ELLE
Huminto ako sa isang bagong bukas na bar. Medyo malayo siya sa condo pero okay lang dahil ito ang gusto ko. Ang lumayo muna ng pansamantala.
I stepped inside of the bar at tumingin sa paligid. Dahil nga sa bagong bukas lang ito na bar, kaunting tao palang ang nandito.. Umupo ako sa may counter at umorder ng maiinom..
Habang umiinom ako, medyo tumitingin ako sa design nitong bar. Ang catchy lang kasi ng design at decoration eh mukhang pinag-isipan talaga ng architect to. Ang ganda.
Nasa pangatlong baso na ako pero parang hindi tumatalab saakin tong iniinom ko.
"Kuyang bartender!" Tawag ko sa kanya.
Lumapit naman siya na nakangiti saakin. "Ano po yun maam?" Tanong niya saakin.
"Bigyan mo nga ako yung pinakamatapang na alak niyo dito!" Utos ko sa kanya. Nagdadalawang isip pa siya nung una pero binigay rin naman niya saakin yung 1 bottle ng alak.
Ininom ko siya, at parang masusunog yung lalamunan ko sa sobrang tapang nito.
"I'm sorry if I wasn't the daughter you ever wanted, Pa." I whispered at muling tumagay.
"Wala na akong ginawang tama sa mga mata mo, Pa! Lahat na lang mali para sayo!" Bakas sa boses ko ang galit. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit patuloy ako sa pagluha...Muli akong uminom at medyo umeepekto na saakin yung alak. Medyo nahihilo na ako, but I tried to stand up. Luckily, nagawa ko naman.
I headed to the dancefloor at sumayaw doon, wala na akong pakialam kung ano o sino yung makakakita saakin.
Suddenly, may biglang nagsalita sa likod ko.
"Hi miss. Alone?" Mapang-akit niyang sabi saakin. Humarap ako sa kanya, kahit malabo yung vision ko, alam kong may itsura to at mukhang hot. I smiled. A seductive one.
"Why? May nakikita ka bang kasama ko ngayon?" Sarkastikong tanong ko sa kanya. Bigla kong naramdaman ang kanyang kamay sa beywang ko at napangisi naman ako sa ginawa niya.
"Not too fast, boy.." I huskily said to him at tinanggal ang kamay niya na nasa beywang ko at pinagpatuloy ang pagsayaw.
Maya-maya pa'y, may naaninag akong shadow ng isang lalaki. Matangkad ito compared doon sa unang lalaki at makisig rin. Mukhang gwapo rin ang isang to.
Pinagpatuloy ko pa rin ang pagsayaw ko pero napatigil ito nang biglang hinapit ng lalaking to ang beywang ko.
"Hoy lalaki! Sino ka?! Anong ginagawa mo?!" Tanong ko sa kanya. "Psh. Such a drunkard! Halika na dito at iuuwi na kita!" Sabi niya saakin. Pilit niya naman akong hinihila kaya lang nagmamatigas akong sumama sa kanya.
"K-kuya h-huwag p-po!" Sabi ko sa kanya. "Sh.t!" Inis niyang sabi. Walang ano-ano, bigla niya akong binuhat na parang sakong bigas at nilagay ako sa kotse niya.
"ANO BA?! PAKAWALAN MO NGA AKO DITO!" Sigaw ko. "Pwede ba Elle?! Tumahimik ka na nga!" Pikon niyang sabi saakin. Wait-- Kilala niya ako?!
"Kilala mo ko?", "Yeah. Lasing ka na nga talaga kaya mas mabuti pang, ihatid na kita sa unit mo."
"N-NO! Huwag mo kong iuuwi! Ayoko munang umuwi doon!" Sigaw ko sa kanya.
"Bakit? Bakit ayaw mong umuwi? Ano bang nangyari sayo at nagpapakalasing ka?" Tanong niya na hindi ko man lang alam kung anong pangalan nito! Mamaya, rapist pa pala to o kriminal. Tsk!
"Ayoko munang umuwi doon. Nandoon kasi si Papa." Parang bata na sabi ko. "Teka, sino ka nga ulit?" Sabi ko. Eh sa malabo ang paningin ko eh, bakit ba?!
I heard him sigh. "Kyle.." Kyle? "Ah... Kyle..." Sabi ko na lang at sumandal sa headrest nitong kotse niya at pumikit.
--
KYLE
I heard my phone ringing so I picked it up.
"Hello?"
"Sir Kyle? I'm Ven, do you still remember me?" Ven?
"Ikaw yung kameet up ko 3 months ago? Am I right?"
"Ako nga. Tumawag ako para tanungin ka sana kung busy ka ba ngayon or kung available ka." Sabi niya saakin.
"Hmm. Hindi naman, bakit?", "Naalala mo yung pinadesign ko sayo na pinapangarap kong bar? Well, kakabukas ko palang. So I want of course my architect to come here and celebrate with us!" Masiglang sabi niya saakin.
"Really? Congratulations then. Saan ang address niyan?" Tanong ko sa kanya. Binigay niya naman and we ended up the call. Kinuha ko yung susi ng kotse ko at nagtungo na sa parking lot. Minutes passed bago ako dumating sa bar nitong previous client ko. Pagdating ko doon, pumasok agad ako. At unang nakaagaw ng atensyon ko ay ang designs ng bar.
"You're here, Mr. Kyle!" Bigla akong napalingon sa boses na narinig ko. "Mr. Ven!" Sabi ko at nakipagshake-hands sa kanya.
