Chereads / No Strings Attached / Chapter 36 - Burden of Love

Chapter 36 - Burden of Love

ELLE

Napaluhod ako sa likod pa rin ng pinto ng unit ko. Napayakap na lang ako sa aking mga tuhod at tanging pag-iyak na lamang ang aking ginawa..

"ANAK!!" Sigaw ni mama saakin at nagmamadaling niyakap ako.

"What happened?! Bakit ka umiiyak?" Tanong niya saakin habang hinihimas yung likod ko.

"Ma-aaa... Si K-kyle.." I tried to tell her about what happened pero hindi matuloy-tuloy dahil humahagulgol na ako. Hindi ko kaya yung sakit..

"Sshh.. Don't worry. Mama's here. I won't leave you, promise..." Mas lalo naman akong naiyak sa sinabi ni Mama saakin.

Di nagtagal, narinig ko si mama na nag-hum...

"Dati nung bata ka pa, ito lang ang lagi kong ginagawa sayo sa tuwing umiiyak ka.." She said. Nagpatuloy lang si mama sa kanyang pag-hum hanggang sa unti-unting nakaramdam ako ng safety and comfort in her arms...

Inalalayan niya ako paupo sa sofa sa may sala.

"Wait here. Ikukuha kita ng maiinom.." Sabi niya. Tumango naman ako sa sinabi ni mama.

"Here." Sabay abot niya ng glass of water.. Ininom ko naman ito at medyo gumaan ang pakiramdam ko.

"Anak, gusto mo bang magpahinga na?" I just nod at my mom and she leads me to my room.

"If you want someone to talk with, I'm just here okay? Mama's just here.. Love you, nak.." She said as she kiss me on my forehead and umalis na siya.

As soon as the door closes, my tears began to fall again..

Niyakap ko ang aking unan at doon umiyak ng umiyak. Hindi ko alam na ganito pala kasakit ito.

Hindi ko alam na mas masakit pala yung masaktan ka nang hindi man lang lumalaban.

Kung may magsabi man saakin na bat hindi ako lumaban, ang sasabihin ko lang, para saan pa? Para ano pa?

Ayokong magpaka-selfish dahil lang sa mahal ko siya lalo na't alam kong may mga taong maapektuhan nito..

Marahil dahil sa sobrang pag-iyak ko ay nakatulog na rin ako di kalaunan.

--

Umaga. Yes, umaga na naman. Panibagong araw para sa nakakarami, ngunit panibagong araw na puno ng sakit para saakin. I stood up and pumasok sa loob ng bathroom para maligo. Nagbihis na ako pero wala sa utak ko yung sinusuot ko. Pagtingin ko sa repleksyon ko sa harap ng mirror ko, wasted. So damn wasted.

Pinilit kong ayusan ang aking sarili. I applied concealer to hide the dark spots under my eyes and I tried to smile even though, it's hard to.

I pick my things up and decided to step out of my room. There I saw my parents looking at me with their melancholic stares..

"I'm okay ma, pa.. I'm okay.." I said in a very low voice. They both sighed and gave me a hug. A tight hug.

"Kain ka muna bago ka pumasok sa trabaho, nak. Kagabi ka pa hindi kumakain.." Alalang tanong ni Mama saakin. But I shook my head and began to walk towards the door of this unit.

"Hindi ako gutom, ma. Sige po, alis na po ako." Walang gana kong paalam sa kanila. Hindi ko na hinintay yung sagot nila at lumabas na sa unit ko..

Saktong pag-alis ko ng unit ko, ay siyang pagbukas rin ng pinto ng unit ni Kyle.

"Elle!" Sabi niya sabay yakap saakin.

'Don't hug him back, Elle. You shouldn't.' sabi ng konsensya ko. Pumikit ako, hindi dahil sa sobrang saya, kundi sa sobrang lungkot..

"I missed you so much! How are you? Wait, bakit mugto yung mga mata mo? Ayos ka lang ba? May masakit ba sa--"

"Hands off. I need to go.." I said to him coldly.

