Chapter 28 - Chapter 26

Kung nakabalik na agad si Jimarah sa normal na buhay ng mga ito, pinili naman ni Paloma na dumistansiya sa mga dating kaibigan. They were still her friends. Pero mas gusto lang niya ng simpleng lifestyle para sa kanya. Pakiramdam niya ay hinihigop ng mga ito ang lakas at saya niya kapag kasama ang mga ito. Pinipili na niyang kasama ngayon sila Jeyrick. Katwiran niya ay nagpapatulong siya sa mga ito sa project niya.

"Can I bring my friends?" tanong niya at itinuro sina Jeyrick at Rjan. Mas magiging masaya siya kung kasama ang mga bagong kaibigan.

"Do you need to bring them?" iritadong tanong ni Gordon. "Kumpleto naman kami ditong mga kaibigan mo."

"I just feel better when I am with them. 'Yung hindi ka huhusgahan at hindi kung anu-ano ang ikakalat sa iyo," sabi niya at tumingin kay Lauraida.

"Is this about me?" Itinuro ng babae ang sarili. "Gahd! Tapos na iyon. Big deal lahat sa iyo?"

"No big deal sa iyo kasi di naman ikaw ang napahiya," aniya sa kalmadong boses pero pinipigilan ang ngitngit.

Lauraida rolled her eyes. "Anong gusto mo? Magmakaawa ako habang nakaluhod sa harap mo at umiiyak. Oh, please! As if you are special."

"Simpleng sorry lang hinihingi ko sa iyo. Na di mo nagawa," aniya sa malamig na boses.

"Sorry," hingi nito ng paumanhin at niyakap siya. Hindi niya naramdaman ang sinseridad nito. "Pwede ka na bang sumama sa resort? Huwag mo na sana akong pasamain sa paningin ng iba. I apologized enough."

"Di naman ako mapagtanim ng sama ng loob. Pero pwede bang sa susunod na lang ako sasama sa inyo?" tanong niya. "I am not in the mood right now."

Nag-iba na ang tingin niya sa mga kaibigan. Magkakaiba sila ng interes. They were not into music. They can't inspire her. Hindi na niya kayang makipagsabayan sa mga mamahaling bagay na gusto ng ga ito.

"Wala ka sa mood pero aalis ka kasama nila," sabi ni Gordon at ngumuso kina Jeyrick at Rjan. "Nakulam ka ba nila kaya mas gusto mo silang kasama kaysa sa amin? Maipapasok ka ba nila sa magagandang resort o makakasama mo ba sila na manood ng sine na gusto mo? Baka nga ilibre mo pa ang mga iyan."

"Oy, grabe ka naman! May pambayad naman kami," depensa ni Rjan.

"Wala silang ipinakitang masama sa akin. Noong nasa Mountain Province kami maayos nila akong tinanggap at inalagaan. Kahit tanungin mo pa si Jimarah. Wala siyang masasabing masama sa mga taga-Kadaclan," aniya at tumango sa kaibigan.

"Well, they are really nice people," 'anang si Jimarah at napilitang tumango.

"Pwede ba huwag na nating pilitin si Paloma na sumama kung ayaw niya?" tanong ni Lauraida. "After all, she's happy with her new crappy friends. Mula nang bumalik siya sa Mountain Province, nag-iba na siya sa atin. Noong una iniintindi ko siya dahil kailangan niyang tapusin ang project niya. Those outcasts can help her."

"Outcasts? Are we in freakin' Hindu society now, Lauraida? Ang pagkakatanda ko, walang caste system sa Pilipinas," di ngumingiti niyang sabi sa kaibigan. "They are not outcasts. Pare-pareho tayong estudyante dito. Pantay-pantay."

"Nakikipantay ka sa kanila. Di ka na namin nakakasamang kumain sa cafe dahil mas gusto mo nang magbaon ng lunch. That is so cheap, Paloma," anang si Lauraida at nagtawanan naman ang iba. "Ano bang nangyayari sa iyo? Pinapababa mo ang market value mo."

"Market value? Paninda ba ako na kailangan mong presyuhan?" Nakuyom ni Paloma ang palad. "Kakain ako kung saan ko gusto at kung sino ang gusto kong kasama. Hindi iyon kabawasan sa pagkatao ko. It doesn't make you better than us just because you have money."

Lauraida scoffed. "Para namang di ka sumasama sa grupo namin para magmukha kang sosyal. Huwag kang magmalinis, Paloma. Isinama lang naman nila sa grupo dahil maganda ka at may-ari ng trendy bar ang tita mo. Ginagamit mo lang naman ang koneksyon namin, di ba? To also make you look good?"

Napipilan si Paloma. Aminado naman siya na pinili ng mga tiyahin niya ang maari niyang maging kaibigan. Kung saan mas gaganda ang image niya at magkakaroon siya ng koneksiyon, ang mga iyon ang dapat niyang samahan. Not anymore. She already had a change of heart.

"Dapat matuwa ka na ngayon. Hindi ko na kailangang gamitin ang koneksyon ninyo para mapaganda ang image ko, tama ba?" tanong niya sa babae.

"Huwag na nating sayangin ang oras natin kay Paloma. Hindi naman siya kakulangan sa atin," sabi ni Lauraida at tumalikod. Hinatak nito si Gordon."Let's go. I want to try out that new swimsuit. I have you in mind."