Chereads / No Strings Attached / Chapter 29 - Confession

Chapter 29 - Confession

ELLE

Pagkahapon, habang busy ang lahat sa kani-kanilang trabaho, biglang dumating ang boss namin na si Mr. Albert..

Narinig naming pumalakpak siya senyales na kailangan naming makinig sa kanyang anunsyo.

"Guys, Listen! Katatanggap ko lang ng notice mula sa ka-business partner ng kumpanyang ito na si Zander at ayon sa kanya, magsasagawa sila ng welcome party para sa mga bagong investors ng kumpanya nila. Luckily, invited tayo.." Literal na nagpalakpakan at naghiyawan ang mga co-workers namin at nangunguna na doon si Patty at Vanessa.

"OMG!! OMG!" Sigaw ni Patty

"Quiet guys. The party will be tomorrow night at 7pm sharp but you still have work tomorrow morning okay?" Sabi ni Mr. Albert.

"Morning? So afternoon wala na po?" Tanong naman ni Mark. "Yes. So that you still have time to prepare. Kung wala na kayong questions, aalis na ako. Continue working.." Sabi niya at umalis na.

"Bakla! Narinig mo ba yun?! Party daw! Magpaparty tayo bukas!!! Gosh I'm so excited!" Exagg na sigaw ni Patty saamin.

"Oo na bakla! Narinig namin! Kaya pwede bang hinaan mo onti ang energy tsaka ang boses mo?! Nakakaloka ka eh!

Reklamo naman ni Vanessa. Bigla namang tumingin si Patty sa akin.

"Pupunta ka!" Sabi niya saakin. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"May sinabi ba akong hindi ako pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"Wala. Pero base sa reaksyon mo kanina, parang hindi ka man lang excited! Tsss." Sabi niya. Umiling na lang ako tsaka pinagpatuloy yung trabaho ko.

Minutes passed lang, napansin kong may prisensya ng isang lalaki sa harap ko. At hindi nga ako nagkakamali.

"Hi." Bati niya saakin. Tumingala ako sa kanya, "Yes?" I simply answered him.

"You will go to the party tomorrow, right?" He said while smiling at me. Tumingin ako sa kanya at bakas sa mukha niya yung nerbyos. Bakit naman?

"Yes.. " Simpleng sagot ko sa kanya tsaka tinuon muli ang atensyon ko doon sa ginagawa kong design.

"Well, can I be your escort then?" Escort?

"Why? Was it a masquerade ball? Or did they required to attend to that party na kailangan may escort?" Mataray na tanong ko sa kanya. Umiiling naman siya saakin

"No.. No.. It's just that, Hayy. Nevermind na lang basta pupunta ka bukas! Sige, balik na ako sa table ko." Sabi niya at nagmamadaling umalis..

Hindi naman ako ganoon kamanhid para hindi mapansin yung kinikilos niya, noh. Gaya nga ng sinabi ko, ayaw kong pangunahan ang mga bagay-bagay. Tsaka baka magmukha lang akong assumera, noh..

Saktong 5 pm nang inayos ko yung mga gamit ko.

"Mga bakla! Dali na! Maghahanap pa ako ng maisusuot ko bukas!!!" Tili ni Patty. Tumawa ang mga kasamahan namin dito sa tili ni Patty. Kinarga ko na yung mga gamit ko at naglakad na palabas ng office.

Pagkarating namin sa parking lot, nagbeso-beso na kami sa isa't-isa at nagpaalam na. Sumakay na ako sa kotse ko at nagdrive na papuntang condo ko. Pinark ko na yung kotse ko pagkarating ko doon.

Pagkasara ko ng pinto ng unit ko, umupo agad ako sa sofa sa may sala para magpahinga.. Nakakapagod magtrabaho, pero on the other side, fulfilling dahil masaya ang parents ko sa ginagawa ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ni mama. Makailang ring lang bago niya ito sagutin.

