WALANG kibuan sina Sunny at Hero habang bumibiyahe pabalik sa bahay ng huli. Naroon ang lahat ng files na kailangan niyang pag-aralan pati na rin ang mga larawan na kuha ng dating photographer nito.
Masyadong tahimik sa loob ng sasakyan. Halos hindi na makahinga ang dalaga sa tindi ng tensiyon. Halata sa mukha ng lalaki na ayaw nito sa presensiya niya. As if she didn't exist.
"Anong oras tayo aalis bukas?" tanong ni Sunny. Di naman pwedeng di sila magkibuan o hayaan lang itong magpanggap na invisible siya. Dalawang linggo rin silang magkakasama sa Lambayan. Kailangang masanay na ito sa presensiya niya.
"Alas singko," sagot nito nang di man lang siya nililingon.
At least, sumagot ito. "Kailan mo sinimulan ang research tungkol sa mga Lambayan?" tanong niya sa mas magaang boses.
"Last year." Akala niya ay susundan pa nito ang sagot pero kasunod niyon ay narinig na lang niya ay ang ungol ng sasakyan.
"Buti naman pumayag ang mga Lambayan na gawan sila ng libro. Kasi sa pagkakaalam ko ayaw nilang makipag-communicate sa ibang mga tao ssa labas ng tribo nila. Hindi ka ba nahirapan na ma-interview sila noong una?"
"Sakto lang."
Nadismaya si Sunny dahil kuripot ang sagot ng lalaki. Wala itong balak na patagalin pa ang pag-uusap nila. "Alam mo malaking bagay sa akin kung malalaman ko ang mga detalye ng research mula sa iyo. Kasi ilang linggo din naman akong titira kasama sila."
"Anuman ang gusto mong malaman tungkol sa kanila, malalaman mo sa research. I will give you a copy of the draft." Ihinimpil nito ang sasakyan sa harap ng bahay nito. "Don't worry. The Lambayans are good people. Kahit paano sasabay na sila sa sibilisasyon dahil may sarili na silang eskwelahan sa tribo."
Aba! At pinalabas pa siyang snob at ignorante ng isang ito. Gusto lang naman niyang malaman kung ano ang pakiramdam ng mga Lambayan lalo na't kukunan ng larawan ang mga ito. Siyempre, may mga tao na di komportable na kinukuhanan ng picture. Kailan ba siya makakakuha ng matinong sagot mula kay Hero? Pero di naman pwede ang pagsusuplado nito sa kanya. Di niya ito uurungan sa pagkakataong ito.
Sinalubong agad sila ni Madam Caroline pagbaba ng sasakyan. "Congratulations, hija. Um-order ako ng miryenda kay Chef Aklay para i-celebrate ang partnership ninyo ng apo ko."
"Lola, hindi na po sana kayo nag-abala. Nakakahiya naman," anang si Sunny.
"Maliit na bagay lang iyan. Sa wakas matutuloy na ang project ng apo ko. Matagal ko na kasing hinihintay ang libro na iyon," sabi ni Madam Caroline at hinawakan ang braso niya. "Gusto mo na bang kumain?"
"Lola, kailangan po muna naming magtrabaho. I am sure the food can wait," sabi ni Hero at humalukipkip. "We so much catching up to do."
Tipid na ngumiti ang dalaga. "Magtatrabaho lang po ako, Lola."
"Sige. Alam ko naman kung gaano kaimportante ang project na ito sa apo ko."
Nang dalawa na lang sila ni Hero sa loob ng library ay parang sinasakal ang pakiramdam ni Sunny. Nakatukod ang dalawang palad ng binata sa pine table nito habang matiim na nakatitig sa kanya na parang sinisino siya.
"Do you really like me that much? Nagawa mong kumbinsihin si Lola at si Amira para kunin kang photographer. At ginawa mo pang bargaining chip na magtatrabaho ng libre para lang tanggapin ka. Congratulations," sarkastikong wika ng lalaki. "You got your wish."
Tumayo siya sa tapat nito at itinukod din ang dalawang kamay. "For your information, di ko naman ugaling ipilit ang sarili ko sa taong gusto ko. Di naman ako ganoon kadesperada."
"Really? That's why you followed me here? Naring ko pa ang pagmamakaawa mo sa akin kahapon. So that's not a sign of desperation?"
Naggiyagis ang ngipin ni Sunny. "Naka-move on na ako. Nandito na lang ako ngayon para magtrabaho."
"Ah! So, ginamit mo lang ako para makuha mo ang trabaho." Pumalakpak ito. "That is very, very clever. Maybe you told my cousin and grandmother about this serendipity lunacy and they bought it. Knowing they are hopeless romantic and all. And here you are. Lucky you."
Kinagat ni Sunny ang pang-ibabang labi. Parang sinasabi ni Hero na kaya lang siya natanggap sa trabaho para ipagsiksikan ng lola at pinsan nito sa binata. Gusto sana niyang linawin na nakuha siya dahil sa ganda ng portfolio niya pero pinili niyang huwag na lang makipagtalo. Buo na sa isip ng lalaki na masama ang intensiyon niya dito. Na gusto niyang agawin ang pwesto ng dating photographer nito pati sa puso nito. Hindi niya kayang manalo dito kung makikipagtalo siya.
"Mr. Gervacio, naiintindihan ko ang kapraningan mo," aniya sa mahinahong boses.
Natilihan ito. "R-Really?"
"Oo naman. At naiintidihan ko rin kung pakiramdam mo stalker ako. Pero wala ka namang magagawa. Di mo ako basta-basta maitataboy dahil may kontrata na ako. Pwede bang ceasefire muna tayo?" tanong ni Sunny sa magaang boses.
"Gaano ako nakakatiyak na mapagkakatiwalaan kita na magfo-focus ka sa project na ito?"
"Nakakahiya naman kay Miss Amira kung uunahin kong magpa-cute sa iyo. Kailangan nating magtrabaho. Kailangang published na ang libro sa loob ng tatlong buwan, hindi ba? I promised to be committed on this project."
Naningkit ang mata ng lalaki nang pagmasdan siya. "I am not sure."
Bumuga siya ng hangin. "Kung romantically interested ako sa iyo at makakaapekto sa trabaho natin, mas malaking kasiraan ito sa career ko. Nagsisimula pa lang ako. If I ruin this chance, sino pa ang kukuha sa akin bilang photographer? Kaya kong maging professional. Can you?"
Itinaas nito ang baba at inilahad ang kamay sa kanya. "Of course. I am Hero Gervacio. I am the writer and researcher for Rediscovering the Lambayan Tribe. It would be interesting with you."
Pormal ang boses nito. He wanted to make everything formal, official and professional. Kung iyon ang hamon nito ay tatanggapin niya. Kaya niyang magpaka-propesyunal at isantabi ang special feelings para dito.
Tinanggap niya ang palad nito. "Sundrea Angeles, your new photographer. I assure you that I am committed and I will work hard for this project."
"I expect nothing less," sabi nito at naramdaman niya ang pagpisil nito sa kamay niya. Nahigit niya ang hininga. She felt those tiny volts of electricity flowing through her veins. She didn't like him anymore. Not that much. Pero bakit ganito pa rin ang naramdaman niya sa pagdidikit ng balat nila.