Hinawakan ni Madam Caroline ang braso niya. "Huwag kang mahihiya. Nabanggit mo sa akin na nagustuhan ni Hero ang picture mo sa exhibit." Bumaling ito kay Amira. "Maganda rin ang picture na kuha niya kay Hero habang nagbubuhat ng carrots."
"N-Nagbubuhat ng carrots?" amused na tanong ni Amira. "That I must see. I want to see your portfolio."
"P-Pero hindi ko po dala ang portfolio ko."
Natawa si Madam Caroline. "Di ko kasi sinabi sa kanya na ipapakilala kita para i-discuss ang pag-a-apply niya bilang photographer na ka-partner ni Hero."
"M-Meron po akong online portfolio. Nandoon po ang collection ng shots ko," anang dalaga. Isinama din niya doon ang ilang shots niya kay Hero na may dalang carrots.
Matapos ang hapunan ay binuksan nito ang PC tablet nito at tiningnan ang website kung saan naka-upload ang mga kuha niya. Hindi na siya masyadong umaasa na magugustuhan ni Amira ang pictures niya kahit pa ngumingiti ito at tumatango sa bawat larawang nakikita nito. Matiyaga itong nagtanong sa bawat larawan na nakakuha ng interes nito. Maybe she was just being polite. Mababa ang self-esteem niya matapos ang pagtataboy ni Hero sa kanya.
"How do you feel about culture and tradition of indigenous people?" Amira asked in a very serious tone.
"Kung mapapansin ninyo sa subjects ko, malaki ang interes ko sa mga kapatid nating indigents. In my own way as a photographer, I want to preserve their ways. Sa mundong ito na nilalamon na ng globalisasyon ang lahat at naglalaho na nag kautubong kultura, mahalaga po sa akin na ma-capture ang pamumuhay nila. Baka sakaling kapag nakita ng bagong henerasyon ay ma-appreciate nila. Gayundin sa mga tao na mababa ang tingin sa mga kapatid nating katutubo. Gusto ko na makita nila na dapat nilang irespeto ang gawi at paniniwala ng iba. Walang mas superyor na kultura o tradisyon sa iba. Lahat naman po tayo ay pantay-pantay. Respeto lang," walang gatol niyang sabi at hinihingal na siya nang matapos niyang sagutin ang tanong ng babae.
"Kaya mo bang maglakad nang dalawang oras sa bundok at tumawid sa malawak na ilog?" tanong ng babae. "Di biro ang tribo na iko-cover mo."
Nagkibit-balikat si Sunny. "Wala sa akin iyon. Sanay akong maglakad kahit ilang bundok at ilog pa." At itinuro niya ang picture ng isang matandang babaeng nagbabayo ng palay. "Sa Capiz ko kinuhanan ito. Three hours naming nilakad. Sa tent lang kami natulog ng mga kasamahan ko dahil walang hotel doon o homestay man lang. Ako lang ang di natakot sa balita na may aswang."
"You look tougher than you seem," usal ni Amira at pinagmasdan siyang mabuti.
"Kailangan po. Masaya ako sa ginagawa ko. Kaya mahirap, kahit di nananalo sa competitions sa huli, sapat na sa akin na may maka-appreciate sa gawa ko."
"Gusto kong pag-aralan mo ang tungkol sa tribo ng Lambayan. I can give you the case study for my proposal on the Banal Mining site in Lambayan. Para kahit paano magka-background ka. At sa isang bukas, sasama ka na papuntang Lambayan kay Hero. Handa ka ba doon?"tanong ni Amira sa kanya.
Kumurap si Sunny. "A-Anong pong ibig ninyong sabihin?"
"I need you to start right away. Gusto kong matapos ang libro sa lalong madaling panahon para sa seventieth birthday ng lolo ko na tribe leader ng mga Lambayan."
"Tanggap na po ako sa trabaho?"
Nakangiting tumango ang dalaga. "Yes."
Tumili siya sabay tutop ng bibig. "M-May trabaho na po talaga ako?"
