Chereads / My Clumsy Girl / Chapter 55 - Golden Hotel

Chapter 55 - Golden Hotel

Leo's Pov

Kinabukasan, habang natutulog pa si Blessy ay umalis ako papunta sa Golden Hotel. Tumawag sakin si Lucas at sinabing nasusunog ang isa sa mga hotel ko. Pagdating ko sa hotel ay inaapula na ng mga bumbero ang sunog. Nadatnan ko dun si daddy, Lucas, Vincent, Chrys, tito V at tito Jimin.

"Paanong nasunog ang hotel? Wala po bang nasaktan?" tanong ko.

"Tingin ko sinadyang sunugin ang hotel mo." sabi ni tito Jimin.

"Bro yung ibang cctv sira at yung iba naman burado na. Mukhang pinagplanuhan lahat ng ito." sabi ni Chrys.

"May mga nasaktan ba?" tanong ko.

"May mga nasugatan dahil sa pagkakagulo at takbuhan lalo na mga empleyado mo na mga agent na nagtatrabaho sayo. Sila ang umalalay sa mga tao para makalabas." sabi ni Vincent.

"Maige naman at naalalayan nila ang mga sibilyan. Pasalamat tayo sa kanila at walang namatay." sabi ni tito V.

"Hindi ko na ito mapapalampas. Naiinis na ako. Malaman ko lang kung sino ang sumasabotahe sa anak ko ay matinding parusa ang gagawin ko." sabi ni daddy.

Sa totoo lang madami din namang gumagawa sa amin ng ganito. Ginagantihan kami lalo pa at mga malalaking tao ang kinakalaban naming mga agent. Pero sa ngayon isa lang ang nasa isip kong gagawa nito.

"Alam ko ang iniisip mo kung sino ang gumawa nito. Lahat kami yun din ang iniisip. Sila lang naman ang huling nakalaban natin eh." sabi pa ni daddy.

"Isa pa alam ng taong yun ang pagkatao natin. Mukhang may kinontsabang agent para maisagawa ang mga plano. Medyo malinis linis syang magtrabaho." sabi ni tito V.

"Dun ka nagkakamali dad. Ang akala nila cctv lang na yan ang pwedeng maging ebidensya. Hindi nila alam na mas matindi ang security na ginawa namin. Lahat ng nangyari na nakunan ng cctv ay nakarecord na agad sa headquarters. Isa pa meron din kaming mga kinabit na cctv sa bawat floor na hindi nila alam." sabi ni Lucas.

"Dad iyon yung sinasabi ni Lily na inimbento nya." sabi ko.

"Maige naman kung ganon at hindi na tayo mahihirapan pang hanapin ang suspek." sabi pa ni daddy.

"Kung sino man yang traydor na empleyado ay mananagot sya sakin. Lalo na kapag napatunayan nating may agent na nagtatraydor satin. Humanda sya sakin, baka paliparin ko sya sa planeta kong Mars." sabi ni tito V. Binatukan naman ito ni daddy.

"Peste kang alien ka. Akala ko seryosong seryoso ka sa mga sinasabi mo." sabi ni daddy.

"Aray naman! Kainis kang kuneho ka. Halika na nga sa headquarters Chrys at Jimin. Ipakita mo sa amin Chrys ang mga nairecord ng cctv." sabi pa ni tito V.

"Ikaw Vincent sasama ka ba?" tanong ni Chrys.

"Hindi na sasamahan ko muna sila Leo dito." sagot nya.

Umalis na sila Chrys, tito V at tito Jimin. Naiwan kaming tatlo nila daddy, Lucas at Vincent na pinapanuod ang pag aapula sa building ko. Mabuti na lang at hindi gaanong kalakihan ang sunog.

"Lucas tawagan mo lahat ng mga agent na nagbabantay sa mga kompanya at iba pa nating ari arian. Kung kinakailangang doblehin pa ang seguridad duon ay ipadala mo pa ang iba pang mga agent." utos ko sa kanya. Tumango naman ito at nagsimula nang tumawag sa mga iba pang tauhan.

"Vincent kunin mo lahat ng listahan ng mga guest at employees na nasaktan. Tawagan mo si Attorney Justin para sa mga legal actions." utos ko sa kanya.

"Anong balak mo anak sa mga nasunugang guest." tanong ni daddy.

"Kailangan munang maipagamot ang mga nasugatan. Babayaran ko lahat ng gastusin sa ospital at ang mga danyos na nasunog sa kanila." sabi ko.

"Kung kailangan mo ng pera ay nandito lang kami ng mommy mo." sabi ni dad.

"Don't worry daddy kaya ko pong bayaran lahat ng mga yan. Salamat po sa pag aalok." sabi ko.

Makalipas ng ilang oras ay naapula na ang sunog sa hotel ko. Ibinalita sa akin ng mga bumbero na hindi ganon kalaki ang damage ng hotel. Maya maya ay nagring ang cellphone ko. Tinignan ko ito at tumatawag si Liam.

"Hello Liam, may problema ba sa ate Blessy mo?" tanong ko sa kanya.

"Wala kuya. Nakita lang namin sa balita ang nangyari sa hotel mo. Medyo nag aalala si ate Blessy kaya tumawag ako." sabi ni Liam.

"Pakibigay mo ang cellphone kay Blessy." sabi ko.

"Hello love, ayos ka lang ba dyan?" tanong ni Blessy.

