Chereads / No Strings Attached / Chapter 40 - Storyboard (Part I)

Chapter 40 - Storyboard (Part I)

OLIVE

"I love you, mahal.." Sabi ko kay Joseph.

"I love you too, mahal." He said and smiled at me.

He was about to kiss me nang biglang bumukas ang pintuan ng bahay namin.

"OLIVE! Pumasok ka sa loob ng bahay, ngayon din!" Utos saakin ni Papa. Tumingin naman ako kay Joseph na mukhang natakot sa sigaw ni Papa saakin.

Wala akong ginawa kundi ang pumasok na sa loob ng bahay namin. Sinarado na rin ni Papa ang pinto kaya paakyat na ako sa kwarto ko nang muli niya akong tinawag.

"Umupo ka dito." utos niya saakin. Biglang lumabas si Mama na may dalang tray na may pitcher at mga baso.

"Kailangan nating mag-usap." Seryosong sabi ni Papa saakin. Tumingin ako kay Mama at napansin kong malungkot ang kanyang mga mata..

"Hiwalayan mo na si Joseph." Hindi yun tanong kundi utos dahilan para titigan ko si Papa.

"What?! But why?! Nagmamahalan kami Pa!" I exclaimed pero hindi nagpadaig si Papa sa sinabi ko at nanatiling seryoso ang kanyang tingin saakin.

"Hindi ko tinatanong kung mahal mo siya o hindi, ang sabi ko sayo ay hiwalayan mo na yung Joseph na yun." Muli niyang sabi saakin.

"For what, Pa? Anong rason kung bakit ko siya hihiwalayan?" Naguguluhan kong tanong sa kanya. Huminga naman ng malalim si Mama bago magsalita.

"She deserves to know the truth." Mas lalo naman akong naguluhan sa sinabi ni Mama.

"What is it, Pa? Anong totoo?! Anong dapat kong malaman?!" Medyo nagpapanic na ako kasi sa totoo lang wala akong ideya kung bakit nila gustong hiwalayan ko si Joseph.

I heard my father sigh kaya napatingin ako sa kanya.

"Dala nang matinding pagbaba sa mga sales natin, at kahit magbawas pa tayo ng mga tao sa company, hindi pa rin natin masisigurado na magiging okay ang lahat." Taimtim lamang ako na nakikinig kay Papa habang nagsasalita siya.

"Pero good thing, a friend of ours came and he is willing to invest in our company, wherein 60% of the company, are his. Naintindihan mo ba yun, Olive? With that, aangat na ulit ang company natin. Hindi na babagsak ang company natin!" Masayang sabi ni Papa saakin, pero hindi ako ngumiti neither laugh.

"So what's the deal, Pa? I'm sure hindi siya mag-iinvest saatin kung walang deal diba?" Medyo may pagkasarcastic na tanong ko kay Papa.

"He offered his help to invest in our company as long as you'll marry their son, Olive." Medyo hindi ko naintindihan ang sinabi ni Papa saakin. Ano daw?!

"What did you say, Pa? To whom.... Marry? Whom?" Pautal-utal kong tanong sa kanya. Muli siyang nagbuntong-hininga saakin.

"Kailangan mong pakasalan ang nag-iisa nilang anak, Olive. Mayaman ang pamilyang yun, tiyak gaganda ang buhay mo doon hindi tulad kay---" Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita.

"Unlike Joseph, right Pa?!" Pagtuloy ko sa sasabihin niya sana. Bumuntong hininga lang siya at sinabing, "Well that's the reality, Olive.. This is how the world--"

"YOU'RE UNBELIEVABLE, PA! HOW CAN YOU DICTATE AND MANIPULATE ME KUNG SINONG PAKAKASALAN KO?!" Galit na sabi ko kay Papa.

"You don't want me to marry Joseph because of what? Dahil hindi siya ganoon kayaman, ganoon ba?! Kasi hindi kaya ng pamilya niya ang mag-invest nang higit sa kaya ng pamilyang pakakasalan ko, ganoon ba yun Pa?!" Biglang pumatak ang mga luha ko dahil sa katotohanang ito.

"THIS IS SO CRUEL PA! YOU'RE SO CRUEL! How can you ask me to marry someone just for the sake of that damn company?!! To marry someone that I barely know?! I love Joseph so much! He's my life and my world, Pa! --" Bigla akong sinampal ni Papa. Napahawak ako sa kaliwang pisngi ko at tumingin kay Papa. Tumayo si mama at hinawakan ako sa braso.

