Chapter 40 - Prologue

Parang batang nakapasok sa isang mahiwagang mundo si Jemaikha nang iikot ang mga mata sa iba't ibang likhang-sining na may temang Japanese myth and legends. Nasa isang art exhibit sa Makati na sponsored ng Japanese Embassy sa Pilipinas.

Malapit sa puso niya ang kultura ng mga Hapon. Bukod sa paborito niya ang Nihongo nang mag-aral siya ng Linguistics sa kolehiyo, editor na siya ngayon sa isang Japanese newspaper na nakabase sa Pilipinas.

Nawala ang mahika sa paligid niya nang hatakin siya ng pitong taong gulang na si Hideto ang kamay niya. "Kore! Kore!"

Anak ito ng publisher niya. Walang mag-aalaga dito kaya isinama muna ng ama sa exhibit sa kondisyon na magbe-behave ito. At dahil malambing sa kanya ang bata kaya siya ang kinuha para magbantay dito.

"Wait! Chotto matte!" aniya sa bata habang iniingatan ang paghakbang sa mataas na takong ng sapatos niya sa marmol na sahig.

At idinala siya sa harap ng isang malaking sculpture na gawa sa bronze. Isang mandirigmang may suot na kimono ang may hawak na kyudo o traditional na pana ng mga sinaunang Hapon. "Sugoii!" namamanghang sabi ng bata habang nakatingala sa estatwa at tumuro. "Who is he?"

"He is Hachiman, the god of war for Shintos and god of warriors," sagot niya sa bata at umuklo sa tabi ng bata.

"Why does he have a bow and arrow?"

"Hachiman is also known as tha god of bow."

"Do you know archery?" tanong ng bata.

Umiling siya. "Not really. But I know someone who is good at it. I think he could be Hachiman reincarnate."

Nagtatalon ang bata. "Who? Who? I want to see him."

Gumuhit ang ngiti sa labi niya nang maalala ang lalaking pumana at sumakop sa puso niya.