Blessy's Pov
Nagising na naman ako na nasa ospital ako. Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Akala ko wala akong bantay, yun pala natutulog sina Leo at Liam sa kama sa gilid ko. Sakto naman at pumasok si Lucas.
"Gising ka na pala. Kakatulog lang ni kuya. Ayaw pa ngang matulog nyan pinilit ko lang kasi halatang pagod si kuya. Gusto mo ba gisingin ko na?" tanong nya. Umiling naman ako.
"Pwede bang makahingi ng tubig? Isa pa nagugutom ako." sabi ko.
Binigyan naman ako ni Lucas ng tubig at ipinaghanda nya ako ng lugaw at mga tinapay at prutas.
"Alam mo kotang kota na ako sa ospital. Grabe lagi na lang akong nagigising na nasa ospital. Siya nga pala ano ba sakit ko at biglamg sumakit ang tiyan ko?" tanong ko.
"Oo nga grabe ka. Mabuti na lang at kami ang may ari ng ospital. Kung sa iba yan malamang yumaman na sila sayo. Wala kang sakit. Huwag kang mag alala, this time kahit naospital ka ay matutuwa ka pa kapag nalaman mo ang kalagayan mo." sabi ni Lucas. Napakunot naman ang noo ko. Nasa ospital na sasaya pa ako?
"Ano nga yun? Sabihin mo na kasi." pagpipilit ko sa kanya.
"Wait ka lang, mas mabuti pa eh si kuya ang magsasabi sayo. Kumain ka na lang." sabi pa nya. Napasimangot naman ako. Ayoko pa naman sa lahat yung pinag iisip ako.
"Oh bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo?" tanong ni Lucas.
"Gusto ko kasing kumain ng fishball at kikiam." sabi ko.
"Huh? Sigurado ka yun ang gusto mong kainin? Meron pa bang iba?" tanong pa nya.
"Chicharong bulaklak sana tapos damihan mo yung suka at sibuyas." sabi ko. Iniisip ko pa lang yung pagkain naglalaway na ako.
"Saglit gigisingin ko si kuya." sabi ni Lucas. Tinapik tapik nya ito para magising. Agad namang nagising si Leo at ako agad ang hinarap.
"Bakit may problema ba? May masakit ba sayo?" tanong ni Leo.
"Wala kuya. Ginising lang kita kasi nagpapabili si ate Blessy ng fishball, kikiam at chicharong bulaklak na may maraming suka at sibuyas." sabi ni Lucas.
"Pwede ba sayo yun? Teka tatanong ko muna kay tita Rose bago ako bumili." sabi ni Leo. Tatayo na sana si Leo ng pigilan sya ni Lucas.
"Ako na kuya. Mabuti pa ay kausapin mo muna si ate Blessy tungkol sa kalagayan nya." sabi ni Lucas. Tumango naman si Leo bilang pagsang ayon.
Umalis si Lucas at humarap naman sa akin si Leo. Inayos nya ang buhok ko at inipit nya sa tenga ko.
"Ano ba yung sinasabi ni Lucas na kalagayan ko na ikakatuwa ko?" tanong ko. Ngumiti naman ito sa akin.
"Love kasi magkakaanak na tayo. Buntis ka love." masayang sabi ni Leo.
"Buntis lang pala eh.... Ano? Buntis ako! Paano nangyari yun?" nagtatakang tanong ko.
"Lahat din nagulat sa nangyari. Naalala mo yung kada bigay sayo ni mommy ng juice simula nung umuwi ka galing ospital." sabi ni Leo.
"Oo nagagalit pa nga si mommy pag gustong uminom ni Liam eh." sabi ko.
"Kaya nagagalit si mommy kasi para sayo talaga yung juice na iyon. Inimbento ni mommy ang juice na iyon para matanggal ang bara na nagdudulot ng di mo pagkakabuntis. Ngayong natunaw na ito ng juice ay eto natupad na din ang gusto nating magkaanak." paliwanag ni Leo.
"Oh my God! Kailangan kong makausap si mommy. Gusto kong magpasalamat sa kanya." naiiyak na sabi ko.
"Mamaya na love, kakapahinga lang nila mommy sa bahay. Ang mabuti pa kumain ka muna ng lugaw habang wala pa yung pinapabili mo. Lagyan mo muna ng pagkain ang tiyan mo para sa baby natin." sabi nya.
Tumango ako at nagsimula nang kumain. Hindi na ako nag inarte pa dahil hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ito na ipinagkaloob sa akin. Lahat gagawin ko para sa baby ko.
