Chereads / No Strings Attached / Chapter 28 - Discernment of Actions

Chapter 28 - Discernment of Actions

ELLE

"Elle, baka gusto mo pa ng kanin oh." Alok ni Kyle saakin.

"No thanks, Kyle. Busog na ako eh.." Sabi ko sa kanya nung nakita niyang may ulam pa na natira sa palto ko. Tumango naman siya.. "How about maiinom? Ibibili kita.." Alok niya ulit saakin tsaka bigla siyang tumayo dahilan para hawakan ko siya sa kamay. Napatingin naman siya sa kamay ko na nakahawak sa kanya.

"Kyle, thanks but it's okay.. May milkshake pa naman ako dito eh.. You can sit and relax.." Sabi ko sa kanya. Parang natataranta kasi siya eh. Hindi ko naman alam kung bakit.

"How about, your designs? Nahihirapan ka ba sa mga ideas mo? I can help kung gusto mo.." sabi niya ulit habang nakangiti. Muli akong huminga ng malalim at humarap sa kanya.

"It's okay, Kyle. Kaya ko na yun, okay? Huwag mo na akong intindihin. Alam kong marami ka ring deadlines na hinahabol, kaya yun na lang din ang intindihin mo.. " Sabi ko na lang sa kanya. Tumango naman siya saakin.

Tumayo na kami para bumalik ulit sa office at ipagpatuloy ang trabaho. Habang naglalakad, hindi maiwasan ni Patty ang magtanong.

"Anong meron kay Kyle? Bakit ganoon ang trato niya sayo?" Naguguluhang tanong niya saakin.. Mabait si Kyle, oo. Pero mas mabait siya ngayon to the point na hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya. Or baka ganoon lang talaga siya at nilalagyan lang ng malisya ni Patty?

"Baka ganoon lang siya, huwag muna nating lagyan ng kulay, Bakla." sabi ko sa kanya. Napaisip naman bigla si Patty sa sinabi ko.. Magsasalita pa sana siya nang biglang magsalita si Vanessa habang nakatuon ang atensyon niya sa cellphone.

"Maybe he's facing the truth already, though alam niyang mahirap, pero hinarap niya pa rin ito." Bigla kaming napatingin ni Patty sa sinabi ni Vanessa.

"Pinagsasabi mo bakla? Nakahit-hit ka na naman ba ng katol kagabi?" Nagtatakang tanong ni Patty sa kanya but Vanessa shrugged her shoulders at pinagpatuloy ang kanyang paglalakad.

"Anong meron sa mga people ngayon?!" Frustrated na tanong ni Patty. "Mabuti na lang talaga at maganda ako!" Proud niya pang sabi.

Hindi ko muna nilalagyan ng malisya ang mga bagay-bagay dahil baka wala lang talaga yun. Masabihan pa ako ng assumera pag nagkataon.

Nakabalik na kami sa office at agad kong inasikaso ang naiwan kong trabaho kanina. Maya-maya pa'y lumapit sakin si Mark. Katrabaho namin, pero bagong arkitek lang siya. Kakapasa niya lang sa board exam last year.

"Pwedeng patulong?" sabi niya habang pinapakita ang kanyang design. Tinignan ko naman siya at natatawa.

"Sorry talaga ah kung naaabala kita." Malungkot niyang sabi. "Ano ka ba! Okay lang noh. Ganyan na ganyan rin ako dati nung unang taon ko bilang isang architect kaya alam ko yung mga ganyan, as for your design, siguro bawasan mo lang tong portion na to dito, at lakihan mo ang space dito para mas malaki ang space niya." Sabi ko sa kanya.. Ngumiti naman siya at tumango saakin.

"Salamat talaga, Ms. Elle." Masayang sabi niya. "Naku, Elle nalang. Masyadong formal ang Ms. Elle eh! Hahaha" Sabay kaming tumawa dalawa. Di nagtagal, biglang sumulpot si Kyle saamin.

"May problema ba?!" Parang galit niyang tanong saamin. Bigla namang natakot si Mark "S-sige po. Balik na ako sa mesa ko.." Nauutal niyang sabi saakin at bumalik na nga sa mesa niya.

Pagharap ni Kyle saakin, bumait na ulit ang mukha niya.

"Dinalhan kita ng kape baka gusto mo.." Nakangiti niyang sabi saakin.

"Hmmm. Sige. Salamat." sabi ko at iniabot ang tasang may kape nga. "Sige, balik na ulit ako sa mesa ah?" Sabi niya ulit. Tumango lang ako sa kanya at pinanood siyang bumalik sa kanyang mesa.

"So..." Napatingin naman ako kay Patty.

"What?" Inosente kong tanong sa kanya. "Well, bulag lang siguro ang hindi makakapansin na iba ang kinikilos ni Kyle ngayon, so tell me, anong meron sa inyo ah?" Umirap naman ako sa tanong niya. Here we go again!

"Patty, hindi ba sinabi ko na sa inyo na walang namamagitan saaming dalawa ni Kyle? Mabait lang siyang tao kaya ganyan siya! Mini-misinterpret mo kasi agad yung mga bagay-bagay eh!" Kunwaring inis kong sabi saakin ganoon napapansin ko na rin ang kinikilos ni Kyle. Mas mabait at mas maalaga siya saakin compared nung una..

"Loka, anong tingin mo saakin? Tsaka alam ko namang mang-distinguish ng mga bagay-bagay na pinapakita ng mga tao ano! It's just that, naiibahan talaga ako sa kinikilos ngayon ni Kyle! Parang..." Sabi niya.

"Parang?" Tanong ko sa kanya. Bigla siyang nag-isip at tumingin saakin ng nakakaloka.

"Ano yang tingin na yan ha!" Pikon kong tanong sa kanya.

"Parang ano kasi bakla..Parang" putol niyang sabi saakin.

"Parang may gusto siya sayo, yan ba ang gusto mong tumbukin, Bakla?" Pagtutuloy ni Vanessa sa naudlot na sasabihin sana ni Patty. Ngumiti naman bigla nang nakakaloko si Patty at tumango kay Vanessa

"Sa wakas naman at nagtugma ang iniisip natin, Bakla!" Masayang sabi ni Patty kay Vanessa. "Iba talaga ang nagagawa pag maganda ka." Sabi naman ni Vanessa dahilan para taasan siya ng kilay ni Patty

"Anong maganda ka? Hoy, mas maganda naman ako sayo ano!" Nag-simula na muli silang magbangayan pero hindi ko binibigyang-pansin ang nangyayari sa kanila. Sa halip ay hindi maalis sa isip ko yung sinabi ni Vanessa.

'May gusto na ba saakin si Kyle?' Tanong ko sa sarili ko..Pero hindi pwede eh. May kasunduan kami.. Nakasaad yun doon sa conditions ko na bawal mahulog sa isa't-isa lalo na pag hindi ka pa buo para mahalin ang taong yun..

Tinignan ko si Kyle na nakaupo sa kanyang cubicle at nakatutok sa kanyang laptop ang atensyon niya.

'You can't fall in love with me, Kyle.. You shouldn't...' Sabi ko pero sa isip ko lang yan..

Kasi sa oras na mahulog ka saakin,

Sa oras na mahalin mo ako,

Hindi ko masisigurong maibabalik ko ang pagmamahal na inaalay mo saakin..

Baka masaktan lang kita pag nagkataon..

Ayokong maging unfair sayo.

Lalong ayaw kong gawing rebound kita para buo-in nang tuluyan ang sarili ko..

You can like someone and you can fall in love with someone..

But not me...

because...

I'm not worthy of your love..