Chereads / No Strings Attached / Chapter 24 - Strife

Chapter 24 - Strife

ELLE

Pauwi na kami ngayon. Kasalukuyan kaming nasa barko pabalik ng city.

"Sana naman makikita ko ulit yung gwapong lalaki na yun!" Sabi ni Patty. "Oo nga, masyado namang maikli yung panahong kasama natin sila bakla.." Dagdag pa ni Vanessa at sabay pa silang nagbuntong hininga. Bago ata to ah? Hindi sila nagbabangayan o nagaasaran ngayon?

"Nagenjoy ka ba?" rinig kong tanong saakin ni Kyle.

"Yeah. Ang sarap ng mga pagkain nila doon. " sabi ko. "Mabuti naman. Balik tayo doon pag may time tayo." He said making Patty and Vanessa giggle because of excitement.

"Talaga?! Isasama mo pa rin ba kami, Kyle?!" excited na tanong ni Patty. Tumawa naman ng mahina si Kyle at tumango sa kanila. "Oo naman. Bakit naman hindi?" And with that, nagyakapan ang dalawang bruha dahil sa sobrang kasiyahan.

"Ibang klase mga kaibigan mo ah?" Natatawang sabi niya. "Oo, sanayan lang siguro ang nangyari.." sabi ko na lang.

After 15 minutes, dumating na kami sa may port.

"Hayy, sige na mga bakla! Kitakits bukas sa trabaho!" paalam saamin ni Patty. Tumango lang kami at nagbeso-beso na. "Bye, babae, bye Kyle." paalam ni Vanessa at tuluyan na silang nakasakay ng taxi.

"Sabay na tayong pabalik sa condo?" Tanong ni Kyle. "Yeah, tutal same condo lang naman tayo. " I replied. Nagpara na kami ng taxi at sumakay na doon pabalik sa condo namin.

Pagkarating doon, agad kaming sumakay sa elevator at pinihit ang 5th floor..

"So, salamat ulit ah?" Sabi ko. Ngumiti naman siya saakin. "No worries, Elle." Sabi niya. Nagkatinginan kaming dalawa at unti-unting bumaba ang mukha niya saakin. Malapit ng madampian ng kanyang labi ang labi ko kaya lang...

"Elle?!" Tawag saakin ng isang pamilyar na boses ng babae. Napalingon naman ako at parang nag-iba ang ihip ng hangin..

"Ma... Pa...." Mahinang tawag ko sa kanila. Galit na tinignan ako ni Papa tsaka si Kyle..

"Saan ka galing?! Bakit hindi ka umuwi kagabi?!" Kalmado pero mahahalata mo ang galit sa boses ni Papa. Sasagot na sana ako nang biglang sumingit si Kyle.

"Hi po. Good morning po ma'am and sir. Katrabaho at kaibigan ko po si Elle at inimbitihan ko po siyang magbakasyon, pasensya na po at hindi po ako nakapag-paalam sa inyo.." Tsaka ngumiti ng pilit. Tinitigan lang siya ni Papa at muling tumingin saakin.

"Pumasok ka na." Tumingin ako kay Kyle at tumango lang siya saakin. Pumasok na ako sa unit ko at sumunod saakin si Mama.

"Bakit hindi ka tumawag saamin? Akala ko kung napa'no ka na." Nag-aalalang sabi ni Mama saakin.

"Pasensya na po, ma." Sabi ko na lang. "Umakyat ka na sa kwarto mo ng makapagpalit ka na ng damit." Tumango ako sa kanya at humakbang na papunta sa kwarto ko pero hindi pa man din ako nakakatagal sa paghakbang ay biglang nagsalita si Papa.

"Saan ka galing?!" Pag-uulit niya. "Hindi niyo ba narinig yung sinabi ni Kyle kanina? Nagba---" He cut me off.

"Nagbakasyon?! Ayos ka rin ano?! Hindi mo alam na buong gabi mo pinag-alala ang nanay mo dito sa kakahintay sayo tapos ano? Nagbakasyon ka pala nang hindi sinasabi saamin?! Ganyan bang magisip ang isang top 9 sa board exam ng mga architects ha, Elle?!" This time humarap na ako kay Papa.

"Sorry dahil hindi ako nakapag-paalam sa inyo. Sorry dahil ginusto kong magbakasyon muna sa kadahilanang stress na stress na ako sa trabaho ko. Sorry dahil nadisappoint ko na naman kayo dahil sa paraan ng pag-iisip ko. I'm sorry, PA." May pagkasarkastik ang pagkakasabi ko niyan. Biglang nag-iba ang ekspressyon ng kanyang mukha.

"Kailan ka pa natutong sumagot saakin ha, Elle? Ganyan ba ang tinuturo sayo ng mga kaibigan mo? O hindi kaya dahil yan sa boyfriend mo na si Nick?!" Sabi niya. Hindi ako sumagot kasi kahit papaano, tatay ko pa rin siya.

"Ano?! Bakit hindi ka makasagot?! Kasi totoo yung sinasabi ko?! O di kaya'y nagkamali ka ng pinili at sinuway mo kami?! Hindi kami nagkulang sa pagpapayo sayo na layuan mo na ang lalaking yun pero ano?! Nainpluwensyahan ka na rin niya ng pagiging adik ano?!" Napapikit ako sa mga sinasabi ni Papa. Hindi dahil sa totoo ito, kundi dahil kahit hiwalay na kami ni Nick ay patuloy pa rin nila itong nilalait

"Hiwalay na kami ni Nick, Pa. Matagal na." Sabi ko. Bigla namang tumawa si Papa at muling humarap saakin.

