Chereads / Killa Maffia Series 1: You And I / Chapter 6 - Mark Cyril Romero

Chapter 6 - Mark Cyril Romero

CYRIL

Mark Cyril Romero here. Tsk! Sayang ng laway! Kilala niyo na rin naman ako. No need to introduce myself. Kaartehan!

"Married!!?" Nagulat si Athena sa sinabi ng parents namin kaya napatayo siya. I also didn't expect that.

"What!? Ano 'to Ma!? Pa!? Ipapakasal nito 'ko sa lalaking yan? Ni hindi ko nga kilala yan tapos ipapakasal niyo ko sa kaniya!!" sabi niya. Di kilala? Imposibleng di niya ko kilala.

"I also don't like this!" sabi ko. We both don't like this. Bakit pa namin itutuloy!?

"Don't shout at us Athena!" may pagbabantang sabi ni Tito kay Athena. Napayuko naman si Athena at hindi makatingin ng diretso sa mata ng mga magulang niya.

"I'm sorry po. It's just that, you didn't even give me an idea about this and kanina lang we're fine, then there, you just dropped the bomb. I didn't mean to raise my voice. Nagulat lang po talaga ako. I'm sorry Ma. Pa, please forgive me" nakayuko paring sabi ni Athena. Magkahawak ang dalawa niyang kamay at nakikita kung kinakabahan siya. Parang hindi siya yung Athena na nakakasama ko sa school. She's so calm and collected right now.

"I'm sorry din anak but matagal na talaga naming plano 'to ng mga magulang ni Mark. We're just finding the right time to tell you" sabi ni Tita. Well, soon to be my mother also.

"And princess I'm sorry too but our decision is final. Buo na ang desisyon namin whether you like it or not. I'm sorry but we need to do this. Please understand baby, this is also for our company. At hindi naman kita ipagkakatiwala sa kung sino sinong lalaki lang, anak. I know and trust Mark and his father is my longtime friend kaya alam kung hindi ka niya pababayaan, anak" sabi naman ni Tito. Tito trust me that much? Pinagkakatiwala ni Tito sa akin si Athena so I won't destroy his trust. Tsaka hindi ko naman talaga pababayaan si Athena. I don't know why but I have this strong need to protect her.

We're not that close-well, hindi naman talaga kami close but she's slowly becoming important to me. But still, I need to be very more careful. Pwede siyang gamitin laban sa akin and I don't want that day to come. Ayaw kung maging siya ang kahinaan ko.

"Same to you son" sabi naman ni Dad. Tinanguan ko lang si Dad tsaka di na ulit sila pinansin. Nag uusap usap silang apat pero tahimik lang kaming parehas ni Athena. Siguro nagulat pa rin siya sa nalaman niya. Nagulat rin naman ako but not like her, I can control my emotions well.

Habang kumakain ay bigla naman nagring ang phone ko kaya tumayo ako at nagpaalam sa kanila na sasagutin ko lang ang tawag saglit.

*Brent calling*

'Black may nakuha na akong impormasyon niya.'

"Okay. Let's just meet in HQ"

I-end ko na ang tawag at pumasok ulit para magpaalam.

"Mom, Dad, Tito, Tita..mauna na po ako. I need to meet someone" sabi ko at tumango naman sila pero si Mommy may hinabol pa.

"Wait son! What do you mean by saying that you need to meet someone? Babae ba yan ha Cyril? Kaka-engaged mo lang anak, umayos ka!" nanlilisik ang matang sabi sa akin ni Mommy. Napailing na lang ako sa pinagsasabi ni Mommy, ng hindi sinasadyang napatingin ako kay Athena. Nakatingin din siya sa akin habang nakakunot ang noo pero agad siyang nag iwas ng tingin ng makita niyang nakatingin ako. Binalik ko ang tingin kay Mommy.

"Mom! Si Brent ang kikitain ko! Stop thinking nonsense" naiinis kung baling kay Mommy but I regretted it right away. Sinalubong ako ng masama niyang tingin.

"What did you say!? Thinking nonsense!? Siguraduhin mo lang na si Brent nga yang pupuntahan mo because Cyril, if I see you, even once, na may kasamang babae maliban kay Athena, ako talaga ang pipingot at babatok sayong bata ka!" naiinis na talagang sabi ni Mommy sa akin. Kung wala lang siguro sila Tita dito baka kanina pa ko nakatanggap ng batok galing kay Mommy.

