Chereads / Killa Maffia Series 1: You And I / Chapter 2 - Save By Him

Chapter 2 - Save By Him

ATHENA

Masundan na nga lang si Lenia. Mas maasar lang ako pag nagpatuloy pa ko. Nakakainis siya. Ang sarap niyang ibitin ng patiwarik!

Tumayo na ako at akmang lalabas na ng pinto ng maramdaman kung sumunod siya. Hindi ba ako tatantanan ng lalaking 'to. Alam ko namang maganda ako pero nakakainis siya!

Hindi ko siya nilingon o pinansin man lang. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang siya ay sumusunod. Wala ata talaga siyang balak na tantanan ako. Pwes bahala siya sa buhay niya!

Ng makarating ako ay agad na hinanap ng paningin ko si Lenia pero hindi mawawala ang mga matang insecure na nakatingin sa akin.

Naiingit sila sa ganda ko? Problema na nila yun.

Ng makita ko si Lenia ay agad akong lumapit sa kaniya at umupo sa tabi niya. Magsasalita na sana siya ng may lumapit sa aming lalaki. Nakangiti siya pero ang pangit ng ngiti niya. Hindi bagay sa kaniya. At mukha siyang hindi matino. This isn't the first time na nakita ko itong lalaking ito na sinusundan ako.

Tinaasan ko lang ng kilay ang lalaking lumapit habang si Lenia naman ay tinignan lang ito. "Hi Jade" sabi niya at balak sanang umupo sa isa pang bakanteng upuan ng hilahin ko yun.

"Sinabi ko bang umupo ka?" nakataas ang kilay na sabi ko. Nagulat naman siya at parang hindi niya inasahan yung sinabi ko. Bago ba siya dito para di niya malaman ang ugali ko?

"Ahm-"

"Sino ka ba? At bakit ka nandito? At dami namang bakanteng upuan diyan. Leave" pagtataboy ko sa kaniya. Baka kasi sa kaniya ko pa mabaling ang inis ko sa Romero na yun!

"Jade, sumama ka sakin." sabi niya at nawala na yung maaliwalas niyang mukha. Napalitan na ng kamanyakan yung mukha niya. Sabi na nga ba di siya matino. Bat ba tumatanggap ang school ng ganitong klase ng tao? Tsk! Porket mayaman? Nonsense! "Hindi mo ba narinig yung sinabi ko? I said leave!" napatayo na ako at inihampas ang kamay sa lamesa. Wala namang nagtangkang lumapit sa amin. Mukhang makapangyarihan nga 'tong lalaking to. Takot silang mangialam eh.

Hinawakan naman nung lalaki yung kamay ko at hinihila ako pero wala paring nangahas na mangialam maliban kay Lenia. "Hoy!! Ano ba!! Bitawan mo nga yung bestfriend ko!" sabi niya at pilit na tinatanggal yung kapit nung lalaki sa akin. Hinihila ko rin yung kamay ko sa kaniya pero ang higpit na pagkakahawak niya at nasasaktan na ako.

"Let me go! Ano ba!" sigaw ko sa kaniya pero parang wala siyang narinig. Habang pilit ko paring hinihila yung kamay ko sa kaniya ay nahagip ng mata ko si Romero na papalapit. Eh sa di ko alam name niya eh.

Ng tuluyan siyang makalapit sa amin ay nagulat ako sa ginawa niya. Sinuntok niya yung lalaking may hawak sa akin! I know malakas yun. Napahiga at nabitawan ako nang manyakis na 'to eh.

Nakatingin lang ako kay Romero ng hilahin niya sa kwelyo yung lalaki at dinala sa kung saan. Sinundan ko siya ng tingin at nakikita kung nagpupumiglas pa yung manyakis na yun pero hindi siya nakawala sa hawak ni Romero. Hanggang sa tuluyan na silang nawala sa paningin ko.

Did he save me?

"Jade! Jade ayos ka lang ba? Grabe ang mga tao ngayon! Ang mamanyakis!" sabi ni Lenia at lumapit sa akin. Hinawakan ko naman ang wrist kung medyo namaga. Walang hiyang lalaking yun, nilagyan pa ko ng pasa! Pag nagkita pa talaga kami ng lalaking yun, bibigyan ko siya ng dalawampu't isang sampal! Yung mamamaga talaga yung mukha niya. "Jade ayos ka lang ba?" tumango naman ako kay Lenia at napatingin sa daang pinuntahan ni Romero kasama yung manyakis na yun. Saan naman kaya niya dinala ang gagong yun?

'Bakit ba kasi di na lang sumama si Jade sa lalaking yun eh di sana andito pa yung transferre at nakikita pa natin'

'Kaya nga! Kung makatanggi naman kasi si Jade akala mo di niya rin gusto'

Napatingin ako sa pinanggalingan ng usapang yun. May tatlong babaeng nag uusap usap habang nakatingin rin sa pinuntahan nila ni Romero.

Aba't talaga naman naglakas loob pa silang pag usapan ako. At rinig na rinig ko pa talaga. Kung di lang masakit 'tong kamay ko baka kanina ko pa sila nasagot pero ngayon na may pasa yung wrist ko, ano akala nila pag tutuunan ko sila ng pansin?

