Chereads / Killa Maffia Series 1: You And I / Chapter 26 - Coraline

Chapter 26 - Coraline

ATHENA

The woman infront of me is like a freaking celebrity! Matangkad ito, maputi at bagay na bagay sa kaniya ang uniform ng school. This woman had a heart shape face. Her eyes were mesmerizing dark brown. She has a blonde medium-length layered hair with natural waves. And her nose was pointed while her lips were thin.

A-Ang ganda niya! Damn it!

Halos lahat ay nakatitig sa kaniya. Lalong lalo na ang mga boys. Marami namang makatingin sa kaniya na halata ang inggit sa mga mata. Isa na doon si Alexa.

Pero may isang tao akong tinignan. I was hoping na sana walang admiration sa mata niya.

Cyril...

Nakatitig ako sa kaniya habang ang buo niyang atensiyon ay nasa harap. Gulat ang mukha niyang nakatingin rito at halos hindi na siya kumukurap.

I feel like someone pierced my heart. Iba yung mga tingin niya sa babaeng nasa harapan. Ibang iba. Binalik ko ang tingin ko sa harap.

She's smiling innocently at ang amo amo pa ng mukha niya. Hindi makabasag pinggan. Tapos idagdag mo pa yang dimples niya.

Ugh!!! I hate her! I hate her aura! Sino ba ang impaktang 'to?

"Shit!"

"Fuck!"

Nabaling ang atensiyon ko kay Christian at Michael ng bigla silang magmura at gulat ring nakatingin sa harapan. What's with them?

Muli akong napatingin sa harapan ng pumasok ang Dean ng school namin. Teka! Anong ginagawa niya dito!? Madalang lang lumabas sa lungga niya ang tandang yan kaya nakakagulat na nandito siya sa harapan naming lahat.

"Attention everyone! A very important student is infront of you. I hope you respect her and treat her nicely!" sabi ni tanda at masama ang tingin sa amin. Inirapan ko lang siya at muli kung tinignan ang babae sa harapan. Very important? What does he mean? Aura pa nga lang niya ayaw na ayaw ko na so don't expect me to treat her nicely. "Please introduce yourself" parang nagbago si tanda ng humarap siya doon sa babae. Ngiting ngiti siya at halos yumuko pa siya.

Sino ba talaga ang babaeng ito at halos pati si Dean ay huluran siya?

Ngumiti naman ang babae sa amin at lumabas na naman ang nakakabwisit niyang dimples. "Hi! I'm Coraline Wilford. Hope we can be friends" bibo niyang sabi at halos mawala na ang mga mata niya dahil sa pag-ngiti niya. I really really really hate her!!!!!

Masyado siyang mabait at mahinhin. She looked gorgeous pero hindi non mababago ang pagtingin ko sa kan-

Wait!!!

What the heck!? Did I heard that right!?

W-Wilford?

I-Ibig sabihin...

"Isa kang Wilford? Then, kaano ano mo si Ma'am Cynthia Wilford? Ang may-ari ng school na ito?" napatingin ako sa isa kung kaklaseng lalaki na nagtanong pero agad ring nabalik ang tingin ko sa harap. She giggled before answering.

"She's my mother"

W-What!?

"Jade!! Kanina ka pa tulala diyan. Ayos ka lang ba?" narinig kung tanong ni Lenia pero hindi ko siya pinansin. Isang tao lang ang nasa utak ko ngayon. That woman named Coraline. "Jade you're making us worried" hindi ko rin pinansin si Joan ng magsalita siya. Masyadong pre-occupied ang utak ko para sagutin sila.

Patuloy lang ako sa paghalo ng porrigde na in-order ko ng magsalita na naman si Lenia. "Hey! Ano ba yang nasa isip mo at hindi mo kami pinapansin?" pinikit ko ang mata ko tsaka umiling. "Its just that..." nag dadalwang isip ako kung babanggitin ko ba sa kanila na ang Coraline na yun ang laman ng isip ko.

"It's just that, ano?" tanong ni Joan. Agad akong umiling. "No, it's nothing" sagot ko. Agad na kumunot ang mga noo nila. "You sure?" tanong naman ni Gary. I didn't answer instead I take a deep sigh.

