ELLE
"So ano nang plano mo ngayon?" Biglang tanong saakin ni Vanessa. I just shrugged my shoulders kasi sa totoo lang, hindi ko alam.
"Iiwasan mo na talaga si Kyle? Ganoon ba ang plano mo, Bakla?" Tanong naman ni Patty saakin. Nasa cafeteria kami ngayon.
"Yes." Simpleng sagot ko.
"Ano yun? Hindi mo man lang ba siya ipaglalaban? I mean, gosh! It's 2019, and uso pa rin pala yang Fixed Marriage na yan! Lakas maka-luma ah!" Patty said.
"Para ano pa? May magagawa pa ba ako if lalaban ako? I mean, business nila ang naaapektuhan rito, ayokong magpaka-selfish. Kaya kahit masakit sa part ko, titiisin ko na lang ito." Sabi ko at bumuntong hininga.
"But still, dapat mong subukan, Elle. Wala namang masama kung susubukan mo diba?" Napatingin naman ako sa sinabi ni Vanessa. Hindi na ako sumagot at pinagpatuloy na lamang ang pagkain ko.
Bumalik na rin kami after maglunch, busy pa rin sa pagdadaldalan sina Patty at Vanessa sa isa't-isa kaya nauna na akong naglakad papasok sa office..
Pagkarating ko sa table ko, napansin ko ang isang sticky note na nakadikit sa libro ko.
Kinuha ko ito at binasa,
'Meet me at the Coffee shop near our condo at exactly 6pm :) -Kyle'
"Hoy ano yan?!" Pag-uusisa ni Vanessa pagkakita niya sa hawak kong sticky note.
"Wala." Pagdadahilan ko.
"Wala daw! Sus, ang showbiz mo bakla ah!" Hindi ko na inintindi pa ang sinabi ni Patty at pinagtuunan ko na agad ng atensyon ang trabaho ko. Ang dami na rin pala, dalawang araw rin ako nawala sa trabaho. Tsk.
I've been working for almost 3 hours straight hanggang sa hindi ko na mapigilan ang pag-ihi ko. Tumayo ako at dumiretso sa CR. Bawal ang pagpipigil ng ihi, pero minsan hindi ko talaga maiwasan na magpigil sa pag-ihi. Ironic right?
Pagbukas ko ng pinto ng CR, tumambad sa mukha ko ang mukha ni Kyle.
"Elle.." Tawag niya saakin.
"Excuse me." Nakaharang kasi siya sa dadaanan ko. Nilagpasan ko na siya pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
"Ano ba?! Let go of my hand!" Inis na utos ko sa kanya.
"Please meet me up later, Elle.. I'll be waiting.. Please. " Pagmamakaawa niya saakin. Hindi ko siya sinagot sa halip ay I walked away.
I continued my work though I'm quite destructed, but still, I managed to do everything..
"MGA BAKLAA!! UWIAN NAAA!!!" Patty exclaimed. I just shook my head and continued to type on my laptop.
"Bakla, hindi ka pa ba uuwi?" Tanong saakin ni Patty.
"Mauna na kayo, tatapusin ko lang tong tinatype ko." Sabi ko sa kanila.
"Sige, ingat na lang sa pag-uwi ah! Bye!" Paalam nila saakin.
Last 3 sentences, and there. Finally, natapos ko na rin. Nag-stretch muna ako bago umpisahang mag-ayos.
Tumayo na agad ako pagkatapos kong mag-ayos. Nasa harap na ako ng kotse ko at hinahanap ko ang susi sa bag ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko muna yung susi since nasa side lang siya ng cellphone ko tsaka ko kinuha ito.
I received a text from... Kyle?
'I'm already here, Elle. Please, do come and meet me here. We need to talk. Please.. I'll be waiting..'
Biglang may kumirot ang puso ko sa nabasa ko. Bumuntong hininga ako dahil masyado nang kumplikado ang lahat. Should I come to see him?
Tumingon ako sa aking orasan, 5:45pm na.
