ATHENA
Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko pero hindi ko na tinapon dahil alam kung ngayon eh wala na ako sa bahay. Andito na 'ko sa bahay namin.
Bahay namin ni Cyril...Geez!! That's giving me goosebumps!
Ginawa ko na ang morning routine ko at bumaba. Medyo naninibago parin ako pero dapat ko ng sanayin ang sarili ko na tumira sa bahay na 'to at makasama si Cyril.
Pagdating ko sa kusina nadatnan ko si Manang na naghahanda na ng breakfast namin.
"Good morning po" bati ko kay Manang kay napalingon siya sa akin.
"Good morning din iha" sagot naman niya.
"Malapit narin 'tong matapos, hintayin mo na ng hindi ka gutomin" dagdag pa niya na tinanguan ko lang.
Inilibot ko ang paningin ko sa buong bahay at parang may hinahanap ako. I'm finding his presence. Asan siya?
Ng hindi ko siya makita ay napabuntong hininga na lang ako. In the first place, bat ko ba siya hinahanap? Hinayaan ko na lang yun at umupo na sa dining.
Maya maya naman ay may narinig akong yapak galing sa taas kaya tinignan ko yun. Nakita ko si Cyril na pababa na ng hagdan. And I don't know why pero napatitig lang ako sa kaniya. Para siyang model ng uniform dahil sa suot at ayos niya.
And he's damn hot...in the morning.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa tumigil siya sa harap ko. Iiwasan ko na sana siya ng tingin dahil grabe na rin yung titig niya ng magsalita siya.
"How's your sleep?" tanong niya habang nakatingin parin sa akin pero umupo na rin siya.
"I sleep like a baby" kalmado kung sabi. Pansin ko lang, mukhang hindi na kami nagbabangayan ahh. Sana nga, sana nga magkasundo na kaming dalawa.
"That's good" sabi niya. Kahapon pa siya ha. Kahapon pa ako naninibago sa kaniya. Parang hindi siya si Cyril. Ng hindi ko na kayang makipagtitigan sa mata niya ay nilipat ko ang tingin sa ilong niya. Nakakaduling naman 'to.
"Aray!" inis kung sabi habang hinawakan ang noo ko na pinitik niya.
"Bat mo ko pinitik? Ang sakit kaya nun" sabi ko at nagfrown. Nagsmirk naman siya. Aba! Bumabalik na ba siya?
"Why are you looking at my nose?" nagtatakang tanong niya. Nagpigil naman ako ng tawa. Bat ba sa ilong kasi ako tumingin?
"Um..I'm sorry. Wala wala" sabi ko at nagpipigil ng tawa. Naman oh!!
"Tsk!" sabi niya na lang at inihanda na ni Manang ang almusal namin.
Nauna siyang natapos kaya tumayo na siya sa upuan niya. Akala ko aalis na siya yun pala hindi pa.
"Eat faster. Were going to be late" sabi niya habang nag pupunas ng labi niya. Nagtataka ko naman siyang tinignan. Bakit sinabi ko bang sasabay ako sa kaniya?
"Edi umalis ka na" sabi ko sa kanya at pinagpatuloy ang pagkain ko.
"You sure? " sabi niya. Agad naman akong tumango. Nagkibit balikat lang siya at kinuha ang bag niya tsaka lalabas na.
Bat ba nagtatanong pa siya eh alam ko naman magmaneho, andito naman yung kot-
"Wait!!!" habol ko sa kaniya. Damn!! Bat ko ba nakalimutan yun!? Wala nga pala yung kotse ko rito. Ano yun maglalakad ako papuntang school? No way!!
"What?" nakangising sabi niya. Pagtutulakan ko na sana siya paalis dahil sa pangisi ngisi niya pero away ko namang maglakad papunta ng school nu!
"Can...can I come with you?" nahihiya kung sabi kaya mas lalong naging nakakaasar yung expression niya. Gusto ko sana siyang irapan pero baka kasi iwan niya 'ko.
