ELLE
Pagkatapos naming maglaro at kumain kanina, bumalik agad ako sa aking kwarto at kinulong ang sarili.
Inisip ko lahat ng sinabi ni Paulo kanina, at sa totoo lang, lahat ng sinabi niya, tama..
Biglang tumunog ang cellphone ko, pag tingin ko sa caller's ID, si Vanessa..
"Hello?" I answered her call..
"Hello? Vanessa?" Tawag ko ulit sa kanya kasi hindi siya nagsasalita.
"Elle.." Literal na nanginig ang katawan ko sa boses na yun.
"I'm hanging up, then." Sabi ko sa kanya and I was about to end the call nung nagsalita siya sa kabilang linya.
"Elle, I miss you so much! Please, bumalik ka na. Sabihin mo saakin kung nasaan ka diyan sa tagaytay, pupuntahan kita ngayon mismo." Bakas sa boses niya yung matinding kalungkutan. I sigh and tried to remain firm.
"Kyle, please. May makikilala ka pang iba, someone you truly deserved at hindi ako yun. Hindi ako yung taong nararapat sayo, hindi ako yung dapat mong mahalin. Please, don't make it hard for us, Kyle.. Please..." Nagbabadya na ring bumuhos yung mga luha ko pero pinipigilan ko lang, dahil sa oras na to, hindi ko pwedeng pangunahan ang emotion ko nang hindi nag-iisip..
"Elle" Tawag niya ulit saakin.
"Ni minsan ba, kahit segundo habang nag-gagamitan tayo sa isa't-isa, wala kang ibang naramdaman para saakin?" Matigas niyang tanong saakin. Napapikit ako dahil sa tanong niyang iyon.
"I'm hanging up.." Sabi ko sa kanya.
"Don't tell me kahit isang beses, wala kang ibang naramdaman para saakin bukod sa pleasure, Elle." Pag-uulit niya.
"Stop talking nonsense, Kyle! Kung wala ka nang ibang sasabihin pa, ibababa ko na ito!" Pagbabanta ko ulit pero this time, napindot ko na ang end call.
Muli akong huminga ng malalim at kasabay nun ay ang pagpatak ng mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.
Maya-maya pa'y muling tumunog ang cellphone ko.
Si Vanessa. Noong una ayaw ko nang sagutin kasi baka si Kyle pa rin to, pero nagtext siya na sagutin ko daw ang tawag dahil siya na ang tumatawag. Na umalis na daw si Kyle.. So sinagot ko na after ng tatlong beses niyang pagtawag saakin.
"Hello." Humihikbi kong sagot.
"Ano? Hanggang kailan mo ba pahihirapan yung mga sarili niyo? Hanggang kailan pa ba kayo magkakasakitan? Dahil sa totoo lang, nakakapagod na yung ganito na lang palagi, Elle!" Medyo galit na sabi saakin ni Vanessa.
"Ano bang pinagsasabi mo diyan ---" But she cut me off..
"Alam mo kung anong sinasabi ko, Elle! Alam mo kung anong problema dito! Ilang araw at gabi nang lasing kung umuwi si Kyle at minsan sobrang wasted siya kung pumasok dito sa trabaho! Nakakaawa na si Kyle, Elle!" Huminga ulit ako ng malalim bago siya sagutin.
"So anong gusto mong gawin o sabihin sa kanya, Vanessa?! Do you want me to tell him that I also love him? Ganoon ba yun?!" Pero parang may sinabi akong mali sa kanya.
"There! Nasabi mo na rin! Naamin mo na rin, sa wakas!" Exag niyang sabi saakin.
"Huh? Pinagsasabi mo?!" Tanong ko ulit sa kanya.
"You also love, Kyle. Kasasabi mo lang!" Napairap naman ako dahil sa sinabi niya.
"You don't understand, Vanessa! Ang ibig kong sabihin --" Muli siyang sumabat saakin
"Ikaw ang hindi marunong umintindi sa sarili mo, Elle! Lagi mong tinatakbuhan ang problema, imbis na harapin mo, umaalis ka! Tingin mo ba kung palagi kang umaalis, o lagi mong tinatakbuhan ang problema, masosolusyunan mo ba yun?! Hindi naman diba?!" Galit na si Vanessa dahil halata na sa boses niya.
