ATHENA
I'm sleeping like a baby when my alarm clock rings. Hindi ko napigilan ang sarili ko at agad ko itong kinuha at binato. You can say that I'm wasting money but I'm rich! Wait-No, correction. My parents are rich not me but still, ang daling makabili ng sandamakmak na alarm clock!
Ng medyo mahimasmasan na ako ay tumayo na 'ko and did my morning routine. Maligo, magbihis, magsuklay, put some pampadagdag ganda though hindi naman na kailangan. And last but not the least, check how gorgeous I am in the mirror.
Perfect!
Kumarampa rampa pa ako sa harap ng salamin ng may manira ng moment ko!
May kumatok ng tatlong beses tsaka binuksan yung pinto ng kwarto ko.
Si Nanay Cora pala.
"Iha, anak, bumaba ka na raw sabi ng mama mo. Malalate ka na" sabi ni Nanay Cora.
'Sabi ng mama mo' did I heard that right? Andiyan pa ba sila? Di pa ba sila pumunta sa work nila?
Is this the pay?
They will give me time to be with them so I can totally agreed to that fucking marriage? Hopefully not!
"Nay, andiyan pa si Mama?" tanong ko kay Nanay Cora. Tumango naman siya.
"Oo iha. Pinagluto ka nga ng mama mo ng makakain eh kaya bumaba ka diyan" sagot ni Nanay Cora at bumaba na.
Sana. Sana hindi tama yung iniisip ko. Sana di nila 'to ginagawa para sa fixed marrige na yan!
Pagbaba ko ay nakita ko si Mama at Papa na masayang kumakain.
"Morning Ma, morning Pa " sabi ko sa kanila kaya napalingon naman sila sa akin.
"Morning din anak. Kumain ka na ng di ka malate papuntang school " sabi ni Mama na agad ko namang tinanguan.
"Good morning princess" bati naman ni Paa sa akin. Nginitian ko lang si Papa tsaka na ako kumain.
Bakit parang walang fixed marriage na naganap?
Panaginip ko lang ba talaga yun?!
Baka nga! Baka nga panaginip ko lang yun. Hayss buti naman.
Maaga akong umalis ng bahay kaya naman nakapag-park agad ako.
Habang naglalakad ako ay naririnig ko na naman ang mga bulungan nila. Gosh! Sanay na ko sa mga yan, paulit ulit na lang kasi araw araw. At bakit ba sila nagbubulungan eh naririnig ko lang rin naman.
Hindi ko nalang sila pinansin at pumunta na sa room pero bago ako makarating may humarang sa akin. Tsk! This frog again?
"Hey bitch" sabi ni Alexa. Hindi ba siya napapagod sa kakaharang sa akin? Kasi ako, sawang sawa na sa mukha niya.
"Yes, frog? You again? What do you need this time?" sabi ko sa kanya habang nakangiti. My smile is one of the most she hated. Dapat lang. Pag nakangiti kasi ako eh mas gumaganda ako at syempre mas pumapangit siya pag malapit ako sa kaniya.
"F-Frog? Did you just call her frog!?" sabi nung kasama niyang isa. Tumingin naman ako rito at tinaasan ko siya ng kilay.
"Ohh? Narinig mo naman pala eh bat nagtatanong ka pa? I didn't know that you friended this stupid" natatawa kong sabi kay Alexa. As if naman totoo niyang kaibigan yang mga yan. Plastic yang si Alexa and when I say plastic, lahat pinapatulan.
"You bitch! Shut your mouth!!" sabi ni Alexa at halatang galit na siya. Marami namang tao na nanonood samin dito sa hallway. Go on frog, show your colors.
"Oh no darling. Mukhang di ko kayang gawin yan. I love saying the truth and based on what my beautiful eyes can see, YOU.ARE.JUST.A.FROG " sabi ko habang nakangiti ng mapangasar. Mas lalo naman siyang nainis at mas lalo ring lumakas ang bulungan. And karamihan sa mga naririnig ko ay negative comments about Alexa. That's good!
"Shut up bitch!! I'm not here to fight to you. I'm j-" hindi natapos ang sasabihin niya ng unahan ko siya. I should. Alam ko naman na kasi ang gusto niyang sabihin eh, syempre si Cyril na naman. Bakit ba ang daming baliw sa lalaking yun!? Pero dahil gusto ko pang mas asarin siya ay iniba ko ang topic.
"Oh wait! I know what you want!" sabi ko sa kanya at kinuha ang wallet ko tsaka kumuha ng one thousand. Binigay ko sakanya yun. At ito namang si frog eh tinanggap niya. Shunga talaga kahit kailan.
