Chapter 53 - Chapter 15

"Congratulations, bes! That thing called tadhana talaga kayo ni Carrot Man!" tili ng kaibigan ni Sunny na si Mea nang tawagan niya ito at ibalita dito ang pagkakatanggap niya sa trabaho bilang photographer sa libro ng tribong Lambayan. "Nakakatampo ka talaga. Kagabi pala tanggap ka na sa trabaho, di ka man nagsabi sa akin."

"Di ko pa naman confirmed hangga't di pirmado ang kontrata. Baka mamaya umasa lang tayo sa wala," anang dalaga at huminga ng malalim.

Nakatayo siya sa balkonahe ng library sa Banal Mansion. Nakangiti niyang pinagmasdan ang eleganteng hardin ng Banal Mansion. Mula doon ay tanaw din niya ang pine forest at citrus orchard. Nakahinga na siya nang maluwag dahil sa wakas ay nakapirma na siya ng kontrata sa harap ni Amira at ng abogado nito. Nanginginig pa ang kamay niya kanina dahil first time niyang pipirma ng kontrata bilang isang official photographer.

"Nasabi mo na ba sa nanay mo?" tanong ni Mea.

Matabang siyang ngumiti. "Hindi muna. Nang magpaalam ako sa kanya na magtatrabaho sa iyo, inismiran lang ako at sinabi na wala daw mangyayari sa buhay ko. Baka mamaya may marinig na naman akong di maganda, baka malungkot lang ako. Sorry nga pala kung hindi muna ako makakabalik sa iyo para magtrabaho. Baka isipin mo iniwan kita sa ere."

"Ano ka ba? Masaya ako para sa iyo. You don't have to feel guilty. You are destined for greater things, my friend. At minsan lang mangyayari ang ganitong pagkakataon."

"Ikaw na ang best supporting friend." Kung kaharap lang niya ang kaibigan ay niyakap na niya ito. Lagi itong nakasuporta sa kanya sa hirap at tagumpay. Nakaka-guilty na magsisimula na siyang magtrabaho dito saka naman siya aalis.

"Of course. May mga gusto ngang ma-interview ka tungkol kay Carrot Man pero ako na lang sumagot para sa iyo, ha? Sabi ko nasa importante kang trip. If i know, gusto lang nilang makakuha ng impormasyon sa iyo kung saan makikita si Hero. Sorry na lang sila. Nauna ka na kay Carrot Man."

"Ako naman nakakuha ng pictures niya. Dapat lang siguro na ako ang makahanap sa kanya, hindi ba?"

"Kilig much ako dito, bes. Come to think of it. Makakasama mo siya sa isang tribe. Wala siyang ibang makikita kundi ang alindog mo. Tuloy ang laban ng pag-ibig."

"Ayaw nga niya sa akin," paalala niya dito.

"Gusto lang niya na habulin mo siya. Kunyari pa ang mga lalaki na iyan. If I know, nagpapabebe lang iyan. Basta galingan mo pagpapa-impress sa kanya. That way, he can't resist you."

"Trabaho muna ang focus ko. Saka na ang love life."

"Don't me, Sunny. Kunwari ka pa. Ano nga pala ang kailangan mo para sa trip mo?"

Naputol ang pagbibilin sa kanya ng kaibigan sa mga ipapadala nitong gamit sa kanya para maihabol sa biyahe ng mga bus pa-Sagada sa umagang iyon nang marinig niya ang may kalakasang boses ni Hero mula sa loob.

"Kumuha ka ng bagong photographer nang hindi ako kinokonsulta?"

Nanigas ang buong katawan ni Sunny. Hindi nagustuhan ng lalaki ang desisyon ni Amira na kumuha ng bagong photographer. Paano pa kaya kapag nalaman nito kung sino siya? Nagpaalam siya sa kaibigan dahil ayaw niyang mahalata nito na ninenerbiyos siya.

Mas mabuti siguro kung di muna sila magkita ni Hero. Kung bukas na lang kaya siya ipakilala bilang photographer nito kapag paalis na sila papuntang Lambayan? Sa ngayon kailangan muna niyang magtago at tumakas.

Inikot niya ang tingin sa balkonahe. Walang hagdan pababa. Ang option lang niya ay kung tatalon siya. Ngumiwi siya nang makita ang taas ng babagsakan niya. Wala siyang super powers para maka-survive sa pagbagsak. Kaya sumandal na lang siya sa tabi ng pinto at pinakinggan ang pag-uusap nina Amira at Hero.

"Hello, cousin dearest! Mukhang kagigising mo pa lang," anang si Amira sa magaang boses. "Nag-breakfast ka na ba? Magpapahanda na ako kay Manang..."

"Amira, you know how much I hate beating around the bush." There was a warning in his tone. He hated bullshits.

"Well, I took the liberty of picking out one for you," Amira said in a sweet voice. "Don't worry. This photographer is inclined to indigenous group. Nakita ko ang portfolio niya. Her pictures are raw. Magaling siyang mag-capture ng emosyon ng subject niya."

"Sabi ko naman sa iyo na ako na ang hahanap."

"At kailan mo naman ako planong pumili ng photographer mo? Kapag one hundred years old na si Apo Semblat?"

"I just need a little time..."

