Chereads / My Clumsy Girl / Chapter 58 - The Result

Chapter 58 - The Result

Leo's Pov

Kinabukasan, naghahanda kami ni Blessy sa pagpunta sa ospital. Kailangan kasing masigurado ang kalusugan ng baby namin. Last kaming nagpacheck up ay medyo abnormal daw ang heartbeat ng baby namin. Inaalalayan kong bumaba ng hagdan si Blessy papunta sa dining area.

"Oh andyan na pala kayo. Umupo na kayo para makapag almusal." sabi ni nanay Rita.

"Nanay namiss ko tong pag aalmusal na ito. Nung umalis kayo ay hindi na nagluto si mommy ng ganitong pagkain." sabi ko.

"Bakit naman Lisa?" tanong ni nanay Rita kay mommy.

"Kasi nay eh naaalala kita pagnagluluto ako ng ganitong pagkain. Paborito kasi natin ito eh." sabi ni mommy.

"Ikaw talaga, namiss tuloy ng mga bata ang daing at tuyo." sabi ni nanay.

"Wow! Ang sarap po nitong sinangag at daing. Paborito ko rin po ito. Gusto ko pong lutuin ito kaya lang nahihiya po ako. Akala ko po kasi hindi kayo nakain ng ganito." sabi ni Blessy.

"Talaga Blessy? Naku sorry ha, pati ikaw nadamay. Paborito ko ito lalo na kapag may sawsawan na suka." sabi ni mommy.

"Tama po kayo. Tapos lagyan ng maraming bawang hahaha." masayang sabi ni Blessy.

"Hala kumain na kayo at baka malate pa kayo sa appointment nyo sa ospital." sabi ni nanay Rita.

Magana kaming kumain ni Blessy at may kasama syempreng kwentuhan. Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa ospital. Pagkadating namin ng ospital ay inasikaso agad si Blessy. Ginawan muna sya ng mga test bago kami pumunta sa opisina ni tita Rose. Kumatok muna kami bago kami pumasok.

"Oh natapos na ba ang mga test sayo Blessy?" tanong ni tita Rose.

"Opo tapos na po." sagot ni Blessy.

"Sige humiga ka na para maultrasound ka na at malaman kung bakit abnormal ang heartbeat ng bata." sabi ni tita Rose.

Inalalayan ko sa paghiga si Blessy tapos inumpisahan na ni tita Rose ang pag uultrasound. Napansin ko naman na nakakunot ang noo ni tita.

"May problema ba tita?" tanong ko. Nag aalala ako baka napaano na ang baby namin.

"Wala naman Leo. Kasi kaya pala abnormal ang heartbeat ay dahil tatlong baby ang ipinagbubuntis ng anak nyo." paliwanag ni tita.

"Triplets tita? As in tatlo?" tanong ko.

"Oo triplets." sagot ni tita.

Tinignan ko si Blessy na iyak ng iyak. Pinunasan ko ang mga luha nya. Pati ako ay hindi ko din mapigilan na maluha.

"Love tahan na at baka makasama sa mga baby natin ang pag iyak mo." sabi ko kay Blessy.

"Love hindi ko mapigilan eh. Sobrang saya ko huhuhu." sagot nya.

"Naiintindihan ko na masaya kayong dalawa kaso tumahan na kayo kasi may ipapaliwanag ako sa inyo." sabi ni tita Rose.

Pinunasan ko ang luha nya at sinubukan kong kumalma. Tumahan na din si Blessy.

"Kailangan nating mag ingat dahil tatlo yang dinadala ni Blessy. Ngayon pa lang sinasabi ko na sa inyo na hindi na kayo ulit magkakaanak. Kaya dapat ingatan na ang mga baby." sabi ni tita Rose.

"Okay na po ako kahit isang beses lang po ako magbuntis. Meron na naman po akong tatlong baby." sabi ni Blessy.

"Mahina ang kinakapitan ng mga anak nyo kaya malamang mapapadali ang panganganak mo Blessy. Kaya kailangan regular kang iinom ng gamot na binibigay namin sayo para makaabot ng pitong buwan ay pwede na kitang paanakin." sabi ni tita Rose.

"Hindi po ba delikado ang pitong buwan?" tanong ko.

"Hindi sya delikado, ang delikado ay ang walong buwan. Sa ngayon nakikita ko namang malusog ang mga anak nyo." sabi pa ni tita.

"Sige po tita maraming salamat po. Uuwi na po kami." sabi ko.

"Sige sabihin nyo na sa kanila ang magandang balita. Malamang pati sina tito V at tito Jimin nyo ay matutuwa. Naku nakikita ko na naman ang bangayan ng tatlo na iyon hahaha. Mang aangkin na naman yung dalawa na iyon. Hindi lang anak eh pati apo pa hahaha." natatawang sabi ni tita Rose.

"Naku tama ka dyan tita. Sige po salamat po ulit." sabi ko bago umalis ng opisina nya.

"Love, magsimba muna tayo bago umuwi tapos maggrocery tayo. Gusto kong maghanda ng kaunti dahil sa magandang balita na natanggap natin." sabi ni Blessy.