"Tama na yan, Roberto! Huwag na huwag mong sasaktan ang anak ko!" Sigaw sa kanya ni Mama. Pero hindi siya nagpatinag at tumingin muli saakin.

"Hindi mo na ako binigyan ng kahihiyan! Pagkatapos kitang buhayin, pag-aralin, at ibigay lahat nang luho mo sa buhay mo, tapos gaganituhin mo ako ngayon?! Napakawalang utang na loob mo naman palang anak!" Galit na sabi saakin ni Papa

"SANA HINDI NALANG AKO PINANGANAK SA MUNDONG ITO, PA! AT SANA HINDI NIYO NALANG AKO BINUHAY O PINAG-ARAL PARA HINDI AKO MAGKAKA-UTANG NA LOOB SA INYO!" Bigla akong humagulgol. This is very painful...Ang sakit-sakit ng mga nangyayari ngayon

"Hindi ako laruan na pwede niyo lang ibigay sa kung sino, Pa! Lalong hindi ako yung nabibili lang sa mall. May pakiramdam ako, Pa. Sana inisip niyo yun.." Sabi ko at umalis sa harap nila at kinulong ang sarili ko sa kwarto.

--

Kinaumagahan, ginising ako ni Mama.

"Olive, gising." Sabay yugyug ni Mama saakin.

"Ano po ba yun, Ma?" Mahina kong tanong sa kanya.

"Magbihis ka dali, may pupuntahan tayo." Utos niya.

Wala na akong ginawa kundi ang bumangon, pero napatakbo ako bigla papuntang CR nang maramdaman ko ang pagbaliktad ng sikmura ko at parang naduduwal ako.

"Anak! Ayos ka lang ba? Ano bang kinain mo at nagsusuka ka diyan?" Sabay himas ni Mama sa likod ko. Ngunit hindi ko sinagot ang tanong niya, bigla akong napaisip nang malalim knowing na hindi pa ako dinadatnan.

Nagkatinginan kami ni Mama at biglang bumilog ang kanyang mga mata.

"Anak, b-buntis k-ka ba?!" Kinakabahang tanong ni Mama saakin. Hindi ako nakasagot dahil hindi din ako sigurado.

"Sandali lang." Sabi niya at umalis bigla. Napaupo ako sa edge ng kama ko dahil magkahalong-emosyon ang nararamdaman ko ngayon; Kaba at Saya..

Makalipas ang ilang minuto, ay bumalik na si Mama na may hawak-hawak na parang pahabang carton na maliit.

"Para makasigurado tayo.. Subukan mo." Sabi niya at iniabot saakin ang hawak niya, 'Pregnancy test'?

Walang anu-ano'y, pumasok ako sa CR at sinunod lahat ng instructions doon. At makalipas ang ilang minuto, ganoon nalang nabalot ng kaba at saya ang katawan ko.

"POSITIVE." Sabi ko.

Lumabas ako sa CR ko at hinarap si Mama.

"Ano nak? What's the result?" Kinakabahang tanong niya saakin. Ngumiti ako nang malungkot.

"Positive po, Ma." Bigla akong niyakap ni Mama at hinaplos ang likod ko.

"I'll assure you that walang makakaalam nito bukod saakin, nak. I promise." Ngumiti ako ng konti sa sinabi ni Mama tsaka siya niyakap. "Thank you, Ma." Sabi ko.

Naligo na ako at nagbihis na rin. Hindi na ako nagabalang mag-ayos pa. Sinuklay ko lang yung buhok ko at bumaba na.

"Bakit ang tagal mo?! Malelate na tayo!" Reklamo ni Papa saakin. Napahawak ako sa tiyan ko, 'We'll get through of this, anak. Kapit ka lang kay Mama.'

Sumakay na ako sa kotse at nagdrive na si Papa.

Biglang tumunog ang cellphone ko, pagtingin ko si Joseph.

'We need to talk. I have something to tell you.'

Yan ang laman ng text niya, wala man lang 'I love you' pero hindi ko na lang rin pinansin yun at nireplayan siya.

'Saan tayo magkikita, Mahal? And what time? I have something to tell you also :)' -Send.

Nagreply naman siya agad.

'Amado's Restaurant @ 11 am sharp' Sabi niya.

Pagtingin ko sa watch ko, 10:20am na.