"I am sorry, Hero. Pero hindi ko na mahihintay na bumalik si Karenina sa buhay mo o kung kailan mo matatanggap na hindi na siya babalik. She left. She's gone," anang si Amira sa matigas na boses.

"That's a bit harsh. Di naman iyon ang dahilan kung bakit wala akong napiling photographer sa ibang nag-apply."

"I don't have time for your excuses. Harapin mo na ang totoo. Di lang si Karenina ang magaling na photographer. You two are over. Tapos na ang panahon sa pagiging considerate ako sa iyo bilang pinsan ko. Six months na ang nakakaraan. Oras na rin para magpaka-professional ka at mag-move on."

Mariing pumikit si Sunny. Tama ba ang pagkakaintindi niya? May love interest si Hero sa dating photographer nito at umaasa itong babalikan ito? Ano bang nangyari? Bakit umalis ang dating photographer ni Hero?

"This is not about me and Karenina, Amira," giit ni Hero.

"Anim na buwan mo nang sinasabi sa akin iyan. Kalahating taon nang di umuusad ang project ko matapos niyang sirain ang ibang files. Hindi ko nga siya idinemanda dahil sa pakiusap mo. Sumira siya sa kontrata. Hinayaan kita na makahanap ng photographer na magugustuhan mo. Wala kang narinig na kahit ano sa akin sa loob ng six months. Not anymore. Tatlong buwan na lang birthday na ni Lolo. Anong ireregalo ko sa seventieth birthday niya? Hangin? Di ka lang sa akin nangako, Hero. Nangako ka rin kay Apo at sa mga taga-Lambayan. Isa kang malaking paasa."

"Of course. I understand. Kasalanan ko na. I am sorry, Amira," anang si Hero sa mababang boses.

Parang mas gustong matakot ni Sunny kay Amira kaysa sa Hero. Saka niya na naalala na bata pa lang ay palaban na itong environmentalist. Kahit nga sarili nitong pamilya noon ay kinalaban nito para pangalagaan ang mga Lambayan. Nabasa niya ang report nito tungkol sa project nito sa Lambayan na inilaban nito sa board of directors ng Banal Mining Corporation.

"If you are really sorry about this whole ordeal, I want you to work with your new photographer. Huwag mo siyang bibigyan ng problema. Be professional. Be fair."

"Yes," may kahinaang usal ni Hero. Wala itong magagawa kundi sundin si Amira ngayon. "Gusto ko nang makilala ang photographer. Nandito ba siya?"

"Kumain ka muna diyan. Tatawagin ko lang siya." At narinig niya ang yabag ni Amira na papalapit sa balkonahe. Kumatok ito saka niya binuksan ang pinto. "Nandiyan na si Hero. Gusto ka daw niyang makilala."

Pilit na ngumiti si Sunny at tinatagan ang loob. Kailangan niyang ipakita kay Amira na kaya niyang harapin si Hero. Parte ito ng trabaho niya. I am a professional. I am a professional.

"Hero, meet your new partner, Sunny Angeles. Sunny, this is Hero Gervacio. He is the writer of the book for Lambayans. Nagkakilala na kayo, di ba?" tanong ni Amira sa magaang boses at kunwari ay patay malisya sa pagtataboy sa kanya ng binata noon.

Naningkit ang may pagka-chinitong mata ni Hero nang makita siya. "Stalker ko ang kinuha mong photographer ko?"

"I am not stalker," tanggi ni Sunny at iniwas ang tingin sa lalaki. Admirer lang siya.

"Kundi kita stalker, bakit nakasunod ka sa akin?" angil ng lalaki at binalingan si Amira. "Are you seriously trying to punish me for those six months? Alam ko na may kasalanan ako sa iyo pero kailangan bang ang babaeng iyan ang gawin mong parusa?"

Arouch! Parang isa akong sumpa kong makapagsalita siya.

"Parusa? She's the one saving your ass and the book. She's a good photographer. Have you seen her pictures?" tanong ni Amira dito.

"Just one. The one at the exhibit," anang si Hero at tumingala sa kisame. Halatang di ito komportable sa usapan.

"At nagustuhan mo ang entry niya kaya mo siya binigyan ng star." Bumuka ang bibig ng Hero para mangatwiran pero inunahan na ito ni Amira. "Hero, she is heaven sent. She has an interest in indigenous people. Handa siyang magtiis ng ilang linggo sa tribo na walang kuryente o modern amenities. Ni hindi nga siya umangal sa talent fee. Kahit libre okay lang daw sa kanya. She's one passionate person."

Tumaas ang kilay ni Hero. "Libre?"

"Yes. But I assured her that she will be well compensated for this project." Tinapik ni Amira ang balikat ng binata. "So I want you to work with Sunny. Huwag mong hayaan na magkaroon ng aberya ang project na ito. Nagkakaintindihan ba tayo?"

Marahang tumango si Amira. "Yes. I will make sure that everything will go according to deadline."

Saka lang ngumiti ang babae. "Good. Mabuti nang malinaw. I have to go. Naghihintay na sa akin si Francois." Humalik ito sa pisngi ni Hero. "Ikaw na ang bahala kay Sunny. Ipabasa mo sa kanya ang research mo para may idea siya kung anu-anong shots pa ang kailangan mo. I trust you to work on this."