Chapter 21 - Anger

ATHENA

"Athena..." humahagulgol akong yumakap sa kaniya. Nanginginig ako at nahihirapang huminga. Marahan niyang hinaplos ang buhok ko at niyakap ako pabalik.

"Shhh it's okay. I'm here" mahina niyang bulong habang hinahaplos parin ang buhok ko at naramdaman kong hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko. And that somewhat makes me calm.

Nanatili akong nakayakap sa kaniya hanggang sa maging normal ang paghinga ko.

Akala ko talaga totoo yun. Akala ko katapusan ko na. Akala ko hindi na ako makakabalik. Akala ko hindi ko na siya makikita ulit.

It's just a dream...but it feels real.

"Are you okay?" mahinang sabi niya at humiwalay ng yakap sa akin para tuyuin ang basang basa ng pisngi ko. I liked the way he caresses my cheeks, that simple gesture of him makes me calm.

"A-Are you r-real?" nanginginig kung tanong. Totoo na ba 'to? Hindi na ba 'to isang panaginip?

"Of course I am. And I will never let anything bad happen to you again" sabi niya at titig na titig sa akin.

Hindi ko napigilan ang sarili ko na hindi siya yakapin. I hug him again and this time, it's much tighter. Hindi ko rin napigilan ang sarili kung muling napahikbi. Sa tuwing bumabalik sa akin yung panaginip ko ay halos manginig ulit ako sa takot.

He embraced me and continue caressing my hair. And because of that simple little gesture, my whole body relaxed.

"Hush down" bulong niya. Napaka-relaxing ng boses niya at hindi ko alam kung kailan pa naging relaxing yun. Dahan dahan akong lumayo sa kaniya.

Siguro ang pangit ko ng tignan. Ang gulo ng buhok ko, basang basa ang mukha ko and the hell, hindi pa ako nagtotoothbrush. Medyo nahiya tuloy ako sa kaniya. Lalayo sana ako ng hawakan niya ang kanang braso ko kaya napaangat ako ng tingin.

"How are you? Does anything hurts?" agad ko namang pinakiramdaman ang sarili ko para malaman kung may masakit sa akin.

"M-My head. My head hurts" sabi ko and hinawakan ang ulo ko. Hindi ko nga alam kung bat ang sakit ng ulo ko. As far as I remember, hindi naman ako nauntog nung nilapitan ako ng mga lalaking yun.

"That much?"

"Hindi naman" sabi ko at umiling. Kumikirot lang naman pero maya maya ay nawawala rin.

"Let's go down. You eat first" agad akong tumango sa kaniya. Nagugutom na rin kasi ako.

Pagtayo ko pa lang ay agad ulit akong napa-upo at napahawak sa likod ko. Gosh!! Ang sakit!!

"Hey, what happen?" nag aalalang tanong ni Cyril at agad na tumabi sa akin. Hindi ko pa siya nasasagot at agad niya ng tinignan ang likod ko at hinawakan niya yun kaya mas naka aray ako.

"You have wounds" nagulat ako sa sinabi niya. Paano ako nagkasuga-wait!! Oo nga pala! Binalibag nga pala ako ng mga walanghiyang yun.

"Ouch!" sabi ko. Nakita ko namang napakuyom ang kamao ni Cyril and he looks angry.

"Hey" baling ko sa kaniya. Agad niya akong tinignan.

"Where did you get that?" mariing sabi niya. He's angry, I can feel it.

"Ahhhhh..." hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kaniya na binalibag ako o hindi na. Baka kasi mas magalit pa siya.

"Athena" may diing banggit niya sa pangalan ko. Nakakatakot siya. Napaiwas ako ng tingin at sinagot ko.

"Doon sa nangyari kahapon. Binalibag kasi nila ako patapon sa wall eh" mahina at nakayukong sabi ko.

"Fuck!" agad akong napa-angat ng tingin sa kaniya. Nakakuyom ang kamao niya at nagtatagis ang bagang niya. He's really furious at ayaw kung nagkakaganito siya.

Agad kung hinawakan ang kamay niyang nakakuyom at halatang nagulat siya sa ginawa ko. I really don't know why I did it. It's just like, some very strong urge is pushing me to do it.

Nakatitig lang ako sa kaniya at ganon rin siya sa akin. Unti unting lumambot ang expression niya at unti unti ring lumuwag ang pagkakakuyom ng kamay niya. I smiled at him.

