Chapter 9 - Jealous?

ATHENA

Iniwan ko siya ng may ngiti sa mukha. Ngiting tagumpay! Natalo ko na siya, napahiya ko pa siya.  Good work Jade!

"Jade Athena Lee! Alam ko yang ngiting yan ah! Anong nangyari?" hindi pa ako nakaupo ay binugad na agad ako ni Lenia. Inirapan ko naman siya sa mga pinagsasabi niya.

"What?" sabi ko tsaka ulit ngumiti. Tinaasan niya ako ng kilay. Paniguradong sermon na naman ang abot ko sa kaniya.

"Hoy! Ikaw ah! Ano na naman ang pinaggagawa mong kalokohan?" sabi niya. See? Malala pa siya kaysa kay Mama.

"Wala." sabi ko naman. Magsasalita pa sana siya ng dumating na si Ma'am. Pinagtulukan ko na siya papuntang upuan at pumunta na rin ako.

Ng matapos ang klase ay agad na lumapit sa akin si Lenia. Tatalak na naman ang bunganga nitong babaeng 'to. Sandamakmak na naman ang tanong niyan sa akin.

Tumayo na ako at lumabas para makatakas kay Lenia.

"Jade! Wait lang may ikwekwento ka pa sa akin!" sigaw niya. Sabi na nga ba ehh.

Mas binilisan ko naman ang lakad ko para hindi niya ako maabutan pero kung minamalas ka nga naman naabutan niya parin ako. Humarang siya sa harap ko.

"Jade! Ano ba yan! Ayaw mo ba ikwento sa akin yung dahilan kung bakit ka nakangiti?" sabi niya ng nakataas ang kilay. Aba tinataasan niya na'ko ng kilay ngayon ah.

"Oo. Ayaw ko." sabi ko sakanya. Nagfrowned naman siya. Inirapan ko siya dahil sa kaartehan niya.

"Sige na kasi!" pagpupumilit naman niya sa akin.

"Ano pa nga ba. Tara na nga." sabi ko sa kanya at naglakad na papuntang cafeteria.

Habang naglalakad kami kweninto ko sakanya ang nangyari at siya naman itong over, grabe kung makareact. Oa lang ha.

"Wahh really!? Ginawa mo talaga yun? Gosh!! Your really my idol. Pero sinabunutan mo sana but it's okay na hindi mo siya sinabunutan kasi ako talaga ang mananabunot sa kanya pag nagkataon na nagkita kami at umandar yang kabaliwan niya sa akin." sabi niya habang naka crossed arm pa. Natatawa naman ako sa pinagsasabi niya.

"Para kang ewan! Wag ka ngang ano diyan! Tsaka bakit ko naman siya sasabunutan eh hindi naman ako katulad niyang low class. Hindi ako bababa sa level niya nu! She's an ugly warfreak bitch!" sabi ko. Nanggigigil talaga ako sa kanya. But thanks dahil hindi ako ganon kadaling mapikon.

"Woah! Basta talaga ganitong usapan the best ka! Pero tama tama! Hindi ka niya ka level! Hindi natin siya ka level! Baliw na yun eh!" sabi ni Lenia at tumatawa tawa pa siya. And yeah nasa cafeteria na pala kami. Nakaorder na nga siya eh.

"But how about Mark?" biglaan niyang natanong. Mark? Sinong Mark? As far as I remember, parang wala naman yata akong kilalang Mark.

"Huh?" sabi ko. Sino ba kasi yon?

"Don't tell me nakalimutan mo!"

"Huh? Nakalimutan ang ano? Ano ba kasing pinagsasabi mo?" nakakunot noong banggit ko. Pinagsasabi ng babaeng 'to?

"Marriage! Fixed marriage! Arranged marriage! Living together in the same house! Nakalimutan mo na!?" bigla naman akong namasid kaya inabutan niya ako ng tubig. What!!??

"Marriage!? Anong marriage? Tas anong l-living together!?" sabi ko na naguguluhan. D-Diba hindi totoo yun! Gosh! Deja vu!!