Aba'y paki ko sa kanila.

Sabihin na nila ang gusto nilang sabihin. Hindi naman sila ang nagpapakain sa akin.

After ilang minutes ay bumalik na si Romero pero di niya na kasama yung manyakis at ang kinagulat ko pa ay dumudugo yung kamay niya. Anong nangyari sa kaniya?

Lumapit siya sa akin at tinignan niya ako saglit bago siya umalis. Agad ko naman siyang sinundan at hinila ko ang laylayan ng polo niya.

"Teka lang!" sabi ko kaya napahinto siya sa paglalakad. Nakatalikod parin siya sa akin. "What?" malamig niyang sabi ng hindi man lang ako hinaharap. Well, okay lang. Ayaw ko rin makita yung mukha niya. "Asan na yung manyakis na yun?" sabi ko at binitawan ang laylayan ng polo niya tsaka ko hinawakan ang wrist ko. Medyo kumirot kasi. Asar naman kasing manyakis yun!

Humarap sa akin si Romero pero wala paring emosyon yung mata niya. Nakakatakot pala siya pag ganito. Geez!

"Bat mo siya hinahanap?" malamig niyang sabi ng hindi man lang kumukurap.  "Talagang hahanapin ko siya! Hindi pa ko nakakabawi sa ginawa niya sakin. Masakit kaya magkapasa!" sabi ko at naggigigil na pinapatay sa isip ko yung lalaking yun. "Pasa? May pasa ka?" nagulat na sabi niya at hinila yung kamay kung may pasa. Napaigik naman ako. Masakit ah!

"Fuck!" sabi niya at hinila na lang ako bigla habang hawak parin yung kamay kung may pasa kaya naman napalo ko siya. At malakas yun!

"Why did you hit me?"

"May pasa na nga eh! Tapos kung makahila ka naman sakin! Bitawan mo nga ako!" naiinis kung sabi tsaka hinila yung kamay kong may pasa pero ang kinuha niya naman ay yung isa tsaka niya ulit ako hinila. Aangal pa sana ako ng huminto siya.

Kumatok siya pero hindi niya na hinintay na may magsalita. Binuksan niya agad yung pinto at hinila niya ko papasok.

Asa clinic kami. Dito niya ko hinila. "Cold compress." sabi niya doon sa nurse na agad namang sumunod. Nakatingin lang ako sa kaniya habang siya ay nakatingin sa kamay kong may pasa.

Ng iabot nung nurse sa kaniya yung compress ay pinatong niya yun sa parte ng wrist ko na may pasa. Hinihila ko pa nga sa kaniya kasi masakit pero di niya binitawan. After ilang minutes naman ay tinanggal niya yun at medyo nawawala na yung pasa ko.

And after ilang minutes ulit ay nawala na yung sakit nung pasa ko pero andoon parin yung pasa, medyo di na lang kita. Teka, bat niya ginagawa 'to? Bumait ata ang Romerong ito ngayon. Parang kanina lang kung laitin niya ako sa pagiging president ko eh akala mo kaaway niya ang mundo tapos naman ngayon! Tsk, bipolar!

Napatingin naman ako sa kamay niya at nagulat ako ng may sugat yun. Kinuha ko sa kaniya ang kamay ko at yung kaniya naman ang hinawakan ko. "San mo nakuha 'to?" sabi ko habang nakatingin parin sa sugat niya.

"It's nothing." sagot niya. Nilipat ko naman at tingin ko sa kaniya at nakatingin rin pala siya sa akin pero agad niya itong iniwas ng tumingin ako sa kaniya. "Romero, tinatanong kita ng maayos! San mo nakuha 'to?" napakunot naman ang noo niya ng tumingin sa akin.

"Romero?"

"Yes, Romero. Yun ang surname mo diba. Di ko alam pangalan mo eh." sabi ko at muling tumingin sa sugat niya. Asa knuckles niya ito. Puro gasgas at parang may bato bato pang maliliit na nasa loob. "Romero huh. That sounds good." sabi niya at ngumisi. Inirapan ko naman siya nagpakuha ako sa nurse ng gauze, cotton, antiseptic wipes at antiseptic solution. Ng makarating naman yun ay agad kung kinuha ang cotton at nilinis ang sugat niya. Minsan napapa aray siya pero mas dinidiinan ko pa.

Ng medyo malinis na ay binalutan ko yun ng gauze para di marumihan at mainfect. Ng masiguro kung ayos na ay itinaas ko ang tingin ko sa kaniya at nakatingin siya sa akin.

May kung anong emosyon yung mata niya pero di ko mabasa.

"Oh ayan tapos na." sabi ko kaya naman tinignan niya yung kamay niyang may bandage na tsaka ulit siya tumingin sa akin. "Your bruise? Masakit pa ba?" sabi niya tsaka ako tinignan sa mata. Napaiwas naman agad ako ng tingin. "Hindi na." sabi ko. Awkward.

This is awkward...

Tumayo ako tsaka siya hinila patayo. Hinawakan ko yung kamay niyang walang cast tsaka siya hinilang papunta sa classroom. May klase pa kami eh.