Chereads / No Strings Attached / Chapter 30 - Rejection

Chapter 30 - Rejection

ELLE

Literal na napanganga ako sa sinabi niya..

Tumigil ang pag-ikot ng mundo ko..

At parang nabingi ako sa narinig ko.

I've been staring blankly at this jerk who confessed his love for me a while ago.

"Elle?! Wala ka man lang bang reaksyon sa sinabi ko?!" He said impatiently.

I look away, ayokong magsalubong ang tingin naming dalawa pero tila makulit ang isang to kasi hinawakan niya pa ako sa aking mukha para iharap sa kanya..

"Hindi mo ba ako narinig? Elle, ang sabi ko I love you. Mahal kita, Elle. Mahal na mahal. I wa--" Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita. I laughed at him sheepishly

"Mahal? Sino Kyle? Ako? You love me? Since when?" Sarcastic na sabi ko.

"I don't know when, and where or how, pero ang alam ko lang nagising ako isang araw na mahal na kita.. Elle.." Seryosong sabi niya saakin. Tsaka ako pumalakpak

"Wow! Ano yun, Kyle magic? Isang araw nagising ka mahal mo na ako tapos ano? Isang araw magigising ka na hindi mo na ako mahal ganoon ba yun?!" Pikon kong sabi sa kanya

"No, Elle. You don't understand wha--"

"No Kyle. Ikaw ang hindi nakakaintindi! Una pa lang may kasunduan na tayong dalawa na bawal mahulog sa isa't-isa pero ano?! Bakit hinayaan mong mahulog ka para saakin?! Mabait ka Kyle pero you don't deserve me!" Napatingin naman siya saakin

"Kailan pa naging panuntunan ang pagiging deserving sa pag-ibig, Elle?" Seryosong tanong niya saakin. Ako naman ang hindi makasagot sa tanong niya

"Or baka ginagawa mo lang rason yan dahil may hinihintay ka?! Dahil si Nick pa rin ang mahal mo at gusto mo?! Dahil hanggang ngayon umaasa ka pa rin na magbabalikan kayo ni Nick?! Tama ba ako, Elle?!" Bakas sa boses niya yung galit pero hindi ko inurungan ang tingin niya saakin

"Huwag mong idadamay dito si Nick, Kyle! Tayong dalawa lang ang nasa issue-ng to! Personal reasons ko kung bakit ayaw kong mahulog sayo at sana naman! Pinigilan mo yang sarili mo na mahulog para saakin!" Galit ring sabi ko sa kanya. Bigla niyang sinabunot ang kanyang buhok due to frustrations

"Ano ba sa mga sinabi ko ang hindi mo maintindihan, Elle?! Bakit ba ang tigas-tigas mo?!" I looked away dahilan para hawakan niya ako sa magkabilang braso ko

"Pinigilan ko, Elle. I tried. Pero sorry I failed.. Dahil malalim na yung pagmamahal ko para sayo. Kaya please Elle.." Humarap ulit ako sa kanya

"We both agreed to that conditions, Kyle. You can love someone but hindi dapat ako, You are free to love someone but hindi ako. Pero bakit, Kyle?!" Bakas sa boses ko yung sakit dahil kaibigan na ang turing ko sa kanya..

"Am I not capable of your love, Elle?! Sabihin mo saakin, may mali ba saakin na hindi mo gusto? O di kaya, ayaw mo ba saakin bilang isang lalaki?!" Malungkot niyang tanong saakin. Napabuntong hininga ako sa tanong niya.

"There's nothing wrong with you, Kyle. It's just that, ako yung may problema. Saakin ang problema, Kyle.." Sabi ko sa kanya.

"Putek na excuses yan, Elle! Sabihin mo nga saakin, ano ba ako sayo, Elle? Sino ba ako sa buhay mo?!" Galit na tanong ni Kyle saakin. Ayokong magsalita, ayokong sagutin yung tanong niya kasi alam ko, na sa oras na sumagot ako sa kanya, masasaktan ko lang siya...

"I'm going home.." Sabi ko na lang at humakbang na palayo sa kanya pero bigla niyang hinila ang kamay ko dahilan para mapasandal ako sa kanyang dibdib.