"Pero hindi ko maintindihan, Vanessa.. Hindi ko talaga maintindihan.." Rinig kong nagbuntong hininga si Vanessa.
"Hindi mo maintindihan? O may pumipigil lang sayo na mahalin si Kyle?" Natigilan ako sa sinabi niya.
"Tama ako diba? Lagi mong palusot sa kanya na ayaw mong maging unfair, or ayaw mong isipin niya na ginagawa mo lang siyang rebound or panakip butas para ihilom ang sugat sayo, pero paano pala kung kabaliktaran ng iniisip mo yung nararamdaman mo, Elle? Paano yon?" Dagdag niya pa but I remained speechless sa mga sinabi niya saakin.
"Anong tingin mo kay Kyle? Utang na loob huwag mong sasabihin na isang lalaki dahil sasapakin talaga kita!" Banta niya. Napaisip naman ako sa tanong niya.. Ano nga bang tingin ko sa kanya?
"Isa siyang maalaga, responsable, mabait at mapagmahal na tao.." Sagot ko.
"And? Yun lang ba? How about, anong nararamdaman mo sa tuwing magkasama kayo?" Tanong niya ulit. Muli akong nag-isip sa tanong niya. Langhiya talaga to si Vanessa!
"Everytime na magkasama kami, parang gustong sumabog ng puso ko sa sobrang tuwa, sa sobrang galak, at parang humihinto sa pag-ikot ang mundo ko sa tuwing nakikita ko si Kyle.. Isang araw, nagising ako na may kakaibang nararamdaman Vanessa." Medyo natatakot kong sabi sa kanya.
"Kakaibang nararamdaman? Ano naman yun?" Curious niyang tanong saakin.
"Parang bumilis ang pagtibok ng puso ko eh, ang lakas at ang bilis niya sa pagtibok to the point na nahihirapan akong huminga.. May sakit na ba ako ako sa puso, Vanessa?" Kinakabahang tanong ko sa kanya.
"Gaga, malamang buhay ka pa kaya yan tumitibok, do you mean, pag nakikita or nakakasama mo si Kyle kaya bumibilis ang pagtibok niya?" Natatawang tanong niya saakin.
"Oo.." Simpleng sagot ko. Tumawa naman siya dahilan para tumaas ang isa kong kilay.
"Seriously, Vanessa?! Tinatawanan mo ako?!" Iritang sabi ko sa kanya. Maya-maya pa'y bigla siyang tumigil sa pagtawa..
"My gosh babae! In love ka na kay Kyle! Ano ba naman yan! " Natatawa niya pa ring sabi saakin.
"I'm what? In love with him? No way!" Pagmamatigas ko pa rin.
"Yes way ano! Hanggang kailan ka pa ba magpapanggap babae ah! Pag huli na ang lahat para sa inyong dalawa? Ganoon ba yung gusto mo?" Napatigil naman ako sa sinabi niya. At saka huminga ng malalim.
"In love na nga talaga ako sa kanya..." I sigh. "So inaamin mo na rin? Mabuti naman kung ganoon!" Masayang sabi niya.
All this time, nahulog na rin pala ako sa kanya.
I also break the rule -- the conditions I have made back then. How stupid I was!
"Ano na babae? Natahimik ka bigla?" Rinig kong tanong ni Vanessa.
"Matatanggap niya pa rin ba ako pag sinabi kong mahal ko rin siya? I mean, after kong gawin sa kanya ang lahat ng iyon, mamahalin niya pa rin ba ako?" Malungkot kong sabi sa kanya.
"Ano ka ba! Hindi mo ba narinig yung sinabi niya sayo kanina? Mahal na mahal ka niya, kaya sinasabi ko sayo, go for it girl! Kasi sa totoo lang, bagot na bagot na ako sa kadramahan ninyong dalawa! At pwede bang bumalik ka na rin dito! Dahil nabwibwisit na ako sa pagsagot sa mga mababait mong clients!" Natawa naman ako sa sinabi niya.
"It's about time, I guess.. so yeah.. Babalik na ako.."Sabi ko sa kanya at binabaan ang tawag. Nagsimula na akong magimpake dahil mamaya mismo, aalis na ako. Babalik na ako sa manila.. Mamaya ko na lang tatawagan si Kyle pag nasa unit na ako.
I guess it's time for me to make things right...
It's time for me to make a move, this time..
Wait for me, Kyle.. Wait for me..