"Duh! Marriage niyo ni Mark. Mark Cyril Romero! The hottest and sexiest Mark Cyril Romero! Nakalimutan mo na? Gosh, Jade! How dare you forgot about that!?" nagulat niyang sabi. Kung nagulat siya eh paano pa naman ako? I thought that was just a dream!Napatigil ako sa pagkain at napatulala.

Totoo yun?! No! That's not true! Hindi pa 'ko ikakasal! Noooo! Ayaw ko!

"I...I...I don't understand! Hindi pa 'ko ikakasal! That was just a dream! Anong marriage ang pinagsasabi mo!? The heck with that fucking marriage! Hindi pa 'ko ikakasal!" naasar kong sabi. Pinagtitinginan kami sa cafeteria pero wala akong paki! I.....damn!! hindi nagfufunction ng tama ang utak ko! God please! Wake me up! Wake me up from this nightmare!!!

"Jade? Woy Jade!? Anong nangyayari sayo? Okay ka lang ba? Jadeeeeee!!" napatigil ako sa pagsigaw ni Lenia. Napatingin ako sa paligid ko at halos lahat ay nakatingin. Tinaasan ko sila ng kilay. Bat sila nakatingin!? Napalingon ako kay Lenia at bakas ang pag aalala sa kaniyang mukha.

"Bakit?" sabi ko. Mas bumakas ang pag aalala niya sa sinabi ko.

"Jade, are you okay? Tsaka what do you mean dream? Hindi panaginip yun, Jade. Totoo yun!" sabi niya ng may halong pag aalala. Doon ako nagising. I'm awake. Hindi panaginip yun. Ikakasal na nga talaga ako! At sa Romerong yun pa!

"I thought it was a dream! Hindi pa rin talaga ako makapaniwalang ikakasal na ako! Like, shit! My life is so fucked up!" naiirita kung sabi. Hindi imposibleng hindi malaman ng mga taong nakapaligid sa amin ang tungkol sa fucking marriage na yan! Gosh!! Bakit naging ganito ang buhay ko!!!?

"Sorry. I know ang hirap paniwalaan but if  I were you susundin ko na lang ang parents ko. Ikakasal din naman kayo di mas maganda nang tumira kayo sa iisang bahay. For the both of you, para masanay narin kayo 'nu." sabi niya. No!! Hindi niya alam yung feeling ng makasama ng Romerong yun! It is hell!

"Shut the hell up, Lenia! You're not funn-" hindi natapos ang sasabihin ko ng magsalita siya.

"Wait a second, teka lang, saglit lang!! Diba si Mark yun? Bat may kasama siyang babae? Akala ko ba fiancé mo na siya? Eh ikakasal na nga kayo diba" sabi ni Lenia habang nakaturo sa may gilid ko. Tinignan ko naman iyon at tama nga siya may kasama si Cyril na babae at nakaakbay pa talaga siya.

Huminto naman sila sa paglalakad at umupo sa bench na medyo malapit lang saamin pero hindi nila kami nakikita kasi may nakaharang sa harap namin. Nagusap sila ng biglang halikan ng babae si Cyril. Nagulat ako sa paghalik ng babae kay Cyril pero bakit hindi niya itinulak yung babae at parang nagugustuhan pa niya.

What the hell?! Nakakalimutan ata ng Romerong 'to na may fianccé siya!! Eh kung pagsasampalin ko kaya sila!! Shit! Naiinis ako! Naasar ako! Gusto kung sapakin yung babae hanggang sa madurog yang makapal niyang mukha! At ang Romerong yan naman! Ang kapal naman ng mukha niyang lokohin ako! Aba!! Jade Athena Lee ata 'to! Isa akong Lee tapos lolokohin niya lang ako! Ang kakapal ng mukha!!!!!!!

But wait-this doesn't look right. Ako? Makakaramdam ng ganito!? Hindi tama! Hindi ako 'to! Ibang iba sa akin 'to! What the hell is wrong with me!?

Am...

Am I jealous!?