"Mabuti naman at nakapunta ka, this way please." Sabi niya saakin at nilahad ako sa isang VIP room.
"Ladies and Gentlemen, I would like to introduce to you all, the architect of this bar, Mr. Kyle Villafuente!" Nakipagshake hands ako sa kanila.
"Mr. Kyle right?" Tawag saakin ng isang medyo may edad na babae. "Yes, ma'am." Formal na sabi ko sa kanya.
"I'm planning to make my own cake shop soon, would you like to be my architect?" She said while smiling at me.
"Sure thing, Ma'am." I also smiled at her.
"Then, here's my business card, you can call me anytime soon to discuss futher informations about the cake shop." Sabi niya. Binigay ko naman sa kanya ang business card ko. "Thank you then, Mr. Kyle." Sabi niya ay nakipag-shake hands saakin.
Nakatayo lang ako at nakikinig sa pinag-uusapan nina Mr. Ven at mga kasosyo niya dito sa bar nang biglang mahagip ng mga mata ko ang isang babaeng nasa counter at mag-isang umiinom ng alak doon.
"Excuse me.." Paalam ko sa kanila at tumango naman sila saakin. Papalapit pa lang ako nang bigla siyang tumayo at nagtungo sa dancefloor. Nanatili lamang akong nakatayo doon at pinapanood lang siya. She's so damn sexy while dancing in front of this people, in front of me. Nagulat ako nang may lumapit sa kanyang lalaki. Base sa tingin ko sa lalaking to, alam kong manyakis to.
Biglang nilagay ng lalaki ang kanyang kamay sa baywang ni Elle, hindi ko alam kung bakit nag-init bigla ang ulo ko sa nakita ko kaya nilapitan ko sila. Pero biglang tinanggal ni Elle ang kamay ng lalaki at pinagpatuloy ang pagsayaw niya.
Walang sabi-sabi, hinila ko siya paalis ng bar to the point na kailangan ko pa siyang buhatin na parang isang sakong bigas...
"ANO BA?! PAKAWALAN MO NGA AKO DITO!" Sigaw niya saakin pagkalagay ko sa kanya sa loob ng kotse ko..
"Pwede ba Elle?! Tumahimik ka na nga!" medyo pikon kong sabi pero hindi ko alam kung bakit ako naiinis o napipikon.
"Kilala mo ko?", Tingnan mo ang isang to! Bwisit!
"Yeah. Lasing ka na nga talaga kaya mas mabuti pang, ihatid na kita sa unit mo." Sabi ko at sinimulan ng i-istart ang kotse.
"N-NO! Huwag mo kong iuuwi! Ayoko munang umuwi doon!" Nagulat ako sa biglang sigaw niya.
"Bakit? Bakit ayaw mong umuwi? Ano bang nangyari sayo at nagpapakalasing ka?" Tanong ko sa kanya.
"Andoon kasi si Papa." Parang bata niyang sumbong saakin. Pinatay ko muna ang makina ng sasakyan at humarap sa lasinggerang ito.
"So what happened?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Ha?" Maang-maangan niyang sabi saakin.
"Bakit ayaw mong umuwi pag andoon ang Papa mo?" Muli kong tanong sa kanya. I heard her sigh at tumingin sa labas ng bintana.
"Pag andoon kasi si Papa, it feels like I'm doing nothing but pure mistakes in life. Lagi na lang akong mali sa paningin ni Papa. Everytime na magkikita kami, it's either kamalian sa bagay or kamalian sa desisyon ko ang dahilan ng pagbubunganga niya saakin." Sabi niya, nagulat ako dahil ganoon pala ang relasyon nila ng kanyang Papa. Pero ang mas ikinagulat ko ay ang bigla niyang pag-iyak.
"H-hey w-what's wrong? Are you okay?" I worriedly asked her. She just shook her head at pinunasan ang nangingilid niyang mga luha.
"I'm okay. Buti ka pa, tinatanong mo saakin yan. Yung papa ko? Parang hindi ko pa ata siyang naririnig na tanungin yan saakin eh. Ever since, ang gusto niya lang saakin ay ang makakabuti sa pamilya namin, lalo na sa pangalan niya. Bilang nag-iisang anak niya, pini-pressure niya ako. To do things na ikakaproud niya. " Sambit niya. Kaya pala, kaya pala nagiba ang kanyang mood kanina pagkakita sa papa niya.
"Pero you know kung ano yung pinakamasakit? Yun ang ginawa ko lahat, I ranked 9th sa board exam for architects, devote my whole life sa work, for what? To make him proud pero wala rin pala! Hindi siya proud saakin, never been proud.." She cried.. Niyakap ko naman siya.
Umiiyak lang siya sa likod ko habang ako, niyuyugyog lang yung likod niya para kahit papaano, maibsan yung lungkot sa kanya. Maya-maya, naramdaman ko na tila bumibigat ang paghinga niya, pagtingin ko, tulog na si Elle. Nakatulog marahil sa mugto ng mga mata.
Bago ako nagdrive muli kong pinagmasdan ang mukha ng babaeng nasa kotse ko.
Isang maamong mukha ng babae si Elle kung matulog..
Pero ang hindi alam ng mga tao, may malalim na pinagdadaanan pala siyang tinatago..
"I want to know you more, Elle.. Will you let me do?" Bulong ko sa kanya saka pinaandar na ang kotse pabalik sa unit ko.