"Oh bakit?! Akala ko ba mahal ka niya at mahal mo siya to the point na hindi kayo mapaglalayo, oh? Anong nangyari ngayon? Ahh, siguro dahil nagsawa na siya sayo, dahil nakuha na niya yung gusto niya sayo, kaya nakipaghiwalay na siya ano?!" Sarkastikong sagot saakin ni Papa.

"Danilo ano ba! Tama na!" Awat sa kanya ni Mama. Humarap ako kay Papa, deretsong tingin sa mga mata niya.

"Yeah right pa! Siguro nga mali ang naging desisyon ko! Mali ang suwayin ko kayo ni Mama! Mali na mas pinili ko si Nick over you! Pasensya na PO ah! I'm so madly and deeply in love with him kasi kaya ko nagawang suwayin ang utos niyo! Pasensya na PO at nadisappoint ko na naman kayo kasi hindi ko nameet ang expectations niyo sa paraang pag-iisip ko bilang top 9 sa board exam! Pasensya na PO at hindi ako yung pinapangarap ninyong anak! Pasensya na PO at ---" I was cut off when I felt his palm landed on my face.

"DANILO!" Rinig kong sigaw ni Mama. Napahawak ako sa kaliwang pisngi ko. Namamaga, masakit, pero walang-wala ito sa sakit na naipon ko all these years!

"You're a disgraceful child!" He said clenching his teeth

"Does it make you feel good, Pa?" Tanong ko sa kanya. Nakatingin lang siya saakin pero kitang-kita mo yung galit sa kanyang mga mata. "Ever since when I was a child, lagi ninyong sinasabi sa mga kaibigan niyo na gusto niyong maging katulad niyo ang nag-iisa niyong anak..Na gusto niyo maging perfect example siya sa lahat... Na gusto niyong maging matalino, responsable, at matapang sa mga desisyong ginagawa niya. Kayo nga ang may gustong mag-architect ako Pa, diba? Dahil sa respeto at pagmamahal ko sa inyo kaya ko to kinuha kahit ayokong maging architect..." Tumigil muna ako sa pagsasalita para pahiran ang mga luhang kanina pang pumapatak.

"But I know what's the best for you! Alam ko kung ano ang makakabuti sayo, Elle. I'm you father! Ang iniisip ko lang naman ay ang makakabuti para sayo, masama ba yun Elle, ah? Masama ba yun?!" Galit niya pa ring sabi saakin. Umiling ako sa sinabi niya.

"No Pa.. You're my father, Yes. Wala akong question doon. But Pa, hindi kapakanan ko ang iniisip mo! It's your reputation, your pride and ego ang iniisip mo. Natatakot ka, ayaw mong sabihan ka ng mga tao na you're a failure, that you failed as a father.. Kaya mo ko pini-pressure, Pa. Dahil nga sa pini-pressure mo ako, lahat ng atensyon ko, nakatuon sa trabaho kong bilang isang arkitekto. Kasi ayokong mapahiya ka, ayokong pahiyain ka, Pa.. Kaya kahit mahirap at hindi ako masaya sa ginagawa ko, patuloy ko pa rin itong ginagawa dahil nga mahal ko kayo, dahil I'm your daughter.." Umupo ako sa may hagdan dahil kanina pa nanginginig ang mga tuhod ko.

"Minsan ba inisip niyo kung masaya ba ako sa kung sino at sa kung ano ako ngayon, Pa? Kung masaya ba ako sa klase ng taong ginawa niyo, Pa? You never supported me sa mga personal decisions ko. Lagi niyong tinu-turn down ang mga personal plans ko, Pa. Instead of lifting me up, you always turning me down. You criticized me everytime my personal plans turned into a mess.. Ganyan na po ba kayo kawalang tiwala saakin, Pa? It's not that pahihiyain ko ang apelyido niyo, pero minsan iniisip at pakiramdam ko, parang... parang.... I was being controlled and manipulated by you, Pa.." Nakita kong umiiyak na si Mama, pero si Papa, nanatiling matigas ang expression niya. Parang hindi siya naaapektuhan sa mga sinasabi ko.

"Let me live my life, Pa.... Please...

Make me feel that I still own this life of mine.. Allow me to feel that I'm still capable of making my life worth-living.. Please, Pa.." Tumayo ako at nagsimulang maglakad palayo sa kanila para magpahangin muna sa labas ng condong to.

"Anak..." Naramdaman ko ang kamay ni Mama na nakahawak sa braso ko. I faced her at kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. I held her hand at pilit na ngumiti.

"I'll be alright, Ma.. I will always be..." Mahinang sabi ko at tuluyan ng umalis sa unit ko.

Iniwan ko ang maleta ko doon sa unit at tanging personal bag lang ang dinala ko. Sumakay ako sa kotse ko at nagdrive kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta.

I can't stay any longer sa unit na yun dahil masyadong mabigat sa pakiramdam, magpapahangin at magpapalamig na muna ako.

I'll be alright..

I'll be okay...

Pumikit ako saglit dahil patuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha ko. Tsaka huminga ng malalim.

"I should be.." I whispered as I continued driving.