"Please.... Pwede bang dito ka muna? Pwede bang yakapin mo ulit ako gaya ng dati? Pwede bang sabihin mo saakin na mahal mo rin ako? Pwede bang ganoon ang sabihin mo saakin, Elle?" Malungkot niyang sabi saakin. Hindi ko alam kung bakit parang tinamaan ako sa sinabi niya, parang may konting kurot sa dibdib ko. Pero ayoko siyang paasahin..

"Kyle, ayokong maging unfair sayo. Hindi sapat ang mahal mo lang ako, dahil ang nararapat ay mahal rin kita in that way, maibabalik ko ang pagmamahal mo na para saakin, pero ayokong maging unfair sayo, Kyle.. Ayokong isipin mo na ginagawa lang kitang rebound ko para buo-in ang sarili ko gawa ni Nick. Kyle, ayokong dumating ang point na nagkakasakitan na lamang tayo.. Sapat na saakin kung anong meron tayo ngayon, pero if you wished for more than that, I don't think that it's possible, Kyle." Sabi ko sa kanya.

"Ano ba talaga ako sayo, Elle? Ano nga lang ba ako sayo at hirap na hirap kang mahalin ako?!" May pumatak na luha sa kanyang mga mata dahilan para lalong kumirot ang puso ko..

"Kyle, una pa lang alam mo na kung anong namamagitan saatin. We're just pleasure buddies who ended up as friends. Napakabait mong tao, Kyle, and I don't deserve a person like you. Hindi ko deserve ang pagmamahal na nararamdaman mo para saakin. Hindi ko deserve ang mga luhang yan, Kyle.. Marami pang mas deserving kaysa saakin ang makikilala mo, please huwag na tayong magpakahirap at huwag na nating pahirapan ang ating mga sarili na ipilit ang isang bagay na malabong mangyari.." Umiiyak na rin ako dahil sa mga nangyayari ngayon. Kung alam ko lang na hahantong sa ganito ang lahat edi sana hindi ko na lang hinayaan na matuloy ang lahat ng ito.

"But we can give it a try naman, Elle diba? Who knows we might ended up like strangers na nagkaibigan at nagkatuluyan like sa mga movies, Elle right? Posible naman yun diba?! Diba?" Hindi pa rin tumitigil sa pagpatak ang kanyang mga luha.

"Pero walang kasiguraduhan na mangyayari rin saatin ang nangyari sa mga movies na yun, Kyle. Pwedeng mangyari yun pero pwede ring mangyari na hindi tayo sasaya sa isa't-isa, na hindi natin nasa-satisfy ang pangangailangan ng bawat isa.. Ayokong dumating tayo sa punto na pinapaasa lang pala kita, mas masakit yun Kyle. Kaya habang mas maaga pa, habang mababaw pa ang sugat, tigilan na natin to. Tama na.." Tuloy-tuloy na yung pag-agos ng mga luha ko. Marami na ring nakakapansin saamin na mga taong dumadaan dito pero pinanindigan na lang namin ang kdramahang nagaganap dito..

"Pero kaya kong maging masaya as long as ikaw yung kasama ko, Elle. Kaya kong maghintay kahit gaano pa man yan katagal, basta payagan mo lang ako. Mahalin mo lang ako, sapat na yun para saakin. " Umiling ako.

"No, Kyle. Hindi tama yun. Hindi tama na mahalin mo ako. Ako na hindi pa buo ang pagkatao, ako na hindi pa kayang magmahal ulit, ako na minahal mo.." Tumigil ako para punasan ang luhang kanina pa pumapatak.

"Let's end here, Kyle. What happened was a mistake. Good bye.." Sabi ko at tinalikuran na siya. Pero hindi man din ako nakakalayo sa kanya nang muli siyang magsalita.

"I didn't ask you to love me, neither love you. Pero nagising ako isang araw, ikaw na yung hinahanap ko, Elle. Was it still a mistake for you?" Malungkot niyang sabi. I never dared to look back, because if I do, I might ended up hugging and apologizing sa mga sinabi ko..

Pumara ako ng taxi at sumakay doon.

Pagkasakay na pagkasakay ko doon, bigla akong napahagulgol.. Ang bigat sa pakiramdam.. Ang sama ko, ang sama-sama kong tao!

Masakit kasi napakabait na tao ni Kyle para mangyari sa kanya ang lahat nang ito..

Kung sana, hindi ko na lang inimbento ang mga conditions na yun, edi sana hindi kami nagkakasakitan ngayon.

I'm sorry, Kyle... I'm so sorry...