Nireplayan ko siya ng 'Okay' pero hindi na siya nagreply pa. Nilagay ko ang cellphone ko sa bag ko at tumingin sa labas ng bintana nitong kotse.

After 15 minutes, nakarating na rin kami. Paglabas ko ng kotse, nasa Amado's Restaurant kami. Wait-- Bakit kami nandito?

"Ma? Bakit tayo nandito?" Tanong ko kay Mama.

"May imi-meet up lang tayo." Malungkot na sabi ni Mama saakin. Hindi na ako nagtanong pa.

Pumasok na kami sa loob ng restaurant at umupo sa pinareserve na seat nila Papa. Napansin kong pang-anim na tao tong mesa ah?! Medyo iba na yung nararamdaman ko dito..

At hindi nga ako nagkakamali. Dahil after 5 minutes, ay dumating ang isang mag-asawa na kasama ang isang binatang lalaki.

"You're already here! Let me introduce my daughter to you, This is Olive Mendez. And Olive, this is Rommel Villafuente and Andrea Villafuente.." Sabi ni Papa saakin. Ngumiti naman ako ng kaunti.

"And oh, this is Andrew Villafuente, our one and only son." Tinignan ko naman yung Andrew. Mas gwapo pa rin yung Joseph ko dito.

"So let's order na?" Umorder na kami, pero parang wala akong gana sa mga pagkaing nakikita ko sa menu. Parang mas trip ko ang turo-turo sa tabi-tabi ngayon.

Pagkatapos naming umorder, ay biglang nagsalita si Tito Rommel.

"So, let's talk about your wedding?" Literal na napaubo ako sa sinabi ni Tito Rommel.

"W-wedding? Ano po ulit, Tito Rommel?" Tanong ko sa kanya. Tumawa naman ng kaunti si Tito Rommel sa tanong ko.

"Call me, Papa from now on, Hija. And hindi ba nasabi sayo ng Papa mo na makikipagkita ka na sa future family mo?" Natatawang tanong niya saakin pero hindi hindi ako natawa. Tumingin ako kay Papa pero isang seryosong tingin lang ang binigay niya saakin.

"Let's not talk about that, Kumpare. Let's talk about their future wedding here.." Masayang sabi naman ni Papa.

"And oh, before I forget, mamayang gabi na yung engagement party ninyo, 7pm sharp. Your Mama Andrea planned it all.." Dagdag pa ni Tito Rommel saakin.

So naka-plano na pala ang lahat nang ito?

"About the date of the wedding, why not, let's make it a bit early? Maybe next month? Kaya ba?" Papa asked. Hinawakan naman ni Mama ang kamay ko na nasa ibabaw ng mesa.

"Of course naman, Kumpare! Kaya yan!" Sabi naman ni Tita Andrea at napatingin saakin. Tanging pagngiti lang ang ginawa ko.

Habang busy sila sa paguusap tungkol sa wedding, ay mukha namang sunud-sunuran itong Andrew na to!

Pagtingin ko sa orasan ko, 11 am na.

"Excuse me. Washroom lang po." Paalam ko sa kanila. Tumango naman sila at naglakad na ako at hinahanap siya.

Sila pala.

Nakita ko si Joseph na may kasamang babae sa isang table dito sa restaurant. Nilapitan ko naman sila.

"Hi MAHAL." Sabi ko sa kanila. Nagulat ang babae sa sinabi ko pero walang ekspresyon si Joseph nang makita ako.

"I'm Olive Mendez, Joseph's --" Hindi natuloy ang sasabihin ko sana.

"EX-Girlfriend." Nagulat ako sa sinabi ni Joseph.

"M-mahal? What are you talking about??" Naguguluhang tanong ko sa kanya

"Hindi pa ba malinaw sayo ang lahat, Olive? Ginamit lang kita. Kaya lang naman kita pinatulan kasi may pera ka, pero pinagsawaan na kita eh, kaya nga nakahanap na ako ng iba." Sabi niya saakin pero nanatiling blangko ang expression niya

"T-that's not true! Y-you're lying, M-mahal. T-tell me, Y-you love me, right?! Right?!" Nauutal kong tanong sa kanya.

"Hindi ka naniniwala? Pwes.." Parang piniga nang husto ang puso ko sa nakita kong ginawa niya sa kasama niyang babae.

Hinalikan niya ang babaeng ito, sa harap ko..

Parang may kung anong kumirot sa puso ko at biglang tumulo ang mga luha ko.