"Hey, about ba 'to doon sa transferre?" napalingon ako kay Joan dahil sa sinabi niya. Nakatingin rin sa kaniya si Lenia at Gary. "Si Coraline?" agad na nag init ang dugo ko ng banggitin ni Lenia ang pangalan ng babaeng yun.

I really hate her! "Don't say her name!" gigil na sabi ko. I don't know kung bakit ang init init ng dugo sa babaeng yun. I just really hate her behavior! Ang amo amo niya! Mas gusto ko si Alexa kaysa sa kaniya. Atleast Alexa is real kaysa naman sa Coraline na yun. Baka nasa loob pa ang kulo. Minsan kung sino pa yung sobrang bait, siya pa yung may tinatagong baho.

And looks can be deceiving.

"What wrong with her? Mukha namang mabait siya. Actually, I really like her!" tuwang tuwa na sabi ni Gary. Sinamaan ko siya ng tingin. "Well, we're different. Because I really really hate her!" inis na sagot ko tsaka umirap.

Lenia was about to speak when someone stops infront of our table. "Hi! Do you mind if I join you?" agad na sumama ang timpla ng mukha ko ng marinig ko ang boses niya. "Hi, Coraline! No, we don't mind. Tara upo ka" magiliw na sagot ni Lenia.

Nakangiti naman siyang umupo at talagang sa tabi ko pa. "I do mind if you join us. Pero dahil pumayag naman ang mga friends ko, sure you can join. Pero pwede ba, stay away from me" bitch kung sabi na nagpatanggal ng ngiti sa labi niya. Nahihiya naman siyang tumayo at lumipat ng upuan.

Titig na titig sa akin sila Lenia, Gary at Joan pero inirapan ko lang sila. I hate her so don't expect that I will be nice to her. I rather choose na makatabi si Alexa kaysa sa kaniya.

Masaya silang nag uusap usap samantalang ako ay kumakain lang. Ni sila Lenia nga hindi na ako pinapansin. Puro sila Coraline, Coraline, Coraline!! Nakakainis na! Bakit parang ako pa yung naging stranger dito? Parang ako pa yung transferre na naki-singit dito ah. Hiyang hiya ako sa kanilang apat. Tsk!

Tumayo ako at iwanan sila roon. Hinihintay kung sumunod o tawagin man lang nila ako pero ni isang Jade wala akong narinig. Really!!? Kinalimutan na ba talaga nila ako!? Gosh!! Ano ba ang mayroon sa Coraline na yun!?

Padabog akong umupo sa chair ko dito sa room. Marami rin akong nasungitan kanina pero hindi naman sila sumasagot. Dapat lang dahil mainit ang ulo ko, baka sa kanila pa mabaling.

I closed my eyes and I was calming myself when someone sit beside me. Narinig ko kasi ang pag upo niya. "Hey, are you okay?" napamulat ako ng marinig ang boses ni Cyril. Isa pa 'to! Kung makatitig sa Coraline na yun eh akala mo siya lang yung tao kanina. Nakakainis talaga.

Inirapan ko siya at muli akong pumikit. "Athena what's wrong?" malambing niyang sabi then he caress my hair. Muli kung minulat ang mata ko at kitang kita ko ang mga galit na tingin sa amin ng mga kaklase ko. Inirapan ko sila tsaka ako humarap kay Cyril.

"What do you need?" asar kung tanong. Agad namang kumunot ang noo niya. "Hey baby, what's wrong with you? Ayos pa naman tayo ng bumaba ka ng kotse kanina. You looked ecstatic, so what happened?" agad ko siyang inirapan. "Hey baby, what's wrong with you?" I said, mimicking him. "Ewan ko sayo! May pa baby baby ka pa tapos kung makatitig ka naman sa Coraline na yun kanina. Eh halos hindi ka na nga kumurap!" naiinis kung sabi sa kaniya.

Biglang nagbago ang expression niya. Gulat siyang nakatingin sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay. "See?! Pangalan niya pa lang pero kung makareact ka na! I hate you!!" bwisit na sabi ko tsaka siya tinalikuran at pumikit ulit ako. Something inside me is hoping na sana suyuin niya ako pero halos makatulog na ako, wala paring sumuyo sa akin.

That makes my heart hurt. Like someone punched my chest dahil sa bigat ng nararamdaman ko. I hoped, I really do. Yun pala aasa lang ako sa wala.

