Chereads / Killa Maffia Series 1: You And I / Chapter 4 - He's Mine

Chapter 4 - He's Mine

ATHENA

Binato ko ang alarm clock kaya tumama ito sa wall ng kwarto ko. Tss paano ba naman kasi ang ingay ingay nakakaasar!

Bumangon na ako at ginawa ang morning routine ko. Lumabas na ko ng kwarto ko. "Nanay Cora, nasaan po si Mama at Papa?" tanong ko kay Nanay Cora. Mas sanay akong kausap siya kaysa sa ibang katulong dito sa bahay kasi siya ang laging nag-aalaga sa akin noong bata pa ako at wala sila Mama and Papa sa bahay. "Ayy iha nauna na sila, kanina pa." bumagsak naman ang balikat ko sa narinig ko.

Sayang, excited pa naman akong makita sila yun pala umalis na sila. "Ahh ganon po ba. Sige po, una na rin po ako." sabi ko kay Nanay tsaka lumabas. Pasakay na ko ng may hinabol na pasabi ni Nanay Cora. "Iha agahan mo raw ang uwi mo mamaya. Sabi ng Mama mo." sigaw ni Nanay kasi nasa loob si Nanay pero ako nasa labas na. Bakit kaya pinapauwi ako ni Mama ng maaga?? "Sige po, uuwi po ako ng maaga." sabi ko kay Nanay at sumakay na sa kotse ko.

Ng makarating ako ng parking lot ay sakto namang may nakita akong vacant pa kaya minadali ko ang pagmamaneho para sa akin na yun kaso may mas nauna pa pala sa akin. Kung minamalas ka nga naman. Bumaba ako ng kotse at tinignan kung kaninong kotse yung nauna sa akin, sakto namang pagbaba ko bumaba rin sya and guess what, si Cyril pala ang may-ari ng kotse.

Ugh! Inunahan pa talaga ako! "Romero! Nauna ako diyan kaya tanggalin mo yang kotse mo!" sigaw ko sa kanya. Hindi ko na nga naabutan sila Mama sa bahay pati ba naman dito masisira na naman ang mood ko. "As far as I know this parking lot is for all students, not just for you." bored na pagkakasabi niya. Tinignan ko ang kamay niyang may sugat at walang ng cast yun. Mukhang okay na rin naman. Buti naman, mamaya ako pa sisihin niya kung bat siya nagkasugat eh. "Nauna nga ako sabi diyan eh." sabay turo sa parking lot na inagaw niya. "Tsk.." what the heck!? Wala talaga siyang planong ilipat yang kotse niya? Eh kung sirain ko kaya? Wag na pala, sayang lang sa oras.

Tinalikuran niya ako at naglakad na papasok ng Academy. Aba't ako pa talaga ang tinalikuran. Baka akala niya nakalimutan ko na yung pang iinsulto niya sa akin kahapon ha! Makakaganti rin ako sa kaniya! Hindi ko sinayang ang oras ko at sumakay na ako at pinaandar ang kotse ko at naghanap na nga vacant.

Ayun!! Found it!!

Finally. For sure ako na ang may ari nito. At tama nga ako. Pagpark ko ay dumiretso na ako sa room pero habang naglalakad ako sa hallway bulongan na naman doon bulongan na naman dito. Tss nagbulongan pa rinig naman.

'Andiyan na siya!'

'Grabe yung ginawa niya kay Alexa.'

'Tss bitch!'

Alexa? Ahh! So pinagkalat na pala ng eskandalosang yun yung nangyari kahapon. It's okay. Di ipagkalat niya, kahit naman anong gawin eh ako parin ang nanalo. Bahala sila sa mga buhay nila hindi naman nila ikagaganda yan. Lalo na siya. And bitch? Oh dear! I'm proud being a bitch!

'Ang ganda talaga ng katawan ni Jade tol.'

'Hindi lang katawan tol. Lahat tol! Maganda lahat sa kanya.'

Maganda talaga ako! Hindi na nila kailangan ulit ulitin pa. Matagal ko naman ng alam yun eh.

Pagdating ko sa room ay bumungad sa akin si Alexa. Hindi pa talaga siya natuto sa nangyari kahapon. Gusto niya atang ulitin ko ulit sa kaniya yun. "Oh, here's the bitch." sabi ni Alexa sabay tingin sakin ng masama. Problema niya? Di pa ba talaga  siya magtatanda?

"You need something, my dear?" nakangiti kung sabi sa kaniya. Mukha namang naasar siya. Ganyan nga! Maasar ka lang! "You bitch! Stay away from Cyril!" naparoll eyes ako sa sinabi niya. Seriously? Yung Romerong yun na naman? Bat niya ba yun prino-problema? Eh kami nga walang pakialam sa kaniya.

"Cyril? Di nga kami close nun." walang ganang sabi ko. Tinaasan niya naman ako ng kilay. "Playing innocent huh? Hindi close? Eh lapit ka nga ng lapit sa kaniya! Your stealing what's mine!" this woman is so unbelivable! Ano bang klase ng utak ang mayroon siya? "Yours? He's not yours at the first place and let me remind you Alexa, siya ang lumalapit sa akin, hindi ako." nakangiti kung sabi habang siyang nangangalaiti na sa galit. Take that bitch!

