Chereads / No Strings Attached / Chapter 39 - Dipsomaniac

Chapter 39 - Dipsomaniac

KYLE

"ISA PA!" Utos ko doon sa bartender.

"Sir, pang-pitong bote niyo na po ito bak--"

"WALA AKONG PAKIALAM, IBIBIGAY MO BA O AKO ANG KUKUHA NG ORDER KO?!" Galit na sabi ko sa kanya.

"O-opo" Natataranta niyang sabi saakin.

"Ibibigay naman pala, ang dami pang satsat!" Sabi ko. Kinuha ko ang boteng binigay niya saakin at ininom to.

Habang iniinom ko to, bigla namang pumatak ang mga luha ko.

"T*R*NT*DONG BUHAY TO!!" I exclaimed.

"Sir, lasing na po kayo. Tama na po yan" Awat saakin ng isang bouncer at kinuha ang boteng alak na hawak ko

"GIVE ME THAT BOTTLE!! HINDI PA AKO TAPOS UMINOM! ANO BA!" Galit na sigaw ko doon sa bouncer na kumuha ng alak ko.

"Lasing na po kayo sir, iuuwi na po namin kayo" Kalmadong sabi saakin ng isa pang bouncer.

"WALA AKONG PAKIALAM SA MGA OPINYON NINYO!" Sigaw ko sa kanila pero naramdaman kong hinawakan nila ako sa braso

"BITAWAN NIYO AKO! I SAID KEEP YOUR HANDS OFF OF ME! YOU JERKS!" Nahihilo na ako pero hindi ko alintana yun dahil mas nanaig ang sakit na dulot ng pagkabigo ko sa pag-ibig.

"It's okay, ako nang bahala sa kanya" Rinig ko sa hindi pamilyar na boses ng babae.

"Sigurado po kayo, Ma'am?" Tanong naman sa kanya ng isang bouncer. Sa totoo lang mas nahihilo ako sa mga to! Ang daming satsat!

"HEY! PWEDE BANG TUMIGIL NA KAYO SA KAKA-SATSAT DIYAN?! MAS LALO AKONG NAHIHILO SA INYO EH!!"

"Sige na po, mga kuya. Ako na po bahala dito." Sabi niya. Naramdaman ko naman ang paghawak niya sa kamay ko, ang lambot naman ng kamay nito at inalalayan ako hanggang sa dumating kami sa parking lot.

"Such a drunkard!" She complained. Napatingin naman ako sa kanya though it's useless kasi hindi ko naman siya makita ng maayos

"Why? You're complaning now? Sino bang maysabi sayo na hatakin mo ko palabas ng bar ha?!" Inis kong tugon sa kanya.

"Lasingero na nga, isip bata pa. Seriously? Eto yung pakakasalan ko?!" She mumbled.

"What did you say?!" Tanong ko ulit sa kanya.

"Nothing. Hop in, iuuwi na kita sa inyo. " Sabi niya.

Hindi na ako pumalag pa at sumakay na lang sa kotse niya.

Ako naman, nakasandal sa bintana at nakapikit dahil sa sobrang pagkahilo.

"Elle...." biglang sambit ko...

"Huh?! Who's Elle?! My name isn't Elle, okay? I'm Michelle okay? Michelle." Sabi niya. Pero bakit parang magkasing-tunog lang ang kanilang pangalang dalawa?!

"Elle.." Tawag ko ulit.. Narinig kong nagbuntong hininga siya at hindi na muli pang nagsalita..

Maya-maya pa'y biglang huminto ang kotse at lumabas siya at pinagbuksan ako ng pinto.

"Labas." Utos niya saakin pero hindi ako gumalaw.

"I said, Get out!" Pag-uulit niya pa. Then I heard her groan as she assisted me na lumabas sa kotse niya.

"Sa susunod, huwag na huwag kang iinom ng alak kung hindi mo naman pala kaya! Tsss!" Reklamo niya saakin.

"Elle.." Biglang tumulo ang mga luha ko nang banggitin ko ang kanyang pangalan sa pangatlong beses.

"Oh my! Why are you crying?!" she asked me panicking, nasa harap na pala kami ng unit ko.

"Elle. I want to see Elle. I want to hear her voice. I want to talk to her. Elle..." Bigla akong umiyak sa harapan niya.

Bigla kong naramdaman na inalalayan niya na ako papasok sa loob ng unit ko.

"What happened to him" I heard my mom's voice. Pinahiga muna nila ako sa sofa.

