Blessy's Pov
Umuwi ako kasama ni Leo sa bahay ng parents nya. Malugod naman nila akong tinanggap ulit.
"Love, gusto mo bang sumama sa akin sa opisina?" tanong ni Leo.
"Cge nabobored na ako dito." sabi ko.
"Ok magbihis ka na. Magbebreakfast muna tayo bago umalis." sabi ni Leo.
Nagbebreakfast kami kasama nila mommy Lisa at daddy Jk pati na rin si Liam.
"Leo, may paparebisa ako sayo at papapirmahan. Papupuntahin ko si Liam sayo mamayang lunch. Isabay nyo na rin ng pagkain yan. Napasama pa ata ang pagtetraining ko ng maaga sa kanya. Nagiging Leo na din." sabi ni daddy.
"Huh? Paano pong nagiging Leo si Liam?" tanong ko.
"Si Leo kasi nuon workaholic. Minsan nakakalimutan kumain pagnapasubsob na sa trabaho. Simula lang ng dumating ka may iba na yang pinagkaabalahan kaya hindi na masyadong subsub sa trabaho. Tapos ngayon nakikita ko si Leo kay Liam." sabi ni daddy habang nailing.
"Dad, di ba sabi mo seryosohin ko? Eto na oh, tapos magrereklamo ka." sabi ni Liam.
"Ay naku, hindi naman ganyang seryoso na bahay at opisina mo na lang. Tapos nagkasakit ka pa dahil nalipasan ka ng gutom." sabi pa ni daddy.
"Tama na yan. Magsikain na kayo. Wag nang uulitin yun Liam ah kung ayaw mong ako ang magalit sayo." sabi ni mommy.
"Yes my!" sagot ni Liam.
Pagkatapos naming kumain ay nagpunta na kami ng opisina ni Leo. Marami na namang nagtitinginan sa amin lalo na kay Leo. Maraming bagong tauhan at karamihan dito mga babae. Nagpatuloy kami sa pagpunta sa opisina ni Leo.
"Good morning Mr. and Mrs. Jeon." sabi ni Bill ang secretary ni Leo.
"Good morning Bill. Blessy na lang. Nakakailang kasi yung Mrs. Jeon." sabi ko.
"Okay mam Blessy." sagot nya.
Pumasok kami sa opisina nya at nagsimula nang magtrabaho si Leo. Wala namang ipinapagawa sakin si Leo kaya naman ipinagtimpla ko na lang sya ng kape. Pagkatapos nun ay gumawa na lang ako ng mga lessons at activities para sa pinapatayo kong day care.
"Ano to Leo? Bakit mo ipinacancel ang conference natin sa China?" sabi nung babaeng biglang pumasok.
"Sorry sir, ayaw magpaawat eh. Pinipigilan ko po kaso biglang pumasok." sabi ni Bill.
"Its okay Bill. Sige bumalik ka na sa pwesto mo." sabi ni Leo. Lumabas na ng opisina si Bill. Lumapit ang babae kay Leo.
"Leo, minsan na lang kitang makasama bakit mo naman ginawang icancel ang pagpunta sa conference?" nang aakit na tanong nung babae.
"May mas mahalaga pa akong gagawin kaysa conference. Kung gusto mong ituloy, magsama ka ng iba." sabi ni Leo.
"Ikaw ang gusto kong makasama. We can spend a lot of time together. Ilang buwan ka ding nawala dito." sabi nung babae.
"You knew Bianca that i am married." sabi ni Leo.
"So what. I could do better than your wife. I can please you better than her." sabi pa nya. Wow ang kapal din ng mukha.
Napatingin naman sakin si Leo. Pati na ang babae ay tumingin sakin tapos ngumiti ito ng nakakaasar. Tumingin naman ako kay Leo at ngumiti.
"Love, can you do me a favor?" tanong ko kay Leo.
"Yes love, what is it?" sagot ni Leo.
"Pwede bang paalisin mo sa company mo ang babaeng yan. Naiirita kasi ako eh. If shes your employee, pwedeng pakitanggal na sa trabaho." sabi ko.
"You cant do that to me. Anak ako ng isang shareholder dito sa company nya. Kaya hindi mo ako mapapaalis." sabi nya. Tumingin ako kay Leo.
"Love? Hindi ba pwede? Kung hindi pwede, ako na lang aalis. Hindi na ako tutungtong sa kompanya mo." sabi ko.
"Mabuti pa nga at nang makapagsarili na kami ni Leo. Baka gusto mo na ring umalis sa buhay nya." sabi nung babae. Grabe na sa kakapalan ng mukha nito.
"Pwede rin, gusto mo ba yun love?" tanong ko. Lumapit naman sakin si Leo at yumakap sakin.
"Papabayaan ko bang mawala ka sa buhay ko? Kakabati lang natin ah. Dont worry paaalisin ko na sya sa kompanya ko." sabi ni Leo.
