Chereads / Killa Maffia Series 1: You And I / Chapter 27 - Endearment

Chapter 27 - Endearment

ATHENA

Natapos ang klase ng lutang ako. Lumilipad ang isip ko and I can't concentrate. Palabas na dapat kami nila Lenia ng room ng may humarang sa harapan namin. "Uhm...pwede ba 'kong sumabay? Wala pa kasi akong kakilala dito maliban sa inyo" diretsong tagalog na sabi niya. Ewan ko kung talagang ganon ang accent niya pag nagtatagalog o talagang maarte lang siya.

Umiwas ako ng tingin sa kanila ng makitang nakatingin silang tatlo sa akin. Maliban pala kila Lenia ay kasabay rin namin sila Christian. They aren't looking at me dahil may tinignan rin si Michael at Christian na ibang tao.

Cyril...

They are looking at Cyril.

Nakayuko si Cyril and one emotion is visible on his face. Emosyong ngayon ko lang nakita sa kaniyang mukha.

Nervous.

Cyril is nervous. Halatang halata sa itsura niya. He's rigid at para siyang ewan na hindi mapakali habang nakayuko.

Because of his state, something push me to look at Coraline. At yun ang ginawa ko. She's also looking at him. Hindi isang simpleng tingin ang pinupukol niya kay Cyril. She's staring at him like he is a valuable thing. Yun bang parang isang babasagin na bagay si Cyril at kailangang ingatan.

And I hate the way she look at him.

Parang...parang may gusto siya kay Cyril.

Iniwas ko ang tingin sa kaniya at nilapitan si Cyril. I took his hand and intertwined it to mine. I don't know what possessed me and who give me the million confidence to do that. I just followed what my heart is telling me to do, and it says that I need to guard what's mine.

Gulat na napatingin sa akin si Cyril bago niya nilipat ang tingin sa kamay naming magkahawak. Mahigpit ang pagkakahawak ko doon na para bang ayaw ko siyang bitawan. He looked at me again and I just smiled at him as I squeeze his hand.

Hindi ko na siya hinintay pang magsalita o magreact man lang sa ginawa ko. Hinila ko siya palayo roon at papuntang parking lot. I'm glad dahil humigpit na rin ang kapit niya sa akin. Tahimik lang kaming naglalakad at ni isang salita sa kaniya ay wala akong narinig.

Ngayon ko naramdaman ang hiya. Gusto kung tumakbo palayo sa kaniya ng marealized ko kung ano yung ginawa ko kanina. Gosh!!! Ground, just eat me right now! As in ngayon na!

Hindi ako makatingin sa kaniya habang naglalakad kami pero ramdam na ramdam ko ang mga titig niya. I felt like he's watching every step that I take. Para bang isa akong puzzle na kailangan niyang titigan para malutas.

Ibinaling ko sa iba ang atensyon ko at doon ko lang nalaman na sumusunod pala sa amin sila Lenia at Christian. Kasama rin nila si Coraline na hindi makatingin sa aming dalawa ni Cyril. Nilayo ko na ang tingin sa kaniya bago pa tuluyang mag init ang ulo ko.

Nakarating kami ng parking lot ng walang nagsasalita. Parang ipinagbawal tuloy sa lugar na 'to ang magsalita. Huminto kaming lahat sa harapan ng kotse ni Cyril. Humarap ako kila Lenia ng hindi pinuputol ang pagkakahawak ko kay Cyril.

"So...see you later guys" sabi ko at kumaway sa kanila maliban kay Coraline. Duh!! We're not close. Buti nga nasa dulo siya at wala sa gitna. Kung nasa gitna siya baka akalain niya pang kinawayan ko rin siya. Lenia smiled at me before she hug me. "Ingat kayo. See you later" sabi niya habang yakap ako. I hugged her back before I spoke. "Ikaw rin. Ingat" sagot ko bago ako kumawala sa yakap niya.

Kumaway lang pabalik sa akin si Joan at Gary samantang ngumiti si Christian at tumango si Michael. What is this atmospehere? Ang awkward naman!

Tuluyan na akong pumasok sa kotse ni Cyril ng pagbuksan niya ako ng pinto. Nakipagfist bump siya kay Christian at Michael bago umikot para pumasok sa driver's seat. Ewan ko kung bat hindi sumabay sa amin si Brent at wala rin akong planong alamin.

Nakatingin ako kay Cyril ng tuluyan siyang makapasok. Tumingin rin siya sa akin before he took my hand and held it. "Let's go home?" hindi ko alam kung bakit pero napangiti ako sa tanong niya. Home? That sounds warm.

Nakangiti akong tumango sa kaniya. He squeezed my hand before he starts the engine of his car. His right hand was holding my hand while his left hand is on the steering wheel.

His car was already moving when I accidentally looked at the side mirror.

What the...!!! D-Did I saw that right?

Totoo ba yung nakita ko?

Did Coraline just really glared at me?

Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko sa nakita ko kanina. I was thinking na baka namalikmata lang ako o nagkamali lang ako sa nakita. Pero mayroon paring side sa akin na pilit sinasabing totoo yun.

Gosh!! She glared at me! That very innocent looking woman named Coraline just glared at me! Hindi kapani-paniwala!

The way she look, she move and the way she talk, napakainosente.

Maybe namalikmata lang talaga ako. Siguro dahil sa inis ko rin sa kaniya kaya akala ko tinignan niya ako ng masama.

Tsk! Bahala na nga kung totoo o hindi yung nakita ko. Too much wasting of my time.

"Hey, you're spacing out." natigil ako sa pag iisip ng magsalita si Cyril. I looked at him. "I was just thinking." sagot ko. He chuckled. "Mind telling me what is going inside that playful head of yours?" nakangising sabi na dahilan para ikatawa ko. "Playful? Paano naman naging playful ang utak ko?" tanong ko tsaka tumawa. "Someone who's suddenly holds other people hand?" he said sarcastically.

