Leo's Pov
Makalipas ang dalawang buwan ay umayos na ang kalagayan ni Blessy. Salamat sa naimbentong gamot ni mommy at bumuti ang kalagayan ng mag ina ko. Papunta kami ngayon ng Antipolo dahil bibisitahin namin si Lala. Nanganak na kasi ito at nuong nakaraang linggo kaso hindi kami nakapunta dahil nagkasakit si Blessy.
"Love, gusto ko sana bago tayo pumunta kina Lala ay dumaan muna tayo ng simbahan ng Antipolo." sabi ni Blessy.
"Sure! Yun lang ba ang gusto mo?" tanong ko.
"Meron pa. Bibili ako ng kasoy duon at mga ipapasalubong ko. Gusto kong pakainin si Liam ng adobong pusit na may kasoy. Naiisip ko pa lang ay natatakam na ako." sabi pa nya.
"Sige damihan natin ang bili ng kasoy para madami kayong makain ni Liam." sabi ko.
Sa totoo lang naaawa na ako kay Liam. Siya kasi ang pinaglilihian ni Blessy. Gusto nya lahat ng kainin nya ay kakainin din ni Liam. Nung minsan nga ay pinakain ito ni Blessy ng banana cake tapos nilagyan nya ito ng palamang cheese spread with bagoong ay bumaliktad ang sikmura ni Liam. Gusto ko sana na ako na lang ang kumain kaso nag iiiyak si Blessy. Mabuti na lang at mabait ang kapatid ko at kahit papaano ay napagbibigyan nya ang asawa ko.
Nakarating kami sa simbahan ng Antipolo. Nagsimba muna kami at nagpabless na rin ako ng sasakyan ko. Nagdonate naman si Blessy ng pera sa simbahan. Tamang tama kasi may charity event silang gaganapin.
"Tara na love, bili na tayo ng kasoy at iba pang pagkain. Hindi ka ba nagugutom?" tanong ko sa kanya.
"Hindi pa." sagot nya.
Lumibot muna kami. Ayaw ni Blessy agad bumili. Natigilan sya ng makita ang batang lalaki na nagtitinda ng kasoy. Siguro mga 7 years old ang bata. May sira o butas ang damit ng bata. Nilapitan ito ni Blessy. Knowing my wife, malamang naaawa ito sa bata.
"Hello, bata magkano sa kasoy mo?" tanong ni Blessy.
"Hindi ko po alam. Si lola ko po nagtitinda nito." sabi nung bata.
"Bakit asan ba ang lola mo?" tanong ko.
"Bumili lang po ng pagkain naming dalawa. Hindi pa po kasi kami kumakain simula kagabi po. Nakabenta lang po si lola ngayon. Eto po ang tinda ko ateng maganda. Bili na po kayo suman gawa po yan ng lola ko." sabi nung batang lalaki.
"Magkano ba yang suman?" tanong ni Blessy.
"Sampung piso lang po isa." sagot nung bata.
"Sige bata bibilihin ko na lahat yan." sabi ko.
Binilang namin ito at umabot ito ng 50 piraso. Binigay ko sa bata ang 1 libong piso.
"Kuya pogi, di po ba may sukli pa ito? Wala po akong pansukli sa inyo. Antayin lang po natin si lola ko para sa sukli." sabi nya.
Hinintay namin ang lola nya hindi para kunin ang sukli. Hinintay namin ito dahil gusto ring bilihin ni blessy ang lahat ng tindang kasoy nito. Isa pa ay ginaganahang makipagkwentuhan si Blessy sa bata. Nakakaaliw naman kasi ito at mukhang matalino. Napag alaman namin na hindi ito nag aaral at wala na syang magulang.
"Emil, eto na ang pagkain mo." sabi nung lola. Napatitig akong maige za matanda.
"Lola binili nila lahat ng tinda ko. Tapos bibilhin daw nila lahat ng tinda mong kasoy." narinig kong sabi nung bata. Nakatitig lang kasi ako sa matanda.
"Salamat po a..." natigil sa pagsasalita ang matanda nang makita ako.
"Nanay Rita." malumanay na tawag ko.
"Leo..." banggit ni nanay Rita.
Lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya ng mahigpit. Napaluha ako ng magsimulang umiyak si nanay. Halata mo sa pananamit nito na naghihirap sya.
"Nanay anong nangyari sayo?" tanong ko.
"Eto nagtitinda para makaraos kami mg apo ko. Siya nga pala ang apo ko si Emil. Anak sya ng isa kong anak na namatay." sabi ni nanay Rita.
"Siya nga po pala, ito po si Blessy ang asawa ko." pagpapakilala ko. Nagbless naman si Blessy.
"Nakapag asawa ka na pala. Pasensya na at hindi nakapunta si nanay ha. Ang ganda ng asawa mo Leo. Nakikita ko ang mommy nyo sa kanya nung una kong makilala ang mommy nyo." sabi ni nanay Rita.
Si nanay Rita o manang Rita ang yaya ni daddy simula bata pa siya. Para na itong pangalawang ina ni daddy lalo pa nung makilala ito ni mommy ay itinuring nya itong totoong ina. Sabi nila mommy nanay Rita na lang daw ang itawag namin dito.
"Nanay Rita bakit po kayo nagtitinda dyan? Ano pong nangyari sa inyo?" tanong ko.
"Mahabang istorya Leo." sabi ni nanay Rita.