"Oh sige teka paano ba natin sasabihin sa kanila?" tanong ko.

"Ah alam ko na! Tamang tama pagpunta natin sa mall, may bibilihin ako." kumunot noo ko sa sinabi ng asawa ko.

"Basta, halika na excited na ako sa gagawin natin. Mamaya ko na ieexplain lahat sayo." sabi pa nya.

Gaya ng sinabi ni Blessy, nagsimba muna kami tapos pumunta ng mall para bumili ng kakailanganin. Tinawagan ko silang lahat para sa announcement namin. Tinawagan ko din si tita Rose na huwag munang sasabihin sa kanila. Pagkauwi namin ng bahay ay kumpleto silang lahat maliban kay Lala. Pati na sina tito Jimin at tito V. Inalalayan ko muna maupo si Blessy bago ako naupo sa tabi nya.

"Kamusta ang check up nyo? Kamusta ang apo namin?" tanong ni tito V.

"Bwisit na alien na to, inuunahan mo pa kami ni Lisa." sabi ni daddy.

"Mommy..." naiiyak na tawag ni Blessy kay mommy.

"Bakit anak may problema ba?" tanong ni mommy.

"Kasi mommy alam na namin kung bakit abnormal ang heartbeat ng baby namin. Kaya naiiyak ang asawa ko." paliwanag ko.

"Ano bang problema, diretsohin nyo na kami. Pinakakaba nyo ako eh!" sabi ni tito Jimin.

"Huminahon ka ngang baliw ka! Lalo mong pinakakaba yung dalawa sa paghihisterikal mo Chim Chim." sabi ni daddy kay tito Jimin.

"Huwag na po kayo magtalo. Ok naman po ang resulta." sabi ni Blessy.

"Okay lang pala ate, eh bakit ka naiyak?" tanong ni Lucas.

"Eto ang explaination kung bakit naiyak ang asawa ko." sabi ko tapos inabot ko sa kanila ang isang box na nakagiftwrap.

"Para sakin ba iyan? Next month pa ang birthday ko tapos may regalo agad?" tanong ni tito V.

"Asa ka pa alien. Feelingero lang." sabi ni daddy.

Binuksan ni mommy at daddy ang box. Yung iba nagtaka, yung iba nagulat.

"Oh my God!" sigaw ni mommy. Naiyak na din si mommy.

"Bakit mahal?" tanong ni daddy kay mommy.

"Totoo ba?" naluluhang tanong ni nanay Rita.

"Ano ba yan, sabihin nyo na kasi." naiiritang sabi ni tito Jimin.

"Pagpasensyahan nyo na ninenerbiyos lang yang si tito Jimin nyo. Pero sabihin nyo na, nagtataka na din ako bakit sila naiyak." sabi ni daddy.

"Ano ba naman kayo daddy, mga tito. Di nyo gets duh. 3 pairs of small shoes tingin nyo anong ibig sabihin nyan?" sabi ni Lily.

"You mean ate, triplets ang baby nila kuya Leo at ate Blessy?" tanong ni Liam.

"Triplets?" sabay sabay na tanong ng tatlo naming daddy. Hahaha.

"Opo triplets po. Kaya po ako naiiyak kasi sobrang thankful po ako. Thank you po talaga mommy Lisa." sabi ni Blessy.

"Your welcome mga anak. Anong sabi ni tita Rose nyo? Kakayanin ba ng matres mo na dalhin ang tatlong bata?" tanong ni mommy.

"Medyo mahirap po at delikado. Pero sana umabot kahit hanggang 7months. Kasi pwede na daw paanakin ni tita si Blessy." paliwanag ko.

"May awa ang Diyos mga anak. Kung kinakailangang tumira kayo sa ospital ay gawin nyo. Para sa ikakabuti ng mag iina mo." sabi ni daddy.

"Oo nga naman. Kung kailangan ng bantay ni Blessy, andito lang din kami. Gusto mo ba na ako muna ang mag asikaso ng mga negosyo mo?" tanong ni mommy.

"No mom, kaya ko. Pwede ko naman iutos sa mga mapagkakatiwalaan ko at isa pa pwede naman akong mag opisina sa bahay gaya ng ginawa ni daddy." sabi ko.

"Wag kang mag alala kung kailangan nyo ng tulong ay nandito lang kami." sabi ni tito Jimin.

"Yes! Magkakaroon ba ako ng madaming apo hahaha!" sigaw ni tito V.

"Oh nasabi na nila Leo at Blessy ang balita. Baka gusto nyo na umalis." pagtataboy ni daddy.

"Ito naman, magcecelebrate pa tayo di ba." sabi ni tito V.

"Makikikain ka na naman alien eh." sabi ni daddy.

"Sarap ng pagkain dito eh hahaha." sabi naman ni tito Jimin.

"Susumbong ko kayo sa mga asawa nyo." sabi ni mommy.

"Eto namang si sis, joke lang yun." sabi ni tito V.

"Naggrocery po talaga kami para maghanda ng konting salo salo mamaya. Tawagan na din po natin yung mga pamilya nyo." sabi ni Blessy.

"Yun oh!" sigaw ni tito V.