KYLE
"Elle..." Biglang labas sa bibig ko at nagising ako bigla. Ano yun? Bakit tinawag ko si Elle? Bakit pagkasambit ko ng Elle may kakaiba akong naramdaman?.. Parang may mali saakin na hindi ko mawari kung ano ito.. May sira na ba sa katawan ko? May mali ba sa katawan ko? O di kaya, may sakit na ba ako na hindi ko man lang napapansin?
Hayy. Ano ba itong pinag-iisip ko! Bumangon na ako at naligo.. Pagkatapos ay nagbihis na ako.. Bumaba na rin ako para magbreakfast, sipilyo, at bumalik ulit sa kwarto ko para kunin yung mga gamit ko tsaka lumabas ng condo.
"Nasa unit niya pa kaya si Elle?" Tanong ko bigla sa sarili ko at umiling.. Ano bang nangyayari sayo, Kyle?! Umayos ka nga! Hindi ka naman dating ganyan ah!
Dumiretso na ako sa parking lot para sumakay sa kotse ko at nagdrive na papuntang company..
Pinark ko agad yung kotse ko pagkarating ko doon.
"Good morning po, Sir Kyle." Bati saakin ni Guard. "Good morning din po.." Tsaka nginitian siya.
Pagkarating ko sa office, andoon na si Elle.. Ang blooming niya sa suot niyang pink na fitted dress...Tsaka kahit ang simple lang ng kanyang make-up, litaw pa rin ang kagandahan niya.
"Gorgeous.." Biglang sabi ko.. "Sino? Ako? Oh thank you, Papa Kyle!" Napabalik ako sa aking wisyo nang marinig at makita ko ang pagmumukha ni Patty na nakangiti saakin.
"H-ha?" tanging sabi ko na lang. 'You're a mess, dude. Really, a mess!' Sabi ko sa sarili ko
"Sabi mo gorgeous, eh ako lang naman ang kaharap mo so, I believe ako yung sinasabihan mo kaya, Thank you Papa Kyle!" Malanding sabi ni Patty. Kita ko naman ang pag-irap ni Vanessa dahil sa sinabi ni Patty..
"A-h eh. Hehehehe. Sige, punta na ako sa table ko ah?" Paalam ko sa kanya. Tumango naman siya at pinisil pa ang braso ko. "Ang macho mo talaga!" Sabi niya. Ngumiti lang ako kasi sa totoo lang, di ko alam kung anong nangyayari saakin..
"*sigh* you must focus, Kyle! Ano bang nangyayari sayo?" Bulong ko sa sarili ko at napailing. Nagsimula na akong magtrabaho, pero napapansin kong every minute kong tinitignan si Elle. Kung anong ginagawa niya, kung tumatawa ba siya o kung ngumingiti ba siya.. Literally, there's something wrong with me!
Lunch.
Oo, dumating na ang lunch at wala akong tinapos ni isang trabaho ko! Wala akong ibang iniisip kung hindi si Elle.
"May problema ba, Kyle?" Nagulat ako sa biglang tanong ni Vanessa saakin. Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga gamit ko para pagbalik ko after lunch, eh in-order na yung mga gagawin ko.
"Wala.. May iniisip lang." Pagdadahilan ko. Tumingin naman ako sa kinalulugaran ni Elle at napansin kong kinakausap siya ni Mark. Katrabaho rin namin dito.
'Baka gusto mong layuan si Elle kasi hindi kayo bagay!' Biglang kumuyom ang mga kamao ko.
"Well, I guess may problema ka nga.." Sabi niya habang nakangisi saakin. Bigla naman akong napatingin kay Vanessa.
"Huh? Anong sinasabi mo Vanessa?" Patay malisyang tanong ko sa kanya. Nagkibit-balikat lang siya sa tanong ko at tumalikod na.
"Well, kailanman hindi mo mahahanap ang totoong kasagutan sa mga bagay-bagay, kung sa sarili mo mismo hindi ka totoo.. Learn to face everything, Kyle. Kung ano pa man yan.." Sabi niya at tuluyan na nga akong iniwan dito at nagtungo sa kanyang table malapit kay Elle.
Nagtungo na kami sa cafeteria, nagda-daldalan sina Patty at Vanessa habang si Elle tumatawa lang sa kanila. Hindi ako kumikibo kasi hanggang ngayon, palaisipan pa rin saakin kung anong ibig sabihin at kung ang ano ang nais ipahiwatig ni Vanessa saakin kanina.
"Kyle?" Rinig kong tawag ni Elle saakin. Napatingin naman ako sa kanya. "Y-yes?" Nauutal kong tanong sa kanya.
"Hayy, ang sabi ko, hindi ka pa ba uupo? Kanina pa kita tinatawagan dyan para umupo, pero mukhang ang lalim ng iniisip natin ah?" Biro niyang sabi saakin.
"A-ah ganoon ba?! H-ahahaha! " Sabi ko at nagkamot ng ulo. Ano ba, Kyle! "Hmm. Ayos ka lang ba talaga, Kyle? Parang kanina ka pang out-of this world eh!" Tanong uli ni Elle saakin.
"Oo. Anong order niyo? Ako na ang oorder para saatin" Pag-iiba ko ng usapan. Pagkarinig ko palang sa boses ni Elle kanina, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit! Or baka dahil sa paglalakad?
"Beefsteak, dalawang order ng rice, chocolate mousse cake at milkshake na rin ang akin, Kyle." Sabi ni Elle at ngumiti saakin.
"Naku, baka hindi mo KAYA eh, kami na lang ang umorder ng mga gusto namin Kyle.. Diba Patty?" Makahulugang sabi ni Vanessa saakin tsaka niya siniko si Patty nung mukhang puzzled siya sa mga nangyayari.
"Oo bakla. Kaya halika na dahil kanina pang nagaalburuto ang mga kalahi mo sa tiyan ko." Sabi niya habang nakatingin kay Vanessa. Inirapan naman siya ni Vanessa at naglakad na papunta doon sa food station.
Umorder na ako ng pagkain namin ni Elle. At nung kumpleto na, ay kinarga ko na ang tray. Nauna saakin si Patty na bumalik sa table namin. Habang pabalik ako sa table namin, bigla kong nakita na tumatawa si Elle sa biro ni Patty.
Hindi ko alam kung bakit parang bumagal ang paggalaw ng mga tao sa paligid ko at parang bumabagal rin ang pagrinig ko sa mga bagay-bagay, biglang tumibok ng malakas ang puso ko at tila nahihirapan akong huminga.
"Be honest to your own feelings, Kyle.. Face it.." Sabi ni Vanessa at naglakad na pabalik sa mesa namin.
Hindi ko alam kung ano yung gusto niyang sabihin saakin Pero ang alam ko lang ay may connection dito sa nararamdaman ko ang gusto niyang ipahiwatig.
"Nandito na order mo, Elle." Sabi ko sa kanya. Tumingin naman siya saakin at ngumiti.. Lalong lumakas ang tibok ng puso ko.. "Salamat, Kyle.." And with that pakiramdam ko sumabog na ng tuluyan ang puso ko.
At kasabay ng pagsabog nun, ay ang pagsabog rin ng katotohanan..
Katotohanang pilit kong pinagtatakpan...
Katotohanang pilit kong tinatago...
Dahil sa larong ito,
Ako ang unang natalo...
Ako ang unang nahulog....
Ako ang unang lumabag sa 'rule' na nilakda naming dalawa.
Ako ang unang sumira sa nilagdaan naming kontrata.
Dahil sa larong ito..
Nahulog ako..
Because the truth is....
I'm in love with this woman in front of me...
Pakingtape!