Chapter 19 - Help!

ATHENA

Ng makarating kami ay agad naming naagaw ng atensiyon doon hanggang sa nagsimula na ang bulungan.

"Don't mind them" sabi ko at nagpatuloy sa paghahanap ng lamesang sasakto kaming lahat. Ng makahanap ako ay agad kaming lumapit doon at nagsi upo.

"Woyy! Text niyo nga si Brent na sumabay na rin sa atin" sabi ni Christian kila Cyril at Michael.

Brent?? That was the one who bump me right?

"I already texted him" sabi ni Michael kaya napatango si Christian at balik sa pakikipag usap kay Gary.

"Hi mga bro!" sigaw ng isang lalaki at lumapit sa table namin. Pinagtinginan pa nga siya sa ingay niya pero ng makita nilang kasama ako sa table ay agad din silang umiwas.

"Hey! Hi girls" bati niya sa amin at nakipag fist bump siya kila Cyril. Ngumiti naman kaming apat pero si Lenia ay nagsalita rin.

"Brent" masayang tawag ni Lenia kay Brent. Iba ang ngiti ng bestfriend ko.

"Hey Millenia" bati naman pabalik ni Brent. Wait, what!? Millenia!? Did he just called her Millenia!? Agad kung tinignan ang expression ni Lenia kung nagbago ba o nainis pero hindi. Nakangiti parin siya. No way!! She hated to be call that way! Very, very much!!!

"Magkakilala kayo bro?" tanong ni Christian kay Brent. Agad namang ngumiti si Brent kay Christian.

"Yup bro! She's my childhood bestfriend" sabi ni Brent. Again! What!? Childhood bestfriend? Wala namang nababanggit si Lenia ahh!

"Wala ka namang nakwekwentong may childhood bestfriend ka ha!" sabi ni Christian.

"Right, Lenia. Wala ka ring nakwento sa akin" baling ko naman kay Lenia. Nginitian niya ako.

"It's a long story Jade" nakangiting sabi ni Lenia. May iba sa ngiti niya eh!!

"Diba sabi ko sa inyo may bestfriend akong Mimi ang pangalan, siya yun" sabi naman ni Brent. Mimi? What a cute nickname!

Gusto ko pa sanang magtanong kay Lenia pero nagugutom na talaga ako kay pinatigil ko muna sila sa pag uusap at sinabing umorder na kami.

"You sit there and kami na ang kukuha ng order niyo" sabi ni Christian at bumaling kay Gary.

"Isang carbonara at ice tea lang sa akin" sabi ni Gary.

"Ikaw Joan?" tanong ni Michael kay Joan. Wow! Close sila!?

"Kung ano yung sayo, yun na rin" sagot ni Joan kay Michael. Teka nga!? Magkakilala rin ba 'tong dalawang 'to?

"How about you Mimi?" si Brent naman ngayon ang nag tanong.

"Sandwich lang, busog pa ko eh" sagot ni Lenia. Tumingin naman silang anim sa aming dalawa ni Cyril.

What!?

"Hindi mo man lang ba kukunin ang order ni Jade, Mark?" sabi ni Brent.

"Why would I?" bored naman na sagot ni Cyril. Napaka gentleman niya talaga kahit kailan. Note the sarcasm please!

"Mark naman!" si Christian naman ang nagsalita. Kaya kung bumili ng pagkain ko!

"Tsk! What do you want to eat?" baling niya sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Kaya kung bumili ng kakain ko" naiinis ko namang baling sa kaniya. I like the Cyril in our house more.

"What do you want to eat? Do I need to repeat it again?" sabi niya kaya inirapan ko siya. Pero alam ko namang ako rin ang bibigay sa dulo eh.

"Fine. One lasagna and one orange juice" sabi ko at umiwas ng tingin. Nakatitig kasi siya. At iba yung titig niya.Umalis na sila at naiwan kaming apat rito.

"Hey! May something ba sa inyo ni Brent?" tanong ni Gary kay Lenia na nakakuha ng atensiyon ko.

"W-Wala nu!" sagot ni Lenia. Defensive!