"Hello, nak? Napatawag ka?" Bungad ni mama saakin.

"Bakit po ma? Masama na po ba ang tumawag sa inyo?" Kunwaring nasasaktan ako. Tumawa naman si mama sa sinabi ko.

"Haayy. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na in good terms na tayong tatlo ng papa mo.." Mangiyak-ngiyak na sabi ni mama.

"Ma, huwag ka nang magdrama please!"

"So bakit ka nga tumawag, nak?",

"May aattend-an akong party bukas ma." Sabi ko sa kanya.. "And?..." Pigil hiningang sabi niya saakin.

"Pwede po bang kayo ang mag-ayos saakin bukas?" Nahihiyang tanong ko sa kanya. Narinig ko naman ang munting hikbi ni mama sa kabilang linya.

"A-anak! Ano ka ba naman! Siyempre naman noh! Si mama mo kaya ang nag-aayos sayo noon!" At ayun na nga po, umiiyak na nga ang nanay ko.

"Ma! Ang drama na natin nung isang araw, pati ba naman ngayon ma?" Pagbibiro ko sa kanya. Tumawa na rin siya. Hayy

"Oh siya, anong oras ba yung party mo nak?"

"7pm po ma." Simpleng sagot ko sa kanya. "Sige, 10 am palang, andyan na ako bukas!" Excited niyang sabi saakin

"Oh siya ma. May spare key naman po kayo nitong unit ko diba?"

"Oo nak"

"Sige po ma. Magpapahinga na po ako, kayo rin po. Paki-kumusta na lang rin po ako kay papa." sabi ko kay mama.

"Sige nak, Love you!"

"Love you too, ma.. " And the call has ended. Tumayo ako at nagtungo sa kwarto ko para tignan yung closet ko doon.

I still have dresses and also gowns here pa naman na hindi ko pa nasusuot. Siguro, bukas ko na lang tong poproblemahin tutal andito rin naman si mama bukas..

So ang ginawa ko na lang ay nagpalit ng pambahay at dumiretso sa kusina para tignan kung anong pwedeng kainin.

I ended up cooking chicken adobo at ice cream for my dessert.. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ko nang biglang ring ang cellphone ko.

Si mama pala.

'Anak, magdadala rin ako ng mga bagong labas ko na mga gowns and dresses, ikaw na bahalang pumili bukas. Love you.'

Yan ang text ni mama. Designer si mama ng mga gowns and dresses. May mga boutiques na rin kami.. Nireplayan ko si mama ng okay at nag I love you too na rin. Pagkatapos kong kumain, hinugasan ko ang pinagkainan ko at umakyat papuntang kwarto para magpahinga na rin.

Ngayon, palaisipan na saakin kung ano nga ba talaga ang nararamdaman ni Kyle para saakin...

-

Hapon.

Kasalukuyan akong inaayusan ni Mama. Masayang-masya siya dahil after all these years daw ay naayusan niya ulit ako.

"Ang ganda-ganda mo anak! Kamukhang kamukha mo talaga ako noong kabataan ko!" Proud na sabi ni Mama saakin. Tumatango lang ako sa kanya..

Plinantsa lang ni mama ang buhok ko, bali straight hair lang ang peg ko ngayon. Light lang rin ang make-up ko.

"Ikaw nang pumili ng masusuot mo, nak!" Excited na sabi ni mama habang pinapakita niya saakin ang closet niyang may laman ng mga bagong labas na gown at dresses.

I ended up picking the white high slit gown since may katangkaran rin naman ako. Tsaka ko to pinaresan ng 5" na gold heels.

"Ayan anak! Dyosahan ang awra mo ngayon! Ang ganda mo talaga anak!" Pambobola saakin ni Mama

"Opo na ma.. Masyadong malaki na ang tainga ko sa mga pambobola niyo saakin eh!" Natatawang sabi ko kay mama. Biglang may nagdoorbell. I look at my mom puzzled but she just smiled at me.. Umalis siya para tignan kung sino yung nagdoorbell.