Natapos akong kumain at nagkwentuhan na lang kami ni Leo. Hindi naman nagtagal ay dumating na din si Lucas. Inihain sakin ni Leo ang mga pagkain.
"Kuya alis na muna ako, kailangan daw ako ni daddy. Mukhang may ipapagawa sya sakin." sabi ni Lucas.
"Oh sige, pakiupdate na lang ako sa naging aksyon nila sa mag ama na yun." sabi ni Leo.
Medyo lumayo pa sila Leo sakin para makapag usap. Hindi ko naman sila pinansin at puro ako kain ng fishball, kikiam at chicharong bulaklak.
"Masarap ba yan ate Blessy?" nagulat ako ng magsalita si Liam.
"Bakit gusto mo ba?" tanong ko. Tumango tango naman sya.
"Oh sige kung gusto mo eh di bumili ka hahaha." pang aasar ko.
"Ate naman eh." sabi ni Liam.
"Joke lang. Eto sabayan mo ako kumain." sabi ko sabay abot sa kanya.
Habang nakain kami ni Liam ay pumasok si Leo ng kwarto kasama si tita Rose.
"Siguro naman na nasabi na sayo ni Leo ang kalagayan mo. Ako ang magiging personal doctor mo kasi pinakiusapan ako ng mommy nyo at ng tito Jimin nyo. Gusto kong sumunod kayo sa mga ibibilin ko dahil hindi pa ganun kalakas ang matres mo. Sa ngayon kailangan ka munang magbed rest for a month at walang stress at wag muna mag work. Kailangang extra ingat tayo kasi sa ngayon hindi ko sure kung mauulit pa ang pagbubuntis mo." sabi ni tita Rose.
"Naintindihan ko po. Salamat po tita." sabi ko.
"Tita okay lang po ba sa kanya ang kumain ng mga ganyan? Meron po bang mga bawal?" tanong ni Leo.
"Pwede naman sya nyan paminsan minsan pero mas maganda kumain sya ng healthy food at gatas na para sa mga buntis. Hindi mo rin kasi maiiwasan yang cravings nya eh baka lalo lang syang mastress dahil hindi nya makain ang gusto nya. Hinay hinay lang." paliwanag ni tita Rose.
"Maraming salamat po talaga tita. Hayaan nyo hindi ako magpapasaway. Kung kinakailangan po na bed rest po ay susundin ko." sabi ko.
"Oh siya mauna na ako. Ibinilin ko na ang mga gamot mo sa nurse para mamaya. Tawagan nyo lang ako pag may tanong kayo." sabi ni tita Rose.
Lumabas na ng kwarto si tita Rose. Hindi ko namamalayan na naubos na ni Liam ang pagkain ko. Napaluha naman ako.
"Love, bakit ka naiyak? May masakit ba sayo?" tanong ni Leo. Umiling naman ako.
"Eh bakit ka naiyak ate?" tanong ni Liam.
"Eh kasi inubos mo na yung pagkain ko eh. Huhuhu!" sabi ko. Hindi ko mapigilan ang umiyak. Sa totoo lang hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayon. Simpleng mga bagay iniiyakan ko.
"Sorry na ate. Gusto mo ba ibili na lang kita ulit?" tanong ni Liam.
"Sige pero ayaw ko na nyan. Gusto ko namang kumain ng pizza yung puro cheese lang ang nakalagay." sabi ko.
"Love hindi ka pa nabusog sa binili ni Lucas?" tanong ni Leo.
"Basta gusto ko pang kumain." naiiyak na sabi ko.
"Oh sige na love, papabilihin ko.na si Liam. Huwag ka na umiyak at baka makasama pa sa baby natin." sabi nya.
"Sorry. Hindi ko lang mapigilan ang nararamdaman ko eh." sabi ko.
"Ok sige na wag ka nang malungkot. Bukas kailangan mong kumain ng healthy foods para kay baby. Ako na ang bibili ng pizza at bibili na din ako ng gatas na sinasabi ni tita Rose." sabi ni Leo sakin.
"Liam bantayan mo si ate Blessy mo. Huwag mong papatayuin ng higaan si ate mo." sabi pa nya kay Liam.
Naintindihan ko naman si Leo sa paghihigpit nya. Kailangan naming mag ingat dahil ayokong mapahamak ang baby namin. Ngayon pa lang sobrang saya ko na kasi kahit papaano ay mararanasan ko ang mabuntis at magkaanak. Salamat talaga sa milagrong naganap.