"Umamin ka nga! May gusto ka kay Brent nu!" sabi ko sa kaniya at agad na nanlaki ang mata niya. Yan pala ang wala ha!

"H-Hindi ko nga siya g-gusto" sagot niya. Napairap ako sa sagot niya.

"Hindi raw gusto pero ang defensive!" sabi ni Joan na ikinamula ni Lenia. Dumating narin ang mga boys at binigay na samin ang pagkain namin.

"Thanks" sabay sabay na sabi namin.

"No problem" sabay na sabi ni Brent at Christian. Habang nagnod lang si Cyril at Michael.

"Ang bilis niyo namang naka order" sabi ni Joan. Kaya nga! Ang hirap kayang umorder dito!

"Syemre naman! May charm eh!" mahangin na sabi ni Brent na ginatungan pa ni Christian.

"At puro girls pa ang nakapila kaya ayan! Hahaha! Gwapo talaga nam- Ako lang pala!" sabay naman silang binatukan ni Lenia at Gary kaya sabay rin silang napa aray at napahawak sa sari sariling ulo.

"Ang hangin niyo!" sabay na sigaw nung dalawa kaya walang nang nagawa si Christian at Brent.

Kumain na kami at pagkatapos naming kumain ay pumunta na kami sa mga klase namin. Ilang oras ang lumipas at natapos na rin ang klase ko kaya pumunta na ko ng parking lot at hinintay si Cyril.

Habang naghihintay ako may lumapit sa kin na limang lalaki. Mga mukhang hindi matitino at ng papangit pa nila. Mukhang hindi sila nag aaral dito.

"Hi miss" sabi ni lalaking isa. Inirapan ko lang naman siya.

"Gusto namin yan miss! Mataray!" sabi naman nung isa niyang kasama.Hindi ko lang siya pinansin at tumalikod sa kanila.

"Miss tara na!" sabi pa nung isa nilang kasama.

"Ano ba!!" sigaw ko sa kanya. Hinawakan ba naman ako sa braso.

"Sumama ka na lang ng tahimik miss kung ayaw mung masaktan" sabi naman nung-ughhh hindi ko alam kung sino siya!

"Try me!" manghahamon ko. I learned taekwando since I was a kid kaya siguro naman kaya ko silang lima.

Sana nga.

Nilapitan ako nung isa at hinawakan ako sa kamay pero agad ko yung hinawakan at pinaikot dahilan para mabitawan niya ako. Ngayon ay dalawa naman ang lumapit sa akin at plano ring hawakan ako ng sinuntok ko yung isa sa mukha at mabilis akong pumunta sa likod nung isa at ni-leeg siya.

Hinihingal akong lumayo sa kanila. Masama na ang tingin nila sa akin kaya medyo kinabahan ako, lalo na at nakaskirt ako. Hindi ako pwedeng sumipa.

Ng mukhang ayos na yung dalawang kinalaban ko ay sabay sabay na silang lumapit. Susuntukin ko sana yung pinakamalapit pero agad akong nahawakan nung dalawa sa kamay at hindi ko yun maalis.

Shit! Shit! Kailangan kong mag isip ng paraan!!

"Ano ba bitawan niyo nga ako! Ano ba!!" sigaw lang ako ng sigaw pero di nila ako pinakikinggan. Pilit akong nagpupumiglas pero masyado silang malakas. Kung sana hindi ako nakapalda! Bwesit naman!!!

Hinila ako nung tatlong lalaki at pabalibag na isinandal ako sa pader. Napangiwi ako sa sakit nung tumama ang likod ko roon. Nanghihina na rin ako sa kakasigaw at kakapumiglas sa kanila. Sinusubukan ko paring umalis sa pagkakahawan sa akin nung mga lalaki pero wala na kung nagawa ng suntukin niya ako sa tiyan.

Sinimulan nila akong hawakan pero pilit ko parin silang pinagtutulakan. Hanggang sa inumpisahan nilang buksan ang butones ng uniform ko!

Shit!! Help me!!

I'm slowly losing my consciousness when I heard his voice.

I'm saved!

I close my eyes until darkness eats me.