Bumalik na si mama at may kakaibang ngiti at bumungad saakin

"I have something for you nak.." She said at biglang lumabas si papa. Napatayo naman ako at niyakap siya.

"My princess! Ang ganda-ganda mo naman, kamukha mo yung mama mo nung kabataan niya" Masayang sabi ni papa.

"Naku, ano ka ba. Kanina ko pa nga sinasabi sa anak natin eh, ayaw maniwala." Dagdag naman ni Mama.

"Akala ko pa, hindi ka na darating. Mabuti naman at nakahabol kayo." Ngumiti naman saakin si papa

"Oo naman noh. Hindi ako papayag na hindi ka makikita ng personal. So ano, tara na? Malelate ka na." Sabi ni Papa. Tumango ako at kinuha na yung gold na purse ko at naglakad na paalis ng unit ko..

Sumakay na kami sa kotse at si papa raw ang magdadrive.

"Nga pala nak, anong oras matatapos yung party?" Biglang tanong ni mama saakin.

"Baka late na rin ma, off naman kami bukas eh.." Sabi ko habang nagsscroll sa IG. Ibang klase talaga tong si Patty. Ang taray ng make up.

"So susunduin ka ba namin mamaya anak?" Singit naman ni papa saakin. Umiling ako

"No need na po pa. Sasabay na lang po ako kila Patty since may dala rin naman po siyang kotse eh, ayaw ko rin naman na istorbohin ko pa po kayo. " Sabi ko na lang.

Hanggang sa nakarating na kami sa venue.

"Enjoy the night, nak!" sabi ni mama saakin. Hinalikan ko si mama sa kanyang pisngi, ganoon rin si papa.

"Ingat po kayo pabalik sa unit. Salamat po." At nagbabye ako sa kanila. Pumasok na ako sa venue pagkaalis ng kotse. Pagkarating ko sa venue, ang daming tao..

Elegance, and poise ang mga people dito..

I was about to call Patty nang marinig ko yung boses ni Vanessa wearing that mermaid gown na kulay black.

"Hoy babae! Dyosahan ang peg mo ngayon ah! Ang taray!!" Sabi niya at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Ikaw naman, ang taray mo sa black ah!" Pagbibiro ko sa kanya.

"Nga pala, nasaan na si Patty? Don't tell me, kailangan pa nating maghanda ng red carpet para sa kanya ah!" Vanessa said. And with that, biglang umeksena si Patty.

"OMG." Tanging sabi ko.

"Anong nangyayari?!" Hindi makapaniwalang sabi ni Vanessa.

"Hi mga bakla!" Bati niya saamin, tumingin naman siya saakin, "Ayy, bongga, dyosa-dyosahan ang peg ganoon?" Tinignan niya naman si Vanessa, "Taray sa black, bakla ah! " Napatakip ng bibig si Vanessa dahil sa suot ni Patty at mamaya lang din ay hinampas na ni Vanessa si Patty

"Aray! Ano ba! Ang sakit nun ah!" Reklamo niya

"Echosera ka bakla! Ang taray mong mag-gown ah!!" Yes..Nag-gown si Patty. Ang taas pa ng slit, dinaig pa ako!

Umupo na kami doon sa bakanteng mesa at upuan.. Dumating na rin si Kyle with his, oh-so dazzling suit

"Hi gorgeous ladies.." Sabi niya saamin.

"Hi din hot man.." Malanding bati ni Patty sa kanya.

Maya-maya pa'y, nagsimula na ang party. As usual, welcome message, introduction of partnership, palakpakan, at of course, ang kainan..

Pagkatapos nang kainan, hindi mawawala ang sayawan.. Vanessa and Patty invited for a dance... Nasa dancefloor na sila ngayon, habang ako, nasa tabi lang at umiinom ng wine. Pero di nagtagal, may biglang nagsalita.