'Kyle is already there, waiting for you, Elle? Anong ginagawa mo? Bakit hindi mo pa pinapaandar ang kotse?' Sabi ng konsensya ko.
Pumikit ako at sinimulang paandarin ang kotse. Hindi ko alam kung saan ako pupunta.
After minutes of driving, I stopped the car and found myself looking at the restaurant where my man is.
He keeps on looking and staring at his watch and his cellphone. He's waiting for me..
I'm still here inside of my car. A part of me tells that I should go and be with him, but a part of me tells that I shouldn't.
It's been 25 minutes, and he stood up, looking so down as he walked away the restaurant..
I sigh at lumabas na ako sa kotse ko.. Feeling heavy-hearted as I stepped inside of the elevator and clicked the fifth floor.
Lumabas agad ako sa elevator pagkarating ko sa 5th floor at naglakad papunta sa unit ko pero biglang may humila saakin papuntang fire exit?
"ARAY ANO BA!" Pumiglas ako at tumingin ako sa humila saakin.
"Kyle?!" Gulat na gulat kong tawag sa kanya.
"Bakit hindi ka sumulpot sa usapan natin?!" Medyo galit niyang tanong saakin.
"Eh ano naman?! It's none of your business kaya pwede bang tumabi ka na diyan kasi dadaan ako!" Utos ko sa kanya.
"Mag-uusap tayo!" Madiing sabi niya saakin. He still looking at me, intensely.
"Ano ba Kyle?! Hindi pa ba tong pag-uusap ang ginagawa. natin ah?! Tsaka ano bang trip mo?!" I asked him impatiently.
"Yung kanina sa CR" Natigilan naman ako sa sinabi niya tsaka ako umiwas ng tingin.
"Hindi ko alam kung anong sinasabi mo, Kyle. I have to go." Pero isinandal niya ako sa dingding and cornered me with his hands.
"Totoo ba yung narinig ko? Totoo ba yung sinasabi mo kina Vanessa at Patty? You love me?" He said na parang hindi makapaniwala sa kanyang nalaman. Napayuko ako at pinipigilan yung mga luha mo na huwag tumulo.
"Look at me, Elle!" Diing sabi niya. Tumingin ako sa kanyang mga mata. Mga matang may halong lungkot at saya.
"Now answer me. Do you mean it? Is it true that you love me? You love me?" Pag-uulit niya. Tumulo na yung luhang kanina ko pang pinipigilan.
"No. It isn't true. I don't love you kaya nga nireject kita diba?" Matapang na sabi ko. Napasabunot naman siya sa kanyang buhok sa sinabi ko.
"For once, Elle! For once, hindi masama ang magsabi ng totoo! I want nothing but the truth. Only the TRUTH!" Madiing sabi niya saakin. Tumutulo na din yung luha niya. Umiwas ako ng tingin kasi hindi ko kayang tignan siyang umiiyak.
"ELLE!" Sigaw niya ulit saakin nung hindi ko siya tinitignan. Napaharap ako sa kanya dahil na rin sa gulat. I grab all the strength that I need to say these words to him...
"YOU WANT TO KNOW THE TRUTH?!! OO!! OO, KYLE! MAHAL KITA! MAHAL NA MAHAL! HINDI KO ALAM KUNG KAILAN, KUNG SAAN AT KUNG PAANO BASTA ANG ALAM KO LANG MAHAL KITA!" Sigaw ko sa kanya at pinunasan ang aking mga luhang kanina pa tumutulo.
"NOONG UNA NATAKOT AKO, OO, NATATAKOT AKO KASI MALI 'TONG NARARAMDAMAN KO! KASI HINDI PA AKO TULUYANG NAKAKAMOVE KAY NICK! KASI SOBRANG BILIS NG MGA PANGYAYARI, PERO MAGMULA NANG SABIHIN MO SAAKIN NA MAHAL MO AKO, GUMULO YUNG ISIPAN KO!" Iyak ko pa rin sa kanya.