"Nay, para sa inyo marami kaming oras. Tara na dyan sa kainan at nang makakain kayo ng maayos ng apo nyo. Tamang tama hindi pa kami kumakain. Duon nyo na ikwento ang nangyari sa inyo." sabi ko.
Inilagay ko lahat ang tinda ni nanay Rita sa kotse. Dalawang timba din ito na naglalaman ng kasoy. Pumunta kami sa Chowking malapit sa simbahan ng Antipolo. Umorder kami ng mga pagkain bago umupo. Nang matapos maiserve ang mga pagkain, napansin ko na hindi pa kumakain ang apo ni nanay.
"Emil, bakit hindi ka pa nakain?" tanong ko.
"Kasi po hindi ko po alam kung pwede kong kainin ito." sabi ni Emil.
"Para sa atin yang lahat. Sige na kumain ka na." sabi ni Blessy.
"Talaga po? Yehey! Ngayon na lang po ako ulit makakakain ng fried chicken. Salamat po?" sabi nung bata. Naluha naman si Blessy. Pinunasan ko ang luha sa kanyang mata.
"Nay, pakiusap po ipaliwanag nyo po sakin ang nangyari sa inyo." pakiusap ko.
"Bago ako umalis sa inyo di ba nagkasakit ang anak ko. Nagtagal ang anak ko sa ospital at sinagot ng mga magulang mo ang lahat ng gastos namin. Hindi na ako nakabalik sa inyo kasi inalagaan ko ang anak ko at si Emil kasi iniwan na sila ng nanay ni Emil. Isang taon din ang lumipas ay namatay ang anak ko dahil sa depression dahil sa pag iwan ng asawa nya. Naubos ang ipon ko dahil sa sakit at pagkakaospital ulit ng anak ko." kwento ni nanay Rita.
"Eh bakit po hindi kayo lumapit kina daddy." tanong ko.
"Sobra na ang naitulog nila sakin. Halos kalahating milyon din ang nagastos nila sa anak ko kaya nahiya na akong lumapit sa kanila." sabi pa ni nanay.
"Saan po ba kayo nakatira ngayon." tanong ni Blessy. Napatingin ako kay Blessy na pinapakain si Emil.
"Duon na din kami nakatira sa pwesto ko. Wala na kaming pambayad sa kwarto." nahihiyang sabi ni nanay.
"Bakit po? Asan po ang bahay nyo? Buong akala namin maayos po kayong naninirahan sa bahay na naipundar nyo." tanong ko.
"Ibinenta ng isa ko pang anak ang bahay. Sa pag aakala kong gagamitin sa negosyo ito ay pumayag ako. Kaso ginamit ito sa sugal. Ngayon nakakulong sya dahil sa dami ng niloko nya. Hinayaan ko na syang makulong kasi baka sakali pa syang magbago sa kulungan." kwento pa nya.
"Bakit po hindi kayo lumapit sa amin?" tanong ko.
"Nahihiya na ako sa inyo. May utang pa ako sa mga magulang mo na isang daang libong piso." sagot nya.
"Nay, alam nyo pong hindi na kayo iba sa amin. Balewala po sa amin ang perang inutang nyo. Ang mahalaga sa amin ay ang kalagayan nyo. Magagalit sa inyo sina daddy nyan eh. Alam nyo pong namatay na ang mga magulang ni daddy dahil sa aksidente at kayo na lang ang itinuturing na magulang nila mommy at daddy kaya hindi nila kayo pababayaan." sabi ko.
"Mabuti pa love, kunin na natin ang lahat ng gamit nila. Isama natin sila kina Lala tapos ay iuwi natin sila sa bahay." sabi ni Blessy. Tumango ako bilang pagsang ayon.
"Talaga po? Isasama nyo na po kami? Hindi na po kami magtitinda?" tanong ni Emil.
"Oo Emil, hindi na kayo magtitinda ulit. Isasama na namin kayo sa bahay. Tapos pag aaralin ka na namin." sabi ni Blessy.
"Yehey! Hindi na mahihirapan si lola ko. Hindi na iiyak si lola dahil wala kaming makain." sabi pa ni Emil.
Naiyak naman si nanay Rita sa sinabi ng apo nya. Sa murang edad ay inaalala na nito ang lola nya.
"Kumain na po kayo nay tapos pupunta tayo kay Lala. Sya nga po pala nanganak na po si Lala at may darating pa din po kayo ulit na apo kasi buntis po ang asawa ko." masayang balita ko sa kanya.
"Talaga? Naku siguradong tuwang tuwa ang mga magulang mo. Mahilig kasi ang mga yun sa mga baby." sabi pa ni nanay Rita.
Nagpatuloy kami sa pagkain. Madami pa kaming napagkwentuhan. Nang matapos kaming kumain ay kinuha namin ang mga gamit nila nanay Rita. Kokonti lang ang gamit nila. Puro damit lang ito dahil daw sa naibenta na lahat ng anak nya ang mga gamit. Dumaan muna kami sa mall para bilihan silang maglola ng maayos na mga damit. Pagkatapos ay dumiretso na kami sa bahay ni Lala. Nang makarating kami sa bahay ng kakambal ko ay nadatnan namin ito sa labas ng bahay nya.
"Nanay Rita!!!" sigaw ni Lala. Nagmamadaling lumapit si nanay Rita kay Lala at niyakap nya si Lala ng mahigpit.
"Namiss kita nanay." sabi ni Lala.
(Thank you po kay @Doxi sa pagsasuggest sakin kay manang Rita 😊)