Pagod na pagod na ang pakiramdam ni Sunny. Kahit anong pagpapalakas ng loob ang gawin ng kaibigang si Mea ay desidido na siya na bumalik ng Baguio. Kahit na sabihin nito na itatakwil siya kapag sumuko, alam niyang di siya nito matitiis. Ano ngayon kung babalik na naman siyang talunan? Sanay naman siya.
Plano niyang magmukmok sa kuwarto hanggang kinabukasan bago umalis ng Baguio nang makatanggap siya ng text message mula kay Madam Caroline. Susunduin daw siya ng sasakyan nito para dalhin sa lugar kung saan sila magdi-dinner.
Gusto sana niyang tumanggi pero naisip niya ang kabutihang ginawa ng matandang babae sa kanya. Kung aalis man siya, gusto niyang pormal na magpasalamat dito. Kaya kahit mabigat ang loob ay napilitan siyang ayusin ang sarili at sumama sa driver ni Madam Caroline.
Nagulat siya nang pumasok sila sa isang malaking iron-wrought gate. Dahil kalulubog pa lang ng araw ay nakita niya ang hilera ng mga orange tree. Halos idikit niya ang mukha sa salamin ng sasakyan ang makita ang isang Victorian mansion na namumukod-tangi sa malayo.
"Is that a house or a palace? Manong, ano po iyon? Hotel po ba iyon?" tanong niya at itinuro ang mansion.
"Ah! Bahay po iyan ng mga Banal."
Nanlaki ang mga mata ng dalaga. "What? Bahay lang iyon?"
"Opo. Pag-aari po kasi iyan ng namayapang si Don Alfonso Banal pero ngayon pag-aari na ng apo niya. Bilyonaryo po iyon."
"Diyan ako pupunta?" nanggigilalas niyang tanong.
"Iyon po ang bilin ni Madam Caroline."
Parang gusto nang pabalikin ni Sunny ang sasakyan. Even from a distance, the mansion was intimidating. Di na bago sa kanya ang magagarbong tahanan. Ang ilan sa mga kaklase niya ay anak ng mga maimpluwensiya at mayayamang personalidad sa bansa. But the house was intimidating. Anong gagawin niya doon?
Pero wala nang nagawa ang dalaga nang humimpil ang sasakyan sa harap ng mansion. Nakaabang na doon si Madam Caroline at dali-dali siyang sinalubong. "Hija, I am so glad you are here."
"A-Akala ko po sa restaurant po tayo kakain. Di po ako nakapaghanda." Simpleng T-shirt at pantalong maong lang ang suot niya.
"No problem. Hindi naman formal ang dinner na ito. May ipapakilala lang ako sa iyo," sabi nito at umabrisyete sa kanya. "Pumasok na tayo sa loob."
Umupo siya sa sofa. Kulay maroon iyon at parang bulak kung upuan. Mamahalingh paintings ang nakasabit sa dingding. Nanglalamon sa laki ang chandelier. "Huwag kang maiilang. Apo ko sa pinsan ang may-ari nito. You are practically family."
"H-Hindi naman po yata bagay sa akin na bigyan ng ganoong klaseng treatment. A-Ayaw po sa akin ng apo ninyo. Gusto ko lang pong sabihin na hindi po totoo na kaya sa bayan po ako tumuloy ay dahil di ganoon kaganda ang standard ng bahay ninyo para sa akin. Di po ako ganoong klaseng tao."
"Oo. Nabanggit nga sa akin ni Manang. Pasensiya ka na sa apo ko. Makakatikim siya ng sermon sa akin. Di ka niya dapat itinaboy. Bisita kita. I own that house."
Umiling si Sunny at hinawakan ang kamay ng matanda. "Huwag na po ninyong komprontahin si Hero tungkol sa akin. Kasalanan ko po dahil nagsinungaling ako. Hindi po talaga niya nabanggit sa akin ang tungkol sa paghahanap niya ng photographer. Hindi rin po niya ako inalok ng trabaho. Sinakyan ko lang po ang sinabi ninyo sa akin. S-Sana po patawarin ninyo ako sa pagkukunwari ko."
