"Sandali lang, guys. I will talk to Paloma." Hinila siya ni Jimarah palayo sa grupo para magkaroon sila ng privacy. "What are you doing? Talaga bang iiwan mo na ang grupo natin para lang makapag-pack lunch ka kasama nila Jeyrick?"
"Oportunista naman ang tingin sa akin ng grupo. Okay na ako na ganito. Mas nakakahinga ako nang maluwag."
"Na-misinterpret mo lang sila," her friend said with a tight smile. "Ayokong maging outcast ka. You are wasting your chance."
Pagak siyang tumawa. Outcast sa isang grupo na kung umasta akala mo ay malaki na ang kontribusyon sa lipunan. Walang kaso sa kanya kung may mga batang ipinanganak na mayaman. Pero para maliitin ang mga kapwa na mas mahirap ang kabuhayan sa mga ito, ibang usapan na iyon.
Hinawakan niya ang braso ng kaibigan. "Jimarah, okay na ako kahit di ako makasama sa grupo. Makaka-survive ako ng college kahit na hindi kasama sa mga pa-cool. Doon na ako sa mga kaibigan ko na walang ie-expect sa akin at di manghuhusga kung di man designer clothes ang suot ko o di ko napanood ang pinakabagong palabas sa sinehan o di ako nakatambay sa pinaka-hip na cafe dito sa Baguio. Naiintindihan mo ba ako?"
Iba na ang buhay na gusto niya. Natagpuan na niya ang totoong nagpapasaya sa kanya. Iyon ay ang pagiging simple kasama ang mga taong simple din ang pamumuhay pero mataas ang pangarap. Dahil ang pangarap ng mga ito ay nakabase dahil sa sariling pagsisikap at di dahil sa kayamanan ng mga magulang ng mga ito. Mas gusto niyang magtagumpay nang di nang-aapak ng ibang tao.
Marahang umiling ang kaibigan. "I don't understand you anymore. You don't have to pretend to like Jeyrick or consider RJan as your friend. Wala na tayo sa Kadaclan. Naipasa mo na ang project mo."
"That's the point. Di ko na kailangang magpanggap. Dahil masaya talaga ako kapag kasama ko sila Jeyrick. Hindi ko kailangan na magpanggap na cool ako at makipagsabayan sa inyo kapag may bago kayong damit o mamahaling sapatos. Hindi na iyon ang mahalaga sa akin."
Masaya na siya kapag nagkakantahan sila ni Jeyrick gamit ang gitara nito. Na may kasama siyang nag-aaral. Na may tao siyang kasamang nagsisikap. Hindi kagaya sa grupo ni Gordon na walang pakialam kung may maipasang assignment o wala dahil hindi desperado ang mga ito. May pera pamilya ng mga ito at pwedeng maglustay ng pera kung gugustuhin ng mga ito.
"Mas gusto mo na talagang kasama sila Jeyrick kaysa sa akin?" may halong tampo na sabi ni Jimarah.
"I can breathe better with them." Hinawakan niya ang kamay ng kaibigan. "Arah, ikaw ang kasama ko sa Kadaclan. Naranasan mo ang naranasan ko. Hindi ko alam kung ano ang naramdaman mo pagkagaling doon pero maraming nagbago sa akin. Masaya ako kahit simple lang ang buhay. Kaibigan ko pa rin naman kayo kung tatanggapin ninyo ang mga pagbabago sa akin. Baka isa sa mga araw na ito makita na lang ninyo akong bumibili sa ukay-ukay pero matatanggap ba ninyo ako?"
Nanlaki ang mga mata nito. "You won't dare do that."
"Bakit naman hindi? Iba na ang priority ko ngayon." Pinisil nito ang kamay niya. "Ikaw ang alam ko na makakaintindi sa akin."
Atubili ito na kumawala sa pagkakahawak niya. "You can always come back, you know? Lilipas din ito. Magbabago rin ang isip mo."
Tipid na ngumiti si Paloma. "Salamat." Pero sa palagay niya ay mahihirapan na siyang bumalik sa dati. Mas gusto niyang maging simple ang buhay. Na walang kahit anong image na kailangang I-maintain. "Mag-enjoy ka sa resort."
Pinagmasdan na lang niya na papalayo ang mga kaibigan. She felt heaviness in her heart. Sa palagay niya ay itinuring naman siyang kaibigan ng mga ito. Pero di na siya babagay sa grupo ng mga ito dahil nahanap na niya ang sarili niya.
"Hindi ka talaga sasama sa kanila?" tanong ni Rjan.
"Mas gusto ko na mag-Goodtime," sabi ni Paloma. "Sasama ba kayo?"
"Paloma, baka may masabi pa ang mga kaibigan mo sa amin," anang si Jeyrick at umiling. "Kaya ayokong ikaw ang manlilibre sa akin."