"Okay" sabi niya at lumabas na. Nakahinga ako ng maluwag.
Binilisan ko ng kumain at agad na sumunod sa kaniya sa labas. Nakatayo siya habang nakasandal sa isang motorbike. Para siyang model sa itsura niya.
"Where's your car?" tanong ko sa kanya. Wala naman kasi akong nakikita rito na kotse.
Nagkibit balikat lang siya at agad na sinakyan yung motorbike. Wait! Wait! Wait! Diyan kami sasakay!!!?
"Sasakay tayo diyan!? Are you crazy!? No way!" sigaw ko sa kanya. Hinding hindi ako sasakay diyan. Nasa tamang pag-iisip pa ako para sumakay sa motorbike niya.
"Then I guess your going to walk. Sige bahala ka" sabi niya at sinimulan ng buhayin ang makina ng motorbike niya.
"Ugghhh!! Sige na nga! But this is going to be the last time na sasakay ako sa motorbike mong yan" naiinis kong sabi sa kanya. Nakita ko naman siyang napangisi.
"Anong nginingisi-ngisi mo diyan ha?" naasar kung sabi sa kanya.
"Nothing" sabi niya at pinatay ang makina nito tsaka bumaba. Napakunot ang noo ko. Bat siya bumaba?
"Saan ka pupunta?" naguguluhan kung tanong sa kaniya.
"Getting my helmet. I can't risk your safety" sabi niya na ikinagulat ko. Kahapon niya pa ako ginugulat ng ganito. Naninibago ako sa mga pinagsasabi niya.
I was about to ride the motorbike when unexpected happened. My foot slip! Nadulas ako!! Agad akong napapikit. Bahala na!
"Ahhhhhh" sigaw ko at hinihintay na bumagsak ang katawan ko sa lupa.
Ilang segundo pa ang lumipas pero hindi ko naramdaman yung sakit ng pagkatama sa lupa kaya minulat ko na yung mata ko.
Cyril's face occupied my view. Mukha niya agad ang nakita ko at kung gaano yun kalapit. Doon ko lang narealize na nasalo niya pala ako. Nakakapit ang isang kamay niya sa beywang ko habang ang isa naman ay hawak ang kamay ko.
"Are you okay?" worried is visible in his face. Akala ko talaga babagsak ako sa lupa kanina. Pero hindi nangyari because he saved me. Parang yung kahapon, before my head hit the floor eh nilagay niya agad ang kamay niya doon para hindi ako mauntog though nagkabukol parin ako.
"I'm-I'm fine" pilit kung kinakalma ang puso kung sobrang lakas ng tibok. Pag hindi ko pa siya itutulak ngayon ay baka marinig niya yun. Kaya naman agad akong lumayo sa kaniya.
Napaayos ako ng tayo at inayos ko rin yung uniform ko.
Sumakay na ulit ako sa motorbike niya pero this time nag-ingat na ako. Ayaw ko nang maulit yung nagyari kanina. Baka tuluyan ng sumabog ang dibdib ko pag nangyari ulit yun.
That was the second time na nagkalapit kami ng ganoon.
Napabuntong hininga siya at sumakay na rin dala ang helmet niya.
"Wear this" aniya at inabot sa akin ang helmet.
Eh paano siya? Iisa lang 'tong helmet. Alangan namang dalawa kaming gagamit nito. So obvious naman na hindi namin pwedeng gamitin 'to na dalawa.
"How about you?" tanong ko sa kanya. Hindi ako concern sa kaniya. Ayaw ko lang na kainin ako ng konsensiya ko kung sakali mang may mangyari sa kaniyang masama. Well, oo na, concern na ko pero unti lang naman.
"Don't think about me. Your safety first" sabi niya. Yan na naman siya. Lagi na lang nagiging weird yung mga pinagsasabi niya. Nag umpisa 'to nung tawagin niya ang surname ko na Rome - ahhh! Wag na pala!
