ANDREW
"Son, we need to talk." Sabi ng tatay ko.
"What is it now, Pa?" Bored na sabi ko.
"You're still single, right?" Tanong niya ulit. I know kung saan na naman to patungo. "Pa, I already told you, hindi ako pupunta diyan sa mga blind dates na hinahanda niyo para saakin!" Pagmamatigas ko.
"Look, it's not about blind dates anymore, Andrew." Sabi niya ulit saakin. "So what is it, Pa?" Sabi ko at umupo ulit sa harap niya.
"May kaibigan kami ng Mama mo, and recently, nalulugi na ang kanilang company, malaki ang nawala sa kanila since bumaba ang kanilang sales... And dahil nga sa friend namin ng Mama mo yung may-ari ng company na yun, we decided to help them.. But in one condition.." Tumingin ako kay Papa ng seryoso dahil mukhang hindi ko magugustuhan ang sunod niyang sasabihin saakin.
"You need to marry their daughter... Olive Mendez" Like seriously?!
"This is nuts, Pa! Ridiculously insane! I won't marry their daughter!" Galit kong sabi tsaka tumayo at nagtungo sa kwarto ko..
"Please, son! Gawin mo na to para saakin. Please.. Tsaka tumatanda na rin kami ng Mama mo, gusto kong makita man lang yung magiging apo ko sayo!" This is so.. Urgh!
"Fine! Fine! I'll just give it a try, pero hindi ako nangangakong pakakasalan ko ang anak nila!" Sabi ko. Ngumiti naman si Papa tsaka ako tinap sa braso ko bago tuluyang umalis..
-
Kinabukasan, ay maaga akong ginising ni Mama para sabihin saakin na ngayon ko na daw makikilala yung babaeng pakakasalan ko. Like urrgh! Wala na akong nagawa kundi ang maligo, magbihis at mag-ayos naman ng konti.
Sumakay na kami sa kotse ni Papa na siya ang nagmamaneho. Makalipas ang 25 minutes, ay nakarating na rin kami sa 'Amado's Restaurant' sabi nila masasarap raw ang mga pagkain dito. Nakasunod lang ako kila Mama at Papa na naunang naglakad kaysa saakin. Maya-maya pa'y biglang huminto sina Papa sa paglalakad.
"You're already here! Let me introduce my daughter to you, This is Olive Mendez. And Olive, this is Rommel Villafuente and Andrea Villafuente.." Rinig kong sabi ng isang lalaki. Nasa likod ako nila Mama kaya hindi ko nakikita kung sino yung nagsasalita.
Bigla naman akong pinakilala ni Papa sa kanila.
"And oh, this is Andrew Villafuente, our one and only son."
Ngumiti ako sa kanila, pero yung Olive, tinignan lang ako. Tsk, suplada naman nito.
Umorder na kami, at bigla nilang inopen-up ang tungkol sa kasal.. Pero nagulat ako nang biglang nagreact yung Olive.
"W-wedding? Ano po ulit, Tito Rommel?" Tanong niya kay Papa at namimilog pa yung mga mata. Don't tell me hindi niya alam?!
"Call me, Papa from now on, Hija. And hindi ba nasabi sayo ng Papa mo na makikipagkita ka na sa future family mo?" Nagkatinginan naman silang dalawa ng Papa niya at hindi na ulit nagsalita pa.
Maya-maya pa'y biglang nagpaalam si Olive mag-washroom.
"So how old are you now, Andrew? By the way, I'm Tito Robert and this is Tita Olivia but from now on, you can call us Mama and Papa since doon naman din ang ending right, Kumpare?" At nagtawanan ang mga tatay namin.
"I'm 25 po." simpleng sagot ko.
Tumango lang siya sa naging sagot ko at muling itinuon ang atensyon sa kasal at kung minsan ay business naman. Nasaan na ba ang babaeng yun? Nababagot na ako dito eh!
Di nagtagal, dumating na rin siya at pansin kong mugto yung kanyang mga mata. Umiyak ba to?
She was about to eat nang bigla siyang tumayo at parang naduduwal pa.
Nagulat at nagtataka ang lahat sa nangyayari..