I'm a cold-hearted man but when it comes to my mother I become a softie. Sa kaniya lang talaga ako tumitiklop. My mother knows me so well at alam ni Mommy na hindi ko siya kayang kalabanin kaya madalas ako ang kawawa pag mga ganito ng usapan.

"I won't, Mom" pagsuko ko na ikinangiti naman ni Mommy. Lumapit naman ako sa kaniya at tsaka siya hinalikan sa noo.

"That's good son. Take care" sabi naman ni Mommy. Nagbow naman ako sa kanila at umalis na.

Dumeretso ako sa HQ(headquarters). Ng makarating na 'ko ay itinapat ko ang personal card sa maliit na scanner sa gilid ng pinto.

* Black. Confirmed*

Nagtataka siguro kayo kung anong mayroon. Well, I'm a well-known gangster in our own world. Not as Mark Cyril Romero but as a ruthless cold-hearted assasinator. And we have a group, you will know it later.

Pumasok na 'ko sa loob at inilibot ko ang aking paningin. Ang HQ namin at parang bahay na rin, kumpleto ito sa gamit, may kusina, restroom, kwarto, sala at mayroon na rin tong training area, mayroon ring secret room kung saan makikita ang napakaraming technology na ginagamit sa pagkuha ng impormasyon at pangtrack, mayroon rin itong basement kong saan kami pwedeng magtago kung inataki man kami ng kalaban. Mayroon ring kwarto kung saan maraming mga iba't ibang uri ng baril, kutsilyo at iba pang weapons. Tinatawag namin tong Danger Section kasi bago ka makapasok sa loob may dadaanan ka munang pagsubok, example iiwas ka sa mga binabatong kutsilyo o kaya bala ng baril.

Hinanap ng mata ko si Brent and I found him, sitting comfortably, watching tv. Pumunta ako sa tabi niya at umupo rin sa couch.

"Where?" cold kong tanong sa kanya. Napalingon naman siya sa akin at may inabot na folder.

"Impormasyon yan tungkol sa kanya" seryosong sagot niya sa akin. Isa rin yan sa mga nakasanayan na namin. Ang maging seryoso pag nasa HQ kami. Binuksan ko naman ang folder at binasa.

Name: Jade Athena Lee

Mother: Mrs. Althea Lee

Father: Mr. Kevin Lee

School: Wilton Academy

Birthday: August 21 ****

She's the only child of Lee

Lee Group of Companies is their family's business and their family belongs to the Top 10 most powerful and strongest name in the whole world. And her father, Mr. Kevin Lee, is also ruthless and scary when it comes to business.

Gangster: No

Mafia: No

Pinakuha ko kay Brent ang mga impormasyon tungkol kay Athena kasi kanina naghinala ako na baka gangster siya kasi yung tingin at tawa niya pang gangster talaga pati nga yung ngiti niya kay..ano ng pangalan ng babaeng yun? Alex? Ax? Ale? Alexa? Ayun, tama Alexa.

And her stare. Kakaiba yung mga tingin niya. Kung hindi ka sanay ay talangang matatakot ka. So cold and unemotional.

So their family belongs to the strongest and most powerful huh? Kaya pala ganon na lang siya makatingin kay Alexa. It runs in their blood. And I know Tito won't trust me immediately if he doesn't know me. Base sa mga tingin at sinabi ni Tito kanina, hindi dahil magkaibigan na sila ng matagal ni Dad kaya niya 'ko pinagkatiwalaan kaagad. I know Athena is very important to him at hindi niya ito basta ipagkakatiwala sa kung sino sino lang lalo na kung hindi niya ito kilala.

'I know and trust Mark' naalala ko kung sinabi ni Tito kanina. I'm sure that kanina ko lang nakita si Tito. Sigurado akong hindi ko pa nakikita at hindi ko pa kilala si Tito bago yung nangyari kanina. Does he know me? When? How?

Something is wrong here. And I need to know that.

"Sigurado ka bang hindi siya gangster o member ng mafia?" tanong ko kay Brent.

"Yes Black, hindi siya gangster o mafia but there family is strong, hindi basta basta ang pamilya ni Jade. Bakit mo ba pinakuha yang impormasyon niya?" tanong naman niya.

"None of your business" tumayo na ko at lumabas ng HQ. San kaya ako pupunta??

Napatigil ako ng biglang tumunog ang aking cellphone. It's Mom.

'Son, go back home! Right now!'

"Why Mom?"

'Just go home early son, we need to tell you something.'

"Fine."