"Hold" sabi ni Cyril. Tumango ako kahit alam kung hindi niya yun nakita tsaka ko pinatong ang kamay ko sa balikat niya.
"Tightly" sabi niya at kinuha ang kamay kung nasa balikat niya at nilagay sa may waist niya.
Nagulat ako! As in!! At yung heart beat ko!! Natatakot akong marinig niya yun sa sobrang lakas lalo na at sobrang lapit ko sa kaniya. Sorba talaga!
Pero infairness ang hard ng tiyan niya. Or should I say, abs? Geez! I'm getting weird...and creepy!
Ng simulan niyang paandarin ang motorbike ay agad akong napayakap sa kaniya dahil sa bilis ng pagpapatakbo niya.
Setting aside my pride, ego, and everything! I'm scared and nervous! Parang lalabas na lahat ng lamang loob ko dahil sa kaba. Pati puso ko ay gusto ng lumabas sa katawan ko dahil sa bilis ng tibok nito!!
Bahala na! Ayaw ko pang mamatay! Shit!! Ang bilis niya magpatakbo!!! Oh god!!!!
Isiniksik ko ang ulo ko sa likod niya kahit may helmet yun at mas napahigpit ang kapit sa kaniya. Atleast pag tumalipon ako ay sasama siya! Isasama ko talaga siya pag namatay ako ngayon!! Bahala siya kung anong gusto niya isipin sa higpit ng yakap ko! Papatayin ko talaga siya pag napahamak kami!!!
"We're here"
Parang tumigil sa pagtibok ang puso ko at tinakasan ako ng kaluluwa ko. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa paligid ko dahil nakapikit ako ng mariin.
"Hey" agad akong napamulat ng marinig ko ang boses niya.
Buhay pa 'ko? Buhay pa ba ako!?
Inilibot ko ang paningin ko at napabitaw agad sa kaniya ng pamansin kung nakarating na kami sa school. Anong biyahe yun!!!? 30 seconds!!? Balak niya ba talaga akong patayin!!?
Tinanggal ko ang helmet niya at agad na binigay yun sa kaniya. Tinanggap niya naman at isinabit yun sa manubela ng motorbike niya. Isinusumpa ko na talaga yang motorbike niyang yan!
Una siyang bumaba at tinulungan niya akong bumaba. Pagkababa na pagkababa ko ay agad akong napakapit sa dalawang braso niya. Geez! Nahihilo ako!
"What the...Are you okay?" sabi niya at nilagay ang isang kamay sa braso ko at ang isa naman ay sa beywang ko. Kung wala yung kamay niya ay malamang natumba na ako.
"Teka lang, nahihilo ako. Ang bilis mo kasi magpatakbo" sabi ko at pumikit. Umiikot kasi ang paningin ko.
"Here, drink this" sabi niya at may inabot sa akin na bote. Nakabukas na yung kaya agad akong uminom. Tubig yun at dahil doon ay medyo nahimasmasan ako.
Ng mawala ang pagkahilo ko ng tuluyan ay agad ko siyang pinalo sa braso kaya naman nabitawan niya ako. Tinignan ko siya ng masama.
"Damn you! Are you planning to kill me!!?" sobrang naiinis kung sabi sa kaniya. Kumunot ang noo niya.
"What the hell!? Kill you?" naguguluhang sabi niya. Inirapan ko siya.
"Ang bilis mo magpatakbo! Halos mamatay ako sa takot kanina dahil sa pagpapatakbo mo!!!" sigaw ko na sa kaniya. Agad namang nagbago ang expression niya. Lumambot yun at nakatitig parin sa akin ng bigla aiyang umiwas ng tingin.
"I-I'm sorry" nakaiwas parin ng tingin na sabi niya. Tama ba yung narinig ko? Did he really say sorry?
Nakatingin lang ako sa kaniya at hindi na nagsalita kaya naman binalik niya ang tingin sa akin. Nagtama ang tingin naming dalawa at sabay din kaming napa iwas.