"Excuse me.." Pagpapaalam ni Tito Roberto saamin at tumayo na para sumunod kay Olive.
"Anong nangyari kay Olive? Masama bang pakiramdam nun?" takang tanong ni Mama kay Tita. Parang hindi naman komportable si Tita sa tanong ni Mama.
"O-oo. K-kagabi pang masama ang pakiramdam nun eh." tensed na tensed na sabi niya.
"Oh no, sana hindi na lang niya pinilit na sumama pa." Nag-aalalang sabi naman ni Mama.
Ako naman, parang may hinala na doon sa Olive though I'm not sure pa naman, pero alam kong may tinatago sila saamin...
--
Pagkahapon, ay ginanap na nga ang engagement party namin. As usual, maraming bisita mostly mga kabusiness partners nang both parties..
Nasa baba ako ng stairway habang hinihintay na bumaba si Olive.. Bigla namang nagsalita si Papa hudyat na magsisimula na ang party.
'Let's welcome, the future of our business, Our soon to be Daughter-In-Law, Ms. Olive Mendez!"
And ayan na siya, wearing a white dress, looks like an angel for me.. Halata mong pilit ang kanyang pag-ngiti pero nawala yun nang biglang naging steady ang kanyang tingin. Parang biglang lumungkot ang mukha niya and the next thing is...
"May Dugo! D-dinudugo si Olive!" Sigaw nang isang bisita. Napatingin naman ako sa hinahawakan ni Olive at tama nga ang hinala ko. She's pregnant.
"M-my b-baby!!" She yelled in pain. Walang anu-ano'y kinarga ko siya at isinakay sa kotse ko at nagdrive papuntang malapit na ospital dito..
"P-please bilisan mo! Yung b-baby ko!" She cried at kitang-kita sa mukha niya na nahihirapan na siya. Mas lalo kong binilisan ang pagdrive. Nanginginig na rin ang mga kamay at tuhod ko pero hindi ko ito ininda pa
"P-please hold on, baby! Please kumapit ka! Huwag mong iiwan si Mama! Please!" Sigaw niya. Malapit na, malapit na kami sa ospital.
"Nandito na tayo, try to hold it a little longer." Panic na sabi ko sa kanya. Binuhat ko ulit siya at ipinasok sa loob ng ospital
EMERGENCY! EMERGENCY!" Sigaw ko doon sa mga nurse
Pinahiga naman nila sa stretcher si Olive at dinala sa emergency room.
"Hold on, baby! I will never, ever let you feel the same thing. Hinding-hindi ko ipagkakait sayo ang pagkakataon na ipinagkait saakin! I will love you more than anything else! I will let you live your life, feel and explore the world, and to make decisions on your own. Please, baby! Please don't leave your Mama here alone.. Please!" Umiiyak na sabi niya.
"Hold on, Olive. You can make it.." Hindi ko alam kung anong sinabi ko basta ang alam ko lang, kabadong-kabado ako sa nangyari. Biglang nawalan ng malay si Olive kaya hindi ko na alam kung anong nangyayari sa kanya kasi tinakpan na nila ito ng kurtina.. May dalawang doctor ang pumasok sa loob habang ako naman nasa labas lang naghihintay kung anong mangyayari.
"Anak, how is she?" Nag-aalalang tanong ni Mama saakin.
"She's still inside of the emergency room, and I don't know kung ano nang nangyayari sa kanya.." Sabi ko.
"Ano to kumpare? She's pregnant and still gusto mo siyang ipakasal sa anak ko?!" Medyo galit na sabi ni Papa kay Tito. Halata sa mukha ni Tito na tense rin siya.
"H-hindi ko alam, kumpare. Kanina ko lang din nalaman. I told her to abort the baby to avoid gossips and issues sa business natin." Tinignan naman namin si Tito Roberto dahil sa sinabi niya
"Seryoso ka ba Roberto?!! Talagang naisip mo yan ah?! Nababaliw ka na ba?!!" Galit na tanong sa kanya ni Tita
"Hahayaan mo na lang ba na masira ang reputasyon natin dahil nadisgrasya ang anak natin ah, Olivia?!" Nagtatalo na ang dalawang mag-asawa dahil sa nangyari
"Napaka-impossible mo, Roberto! How dare you say those things lalo na at nasa loob ng emergency room ngayon yung anak mo at magiging anak niya?!" Tugon muli ni Tita kay Tito.