"And ano naman ang gagawin ko dito? Marami ako nito" sabi niya habang naguguluhang nakatingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay.
"I don't care kung marami kang pera. But you can't change the truth that I'm richer than you. Yung kayamanan niyo ay wala pa sa one fourth ng kayamanan namin, kung matatawag bang kayamanan yung inyo" sabi ko sa kanya. Hindi naman yun yung gusto kong iparating kaya ko siya binigyan ng one thousand. But mas masaya kung sasabihin ko yun, mas maasar kasi siya.
"Did you give this just to slap in my face that you're richer?" sabi niya at nakakunot pa talaga ang noo niya. Ngumiti naman ako ng nakakaloko.
"Slap? Alexa, kung isasampal ko man sayo ang kayamanan namin eh sigurado namang mamamaga yang pisngi mo. On the second thought, pwede ring hindi. You have a thick face eh" sabi ko tsaka kunwaring sinusuri ang kaniyang mukha na puno ng make up. Kinaganda ba niya? Syempre hindi.
"But that's not really the reason kaya kita binigyan ng money" sabi ko sa kaniya. Kinunutan niya naman ako ng noo at tinaasan ng kilay. Tinaasan ko rin siya ng kilay.
"Wag mo kung tinataasan ng kilay. Baka gusto mong burahin ko yan" matigas kung sabi sa kaniya. Nawala nga ang pag taas ng kilay niya pero mukhang bwesit na bwesit na siya. That's it frog! Sige lang hanggat hindi ka pa sumasabog!
"You!!" nangangalaiting niyang sabi sa akin. Tinawanan ko lang siya at mukhang mas nainis pa siya. Oh! That's my goal!
"What?!" nakangisi kung tanong. Magsasalita sana siya ng itapat ko ang palad ko sa kaniyang mukha.
"Hindi tayo close and we will never be but I really want to help you this time. I pity you kasi ehh. Kaawa awa ka. Ang yaman pero ang damit kinulang sa tela, buti sana kung kinaganda mo yan. Kung sana nalamangan mo ang kagandahan ko sa pinaggagawa mo eh di sana hindi tayo nag aaway ng ganito. But for now...hindi ehh. More effort pero I think kahit sandamakmak na effort pa ang idagdag mo hindi gagana. Why? Kasi natural ang ganda ko eh ikaw? Pilit na nga, hindi mo pa ginalingan" mahaba kung litanya. Natigilan naman siya at titig na titig sa akin. Ano akala niya? Bumait ako? Oh gosh!! In her dreams!
"W-What are y-you t-tryi-" tinapat ko ulit ang palad ko sa kaniya. Bastos! Sinabi ko bang tapos na 'ko magsalita!?
"Shut up! I didn't give you the right to talk already. Mamaya ka na magreact. Again, I pity you but now, parang hindi na. Binabawi ko na yung one thousand ko. Hindi ka naman kasi karapat dapat na bigyan ng ganyan. You're not worth the money. You're not worth it" pang iinsulto ko sa kaniya na sobra niyang kinainis. Hinila ko sa kamay niya ang isang libo tsaka siya tinaasan ng kilay.
Inis na inis siyang nakatingin sa'kin pero wala siyang magawa tulad ng dati dahil marami ang nanonood. Nasisira na ang reputasyon niya at unti unti na rin siyang kinamumuhian sa school. Ako? Matagal na 'kong kinamumuhian kaya sanay na ako pero si Alexa? Hindi...akala kasi ng iba ang bait bait nito pero ang totoo..ang itim ng budhi nito kaya ngayon na lumalabas na ang tunay na kulay nito ay gusto kung magpaparty! Hindi na lang ako ang iha-hate nila kundi pati si Alexa na. Thank you dear, sana mapunta na sayo lahat ng bad comments and hate.
"Bitch!!" kung wala lang nanonood eh malamang sa malamang nasabunutan na naman ako ng wala sa oras.
"Bitch? Na naman? Wala ka na bang ibang alam na pang insulto sa akin? But to tell you dear, hindi ako naiinis sa katatawag mo ng bitch. I'm really a bitch, a beautiful bitch. Ikaw? Bitch lang! Gotta go! You waste enough of my time. Bye!" sabi ko habang ngiting ngiti tsaka ko flinip ang buhok ko pagkatalikod ko sa kaniya. Wala naman siyang nagawa kundi tignan lang ako ng masama. Siguro kung nakakapatay ang tingin, kanina pa 'ko nakahandusay.