"Wala raw si Ma'am!!" napamulat ako ng sumigaw ang isa kung kaklase na lalaki. Halos magtatalon naman sa tuwa ang buong klase sa sinigaw niya. Umirap lang ako tsaka pumikit ulit.

Pero muli lang akong mapamulat ng marinig ko ang tawanan ng mga kaibigan kung kinalimutan na ako. "Hahaha! Grabe naman yun Coraline!" natatawang sabi ni Lenia.

"Hahaha! I know! I really didn't expect that my brother was scared of cockroaches! Like, he's always telling me na wala siyang kinakatakutan yun pala sa cockroaches lang siya ta-"

"Shut up, will you!?" nahinto siya sa pagdadaldal ng sumigaw ako. Gulat siyang napatingin sa akin tsaka yumuko. "I-I'm sorry" mahina niyang sabi. I laugh sarcastically. "I don't need your sorry. Just shut up!" galit na sabi ko tsaka siya inirapan bago muling pumikit.

Marami akong naririnig na bulungan. Saying that, pati raw ba anak ng may ari ng school susungitan ko, pati raw ba ang inosenteng tulad niya na wala namang ginagawa sa akin ay sisigawan ko, and so on and so forth but I don't care. Think what they like to think but that will not change how much I hate her.

Alam kung nagsiupo na sila Lenia dahil rinig na rinig ko ang mga tunog ng upuan nila and worse nasa gitna pa nila ako. Buti na lang malayo ang upuan ng walanghiyang impakta na yun!

"Jade, ano bang problema mo?" napamulat ako at napatingin kay Lenia dahil sa sinabi niya. "Wala namang ginagawa yung tao sayo ah. Bakit bigla ka na lang naninigaw?" dagdag niya. I felt like someone pierced my heart. "Seriously, Lenia?" hindi makapaniwalang sagot ko. "Ikaw pa talaga?" pilit kong pinipigalan ang luhang gustong tumulo sa mata ko.

"Jade you are wrong this time, kaya hindi kita kakampihan. Corali-"

"Shut uppppp!" frustated at nakapikit na sabi ko. Ayaw kong magalit sa kanila. They are very important to me, lalong lalo na si Lenia. She's like a sister ko me kaya ayaw kong masira ang bond namin dahil lang sa babaeng yun. "You're too much Jade. Wala na sa lugar yang magsusungit mo" napuno niyang sabi tsaka umalis. Sinundan ko siya ng tingin at pilit paring pinipigalan ang luhang gustong tumulo sa mata ko.

Nilingon ko yung dalawa. Worried is visible in their eyes. "Sumobra ba talaga ako?" tanong ko sa kanilang dalawa. Nagkatinginan naman sila at sabay na tumango. "Sissy, I know kung gaano ka important si Lenia sayo. It's just that, medyo too much nga yung nagawa mo" sagot naman ni Gary. I took a deep breath and deep sigh. "I want to say sorry to Lenia" yukong sabi ko. "Go! Follow her!" napatingin ako kay Gary and she thumbs up.

Tumango ako at agad na tumayo para sundan si Lenia. Siguro akong hindi pa siya nakakalayo. Nasa hallway na ako ng makita ko ang isang babae na nakatalikod. Likod pa lang niya pero alam ko na agad na si Lenia yun. "Lenia!" sigaw ko at tumakbo papalapit sa kaniya. Gulat naman niya akong nilingon. "Jade? S-Sinundan mo ba ako?" nakaiwas ang tingin na sabi niya.

Tumango ako. "Oo. I...I-I'm sorry" nakayukong tugon ko. "Wag ka na ng magalit sa'kin. Alam kong sumombra ako but I just not really like her. Kilala mo naman ako diba, you're the one who knows me best kaya siguro naman maiintindihan mo ako. Alam mong hindi ako plastic na tao. I will not pretend that I like if I'm not. Alam mo yun" mahabang paliwanang ko. I heared her sigh. "Of course maiintindihan kita. Siguro nasobrahan lang talaga ako sayo kanina but I'm not mad. Bestfriend-no, sister, you're more like a sister to me kaya hindi ko kayang magalit sayo" she said then hold my hand.

Tinignan ko siya and there's a genuine smile in her face. "I understand. Hindi naman kita pipiliting maging mabait sa kaniya eh. Alam ko ring kanina pa lang ay naiinis ka na sa kaniya" she said then laugh. Dahil sa pagtawa niya ay napangiti na rin ako. "Naiinis rin kaya ako sa inyong tatlo kanina. I thought pinagpalit niyo na ako sa kaniya" may halo ng pagtatampo na sabi ko.