"UMALIS AKO HINDI PARA MAGBAKASYON, UMALIS AKO DAHIL GUSTO KITANG IWASAN! GUSTO KONG LUMAYO MULA SAYO, PERO ANO? LAGI KITANG INIISIP, KYLE! NOT EVEN A SECOND!" Patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko. Nananatili lamang siyang nakikinig saakin.
"HANGGANG SA UMUWI NA AKO, AT HANDA NA AKONG SABIHIN NA MAHAL RIN KITA, SAKA KO MALALAMAN NA IKAKASAL KA NA PALA!" Nagulat siya sa sinabi ko.
"Kung paano ko nalaman? Your mother told me so." Simpleng sagot ko.
"I WANTED TO FIGHT FOR YOU, FIGHT FOR OUR LOVE, FIGHT FOR US! PERO..." Muli akong tumigil dahil sa pag-hikbi ko dulot ng sobrang hagulgol.
"PERO PARA SAAN PA? EH YOU'RE GETTING MARRIED NA DIBA? ANO PANG MAGAGAWA KO?! NAG-UUMPISA PA LANG AKONG BUMAWI SA MGA KAGAGAHAN KO, PERO TALO NA ULIT AKO?!!" Sigaw ko ulit sa kanya. Humahagulgol na ako tipong napaupo ako sa harap niya. He leveled himself to me and held my face.
"I'm happy kasi atlast! Narinig ko rin mula sayo ang matagal ko nang gustong marinig. I'm happy, Elle. I'm very happy." He said while smiling at me. I wiped my tears away
"Come with me, Elle. Let's go somewhere, far from here. A place where no one can tear us apart.." He desperately said to me dahilan para tignan ko siya na parang hindi makapaniwala sa sinabi niya.
"This is so ridiculous, Kyle! Nahihibang ka na ba?! Paano yung fiancè mo?!." I said coldly.
"I can find a way para hindi yun matuloy, Elle. I want to spend the rest of my life with you. Hindi yung pakakasalan ko, ikaw ang gusto kong pakasalan. Naiintindihan mo ba ako, Elle?! Ikaw lang!" Sabi niya sabay hawak sa mga braso ko.
"Naririnig mo ba yang sinasabi mo, Kyle ha? Kaya ka nga pinapakasal sa ka-business partner ng mama mo para maisalba ang kompanya niyong nalulugi na. Ayokong maging selfish, Kyle. Mahal kita pero hindi ko kayang maging selfish dahil lang sa mahal kita knowing na may taong masasaktan ng sobra." Sabi ko na halata sa boses ko ang bitterness.
"Ikaw ang selfish, Elle. bakit mo iisipin ang nararamdaman ng ibang tao kung ikaw lang yung masasaktan diba?! Elle, minsan hindi masama ang pagiging selfish. Hindi kabawasan sa pagiging tao mo yun!" Medyo naiinis na sabi niya.
Tinignan ko siya diretso sa kanyang mga mata..
"Masaya ako kasi pinaramdam mo saakin yung pagmamahal mo.. At masaya ako kasi naramdaman ko ulit ang magmahal ng ibang tao. Tsaka mas gugustuhin kong tawagin ako ng ibang tao na 'Selfish' kung kapakanan naman ng ibang tao ang involved, rather than sabihan ako nang 'selfish' kung pansariling interest lang ang iniisip ko. Kaya siguro, selfish nga ako. Cause I gave up the possibility of having 'US' in the future.. " Sabi ko at tumayo. Sumunod naman siya sa pagtayo.
"Anong ibig mong sabihin, Elle?" Kinakabahang tanong niya saakin.
Napangiti ako nang mapakla.
"I guess, ito na talaga ang nakatadhana saatin. Pinagtagpo lang tayo, pero hindi tayo ang para sa isa't-isa. Tanggapin na lang natin na hindi talaga tayo sa habangbuhay, Kyle.. Masakit man isipin, pero this is the reality. Ito ang totoo. " Sabi ko at muling tumingin sa kanya..
"I'm sorry if it's too late to say these words to you..." Huminga ako ng malalim bago ipagpatuloy yung sunod kong sasabihin sa kanya.
"I love you too, Kyle.." I said to him with full of sincerity and then walked out.