"Hindi mo magagawa yan! Matagal nyo nang ka business partner si daddy. Pagtinanggal mo ako sasabihin ko kay daddy na ipull out ang shares nya." banta nung babae.
"Sure. Hindi naman kayo kawalan sa companya ko. Tinanggap ko lang kayo sa pakiusap ni daddy. Im sure maiintindihan ako ni daddy pag ginawa ko yun." sabi ni Leo.
Umalis na nagdadabog yung babaeng makapal ang mukha. Naguilty naman ako dun sa nangyari. Baka mapasama si Leo at maapektuhan ang kompanya nya.
"Love....." sabi ko.
"Dont worry, hindi babagsak ang kompanya kung yan ang iniisip mo. Mas mahalaga ka sakin. Isa pa sakit na rin ng ulo sakin ang babaeng iyon kaya gusto ko na rin syang matanggal dito." paliwanag ni Leo.
"Sorry." sabi ko.
"Bakit ka nagsosorry? Wala ka namang ginawang mali. Ako dapat ang humingi ng pasensya. Pasensya ka na sa nangyari. Anak kasi si Bianca ng kabusiness partner ni daddy. Gusto ng daddy ni Bianca na ipakasal kami pero hindi ako pumayag. Akala nya mamamanduhan nila ako dahil lang kay daddy. Naintindihan naman ako ni daddy nung tumanggi ako. At alam kong maiintindihan nya ako pag pinaalis ko ang mag ama na yon dito sa kompanya ko." paliwanag pa ni Leo.
Bumukas ang pinto at pumasok si Liam.
"Pwede ba kuya huwag nyong gawin sa opisina nyo yan. Sa kwarto nyo kayo maglambingan." sabi ni Liam. Umalis naman si Leo sa pagkakayakap sakin at binatukan si Liam.
"Sira ka talaga. Akina ang papapirmahang papeles ni daddy. Mabuti pa eh mauna na kayo kung saan tayo kakain at susunod na lang ako." sabi ni Leo.
"Mabuti pa nga. Tara na Liam" sabi ko. Humalik muna ako sa pisnge ni Leo bago kami lumabas ng opisina nya.
"Ate anong gusto mong kainin?" tanong ni Liam.
"Parang gusto ko ng seafoods." sabi ko.
"Sound good. Buti na lang may malapit na seafood restaurant dito." sabi ni Liam.
Sumakay na kami ng private elevator at bumaba sa lobby. Bago kami makalabas ng company ay may biglang humila ng buhok ko.
"Peste kang babae ka! Sagabal ka sa amin ni Leo!" sigaw ng babae.
Pilit namang inaawat ni Liam ang babae at pilit nyang tinatanggal ang kamay nung babae na nakasabunot sakin.
"Bianca! Bitawan mo si ate!" sigaw ni Liam.
"Hindi! Ayoko! Sagabal sya samin ni Leo." sigaw pa nung babae.
Nagtagumpay na matanggal ni Liam ang kamay ng babae. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit ng sabunot nung babae. Pilit namang sumusugod ang babae sakin pero humarang si Liam at inawat ito. Napansin ko na dumarami na ang nang uusisa sa nangyayari.
"Pwede ba Bianca, tanggapin mo na hindi ka naman gusto ng kuya ko. Tignan mo nga ang sarili mo. Napakadesperada mo na." sabi ni Liam.
Umiyak ito at sa pag aakala ni Liam na titigil na ito ay binitawan nya na ito. Pero dun kami nagkamali. Nagmamadaling lumapit ito sa akin at itinulak ako. Napaupo naman ako sa sahig. Medyo malakas ang pagkakatulak nya sakin. Bigla namang sumakit ang balakang ko at ang tiyan ko.
"Ate Blessy!" sigaw ni Liam. Lumapit naman agad sya sa akin. Inaalalayan nya akong tumayo pero hindi ko kinaya, kaya nanatili akong nakaupo.
"Liam, ang sakit ng tiyan ko." sabi ko.
"Anong nangyayari dito?" narinig kong tanong ni Leo. Hindi ko ito makita dahil sa kumpulan ng mga nang uusisa.
Binigyan nila ito ng daan at nang makita ako ay dali dali itong lumapit sa akin.
"Anong nangyari?" tanong ni Leo.
Sasagot sana si Liam pero inunahan ko itong magsalita.
"Leo ang sakit na ng tiyan ko!" umiiyak na sabi ko.
"Kuya! May dugo sa hita ni ate Blessy!" sigaw ni Liam.
"Paandarin mo na ang sasakyan! Bilisan mo at bubuhatin ko na si Blessy!" sigaw ni Leo kay Liam.
Binuhat ako ni Leo at isinakay sa kotse. Sumakay kami sa kotse na nakakalong ako sa kanya.
"Bilisan mo Liam!" sigaw ni Leo.
Napapikit ako sa sakit. Di ko mapigilan ang umiyak. Naramdaman ko na hinahalikan nya ako sa noo bago ako mawalan ng malay.