"Jeyrick, wala naman akong pakialam sa sasabihin nila. Basta kaibigan ko kayo. Isang beses ko lang kayong iti-treat bilang pasasalamat sa pagtulong ninyo sa akin. Kung gusto mong bumawi, e di bilhan mo ako ng carrot juice kapag may extra pera ka. Iyon na lang ang kapalit. Okay na?" tanong ni Paloma.
"Isang beses lang ha?" paniniyak ni Jeyrick.
"Isang beses lang. Ngayon lang," ulit ni Paloma.
Inakbayan ito ni RJan. "Tama na 'yang pride mo. Gutom na ako."
"STAY with me and be my star."
Paloma strummed her guitar one last time. Matapos iyon ay napuno ng katahimikan ang silid niya. Nakanganga lang si Bernado sa kanya na nakaupo sa dulo ng kama niya.
"Hoy, Bernardo! Maganda ba 'yung kanta?" tanong niya sa pinsan at tinapik ang binti nito.
Natutop nito ang bibig at parang mangiyak-ngiyak pa. "Ang ganda, ate. Parang gusto ko tuloy mag-stargazing kasama si crush."
"'Yun bang muse ninyo?"
Tumaas hanggang hairline ang kilay nito. "Hindi. 'Yung escort. Imbyerna ka, ate. Saan mo nadampot ang kantang iyan? Sino ang singer? Bagong kanta ba ni Yeng Constantino?"
"Ako. Ako ang nag-compose."
Lumabi ito. "Hindi nga?"
"Sinimulan ko ito noong nasa Kadaclan ako. Ang ganda kasi ng bituin doon. Tinulungan ako ni Jeyrick."
Isang malisyosang tingin ang ibinigay nito sa kanya. "Oh! Inspired. Kaya naman pala."
"Inspiring kasi ang lugar. Matapos ang isang linggo ko sa Kadaclan, marami akong bagong natutunan na nagpabago ng pananaw ko. Napapaisip ako kung ano ba talaga ang pangarap ko. Naiintindihan mo ba ako?" Fifteen ba pa lang ang pinsan. Baka mamaya ay masyado itong nalalaliman sa sinasabi niya.
"Gets na gets kita, ate. Crush mo si Jeyrick kaya nakabuo ka ng kanta."
"Shhh! Baka may makarinig sa iyo. Pilit ka nang pilit diyan na crush ko si Jeyrick," saway niya dito at tumingin sa pinto.
Baka mamaya ay marinig ng bago nilang kasambahay na si Diday ang usapan nila. Parang may sonic ears pa mandin ito. Nagawa nga nitong I-report sa nanay niya ang usapan ng driver at maid ng kapitbahay na magde-date samantalang sa labas ng gate nag-usap ang mga ito at nasa garden si Diday.
"O sige. Hindi mo siya crush pero nagshi-shimmer ang mata mo kapag binabanggit mo ang pangalan niya. Wag kang mag-deny. Alam ko sign of kilig iyan."
"Kakantahin ko sa kanya mamaya sa birthday niya. Sa iyo ko pa lang pinaparinig nang buo. Sorpresa ko sa kanya," aniya at pinagkiskis ang palad.
Pinagpuyatan niya na buuin ang kantang iyon para mai-present niya kay Jeyrick. Maliit na salo-salo ang ihinanda ng ilang kaibigan at kamag-anak dito. First time niyang pupunta sa bahay ng kamag-anak ni Jeyrick kung saan ito tumutuloy.
"Alam ko na kung sino ang star," tukso ulit ni Bernardo at kiniliti ang tagiliran niya. "May gusto na iyan!"
"Star is about our dreams. About our goals in life. Wala na talagang tumakbo sa kukote mo kundi love life. Kaya ka laging tulala sa klase."
"Para ka namang di dumaan sa pagiging dalaginding like me." Pinapungay ng pinsan ang mga mata. "Ngayon ka lang nag-effort para sa isang lalaki, ate girl. Dati mga lalaki pa ang nagmamakaawa para mapansin mo pero deadma ang ganda mo. Ako ang bestfriend mo, ate. Ako nga di naglilihim sa mga crush ko."
Pasimpleng ipinatong ni Paloma ang palad sa ibabaw ng didbib. Malakas ang kaba niyon. Ganito siya kapag pinag-uusapan si Jeyrick. "I like him. He is a very good person. Alam mo iyon, siya 'yung tao na di basta-basta mawawala. Di ka niya iiwan. Sa dami ng pinagdaanan niya sa buhay, loyal pa rin siya sa pamilya niya at mga taong malalapit sa kanya."
"At gusto mong maging parte ng mga taong importante sa kanya?"