"What a thick face! Ang kapal naman talaga ng mukha mo! Sino ka naman para lapitan niya ha!?" sigaw na yun ah. Tumawa naman ako pero syempre fake. Tsaka ko siya nilingon ng walang emosyon sa mata. Napaatras naman siya sa ginawa ko. Takot? Dapat lang! "Sino ako? I'm Jade Athena Lee. Simple as that! At alam mo ba kung anong mayroon ako kaya niya ko nilalapitan? Mas maganda kasi ako sayo. Kuko lang kita sa paa eh!" may halong pang aasar na sabi ko. Mas lalo naman siyang namula dahil sa galit at dahil maputi siya ay kitang kita yun. Oh, I'm so satisfied!

"What!?! Kuko sa paa!? How dare you say that I'm just a toenail huh!?" talagang galit na galit na siya. Tumawa naman ako sa naging reaksiyon niya. "You should be thankful. Pasalamat ka nga kasi maganda parin yung kuko ko kahit papaano." nakangiti kong sabi at balak sanang lampasan siya ng hawakan niya ko sa braso.

"Wag mo kung tinatalikuran pag kausap pa kita!" sabi niya. Tinignan ko naman siya ng pagkasama sama. This is not funny anymore. Hindi na ko nag e-enjoy! "Bitawan mo ko." madiin kung sabi sa kaniya habang nakatingin parin ng masama. Napalunok naman siya pero hindi niya parin ako binitawan. "I said, let go of me!" naiinis ko ng sabi tsaka ko hinila ng pabalibag yung kamay ko. Nabitawan niya naman yun at napaatras siya.

"Kung nag hahanap ka ng away Alexa, wag sakin. Kasi kahit anong gawin mo, hinding hindi ka mananalo." mahinahon pero may diin na sabi ko. Dumaan na 'ko sa gilid niya and this time ay hindi niya na ako pinigilan. Dapat lang, dahil baka hindi na ako makapagtimpi sa kaniya at baka ano pang magawa ko.

Sakto namang malapit na ako sa upuan ko ay dumating si Ma'am. Hay salamat naman. Late na nga siya kung sa tutuusin. "Okay class, go back to your seats." bumalik naman na sila sa kani-kanilang upuan at ako pumunta na rin sa upuan ko.

Habang naglelecture si Ma'am ay kanina ko pa nahahalata na tingin ng tingin sa akin si Cyril pero pag titingin naman ako sa kanya iiwas siya ng tingin. Problema nitong Romero na to?

Natapos ang klase ng hindi ako mapakali kasi kanina pa talaga ako tinitignan ni Cyril. You know curiosity kills the cat. Alam ko naman kasing maganda ako pero nakakainis kasi yung mga tingin niya.

'Stop staring!'

Gusto kong isigaw sa kaniya yan pero ayaw naman bumuka ng bibig ko. Kahit nga kaninang lunch time. Yes, ang layo nga ng lamesa niya pero kung makatitig parang malulusaw ka na. Ewan ko diyan sa lalaking yan! Masyado atang na-captivate sa ganda ko!

Lumabas ako ng room at kasama ko ngayon si Lenia kasi magshoshopping daw kami. Which is, okay narin sa side ko para at least makalimutan ko yung mga titig ni Cyril.

Pasakay na kami ng kotse ko ng may naalala ako. "Wait! Oh gosh, hindi pala ako makakasama sayo. Sabi pala ni Mama na kailangan kung umuwi ng maaga. Importante daw eh." lumungkot naman ang mukha ni Lenia at nagpout pa siya. Cute pero honghang sasabihin ko sa kaniya yan. Di lumaki ang ulo ng babaeng to. "Wag ka nga magpout. Di mo ikinaganda." dagdag ko kaya mas nalukot yung mukha niya.

Ang sarap niya talagang asarin. "Ang sama mo Jade. Cute kaya ako pag nagpout." at mas lalo pa siyang nagpout. Cute sa mata ng nanay niya hahaha. "Cute? Bakit, aso ka ba?" priceless? That's how you describe her face right now! "Umalis ka na nga lang. Ang sama mo sa dyosa mong best friend!"  may topak talaga tong kaibigan ko. Kinalawang na nga ang utak, nakalasan pa ng turmilyo!

Pagtapos niyang sabihin yun ay tinalikuran niya ako. Mali yata. Diba ako ang aalis? Hayss, baliw talaga.

"Lenia! Ako yung aalis! San ka pupunta eh nasa parking lot na tayo! Babalik ka ba sa loob?" sigaw ko sa kanya. Humarap naman siya ay tumakbo papalapit sa akin. "Oo nga no. Sige alis ka na ingat ka ah love you muawh!" sabi niya at nag gesture pa ng flying kiss habang kinakamot ang batok niya. Napailing na lang ako sa inasta ng bestfriend ko. Ang swerte ko sa kanya pero hindi ko sasabihin yan nu!