"It's okay. I'm fine. It's nothing serious" pagpapakalma ko sa kaniya. Nothing serious!!? Seriously Jade!! Kailan pa naging nothing serious ang muntikan ng ma-rape!?

"But you're injured" mahina at nag aalalang sabi niya. Nginitian ko naman siya tsaka ako umiling.

"I'm fine. Hindi naman ganon kasakit eh" nakangiting sabi ko. This is not me!

Tumango na lang siya kahit alam kung labag yun sa loob niya. I'm changing. Hindi ako ganito. Hindi ako aasta ng ganito! I never imagined in my whole life na magkakaganito ako sa isang lalaki. And it's Cyril. His changing me, and somewhat, I'm liking it.

Bumaba kami at agad naman naming nakasalubong si Manang. Agaran siyang lumapit sa amin at hinawakan ako sa kamay.

"Kamusta ang pakiramdam mo iha? Tsaka ano palang nangyari sayo kagabi?" bungad ni Manang. Agad akong tumingin kay Cyril na nakatingin rin pala sa akin.

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang totoo kay Manang. Pwede kasing makarating kay Mama at Papa pag sinabi ko. At ayaw ko ng mag alala sila. I know what will Papa do if he knew about what happened.

Binalik ko ang tingin kay Manang at nagsalita.

"Okay na ho ako Manang. Huwag na po kayong mag alala" sabi ko at ngumiti kay Manang. Napabuntong hininga naman si Manang.

"Buti naman yung ganon. Sige, kumain na kayo. Ipaghahain ko lang kayo saglit" sabi ni Manang at pumunta ng kusina. Muli akong tumingin kay Cyril. Tumango siya sa akin at inakay ako papuntang dining at tsaka na kami umupo.

Pansin ko lang ha, may nagbago sa kaniya. Hindi na siya nagsusungit, medyo nagkaroon na siya ng reaction, hindi na rin siya one-word-man at mas lagi niya na akong pinapansin. This past few days, parang nagiging caring nga siya eh. Lalo na nung hinabol niya ako ng malaman kung nagsinungaling siya. I didn't expect that he will chase me. Tapos iniligtas niya pa ako kahapon.

Kung wala siya, baka ano ng nangyari sa akin.

Lagi ko yung napapansin sa kaniya pero ayaw ko namang sabihin dahil baka magka-ilangan pa kaming dalawa.

And...nagugustuhan ko yung pagbabago niya. I love how he cares about me, and I don't know why I'm loving it.

"Hey, eat" natauhan ako ng magsalita siya. Tumango ako tsaka ko siya tinignan saglit at tinignan ko ang harapan ko.

May pagkain na doon. Kumpleto. May kanin at ulam na. I know siya ang naghanda niyan. Told you nagbago siya. Kasi kung siya parin yung Cyril na nakasagutan ko sa school, hindi niya gagawin 'to.

In the middle of my meal I remember something. May pasok pala kami ngayon!! Hala!! Anong oras na ba!? Late na kami!!

"Cyril late na tayo!!" sabi ko at minadali ang pagkain kaya nabulunan ako. Geez!

"Hey, slow down" sabi niya at agad na inabutan ako ng tubig. Ininom ko yun until the last drop. Gosh! Hindi na ako makahinga nun ha! Akala ko yun pa ang magiging dahilan ng pagkamatay ko!!

"Bat ka ba kasi nagmamadali?" tanong ni Cyril. Umubo pa ako bago siya sinagot.

"Did you forgot!? May pasok tayo!" aligagang sabi ko sa kaniya. Alalang alala na ako dito 'tas siya kampanteng kumakain lang!?

"Cyril!!!" naiinis kung tawag sa kaniya. Tinignan niya lang ako saglit and then he shrugged.

What the hell!!? Ano bang problema niya!? Wala ba siyang planong pumasok ngayon!?

Hindi ko na siya pinansin at nagmadali na lang ako kumain. Ng matapos ako ay agad akong umakyat papunta sa room para maligo at mag ready. Nasa hagdan na ako ng magsalita siya.

"It's saturday" nakangisi niyang sabi. Gulat akong tumingin sa kaniya.

Wh-What?