Nagulat siya dahil sa sinabi ko, but I don't care anymore.

Nung tuluyan na siyang bumitaw saakin, agad akong naglakad paalis sa kanya, nauna na akong pumasok sa elevator and I tried to close it na pero sadyang makulit ang tadhana at talagang tinimingan pa talaga ang pagpasok ni Kyle sa elevator.

''Relax, Elle. Just relax.' Ang nasa isip ko.

"Kumusta ka na? Hindi mo kasi sinagot yung tanong ko eh." Pag-uulit niya.

"Fine." I simply said to him. Bat ang tagal bumaba nitong elevator na to?!

"I missed you, Elle. So much.." He said it again.

"Talaga? Edi okay." Sabi ko sa kanya at sa wakas! Dumating na rin kami sa ground floor. As soon as the door opens, naglakad agad ako.

"Teka, may problema ba, Elle? Pati ba naman dito, iiwasan mo pa rin ako?" Sabi niya ulit saakin. Nasa harap na ako nang kotse ko and I'm about to open it nang bigla niyang hinawakan ako sa braso at hinalikan ako sa labi dahilan para sampalin ko siya

"You jerk!" Tanging sabi ko at pumasok na sa kotse ko at pinaandar na ito patungong company.

Pagkarating ko doon, agad kong pinark ang kotse ko at pumasok na sa company. Sumakay na ako ng elevator mahirap na't baka makasama ko na naman ang isang yun.

Dumiretso ako sa aking cubicle pagkarating ko sa office.

"Aba-aba! Hoy bakla! Ang tagal mong nawala tapos ano to?! Anong kadramahan itey ah?!" Bungad saakin ni Patty.

"Hayaan mo na ang ate girl natin, bakla. May pinagdadaanan yan." Sabi niya at tumawa silang dalawa ni Patty. Nakayuko pa rin ako sa kanila dahil sa oras na tumingala ako sa kanila, for sure, kukulitin at kukulitin ako ng mga yan para sabihin kung anong nangyari.

"So ano na bakla? Hindi ka man lang ba titingin saamin? Ano yan? Cold shoulder ganoon?" Mataray na tanong ni Patty. Bumuntong hininga muna ako bago tumingin sa kanila.

"OMG! WHAT HAPPENED TO YOU?! TO YOUR EYES!!" Sigaw ni Vanessa. Si Patty naman, napatakip lang ng kanyang bibig.

"Don't mind me and mind your works, guys." I said to them.

Maya't-maya lang, nakaramdam ako ng yakap galing sa dalawang ito.

"Nandito lang kami, bakla ah? Huwag na huwag mong kakalimutan yan." Ramdam ko ang sincerity sa boses ni Patty. "Kung kaya mo nang magshare, sabihan mo lang kami ah?" Dagdag pa ni Vanessa. Hindi ako nagsalita, sa halip ay tumango lamang ako sa kanila.

Bumalik na sila sa kani-kanilang mga table at saktong dumating si Kyle na may dalang, bouquet of flowers?

Hindi ko siya pinasin at pinagtuunan ko na lang ng pansin ang ginagawa ko. I was about to use the telephone and make a call with my client nang bigla niyang nilahad ang bouquet of flowers saakin dahilan para tumaas ang aking kilay sa kanya.

"For you." He said while smiling from ear to ear. Hindi ba nito alam na ikakasal na siya?! Or nagmamaang-maangan lang?!

"For what?!" Iritang sabi ko sa kanila. Pansin kong napapatitig saamin ang mga katrabaho namin.

"Cause I love you.. Yes, you heard it right?! This woman, I love her!" He proudly said in front of this people. Naghiyawan naman ang mga katrabaho namin, well except sila Vanessa at Patty.

"Cut the crop, Kyle! Ano ba! Kung gusto mong mangtrip ng mga ganyan, pwes huwag saakin! May ginagawa ako!" Galit na sigaw ko sa kanya. Kita ko naman na biglang lumungkot ang kanyang mga mata that makes me apologize for what I've said.