"Kung di ka nandito para sa trabaho, bakit mo gustong makita ang apo ko?"
Bumuga siya ng hangin at humukot ang balikat. "Siya lang po kasi ang nagpahalaga at naka-appreciate sa akin nang mga panahon na parang wala akong halaga sa iba. Siya lang po ang nagparamdam na espesyal ako. Akala ko po kasi may koneksyon kami. Akala ko po matutuwa siya na makita ako. Akala ko lang pala iyon."
Mahirap palang umasa at masaktan. Akala niya ay sanay na siya matapos ang karanasan niya sa magulang at iba pang taong nan-reject sa kanya. Ganito na lang ba siya lagi?
"Gusto mo ba talaga ang apo ko?" tanong ni Madam Caroline.
"Opo. Sana. Medyo di lang po maganda ang paghaharap namin kanina. Iniisip po yata niya may topak ako o nababaliw na ako o stalker. Di naman po ako ganoong klaseng tao. Pero malabo po niya akong magustuhan kung ganoon ang impresyon niya sa akin. Wala po siyang balak na kilalanin akong mabuti."
"Anong gagawin mo ngayon? Susuko ka na lang?"
Nagkibit-balikat siya. "Ano naman po ang laban ko kung sakali? Di pa man nasisimula ang laban, talo na po ako."
Hinawakan nito ang kamay niya. "Apo, sa pag-ibig o sa buhay, lahat ng mahahalagang bagay ay ipinaglalaban. Hindi ka mananalo kung di ka lalaban. Huwag ka munang bibitaw. Malay mo naman may iba pang pagkakataon na dadating sa iyo kung kakapit ka lang. Basta samahan mo akong mag-dinner."
"Lola, kayo lang naman po ang dahilan kung bakit ako pumunta dito. Kahit di ninyo ako kilala, nagmalasakit pa rin po kayo sa akin."
"Lola Caro, I am soooo sorry. I received a call from the new DENR secretary. Did I keep you waiting for long?" tanong ng isang babae nang pumasok sa mansion. She was wearing a plain white blouse and colorful Bohemian skirt. Mahaba ang buhok nito na hanggang baywang
Humalik si Madam Caroline sa pisngi ng bagong dating. "It's okay, hija. Hindi naman kami matagal dito. Nagkukwentuhan lang kami. This is Amira Banal, my granddaughter and Hero's second cousin. Siya ang nagbigay ng project kay Hero para i-cover ang tribo ng mga Lambayan. Amira, siya 'yung sinasabi ko sa iyo."
"Oh!" Inilahad ng babae ang kamay sa kanya. "Hello. I am Amira. Amira Banal. You are Sunny Angeles, ang photographer na ini-recommend ni Lola Caro?"
Sunny was tongue-tied. Kilala niya si Amira Banal. Apat na taon na ang nakakaraan nang maging speaker ito sa environment forum sa unibersidad na pinapasukan niya. Nag-discuss ito tungkol sa pros and cons ng mining.
Isa ito sa mga apo ni Don Alfonso Banal na isang bilyonaryo. Naging kontrobersiyal ang babae nang maging maging bahagi ito ng mining firm na pag-aari ng pamilya na dati nitong kalaban. She was really fierce and a figher. She was a fan.
"I... I... Hi!" Nakakahiya dahil blangko na ang utak niya. "Ang ganda po ninyo. Masarap kayong gawing subject sa photography," iyon ang bukod tanging nasabi niya.
Kinamayan siya ng babae. "Nice meeting you and thank you, Sunny. Pwede siguro nating ituloy ang kwentuhan over dinner."
Nakakaaliw na pakinggan ang mga kwento ng babae tunkol sa mga proyekto nito. Kagagaling lang nito sa Brazil para samahan ang nobyo na si Chef Francois dela Croix sa expedition nito kung saan nire-research nito ang mga katutubong pagkain sa iba't ibang bansa at mga mundo para sa gagawin nitong libro.
"How about you, Sunny? Nabanggit sa akin ni Lola Car na gusto mo daw mag-apply na photographer para sa librong ginagawa ni Hero," anang si Amira na inilipat sa kanya ang usapan.
"H-Hindi na po siguro..."