"Nalasing po nang sobra eh." Sabi naman niya.

"Haay. Hayaan mo na muna siya saakin, Mich. Maraming salamat sa paghatid sa kanya dito." Sabi naman ni mom.

"Okay po, Tita. Balik na lang po siguro ako bukas for formal meeting namin." Hindi ko na maintindihan kung anong sinasabi nila.. Dahil sa sobrang kalasingan ay nakatulog na ako.

Kinaumagahan, naalimpumgatan ako dahil sa ingay ng paligid.

"Mom? Dad?" Tawag ko sa kanila.

"Mabuti naman at gising ka nang bata ka! Ano bang nangyayari sayo ah? And look at you! Nasty-Drunkard Dude, Nakakahiya ka!!" Galit na tanong saakin ni Dad.

Sumasakit ulo ko tapos dagdagan pa nang talak ni Dad!

Tumayo ako at nagtungo sa kwarto ko, sa sala pala ako nakatulog!

"Kinakausap kita! Huwag mo kong tinatalikuran!" Nakasunod pala si Dad saakin hanggang sa pagpasok ko ng kwarto.

"What?! Hindi pa ba sapat yung pagbubulyaw ninyo saakin?!" Sarkastikong tanong ko sa kanya.

"Ayusin mo yang pagsagot mo saakin ah! Kundi --" I cut him off.

"And then what?! Hit me? Punch me?" I faced him.

"Well, kahit anong gawin niyo Dad, wala nang saysay yan saakin, because you took away my life, my happines and my love, for what? For that company! That damn company! " Galit na sabi ko kay Dad

"Kinuha niyo ang pagkakataon mula saakin para pakasalan ang babaeng mahal ko at gusto niyong pakasalan ko ang babaeng hindi ko naman mahal?! Hindi ba parang ang unfair naman nun Dad?!" Huminga muna siya nang malalim bago ako sagutin.

"I'm doing this because I'm your Dad and I know what's the best for you, and --" Hindi ko siya ulit pinatapos na magsalita.

"Crop that reason of yours, Dad! You know what's the best for me, seriously?! Should I feel honoured then?! Wow! Let me ask you this, Dad. Anong klaseng tatay ka na hahayaan mong matali ang anak mo sa taong hindi niya naman lubusang kilala or mahal?" Tumingin saakin si Dad. Seryosong tingin ang binigay niya saakin.

"Anong klaseng tatay ka na hahayaan mong matali ang anak mo sa kalokohang ito ---" Hindi na natuloy yung sasabihin ko sana nang biglang dumampi sa pisngi ko ang kamao ni Dad. Napatingin ako sa kanya habang ngumingisi

"ANDREW!" Sigaw naman ni Mom na nasa likod lang pala ng pinto ng kwarto ko at nakikinig at nilapitan ako

"HUWAG NA HUWAG MONG KWE-KWESTYONIN ANG PAGIGING TATAY KO SAYO! YOU DON'T HAVE ANY IDEA KUNG ANONG SINAKRIPISYO KO PARA SAYO FOR YOU TO DISRESPECT ME LIKE THIS!" Galit na galit na tumingin saakin si Dad.

"I get it na nasasaktan ka dahil sa ginawa namin sayo, Oo naging unfair kami sayo, at oo, wala kaming karapatang hadlangan ang kasiyahan mo, pero to treat us like this? Kami ng mama mo na siyang nag-alaga sayo nung bata ka, kami na siyang nagpaaral sayo, at binigay lahat nang gusto mo. Kami pa ang unfair ngayon?!" Nilapitan ako ni Dad pero nakatingin lang ako sa kanya, with pain and hatred sa mga mata ko.

"If that's so, then go on. Kahit anong gawin mo, TULOY ANG KASAL ninyong dalawa ni Michelle, sa ayaw mo man o sa gusto! That's final." Sabi niya at umalis na sa kwarto ko.

"Namumula yung pisngi mo, ikuku-" Hindi ko na pinatapos pang magsalita si Mom at tumayo ako.

"Kyle, where are you going?!" Nag-aalalang tanong ni Mom saakin. Nasa may sala si Dad at nagkatinginan kaming dalawa

"Anywhere, as long as umalis ako dito." At tuluyang umalis..

Masakit ang suntok ni Dad sa pisngi ko,

Masakit bilang anak na sabihan ko sila nang ganoon.

At alam kong I owe them an apology.

Pero not now...

Hindi muna ngayon.

I'm in pain. So much pain....

All I wanted now is to see, Elle...