"Hindi mo ba gusto ang roses? Sabi kasi ni Pat--"

"Well, hindi na! Gets mo?! Ayoko na nang roses kaya pwede ba, tantanan mo na ako! Please lang!" Kabaligtaran ng sinabi ko yung nasa isip ko. Kung alam mo lang Kyle. Kung alam mo lang kung gaano mo ko pinapakilig ngayon.

He's right. Roses are my favourite flowers. Eversince naman, yan na talaga ang gusto kong bulaklak.

Tumalikod na siya na bagsak ang kanyang mga braso at naglakad na pabalik sa kanyang cubicle.

For the countless times, I sighed.

"It's okay. I know you have reasons to be like that. Alam kong nahihirapan ka rin, kaya if ready ka na, please share it with us, babae ah?" Tumango ako sa sinabi ni Vanessa saakin.

"I'll share it with you, mamayang lunch. Sa may CR." Tumango naman silang dalawa sa sinabi ko.

Mabilis lumipas ang oras hanggang sa sumapit na nga ang Lunch.

"Are we going to eat our lunch na muna or not?" Maarteng tanong ni Patty. "Diretso tayo sa CR habang lunch time. Wala masyadong gumagamit nun dahil lunch time at pwede bang ayusin mo yang pagsasalita mo Patty!" Vanessa said. Patty just rolled his eyes kay Vanessa.

Tumayo na ako at nagtungo na kami sa CR. Sinarado naman ito ni Patty.

"So anong kwento?" Excited na tanong ni Patty saakin. Huminga muna ako ng malalim bago simulan ang kwento ko.

"Kyle confessed his feelings for me, but I rejected him. Yan ang rason kung bakit ako nagbakasyon sa tagaytay. To forget pero hindi nangyari yun. Sa halip, most of the time, siya ang lagi kong iniisip. Oo, alam kong hindi dapat na saktan ko si Kyle na walang ibang ginawa kundi ang gumawa ng mabuti saakin pero that time, I was so confused pa sa tunay kong nararamdaman." Panimula ko. Nakikinig lang sila saakin at wala ni isa sa kanila ang nagsalita.

"Hanggang sa isang araw, tumawag siya saakin at muli siyang nagtanong kung kahit isang beses ba, wala ba akong naramdaman na something special para sa kanya, again, I lied. Hanggang sa kinausap na ako ni Vanessa at doon ko narealized ang totoo." Biglang pumatak ang mga luha ko.

"Totoong mahal ko siya. Mahal ko na pala siya, hindi ko lang naramdaman noong una. Dahil natatakot ako na baka hindi pa ako sigurado at pinapaasa ko lang siya sa wala, pero gaga ako eh." Huminto ako mula sa pagkwe-kwento para punasan ang aking mga luha.

"Hanggang sa napagdesisyunan kong umuwi na para itama ko ang mga mali ko pero may nakilala ako. She's the mother of Kyle. At may sinabi siya saakin na naging dahilan kung bakit nawasak ang mundo ko." Bigla akong napahagulgol. Niyakap naman nila akong dalawa.

"Ikakasal na si Kyle. Ikakasal na siya sa iba, para maisalba ang kanilang kumpanya mula sa pagkakalugi nito. Gusto kong magpaka-selfish this time, pero sa tuwing iniisip ko na may pamilyang mawawasak dahil sa selfishness ko, parang hindi rin ako sasaya ng ganoon." Patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

"Ssshh. Hush now, Elle. I know hindi mo intensyon na saktan siya, it's just that naipit ka lang sa sitwasyon na yan to the point na you made a decision that will break your heart.." Vanessa comforted me but it just make me cried more.. "Hayy. Bakit naging ganito ka-kumplikado ang lahat? Lahat tayo nasstress na! Huhuhuhu bakla!" Sabay yakap saakin ni Patty.

"I love him I love Kyle... so much!" I exclaimed.

"Pero itatama ko palang ang lahat nang pagkakamali ko sa kanya, talo na agad ako? Talo na ako..." They hugged me a bit tightier.

Why does burden of love exists?