Killa Maffia Series 1: You And I

🇵🇭Esrixx
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 351k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Meet Up

ATHENA

Jade Athena Lee here. 4th-year College and my course is Engineering here in Wilford Academy. I don't need to say everything about me basta dalawa lang dapat niyong tandaan sa akin.

I can be as good as a saint but I can also be a bitch!

Oh and one more thing.

Maganda ako!!

Nandito na ako sa classroom habang hinihintay na dumating si Sir sa room. Ang upuan ko ay sa may tabi ng bintana. Why? Nothing, trip ko lang.

"Andiyan na si Sir!!" sigaw nung isa kung kaklase kaya umayos na ko ng upo. "Good morning, class

" bati ni Sir Suello. "Good morning, Sir Suello." bati namin pabalik. "May bago kayong kaklase galing Park Academy. Please introduce yourself, Mister." sabi ni Sir at may pumasok na lalaki. Shemss ang gwapo niya haaa at infairness, he is so damn sexy.

"Mark Cyril Romero.." sabi nung Cyril daw ba yun. "Why did you transferred here?" tanong ni Sir. "It's none of your business." sagot niya. Ano ba yan, mukha namang suplado. Sayang yung kagwapohan niya.

Ahh teka bat ko ba sya pinapakialaman, ewan ko rin. Ang tagal naman ni Sir hindi pa nagdid- "Hoy Jade!! Tawag ka ni Sir!" sigaw sa akin ni Lenia habang binato ako ng notebook. Ayyy walang hiya to oh.

"Aray, Lenia ah!!" sigaw ko pabalik. "Miss Lee nakikinig ka ba sa akin?" sabi ni Sir na siya ring nagbalik sa akin sa reyalidad. "Bakit? May sinasabi ka ba?" sabi ko kay Sir. Wrong move!

Delikado, masama ang tingin ni Sir sa akin. "Ikaw muna mag pa nominate sa President ng Class at pag nanominate na ang President you can sit and continue your day dreaming." sabi ni Sir. "Tsk.." sabi ko lang sabay tayo at punta sa harap. Anong trip ni Sir at ako pa ang napili niyang magpanominate. Sanay na rin ako sa ganito kasi 1st year college pa lang ako ganito na ginagawa ko.

"I open the nomination."

"I gladly nominate Alexa Swift as President."

"I nominate Jade Athena Lee as President." nagulat ako sa sinabi ng lalaki kong kaklase.

"I closed the nomination."

"I second the motion." dalawa lang kami ni Alexa na naglalaban sa posisyong President. Ang rival ko pa talaga. What a beautiful moment. Patitikimin na naman kita ng pagkatalo, my dear Alexa.

"Who's in favor with Alexa?" tanong ko sa kanila. Marami naman ang nagtaas ng kamay. "Who's in favor with me?" tanong ko. Pero tulad ng inaasahan, syempre ako ang nanalo.

"Let's move in Vice President." sabi ko. Syempre President ako di hindi na ako umupo.

"I nominate Millenia Buenaventura."

"I nominate are new classmate, Mark Cyril Romero as VP." nag taas na sila ng kamay nila sa gusto nilang iboto.

"Our VP is Mark Cyril Romero."

Ang secretary si Lenie. Si Alexa naman treasurer and so on and so forth. Nag ring na rin ang bell means break.

"Jade! Tara na sa cafeteria!" sabi ni Lenia. "Mauna ka na may gagawin pa ako. Susunod na lang ako sayo doon." sagot ko sa kaniya. "Sige. Hintayin na lang kita sa cafeteria." sabi nya sabay alis sa room. Ang totoo niyan tinatamad ako kaya ayaw ko pa sumama.

Umupo na lang ako ng lumapit sa akin yung transferre. "You are the president, right?" sabi niya pero walang emotion ang mukha infairness ang cold niya.

"Yes. Why?"

"Isn't it your duty to tour me around our school?" malamig niya pa ring sabi. Nakaasar naman 'tong isang 'to. "Mr. Romero, you have your own feet. May mata ka naman. May bibig ka rin so pwede ba wag ako ang istorbohin mo." kalmado kung sabi sa kaniya pero naiinis na ko. Hindi ko nga alam kung bakit parang ang dali ko yatang mainis.

"So this is the president that they voted? You don't deserve it..." aba't! Talaga namang mas inaasar niya ko. "Again Mr. Romero, kung wala kang sasabihin matino then better leave. And about me, being the president, it's not my fault na naging president ako. I don't want this pero sila ang pumili sa akin, hindi ko sila pinilit so problema na nila yun." just like I said. I can be a bitch if needed. And this man in front of me is getting into my nerves!

"You still don't deserve it." sabi niya at ngumisi. Kung hindi ako naiinis sa kaniya ngayon ay baka sinabihan ko na siya na gwapo siya habang nakangisi pero ngayon asar na asar na ako, tinotorture ko na siya sa isip ko. "Believe what you want to believe. But remember, wala akong pakialam." sabi ko at tumayo sa upuan ko.