Niyakap siya ni Madam Caroline. "Sabi ko naman sa iyo makukuha ka. You are good. Kailangan mo lang maniwala sa sarili mo na kaya mo. See? Kung bumitaw ka agad, pati pangarap ko sinukuan mo na. Para talaga ito sa iyo."
Kung nakuha niya ang trabaho bilang photographer ni Hero, ibig sabihin ay sabihin ay dapat silang magkasama. Pagsubok lang ang pagtanggi nito sa kanya.
Subalit naputol ang kasiyahan niya nang maalala kung paano siya itaboy ni Hero. "Pero baka hindi pumayag si Hero na makatrabaho ako," malungkot na usal ni Sunny.
Naging matigas ang anyo ni Amira. "He has no say on this. Ako ang nagpopondo sa project na ito. Ilang photographer na ang tinanggihan niya pero lagi siyang may reklamo o nakikitang mali."
"Gusto pa rin niya ang dati niyang photographer."
"Nasaan na po ang dati niyang photographer?" tanong ng dalaga.
Nagkatinginan ang dalawang babae. Malungkot na ngumiti si Madam Caroline. "She left. Magpapakasal na."
"Siguro po magaling na photographer na partner niya dati kaya ayaw po niyang palitan." Maybe Hero thought she was not good enough.
"Di na babalik iyon. Ewan ko ba kung bakit pa siya umaasa. Move on na dapat," nakaismid na komento ni Madam Caroline.
"Noong una hinayaan ko lang siya. I let him choose whoever photographer he wants to work with," pagpapatuloy ng kwento ni Amira. "Pero masyado akong lenient sa kanya. Apektado na ang project. I want him to reach th e target. I want the draft of the book ready in two months time. Marami na kaming panahong nasayang."
"So, I am really hired?" usal niya. This is it. Di siya basta-basta maitataboy ni Hero.
"Yes. Congratulations! Bukas na natin pag-usapan ang tungkol sa kontrata at sweldo mo. I need to call my lawyer so we can sign the contract tomorrow morning," sabi ni Amira.
Sinapo ni Sunny ang magkabilang pisngi. Namamanhid siya na nanlalamig. Nang sundan niya doon si Hero di niya inaasahan na magkakaroon siya ng pagkakataon na makatrabaho ito. Palusot lang naman niya ang pagiging photographer para makalapit dito noong una. Pero totoo na ito. May totoong trabaho na siya. She was grateful that her friend Mea gave her a job. Pero totoo na ito. Di dahil lang sa koneksyon. Amira hired her because of her merits and her advocacy for indigenous people. Bilang isang photographer na wala pang napapatunayan, malaking bagay ito sa kanya.
Hinawakan niya ang braso ng babae. "Miss Amira, kahit libre pa at di ninyo ako bayaran, okay lang sa akin. I mean, this must be a huge project. Para sa isang gaya ko na hindi professional, malaking boost ito para sa akin. Pinagkatiwalaan ninyo ako."
"Don't thank me. I think you are good." Naging seryoso ang babae. "I need you to work on this project fast. Matutulungan ka naman ng mga Lambayan sa kailangan mo. They are really supportive of this project. Isang kondisyon lang ang hihingin ko sa iyo."
"Ano po iyon?" tanong niya sa babae.
"Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa inyo ni Hero. Pero gusto ko na maging professional kayong dalawa sa project na ito. You have a deadline to meet. This is too important for me. I don't want it messed up anymore."
Tumango si Sunny. "You can count on me, Miss Amira. Gagalingan ko po talaga sa project na ito. Hindi po kayo mapapahiya sa akin."
Hindi niya hahayaang makaapekto sa trabaho niya ang nararamdaman niya kay Hero. Patutunayan niya dito na di siya baliw na stalker. Na karapat-dapat siya dito na maka-partner nito bilang photographer. Na kahit anong takas ang gawin nito, sila ang nakatadhana sa isa't isa.
Wala nang urungan. Wala nang sukuan.