"W-why?!!... M-mahal...--"

"Get lost, Olive. We're over now. Alis na tayo, babe." Sabi niya doon sa babae at umalis na sila. Naiwan akong nakatulala dahil sa sinabi niya.

Bigla kong hinawakan ang tiyan ko, kasi bigla siyang sumakit.

'Kumapit ka nang mahigpit kay Mama, nak. Kaya natin to!' Sabi ko at wala pa ring humpay sa pagpatak ang mga luha ko.

Dumiretso ako sa washroom para mag-ayos. Mugtong-mugto yung mga mata ko, paano ko sila haharapin ngayon?

Lumabas pa rin ako sa CR at nagtungo sa table namin.

"What took you so long?" Bulong ni Mama saakin. I just smiled at her at nagsimula nang kumain. Pero hindi ko pa man din sinusubo ang kutsarang may pagkain ay tumayo agad ako at tumakbo papuntang CR ulit at sumuka doon.

After a while, biglang may nagsalita sa likod ko.

"You're pregnant?!" Seryosong tanong niya saakin.

"P-Papa?!" Kinakabahang tawag ko kay Papa.

"Answer me, Are you pregnant?!" Pag-uulit niya. Yumuko lang ako at umiyak sa harap niya.

"Abort that baby, Olive. At sasabihin natin na masama lang ang pakiramdam mo kaya ka sumuka." Napatingin ako kay Papa na parang hindi makapaniwala sa sinabi niya

"A-abort?! Seryoso ba kayo, Pa?! Gusto niyong ipalaglag ko tong anak ko?!!" Galit na tanong ko sa kanya.

"Hindi mo ba iniisip kung anong sasabihin ng mga tao ah?! Mag-isip ka nga minsan, Olive! Huwag puro puso ang pairalin mo! Gamitin mo minsan yang utak mo!" Madiing sabi niya saakin

"Abort that baby or else..." Pagbabanta niya saakin. Tsaka ako iniwan sa CR. Napaluhod ako sa sinabi ni Papa.

Bakit? Bakit nangyayari ang lahat nang ito saakin?! What did I do para mangyari ang lahat nang ito saakin ngayon?! Bigla akong humagulgol habang yakap-yakap ang tiyan ko.

--

Dumating na ang Engagement Party,

Pinasuot saakin ang isang White dress at 5 inches na heels, inayusan na rin ako pero hindi ako masaya.

Para saakin, ito ay isang bangungot.

Nagsimula na ang party. Nasa taas ako ng stairs habang nasa ibaba si Andrew..Hinihintay namin ang cue para bumaba ako.

"Let's welcome, the future of our business, Our soon to be Daughter-In-Law, Ms. Olive Mendez!" Sabi ni Tito Rommel saakin. I started to walk down the stairs, faking my smile towards people.. Pero biglang napukaw ng aking tingin ang isang couple dito sa room..

Si Joseph kasama ang bago niyang girlfriend. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanila, bigla niiyang hinalikan ang Girlfriend niya sa harap ko. Habang nakatingin ako sa kanila.

Labis akong nasaktan sa nakita ko, sobra-sobra na yung sakit na nararamdaman ko.

Bigla akong nakaramdam ng pananakit nang tiyan at maya't-maya pa'y biglang nagsigawan ang mga tao.

"May Dugo! D-dinudugo si Olive!" Para akong nabingi sa sigaw nila. Napatingin ako sa bandang ibaba ko at tama nga, dinudugo ako.

"M-my b-baby!" Sigaw ko. Bigla naman akong binuhat ni Andrew papasok ng kotse niya.

"P-please bilisan mo! Yung b-baby ko!" I cried trying to hold him...

"P-please hold on, baby! Please kumapit ka! Huwag mong iiwan si Mama! Please!" Sigaw ko.

"Nandito na tayo, try to hold it a little longer." Panic na sabi ni Andrew saakin saka ako kinarga.

"EMERGENCY! EMERGENCY!" Sigaw niya.

Pinahiga ako sa stretcher at dinala ako sa emergency room.

"Hold on, baby! I will never, ever let you feel the same thing. Hinding-hindi ko ipagkakait sayo ang pagkakataon na ipinagkait saakin! I will love you more than anything else! I will let you live your life, feel and explore the world, and to make decisions on your own. Please, baby! Please don't leave your Mama here alone.. Please!" Umiiyak kong sabi.

Until I saw nothing, but pure darkness..