Leo's Pov
Agad naming dinala si Blessy sa SDR hospital dahil ito ang pinakamalapit na ospital sa kompanya ko. Nang makarating kami sa SDR Hospital ay agad naman kaming inasikaso at ipinasok si Blessy sa emergency room. Kilala ang pamilya namin dito kasi isa kami sa may ari nito. Magkahati kasi sila mommy at tita Rose sa ospital na ito.
"Ano bang nangyari?" tanong ni tita Rose na kakalapit lang sa amin.
"Tinulak po si ate Blessy kaya napabagsak sa sahig. Tapos bigla na lang sumakit ang tiyan nya. Nakita na lang namin syang may dugo sa hita." paliwanag ni Liam.
"Sige papasok ako at aalamin ko ang kalagayan ni Blessy." sabi ni tita Rose.
Napaupo naman ako at napayuko. Sobra ang pag aalala ko kay Blessy. Narinig ko na lang na tinatawagan ni Liam ang pamilya namin. Nang bumukas ang pinto ng emergency room at lumabas si tita Rose ay dali dali akong lumapit sa kanya.
"Tita Rose kamusta po ang asawa ko?" tanong ko.
"Huwag ka nang mag alala maayos na ang kalagayan nya. Mabuti na lang at nadala nyo kaagad sya dito. Kasi kung natagalan pa kayo ay malamang baka napahamak na sila." sabi ni tita na ikinakunot ng noo ko sa pagtataka.
"Sila tita? Baka naman sya. Isa lang po si ate Blessy." sabi ni Liam. Tumawa naman si tita Rose.
"Alam nyo naniniwala na ako na ang mga mabubuti ay pinagpapala ng Diyos. By the way congratulations." sabi pa nya na lalo kong pinagtaka.
"Naguguluhan na po ako tita paki explain naman po ng maayos." sabi ko.
"Congrats! Daddy ka na." nanlaki ang mata ko sa sinabi ni tita.
"Paano po nangyari yun. Di ba po may diperensya sya dahil sa pagkakabaril sa kanya?" tanong ko. Hindi ko mapigilan ang maluha.
"Hindi ko din alam. Bilang doktor nagbebase lang kami sa nababasa namin sa mga test ng pasyente. Sa case ng asawa mo hindi naman sya totally na walang chance magbuntis. Napakahina lang ng tsansa pero pwede. Hindi ko maipaliwanag sa iyo dahil kahit ako nagtataka. But again miracles do come true. Binibigyan ng milagro ang mga mabubuting tao." sabi pa nya.
"Congrats kuya! Tatay ka na." bati ni Liam.
"Sinong tatay?" tanong ni mommy na kadarating lang kasama ang buo kong pamilya.
"Si kuya po tatay na." sagot ni Liam. Napatingin sila kay tita Rose at tumango ito.
"Congrats kuya!" sabay na sabi ni Lily at Lucas.
"Congrats anak." bati ni mommy at napayakap ito sa akin.
"Congrats tatay ka na." sabi ni daddy pagkatapos nya akong tapikin.
"Paano po nangyari yun tita? Di ba mahina ang chance na magbuntis si Blessy?" tanong ni Lala.
"Hindi ko din alam Lala. Alam nating dalawa bilang doktor na mahina ang chance. Kadalasan sa case nya ay mahihirapan talaga na magbuntis sya. Kaya nga ngayon nagsasagawa kami ng mga test kasi medyo magkaiba na ang resulta nuon. Milagrong natunaw ang mga bara sa daluyan ng egg cells nya. Ang inaalala ko ay kung kakayanin ba ng bahay bata nya na magdala ng sanggol." paliwanag ni tita Rose. Tumango tango naman si Lala.
"Congrats kambal! Dobleng ingat na lang kambal kay Blessy." sabi ni Lala.
"Salamat sa inyo." sabi ko.
"Mukhang alam ko na kung paano nagkaroon ng milagro sa pagbubuntis ni Blessy. Mukhang tagumpay ang ginawa mo mommy." sabi ni daddy. Napatingin kaming lahat kay mommy.
"Paano mo nalaman daddy? Wala akong sinabihan kahit sino sa inyo maliban kay agent Aquamarine." sabi ni mommy. Napayakap naman ako bigla kay mommy.
"Thank you mommy. Thank you." sabi ko.
"Alam ko lahat ng ginagawa mo. Sa palagay mo hahayaan lang kita basta basta na magpuyat. Alam mo na iniingatan kita dahil sa kalusugan mo. Hindi ka ba nagtataka kung bakit hindi kita tinatanong kung saan ka galing? Hindi kita inaawat sa ginagawa mo kasi alam kong desidido ko sa ginagawa mo. Nung makita mo na umiiyak ang anak mo sayo nuon dahil sa kalagayan ni Blessy ay alam kong gagawa at gagawa ka ng paraan. Pasalamat kayo mga anak genius ang mommy nyo." sabi ni daddy na ikinangiti ni mommy.
"Hindi ko kasi matiis na nakikita kong nasasaktan ang anak ko. Wala akong sinabihan kasi kahit ako hindi sigurado kung eepekto. Nung malaman ni Blessy ang kalagayan nya at nawalan din ako ng pag asa. Akala ko hindi na sya eepekto. Salamat naman at dininig ng Diyos ang mga panalangin ko. Alam nyo naman lahat na gagawin ko ang lahat lahat para sa mahal ko sa buhay." sabi ni mommy.
"Paano mo nagawa?" tanong ni tita Rose.
"Nag imbento ako ng juice na may mga sangkap na halamang gamot. Sinigurado ko namang safe ito at naaprubahan ni agent Aquamarine." sabi ni mommy.
