ATHENA
Maganda ang mood ko ngayong umaga. I feel so light. Ang himbing rin ng tulog ko kagabi pero hindi ko alam kung paano ako napadpad sa kwarto ko dahil sa pagkakaalala ko ay nasa sala kami ni Cyril ng lamunin ako ng antok. Maybe he carry me. Siya lang naman ang kasama ko rito maliban kay Manang.
I was about to go down ng tumunog ang phone ko.
Lenia calling...
Kumunot ang noo ko pero agad ko rin naman yung sinagot.
'Hays buti naman at sinagot mo!'
"Bakit? May nangyari ba?"
'The hell!! Oo may nangyari!!'
"Anong nangyari?"
'Si Alexa! Nabaliw na!'
"What!?"
'Joke lang! But seriously, kailangan mo ng pumasok. Si Alexa, nagrereyna-reynahan dito sa school'
"What the hell? Ano bang pinag gagawa niya habang wala ako?"
'She keeps on telling our schoolmates na dapat sundin nila siya. At dapat sa kaniya daw sila matakot at hindi sayo dahil hindi ka na babalik!'
"The hell with her!? Gosh! Baliw na talaga siya!"
'I know bes! I know!! Kaya kung ano man yang dahilan mo kung bat di ka pumasok kahapon ay kailangan mo munang isantabi! I want to slap her and pull her hair really hard pero alam ko namang hindi siya titigil eh. Ikaw lang naman ang nakakapagtiklop sa kaniya'
"Don't worry. Papasok na rin naman ako ngayon eh"
'Finally! Naiinis na kasi talaga ako sa kaniya! Gosh Jade! Kailangan mo kaming ipaghiganti sa pinaggagawa niya sa amin kahapon'
"I will. Humanda siya sa akin mamaya"
'Yes!! Okay, bye na! See yah later!'
"Bye. See yah"
Binaba ko ang tawag.
Oo nga pala, naiinis ako kay Cyril because he lied to me. Yesterday was not saturday! It was thursday! Bat ba naman kasi ako nagpauto sa kaniya. And today we have classes because it's just friday. Buti nga narealize ko nung magising ako at tumawag si Lenia dahil kung hindi, aakalain kung sunday ngayon.
So, nagrereyna-reynahan pala si Alexa habang wala ako. Sana sinulit niya na. Dahil lagot siya sa akin mamaya.
I smirked. Be ready, Alexa.
Masaya akong bumaba ng kwarto ko at ngiti kung sinalubong si Manang. "Good morning po" nginitian rin naman ako ng Manang. "Magandang umaga rin sayo iha. Mukhang masaya ka ngayon ha" tawa lang ang itinugon ko tsaka hinanap ng mata ko si Cyril.
"Si Cyril po?" I asked. Tinuro naman ni Manang ang kusina. "Andoon. Kumakain na siya. Sumabay ka na sa kaniya" tinanguan ko lang si Manang bago ako pumunta sa kusina. At tama nga si Manang. Kumakain na siya.
Napa-angat siya ng tingin at bumaling sa akin. "Good morning!" I said with a smile. He chuckled. "What's with the mood?" naiiling niyang sabi. I shrugged before I answer. "Maybe I missed being a bitch. Namimiss ko na ring makipagsagutan sa mga schoolmates kong mga ewan" ngiting sagot ko. Oh gosh! I'm so bad.
"Tsk!" sagot niya lang tsaka pinagpatuloy ang pagkain. Nakangiti parin akong kumain at natapos na ako't lahat lahat pero masaya parin ako. What the hell is wrong with me!?
"Let's go?" tanong ni Cyril tsaka kinuha ang bag niya. Ngiting ngiti akong tumango tsaka mas nauna pang lumabas sa kaniya. "You're weird" bungad ni Cyril ng makapasok siya sa kotse niya. "Don't worry hindi ka nag iisa. Nawiwirduhan na rin ako sa sarili ko eh" sagot ko tsaka natawa.
Iling lang ang sagot niya sa akin. Habang nagmamaneho siya ay nakangiti parin ako. Minsan naman ay kunot noo siyang titingin sa akin pero tinatawanan ko lang siya.
"Is this about the kiss mark?" kinunutan ko siya. "Kiss mark? Where?" ngisi kong tanong. Iginilid niya ang kotse at agad na tinignan ang leeg ko. Matagal siyang napatitig doon bago siya lumayo. "What did you do?" naguguluhan niyang tanong pero nginisian ko lang siya.
Ilang minuto pa ang lumipas bago siya muling nagsakita. "Tsk! Nagagawa nga naman ng make up" iling iling na sabi niya kaya napatawa ako ng malakas. "Hahahaha! I'm smart, right?" ngising tugon ko. "Whatever" he answered. He was about start the car ng tumunog ang phone niya. Tinignan niya yun at biglang nagtangis ang bagang niya. Pero agad rin yung nawala tsaka niya binaling ang tingin sa akin.
"Why?" ngiting tanong ko. "Wala" sagot niya tsaka umiling. Tinawanan ko lang siya. Then he started the car.