"Hi Elle, pwede ba kitang maisayaw?" Nahihiyang tanong saakin ni Mark. Hinampas ko naman ang nakalahad niyang kamay saakin.

"Ang formal ah! Kaloka ka!" Tumayo naman ako at nilahad niya ako papuntang dancefloor.

"Elle.." Nahihiyang tawag niya saakin

"Ano yun Mark?" Mukhang alam ko na to ah!

"Crush ko si Adrian, pwede bang tulungan mo ko sa kanya?" With that, napahampas ako sa dibdib niya

"Bakla ka! Sabi ko na nga ba eh! Hahahaha" Sabi ko habang natatawa pa rin

"Naman, hahaha. So ano, tutulungan mo na ba ako sa kanya?" Tanong niya ulit.

Magsasalita pa sana ako nang biglang natumba si Mark. Pagtingin ko, si Kyle. Galit na galit.

"OMG MARK!" Sigaw ko. Nilapitan ko naman si Mark para alalayang tumayo. Tsaka tumingin sa siraulong lalaking to!

"DON'T YOU EVER TOUCH ELLE AGAIN!" He was about to punch Mark again nang bigla ko siyang hilahin. We're in the center of distraction at dahil yun sa bwisit na to!

"WHAT'S YOUR PROBLEM AH?!! BAKIT KA NANUNUNTOK BIGLA!!" Galit na sigaw ko sa kanya

"Let's go home" He said trying to reach for my hand but I refused to.

"Elle, I said let's go home." He said while trying to calm his voice.

"Ayos ka lang ba ah?! Pagkatapos mong suntukin ng ganoon si Mark, you think sasama ako sayo?! Okay ka lang?!" Narinig kong napamura siya sa sinabi ko at galit na tinignan ako

"So ganoon?! You're defending that bastard over me?! Niligtas lang kita mula sa manyakis na yun at ikaw naman tong tuwang-tuwa!" Sabi niya.

"Ano bang pinagsasabi mo dyan, Kyle ah!" Inis kong sabi sa kanya. Bwisit! Nasayang lang ang poise ko dahil sa lecheng to!

"Patay malisya ka pa! Obvious naman na nilalandi ka na nung Mark na yun eh! Wait, kaya pala, kasi nagpapalandi ka rin! Malandi ka rin--" Hindi ko na siya pinatapos na magsalita. Sinampal ko siya bwisit na to!

"Gago ka pala eh! Mark is gay, at humihingi siya ng tulong saakin kasi gusto niya si Adrian! Eh siraulo ka pala eh! Basta-basta ka lang nanununtok!" Galit na sabi ko sa kanya

Bigla namang nag-iba ang expression ng kanyang mukha

"W-wait, h-hindi ko alam--" I cut him off.

"HINDI MO ALAM?! HUH! EH TARANTADO KA PALA EH NOH?! HINDI MO ALAM KUNG ANONG GINAWA MO KYLE?! YOU PUNCHED MARK! BECAUSE OF WHAT? BECAUSE OF YOUR UNREASONABLE EXPLANATIONS! WALANG GINAGAWA SAYO YUNG TAO PERO KUNG MANUNTOK KA PARANG MAY GINAWANG MASAMA SAYO SI MARK AH!" Hindi ko na napigilan ang galit ko

"I'm just protecting you!" He exclaimed.

I laughed bitterly

"Protecting me? Bakit Kyle? Bakit, sino ka ba?!"

Pero hindi siya sumagot sa tanong ko. Pinandilatan ko siya ng mata at muling nagsalita,

"I'm asking you, Kyle!" He looked at me.. At biglang lumabas sa kanyang bibig ang hindi ko inaasahang kasagutan sa tanong ko.

"BECAUSE I LOVE YOU ELLE! I LOVE YOU! KAYA KO YUN GINAWA DAHIL I LOVE YOU!" Sigaw niya saakin dahilan para ako naman ang hindi makasalita.

He loves me?

Sh.t.