Si agent Aquamarine kasi ang heas doctor ng mga agent. Sya din ang gumamot kay mommy. Sobrang genius din nito at hindi ako magtataka kung sa kanya lumapit si mommy.
"Rose, ipapadala ko sayo yung isa pang gamot na inimbento ko. Makakatulong ito na mapalakas ang kakapitan ng bata." sabi pa ni mommy.
"Thank you mommy." pasasalamat ko.
"You're welcome kuya. Basta sa mga anak ko lahat gagawin ko." sabi pa ni mommy.
Bumukas ulit ang pinto at lumabas ang isa pang doktor.
"Doktora Park, maayos na ang kalagayan ng pasyente. Natapos na din ang mga test. Pwede na pong ipalipat ang pasyente." sabi nung doktora.
"Okay. Ako nang bahala. Salamat doktora Santos." sabi ni tita Rose.
Umalis na yung isang doktora. Lumingon sa amin si tita Rose.
"Papasok muna ako sa loob para ayusin si Blessy. Hintayin nyo na lang sa VIP room si Blessy." sabi ni tita.
"Pero tita..." hindi na ako pinatapos magsalita dahil hinatak ako agad ni Lala.
"Mommy paano mo po yun ginawa?" tanong ni Lily. Si Lily kasi ang may interest sa ganyan. Nagmana sya kay mommy mahilig mag imbento.
"Sabihin ko sayo yung ginawa ko mamaya. Di ko ineexpect na mabilis syang umepekto." sabi ni mommy.
"Kaya ba ikaw ang laging nagtitimpla ng juice kay ate Blessy? Naalala ko nun nahampas ako sa kamay nang muntik ko nang mainom ang juice ni ate Blessy." kwento ni Liam.
"Paano kasi basta basta na lang nainom eh may pangalan na nga na nakalagay." paliwanag ni mommy.
"Kaya siguro mainit ang ulo ng asawa mo sayo at isa pa sobrang moody ni ate Blessy." sabi ni Lucas. Umakbay ito sakin.
"Ate na tawag mo kuya Lucas?" tanong ni Liam.
"Oo, asawa na sya ni kuya eh. Kahit mas matanda ako ng ilang buwan eh ate na ang itatawag ko. Sa totoo lang naiilang din naman ako at hindi pa ako sanay hehehe." sabi ni Lucas.
"Paano ba yan dalawa na agad pamangkin ko. Excited na akong makakita ng baby. Malapit na kay ate Lala. Grabe kayong kambal para na din magiging kambal ang mga anak nyo kasi magkasunuran lang sila." sabi ni Lily.
"Siya nga pala anak, tumawag sakin ang daddy ni Bianca. Gusto mo daw ipull out ang shares nila? Bakit?" tanong ni daddy.
"Alam nyo naman na may gusto sakin si Bianca at nung sabihin ko yun ay inaakit nya ako sa harapan mismo ni Blessy. Kaya para hindi kami mag away ni Blessy in the future ay dapat alisin ko na sila. Yun ang naisip ko." sabi ko.
"Ngayon kuya mas lalo mo na dapat silang tanggalin sa kompanya mo. Si Bianca kaya ang dahilan kung bakit nasa ospital si ate Blessy. Sinabunutan nya at itinulak si ate. Inawat ko sya kaya nga may mga kalmot ako." kwento ni Liam.
"Oh my God! Ang kapal na ng mukha ng babaeng yun tapos nagawa pa nyang manakit. Buti na lang at qalang nangyaring masama sa anak mo kambal." sabi ni Lala.
"Mananagot sya sakin." sabi ko.
"Huwag mo nang intindihin yon. Ako na ang bahala sa bagay na yun. Hindi ko palalampasin ang mga bagay na to. Dahil sa kanya muntik na akong mawalan ng apo." sabi ni daddy.
"Patay kang Bianca ka. Nagalit na ang lolo. Maghanda handa na sila. Matindi pa naman magalit si daddy." sabi ni Lucas.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Sa totoo lang nag uumapaw ako sa galak. Hindi ko akalain na mararanasan ko to dahil sa kalagayan nya nuon. Pero ngayon daddy na ako. Nag aalala man ako pero mas nangingibabaw ang kaligayahan sa akin. Thank God i have the best mommy in the whole world.
Nakarating kami sa kwarto na pagdadalahan kay Blessy. Tumabi ako sa upuan ni mommy. Niyakap ko ito ng mahigpit.
"Thank you talaga mommy. Paano kaya kami kung wala ka. Sobrang proud akong ipagmalaki sa mundo na mommy kita. I love you mom." sabi ko. Hinalikan naman ako ni mommy sa noo.
"Nasan na ang apo ko?" tanong ni tito V. Natigil ako sa pag eemote dahil sa pagdating nila tito V at tito Jimin.
"Alien, apo natin." sabi ni tito Jimin.
"Mga sira ulo kayo! Ngayon pa lang namin nalaman na buntis si Blessy tapos hahanapin nyo na agad ang apo ko. Fyi apo ko." sabi ni daddy.
"Ito naman ang selfish mo." sabi ni tito V kay daddy.
"Di bale malapit na dumating ang isa pa nating apo. Malapit na manganak si baby Lala." sabi naman ni tito Jimin kay tito V.
"Eto na naman po kami, nagtatalo na naman ang tatlong daddy ng kambal." natatawang sabi ni mommy.
"Tara samahan nyo akong dalawa at may kailangan tayong parusahan." aya ni daddy sa dalawa.
"Wow exciting!" sabi ni tito V. Napailinv na lang kaming lahat.