"Huwag kang mag alala sakin. Pasensya ka na at umalis ako ng hindi nagpapaalam. Okay na ang hotel, naapula naman agad ang sunog. Baka gabihin na ako sa pagpunta dyan dahil aasikasuhin ko muna ang problema dito." sabi ko kay Blessy.

"Okay lang ang importante maayos ang problema dyan. Huwag mo din akong alalahanin dito, kasama ko naman si Liam at nandito din si uncle Red." sabi nya.

"Kailangan ko munang magpaalam, kasi may kakausapin pa ako. Huwag kang mag isip isip ng masama dahil hindi makakabuti sa baby natin yan. Cge na love, mamaya na lang kita tatawagan. Pakibigay muna ang cellphone kay Liam." sabi ko.

"Hello kuya." sabi ni Liam.

"Liam huwag nyong iiwan mag isa si ate Blessy mo. Kung may kailangan kayo ay patawagan mo kay uncle red ang iba pang agent na nakabantay dyan. Tandaan mo huwag kayong aalis ni uncle Red." bilin ko sa kanya.

"Sige kuya, huwag kang mag alala at babantayan namin maige si ate dito." sabi nya.

Ibinaba ko na ang tawag at nagsimula na ako ulit sa pag aasikaso ng hotel ko. Marami ang nagtamo ng mga galos dahil sa pagpapanic nila. Malamang ay naggitgitan sila para makalabas agad.

Nang matapos kami sa pag aasikaso ay napagdesisyunan naming kumain malapit sa hotel ko. Habang nakain kaming apat ay dumating sina tito V.

"Uy tamang tama gutom na ako." sabi ni tito V.

"Tira handa ka na naman alien." sabi naman ni daddy.

Alam ni daddy na papunta si tito V kaya naman madami syang inorder. Kahit ganyan si daddy na laging naninita o nananabla sa kanyang mga kaibigan ay sobra itong maalalahanin. Kapatid na kasi ang turing nya sa mga ito. Kaya hindi na kami nagtataka na mga anak nila sa mga bangayan nila.

"Anong balita alien?" tanong ni daddy. Nakita ko naman na sumeryoso si tito V.

"Confirm si Mr. Andres nga. Ang tatay ni Bianca ang nagpasunog ng hotel ni Leo. Ang lakas ng loob nyang kalabanin tayo. Pwes makikita nya ang hinahanap nya." sabi ni tito V.

Yung sa mga hindi nakakakilala kay tito V kapag nakita nila ang itsura nitong galit ay baka maihi sila sa sobrang takot. Sa kanilang pitong magbabarkada, si tito V ang pinakanakakatakot magalit. Alien nga kasi kung mag isip yan. Naalala ko nung una kong makitang magalit yan sa kumalaban kina mommy ay pinutulan nya ito ng daliri. Isa kada araw, oh di ba sadista. Si daddy lang ang nakakapagpakalma sa kanya. Ewan ko ba kung bakit pero kay daddy lang sya nakikinig.

"Nasaan po ang tatay ni Bianca ngayon?" tanong ko.

"Pinuntahan na ng mga autoridad ang bahay ni Andres para bigyan sila ng warrant." sabi ni tito V.

"Paano po iyon, siguradong magpapyansa sila." sabi ni Vincent.

"Or they will pull some strings. I guess money will be involve." sabi naman ni Lucas.

"Ginagawan na ng paraan nila Jimin ang tungkol sa bank account nila at ang pamilya ni Jisoo naman ang bahala sa mga legal action. Malamang pinupull out na lahat ng shares nating magbabarkada sa mga negosyo nila." sabi pa ni tito V.

"Malamang maghihirap na sila ngayon. Kaya nagalit yan kay Leo kasi pinull out nya ang shares sa hotel, eh dun sya kumikita ng malaki. Tapos pinull out ko din ang shares ko sa isa nyang negosyo." sabi ni daddy.

"Ako din hahaha. Kaya pala ganun na lang ang galit nya." sabi ni tito V.

"Kamusta na pala ang asawa mo Leo?" tanong ni tito V sakin.

"Maayos na po. Kailangan nya pong magbed rest kasi mahina ang kinakapitan ng bata." sagot ko.

"Tara na at para makaharap na ang Andres na yun. Tatamaan sya talaga sakin." pag aaya ni daddy.

"Huwag ka nang sumama sa amin Leo, kaya na namin ito. Ang mabuti pa ay balikan mo na ang asawa mo." sabi ni tito V.

"Mabuti pa nga anak at pauwiin mo muna si Liam. Kausapin mo ang kapatid mo, kaya ayaw nun umalis sa tabi nyo ay nagiguilty ito dahil hindi nya naprotektahan ng maige si Blessy. Alam mo naman na napalapit na sya kay Blessy kahit nung maliit pa ang kapatid mo." sabi ni daddy.

"Tama kuya. Bantayan mo muna ang mag ina mo. Hindi pa tayo sigurado sa  mga plano nila Bianca. I uupdate ka na lang namin sa mga mangyayari." sabi ni Lucas.

Napagdesisyunan kong bumalik na sa ospital at para asikasuhin ang mag ina ko. Hindi ako nababahala sa mga nangyayari kasi may pamilya ako na sumusuporta sa amin. Hiling ko lang talaga ay mamuhay ng payapa pero alam ko naman na malabo itong mangyari habang ako ang namumuno sa Rainbow Agency.