"Look, Kumpare. Mababahiran ng tsismis ang pamilya ko at ayaw kong mangyari yun, kaya I'm sorry but I call this wedding off. " Sabi ni Papa. Nagulat naman sila Tito sa sinabi ni Papa. Pero bigla akong nagsalita.
"I'll take all the responsibility. But may I ask you a favour, Pa?" Napatingin saakin si Papa at Mama. Parang hindi sila makapaniwala sa sinabi ko
"What do you mean?" Tanong ni Mama saakin.
"I'm willing to be the father of that baby she's carrying, Ma. For as long as ibigay niyo yung mana ko sa kanila by investing sa company nila.." Diretsong sabi ko. Nilapitan naman ako ni Papa at binatukan
"Nasisiraan ka na ba?! Pananagutan mo ang batang yun na hindi naman sa iyo?! Are you out of your mind?!" Galit na sabi saakin ni Papa. Tinignan ko siya sa kanyang mga mata
"You told me that I should be responsible diba? So kahit hindi ko anak yung dinadala niya, I'm willing to be the father of that baby. Sa ayaw niyo man or sa gusto.. Kaya please pa.. " Matapang na sabi ko.
"Pero anak..." I faced my mom.
"Tinuruan niyo ako na maging marespeto, may takot sa diyos, may paninindigan sa kapwa at responsable, Ma. Ngayon gusto kong i-apply ang lahat nang iyon sa magiging anak ko na, Ma." Nakangiti kong sabi sa kanya.
"ANDREW!" Suway saakin ni Papa pero hindi ko siya pinansin.
Niyakap ako ni Mama at umiiyak siya.. "I'm so proud of you, Andrew... I'm so proud of you.." Sabi niya..
"Kung gagawin mo yun, I'll take away all of your assets sa company ko, Andrew. At wala akong ititra sayo. You'll ended up as poor and you'll find work to sustain the needs of your family, ano? Gusto mo ba yun? Gusto mo bang isuko lahat ng meron ka ngayon para ano? Para ibigay lahat ng assets mo sa company nila??! You're unbelievable!" Galit na sabi saakin ni Papa. Ngumiti ako sa kanya bago sumagot.
"I'm willing to be that kind of person, Pa. Gusto kong subukan ang mundo na ako na yung gumagalaw. Na wala na kayo sa tabi ko, thank you for everything pero I can do this alone.. This time.." Papa looked at me in dismay.
"Do as you wished!" He said at umalis na..
"Sigurado ka na ba sa decision mo, Andrew? Hindi mo kailangang gawin to. " Tanong naman ni Tita Olivia saakin.
"Opo.. Please allow me.." Huminga naman siya ng malalim at ngumiti saakin..
Tinignan lang ako ni Tito Roberto at tumango saakin. Biglang lumabas ang doctor at nilapitan namin siya.
"May I know kung sino yung asawa ng pasyente?" Tanong saamin ni Doc.
"Me. Ako po. Kumusta po si Olive? Ang baby?" Kinakabahang tanong ko sa kanya. Ngumiti naman si Doc.
"Maraming dugo ang nawala sa kanya, pero good thing at dinala mo agad siya sa ospital kasi pag nagkataon, we might lose the baby.." So that means...
"Stable na ang condition nilang dalawa.. Matindi ang kapit ni baby, kaya hindi siya nawala.. That means, para sayo na talaga yung baby. Congratulations by the way." Bati saakin ng doctor at nagpaalam na.
Alam kong hindi magiging madali itong pinasok ko.
At alam kong maraming magbabago sa buhay ko oras na umalis kami sa ospital na ito.
Pero one things' for sure.
There is something in her na kailangan kong protektahan..
To the point that I am much willing to sacrifice everything that I have..
For us long as I'm with them
Love at first sight, I guess?