Ilang beses akong napakurap bago tumingin sa kaniya. "Seriously, Cyril?!" he just answered me with a smirk.

Dahil sa ginawa niya ay nahiya na ako. Damn! Kailan pa ako natutong mahiya!? At sa harapan niya pa talaga!!

Nakarating kami ng bahay na hindi ko na siya pinansin. Simula bumaba ako hanggang sa makapagbihis na ako ay hindi ko pa rin siya kinakausap. Bahala siya sa buhay niya!

Nakaripped-jeans and croptop ako dahil plano pala naming mag mall ngayon for saturday. It's just six in the afternoon kaya medyo maaga pa naman. Hindi pa nga madilim sa labas eh. Ewan ko lang pero kung anong oras kami aalis. I want to ask Cyril pero dahil ma-pride ako at hindi ko siya pinapansin ay wag na lang. Let's just wait.

I was comfortably sitting in the couch when someone sit beside me. Sino pa ba eh siya lang naman ang kasama ko sa bahay maliban kay Manang.

I was about to get up when he pulled me. Causing me to land and sit on his lap.

Gulat akong humarap sa kaniya and I was planning to push him away when he wrapped his arms around my waist. "Push me and you will surely fall." diretso sa mata ang tingin niya sa akin habang nagsasalita. I don't know what to say and what to react! Nagpapanic ang mga lamang loob ko sa sobrang lapit namin at idagdag mo pa yang sa l-lap niya ako nakaupo.

Gusto kong itulak siya at makawala pero hindi ko magawa dahil sa higpit ng pagkakakapit niya sa beywang ko. It's not that I don't like him, natatakot lang ako na baka marinig niya ang sobrang lakas na tibok ng puso ko. It is erratically beating for Pete's sake!!

Idagdag pa yang mga titig niya. His eyes never left mine simula ng mapa-upo ako sa kaniya. He was looking at me like he's reading a question that can't be answered. Napakadiin ng mga titig niya. Parang binabasa ako non pero kahit anong gawin ay walang makuhang sagot.

I was trying to avoid his stare but he will just hold my chin, return my eyes at him and then boom! Nakatingin na ulit ako sa kaniya. Ayaw ko namang yumuko dahil siguradong sa iba tatapat ang mata ko.

"Why can't you look at me?" he asked softly. His voice was tender and soothing. Medyo nabawasan ng kabang nararamdaman ko dahil sa malumanay na boses niya. But I can't still answer him. Alam ko kasing I will stammer. "Baby, come on. Answer me." he's telling me to answer him pero may baby sa sinabi niya!? Gosh!! Gusto niya ba talagang atakihin ako sa puso!!

"I'm not a baby."

"Then...how about babe?"

"Masyado akong maganda para maging baboy."

"Wife?"

"We're not yet married."

"Honey?"

"What do you think of me? A bee?"

"Sweetheart?"

"Too corny."

"Bhe?"

"What the..."

"Love? How about love?"

In fairness! Ang dami niyang alam na endearment ah!

"Love?-

"Yes love?" he said without even letting me finish what I'm going to say. Imbes na kiligin o matuwa ay inirapan ko siya. "Itigil mo nga yan! Ang pangit pakinggan!" sagot ko tsaka umiwas ng tingin.

He chuckled. "Ang cute kaya." gulat akong napatingin sa kaniya. "C-Cute!? Te-Teka! Cyril, ikaw ba yan?" hindi ko alam na may cute pala sa vocabulary niya. Hindi halata ah.

"You're cute." natatawang sagot niya. Mas lalong nanlaki ang mata ko. Hala! Anong nangyayari kay Cyril? "A-Anong nakain mo?" hindi makapaniwalang tanong ko. He shrugged. "Maybe because you're sitting in my lap?" doon ako natauhan. Oo nga pala! Damn! I'm still sitting on his lap.

This time tinulak ko na talaga siya at tumayo ako ng maayos. Pakiramdam ko lahat ng dugo ko ay umakyat sa mukha ko dahil sa mga pinag-gagawa niya. Hiyang hiya ako na yumuko dahil baka makita niya ang mukha kung paniguradong pulang pula na.

Paano ba nagagawa ni Cyril sa'kin 'to?

He chuckled and I was forcing myself not to look at him. Dahil sigurado akong mas aasarin niya lang ako. At ayaw kong mangyari yon dahil nakakarami na siya! As in!

"Wait for me here. Magbibihis lang ako." halata sa boses niya na natutuwa siya sa pinag gagawa niya. Buti pa siya natuwa, ako kasi hindi! Dali-dali akong umupo sa couch ng tumayo siya. Itinaas ko ang tingin ko at malapit na siya sa hagdan ng bigla siyang tumigil.

I wasn't expecting that he will faced me kaya hindi ako nakaiwas sa tingin niya. He smile and said, "On a second thought...sumama ka na lang kaya? Want to help me change my clothes?" His smile immediately turn into grin after what he said.

At first iniisip ko pa kung anong ibig niyang sabihin but when he asked me to help him change his clothes, that's when I get it. "Ano ka baldado!? Gosh! Just change already, you pervert!!" I was supposed to be sound mad pero iba ang kinalabasan. My voice became low. Damn it! Ano bang nangyayari sa'kin!?

"Love, you are my fiancée. So what's wrong being a pervert?" Kitang kita ko ang ngisi sa mga labi niya na dahilan para mas lalo akong mamula.

"J-Just ch-change, will yo-you?"

Shit! Shit! Shit! What the hell is happening to me!? I stammered! I freaking stammered! Nakakahiya!!