Yeah! I just cover the kiss mark that he did. Alangan namang ipaglandakan ko ang ginawa niya sa leeg ko. Duh! Di napatay ako ni Alexa.
And speaking of Alexa. I will surprise her! Hope she will like it.
Nakangiti parin ako hanggang sa makarating kami sa school.
"And don't talk to me." sabi ko sa kaniya. "Why?!"
"Because you lied to me about the saturday thing." huling sagot ko. Hindi ko na hinintay pang pagbuksan niya ako. Ako na ang kusang bumaba at iniwan siya roon.
How I miss this attention!
Isang araw lang akong nawala sa school pero kung makatingin sila ay akala mo patay ako na muling bumangon.
Mukhang pinamukha talaga sa kanila ni Alexa na hindi na ako babalik. Tsk! In her dreams! At kahit mamatay pa ako ay hindi ko siya tatantanan.
Taas noo akong naglalakad ng may humarang sa harap ko. Pero hindi iyon naging dahilan para mawala ang ngiti sa labi ko. I looked at her from head to toe. Then smirk appeared on my lips and I speak. "I missed you!" then I chuckled.
Sumama naman ang tingin niya sa akin. "I didn't" sagot niya na naging dahilan para matawa ako. "Hahaha! Bakit naman di mo ako na-miss?" kunwaring nagtatampo na sabi ko. She rolled her eyes tsaka ako tinaasan ng kilay. "Why would I miss you? I'm happy nga't hindi ka pumasok kahapon eh. Bakit ba bumalik ka pa?"
It's my time to roll my eyes at her. "I'm glad napasaya kita. Pero sana tinodo mo na. Kasi ngayon? I'm back. And it's your time to be gone" ngising sagot ko. She chuckled sarcastically. "My time to be gone? In your dreams!" sagot niya.
Nawala ang ngisi sa labi ko pero tumaas naman ang kilay ko. "Ohh, bakit? Hindi ba't totoo naman. Ngayong nandito na ako ay tapos na ang pagrereyna-reynahan mo" mukhang nagulat siya sa sinabi ko. Hindi niya siguro inaasahang nalaman ko ang mga kagaguhang pinag-gagawa niya.
"Shock? You should be. Hindi porket wala ako rito eh hindi ko na alam ang pinag-gagawa mo. How dare you to say na hindi na ako babalik. Remember this Alexa, kahit anong gawin mo, you will never get my throne in this school" madiin kong tugon. Napakurap siya bago muling nagsalita.
"You're just a student like me! Wala kang karapatang pagsabih-"
"Excuse me? Did you forget na ang family ko ang may pinakamalaking shares sa school na ito? So whether you like it or not, mas may karapatan parin ako kaysa sayo" mahina ngunit may diin na sabi ko. Namutla naman siya. "Kaya wag kang nagrereyna-reynahan dito. Tandaan mo, hindi mo ito pag aari at mas lalo ng wala kayong share sa school na ito" sabi ko tsaka ako dumaan sa gilid niya. I purposely bumped her shoulder. Hindi pa ako nakakalayo kaya rinig na rinig ko kung paano siya mang-galaiti sa galit.
Right at your face, Alexa!
"Oh my gosh!! Jade!!" nilingon ko ang sumigaw at nakita ko si Lenia, Gary at Joan na papunta sa akin. Kumaway naman ako sa kanila. "Hi!" ngiting sabi ko.
Hindi ko inaasahan ng yakapin nila akong tatlo. Natawa na lang ako at niyakap rin sila. "Buti naman pumasok ka na!" sabi ni Joan tsaka sila humiwalay sa akin. "Right! We're glad that you're already here!" masaya namang sabi ni Gary. Nginitian ko lang sila.
"So, care to tell me what happened yesterday?" tanong ko. Agad namang napalitan ng inis ang mga expression nila. "Yesterday!? It was hell!" oa na sagot ni Gary. "And she was so annoying!" dugtong ni Lenia.
Sunod ko namang tinignan si Joan na kumibit balikat lang. "Buwisit na buwisit rin talaga ako sa kaniya kahapon but hindi niya ako nautusan unlike this two. As if naman mauuto niya ako nu" she said then rolled her eyes. Nakangisi naman akong nilingon yung dalawa.
Nakacrossed arm sila at parehas na nakafrown. "Nag pa uto kayong dalawa sa kaniya? Poor you!" pang aasar ko. Parehas naman nila akong tinignan ng masama pero tinaasan ko lang sila ng kilay.
"I hate you!" sabi ni Lenia at iniwan kami. "Ako rin! I hate you too! Wait Lenia, hintayin mo ko" sabi naman ni Gary at sumunod kay Lenia. Natatawa kaming nagtinginan ni Joan bago sumunod.
Ng makarating ako sa room ay agad na nabaling sa akin ang atensiyon nila. May mga nagulat, nainis at nadismaya. Akala ba talaga nila hindi na ako babalik? Sorry to popped their bubbles but I'm still alive, breathing.
I just rolled my eyes at umupo na sa upuan ko. Napansin ko rin si Cyril pero nakapikit lang siya at si Alexa naman ay iniwasan ako ng tingin. Buti naman.
Minutes have passed ng may pumasok na isang babae.