Mas lalo naman siyang natawa. "That's a good idea!" she said. "Lenia!!" I said annoyingly. Tinawanan niya lang ako. "I was just joking! Hindi ka naman mabiro tsaka ano ka ba! Para namang kaya kitang ipagpalit! Yieeee!" ewan ko kung seryoso siya sa pinagsasabi niya dahil tawa siya ng tawa kaya imbes na matuwa ako ay mas naasar ako sa kaniya.

"Ewan ko sayo. Tara na nga" sabi ko at umirap. She cling her arms to mine tsaka kami naglakad. Buti na lang ayos na kami.

Tumatawa kaming nakarating ng room. Pagpasok pa lang ay nahagip na ng mata ko si Coraline. She stared at me for a second before her eyes dropped to our arms. I mentally rolled my eyes before I changed my gaze.

Nakangiti at masaya ang mga mukha ni Gary at Joan ng makita kami. "Bati na kayo?" Joan asked. Nagtinginan kami ni Lenia bago sabay na tumango. Mas lumawak ang ngiti ni Joan bago nagsalita. "Buti naman!" then she turn her back to us. Kausap pala nila si Christian, Michael. Malapit lang rin si Cyril pero mukhang hindi siya interesado dahil nakapikit ang mata niya.

Umupo kami ni Lenia sa sari-sarili namin upuan at ipinaharap yun kila Christian. "Anong mayroon?" tanong ni Lenia. Hinarap siya ni Christian. "Grand opening kasi ng resort namin sa Batangas and my Mom asked me to invite my friends. Pumayag naman na sila Michael and I was planning to invite you too." sabi niya at tinignan kaming apat na babae. Tinignan ko ang mga kasama ko at mukhang wala namang dahilan para tumanggi kami. "When?" I asked. "This saturday. Two days tayo doon. We can leave on Sunday afternoon or evening" sagot niya agad.

"Please!! Please sumama na kayo!" he added while pleading. "I'll ask my Mama first" sagot ko at dinial ang number ni Mama.

"Hi, Ma."

'Yes baby?'

"Someone invited me to come in their resort's grand opening. Can I come?"

'Of course you can. But make sure na kasama si Cyril'

Napalingon ako kay Cyril na hanggang ngayon ay nakapikit parin. Kasama naman talaga siya eh.

"Yes, kasama siya"

'Then enjoy. And be careful, okay? I know Cyril will always protect you but still, take care of yourself'

"I will Mama" sagot ko at tumango kahit hindi naman nakikita ni Mama.

'Good'

"Bye Ma"

'Bye sweetheart'

Binaba ko na ang tawag at nagthumbs up sa kanila. Dati pag may mga ganito akong lakad ang laging tinatanong ni Mama ay kung kasama ba si Lenia o kaya naman ay si Kuya Lloyd, but now, it's different. Si Cyril na ang tinanong ni Mama.

Tinignan ko yung tatlo at tinanong kung sasama ba sila and they also thumbs up. Nakangiti naman sa amin si Christian bago muling nagsalita. "Thanks! How about we go to mall later? Bili tayo ng mga gagamitin natin!" excited na sabi niya. Pumayag naman kaming lahat.

Binalik namin sa tamang ayos ang upuan namin ng dumating si Ma'am.

Nagstart ng mag-discuss si Ma'am pero wala sa kaniya ang atensiyon ko. It's on Coraline. Pilit kung hinahalukay ang utak ko para malaman ang dahilan kung bat inis na inis ako sa kaniya pero wala akong mahanap. And I know that she, being innocent is not enough reason to be pissed at her.

Nakatitig ako sa kaniya when she accidentally looked at my way. Nagulat siya at hindi niya yata inaasahang nakatingin ako sa kaniya. Nanliit ang mata ko ng bumawi siya ng titig. Nakipagtitigan rin siya sa akin at may kung anong emosyon sa kaniyang mata na hindi ko mabasa.

I'm not planning to lose in this staring contest kaya pinantayan ko ang titig niya hanggang sa siya na mismo ang umiwas. She sighed and looked away. I can't prevent my eyes from rolling.

Anong ibig sabihin ng buntong hininga niyang yun?