at si Tita. Anong ginagawa nila dito? Anong ginagawa namin dito?
"Mom" sabi ni Cyril kaya napatingin ako sa kaniya.
"Oh son! Welcome home!" masayang sabi ni Tita at ngiting ngiti na nakatingin sa aming dalawa pero mas lumaki ang ngiti niya ng makita niyang hawak ako ni Cyril. Gusto ko sanang hilahin yung kamay ko pero mas hinigpitan ni Cyril ang hawak dito.
What should this mean?