I-end ko na yung call at nagmaneho na pauwi. Ano na naman kaya ang sasabihin nila? Tss, didiretso sana ako sa bar eh. Pagdating ko sa bahay may nakita akong kotse na itim. Sino naman kaya ang bisita nila Mommy?

"Mom I'm home!" sigaw ko. May nakita naman akong babae na nakatalikod - teka parang familiar siya sa akin ah. Humarap naman siya and the heck! Anong ginagawa ng babaeng ito dito?

"Tsk." sabi niya. Siya pa may ganang ganyanin ako eh bahay ko to. Tsaka bakit ba siya nandito?

"Mabuti naman at umuwi ka." sabi ni Dad na kakababa lang galing sa second floor. Hindi ko siya pinansin at tinignan ko lang itong babae sa harapan ko na komportableng komportableng nakaupo.

"What are you doing here?" super cold kong tanong dito sa kaharap kong babae.

"You don't care if I'm here cause your mother is the one who called me to come in your house so why would I tell you why I'm here and I don't know either." kahit kailan talaga tong babaeng 'to. Kung di lang talaga siya babae, malamang matagal ko na siyang pinatulan!

"Tsk! Whatever." narinig ko naman siyang nagpipigil ng tawa.

"What's funny?" tanong ko sa kaniya. Ako ba ang pinagtatawanan nito?

"Nothing." sagot niya. Pero pinipigilan parin yung tawa niya. Magsasalita na sana ako ng narinug ko yung boses ni Mommy.

"My son! You're already here!" sigaw naman ni Mommy. Kahit kailan talaga ang childish ni Mommy.

"Obviously." bulong ko para di nila marinig. Siguradong babatukan ako ni Mommy pag narinig niya ang sinabi ko.

"C'mon son, let's eat dinner." sabi na naman ni Mommy. Kay Daddy yata ako nagmana, madalang magsalita. Dad is very silent and important lang ang mga lumalabas sa bibig niya, unlike Mommy. Mommy is the reverse version of my Dad. Maingay, madaldal, mahilig magkwento but still, she's still the most important person to me.

Pumunta naman na kami sa lamesa at umupo na sa upuan namin. Siya naman ay umupo sa tabi ni Mom.

"Bat dito ka nakaupo? Iha, doon ka sa tabi ng anak ko." sabi ni Mom. Kinunutan ko naman ng noo si Mommy pero tinignan niya lang ako ng masama.

"Ahh hindi na po." nahihiya niyang sabi.

"No iha, sit beside my son." seryosong sabi ni dad. Wala naman na siyang nagawa kaya umupo na siya sa tabi ko.

Kumain kami na sila lang ang nag-uusap. Feel at home na tong babaeng to ah. Natapos na ko sa pagkain ko at tatayo na sana ako ng may sabihin si Dad.

"Son." sabi ni Dad.

"What?" bored naman na sagot ko. Hindi kami ganon ka close ni Dad. Hindi naman talaga kami close.

"Umupo ka muna, because we will tell you something." sabi ni Mom kaya umupo muna ako. Ano na naman kaya ang sasabihin nila? And again, why she's here?

"Ahmm, Tita, did you ask my parents about what your going to say?" tanong naman ng babae dito sa tabi ko. Inuulit ko ulit, ano ba kasi ginagawa niya dito?

"Yes iha, your parents already know this so don't worry." sagot ni Mommy sa kanya.

"Tita, ano po ba yung sasabihin niyo?" tanong na naman niya.

"We talk about something..." sabi ni dad.

"Ok. Go on, tell us what you want to say." bored na sabi ko sakanila ni Dad.

"Okay. Tulad nga ng sabi ng Daddy mo ti-" hindi natapos ang sinasabi ni mom ng may tumawag sa kanya.

"Mareng Elliana!!!" yan ang sabi ng tumawag kay mom. Tumingin naman kami sa kanila. Anong ginagawa nila Tita dito?

"Oh mare halina kayo dito." sabi ni mom kaya pumunta naman sila Tita at Tito dito sa lamesa.

"Anak nandito kana pala." sabi ni Tita.

"Opo kanina pa nga po ako nandito eh. Kayo po, bat ngayon lang kayo?" sabi naman ng babae sa tabi ko. Ewan ko bat ako biglaan nainis sa kanya siguro dahil sa pagpipilosopo niya sa akin kanina.

"Because baby, your Mom is so excited. Pumunta pa kasi kami sa mall para bumili daw ng damit mo." sabi naman ni Tito.

"Why did you buy clothes for me?" tanong na naman niya.

"Because, Jade and Mark, you will live together. In the same house."