"I-It is?" gulat na sabi ko. Nakangisi parin siyang tumango. Agad na nagbago ang expression ko. Biglang kumulo ang dugo ko sa kaniya.

Parang gusto kung maging kriminal ngayon ha!!

"Damn you!!! Bat di mo sinabi kaagad!!?" galit na sigaw ko sa kaniya. Hindi niya man lang sinabi sa akin!? Nagmadali akong kumain para makapag ready tas sabado pala!! Shit!

"What did I do? You didn't ask" nakangisi niya paring sabi. Gusto ko siyang patayin!! Ngayon!!

"Walanghiya ka!!!" sigaw ko at patakbong bumaba ng hakdan at pinuntahan siya.

Pero mukhang hindi ko talaga araw ngayon! Ang malas ko ngayon!! Ang malas malas ko talaga ngayon!!

"Ahhh!" sigaw ko at hinihintay na sirain ng floor ang face ko.

I fell!! Yeah, I just fell!

"Are you alright!?" napamulat ako at siya kaagad ang nakita ko.

He saved me...again.

Nakatitig lang ako sa mukha niyang bakas ang pag aalala. Pag ilang beses niya na ba akong niligtas? Pag ilang beses niya na bang tinulungan ako? Pag ilang beses niya na bang iniligtas ako sa katangahan ko? I can't count. Hindi ko na maalala.

Everytime I'm in danger, he's there. Everytime I need help, he's helping me. Everytime I want someone to save me, he's saving me. And I'm very very grateful because of that. I don't want to be an enemy to myself so I'm saying this.

I think, he's my life savior.

"Earth to Athena. Are you okay!?" natauhan ako ng muli siyang magsalita. I think words are not enough to express what I want to tell him so I just did what I think is enough.

I hug him.

Mukhang nagulat siya sa ginawa ko. Me myself is also shocked. Hindi ko inaasahang gagawin ko yun. Pero yun ang sinasabi ng isip at puso ko na gawin ko. So I did.

"Thank you" mahina kung bulong. Mukhang mas nagulat pa siya sa ginawa ko pero hindi ko na lang yun pinansin.

Kumalas ako ng yakap sa kaniya at gulat parin ang expression niya. Buti nga ngayon at nagpapakita na siya ng reaction hindi tulad dati na tinalo niya pa ang yelo sa sobrang cold niya. Pero ang tagal niyang magulat ha, infairness!

"Hoy!" natatawa kung sabi sa kaniya at tinapik siya sa braso. Braso ba talaga yung natapik ko!? Ang tigas!!

Mukha namang natauhan siya. Buti naman! Akala ko aabutin pa kami ng bukas eh! Ang oa naman kasi makareact nito. Parang niyakap lang eh. Para namang ngayon lang siya nakayakap ng isang babae. Baka nga mas sobra pa sa yakap ang ginagawa nila. Baka nga-

Oh my gosh!! What the hell I am thinking!? Ang dumi ng utak ko! Geez!!

Iiwan ko na sana siya doon ng bigla siyang ngumisi. Nainis ako bigla lalo na nung ngising nakakaasar ang nakita ko. Aba!

"Anong nginingisi ngisi mo diyan!?" naiinis kung tanong sa kaniya pero ang timang na 'to mas inasar pa ako.

"I thought you're angry. Ngayon lang ako nakakita ng niyayakap ang kinakagalitan niya" aba! Aba!!! He really changed! Mas naging nakakaasar na siya ngayon! At mas naiinis naman ako sa kaniya at tumataas ang pagnanais kung patayin siya!!!!

"Shut up!!" naiinis kung sabi habang sobrang sama ng tingin sa kaniya. Imbes na matakot at tumigil siya ay mas lalo lang niya akong bwenisit.

"Why? I'm just stating the fact. Saan ka ba nakakita ng niyakap ang kinaiinisan niya?" pang aasar niya na naman. Mas sumama ang timpla ng ugali niya! As in!

"I hate you! I hate you! I hate you!" nagmamaktol sa sabi ko at padabog siyang iniwan doon at pumunta ng sala.

Nakakainis talaga siya! Ang sarap niyang kitilin! Nakakapanggigil!! Pagkatapos ko siyang yakapin ay yun pa ang igaganti niya sa akin! Aba!!! Alam niya ba kung gaano karaming self confidence ang inipon ko para lang magawa yun! Tapos aasarin niya lang ako ng ganito!!