Chapter 44 - Chapter 4

Noong una ay di agad nakuha ni Jemaikha kung ano ang sinasabi ni Hiro. Ang huli nating halik ay lasang tabako, isang mapait at malungkot na amoy.

Ano bang sinasabi nito? Hindi naman niya ako nahalikan. Di naman ako amoy yosi. Bakit iyon ang sinasabi niya sa akin?

If Hiro wanted to comfort him, it was not helping. It didn't make sense.

Nagpatuloy si Hiro sa pagbulong sa dalaga. "Ashita no imagoro ni wa. Anata wa doko ni irun darou'. Dare wo omotte 'run darou'."

Bukas sa mga oras na ito, nasaan ka kaya? Sino ang iniisip mo?

It didn't make sense. Kumakanta ba ito? Umiindayog ang tono ng boses nito. Pero parang pamilyar sa kanya ang salita. Di lang niya alam kung kumakanta ito o tumutula. Saka niya nalimi na kumakanta ito ng First Love ni Utada Hikaru.

"Kailangan talaga kanta ni Utada Hikaru? Wala na bang ibang Japanese song diyan? Lalo lang akong nade-depress," usal ni Jemaikha nang maalala kung ano ang mensahe ng kanta. It was a depressing song about first love.

("Anata wa Utada Hikaru ga sukide wa arimasen ka?)" nakakunot ang noong tanong ni Hiro kung ayaw daw ba niya kay Utada Hikaru. Nakahalata yata ito sa reklamo niya sa song choice nito.

"Iie," tanggi ni Jemaikha at umiling. "Utada Hikaru ichiban."

Ibig niyang sabihin ay number one si Utada Hikaru. Itinaas pa niya ang isang daliri. Baka fan ito ni Aling Utada at hindi na siya i-comfort. Ayaw niyang ma-offend ang lalaki kahit na wala ito sa tono. Ang bango pa mandin ni Yamashita Treasure. Parang nalalanghap niya ang amoy ng cherry blossoms sa tagsibol.

Para patunayan ang pagmamahal niya ay kinanta niya ang chorus ng First Love kahit na uwang-uwa na siya sa kanta dahil inaraw-araw ng mga kapitbahay niya sa videoke. With feelings pa ang rendition niya. "You will always gonna be my one itsuka. Dare kato mata koi ni ochi te mo. I will remember to love. You taught me how."

Animo'y may kapangyarihan ang boses ni Jemaikha. Bumaha ang ilaw sa elevator at unti-unting bumaba ulit ang elevator. Nagsigawan sila ni Hiro sa sobrang saya at napayakap ang dalaga dito.

"Yeyyyy!!! May ilaw na!" tili ng dalaga sa tuwa. Sa wakas, nakakita rin siya ng liwanag. Lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa lalaki. "Makakalabas na tayo. Ang galing mo talaga! You are number one."

Naramdaman niya na natigilan ang lalaki. Bahagya siyang lumayo dito at saka lang niya napansin na nakayakap siya dito. Kumalas siya bigla sa pagkakayakap sa lalaki. Baka akala nito ay feeling close sila.

"Goumen nasai. Hontou gomen nasai," hingi ng paumanhin ng dalaga at bahagyang yumuko. Medyo aloof ang mga Japanese kapag sa pisikal na koneksyon lalo na sa di naman nito kakilala. Kahit naman sinong lalaki ay maiilang lalo na't di naman siya nito nobya o malapit na kaibigan.

Magaang tumawa ang lalaki. "Shinpai nai. Watashitachiha ikite imasu." (It's okay. We are alive.)

"O-Okay," usal niya at tumango. Buhay na buhay talaga ang pakiramdam niya. At mabuti rin na di nito minasama ang pagyakap niya.

Makalipas ang ilang minuto ay bumukas ulit ang elevator. "Ma'am, Sir, okay lang ba kayo? Hindi ba kayo nasaktan?" tanong ng security.

"Hindi po ako. Okay lang ako," sabi niya at umiling. "Salamat."

"Daijoubu desu ka? Anata wa shibaraku mae ni memaidatta?" (Are you sure you are okay? You were dizzy a while ako.) Tinanong ng lalaki kung ayos lang siya dahil nahilo daw siya kanina.

"Hai! Daijoubu you. Arigatou gozaimasu," sabi niya sa lalaki at yumukod. Sinabi niyang ayos lang siya at nagpasalamat.

"Douitashimashite. Watashi wa Hiro-san desu. Dozo yoroshiku onegaishimasu," pagpapakilala ng lalaki sa kanya sa pormal na paraan at yumuko saka siya kinayaman.

"Dozo. Namae wa Jemaikha-san," pagpapakilala din niya at yumuko. Nakatitig lang siya sa kamay nitong hawak niya.

^"Where is your home? I will take you there," tanong nito kung saan daw siya nakatira. Ihahatid daw siya nito.

Umiling si Jemaika. "Iie. Daijobu desu," tanggi niya at sinabing ayos lang siya.

"Hiro!" tawag ni Shobe dito na lumabas sa kabilang elevator at niyakap ito. "Hiro-kun, daijoubu yo?" Tinanong nito kung ayos lang si Hiro.

"Hai! Hai!" sagot naman ng lalaki.

Naglaho ang mahika sa paligid ni Jemaikha. May sumingit sa mundo na silang dalawa lang ni Hiro ang nag-e-exist. Dumating na kasi ang impaktang girlfriend ng lalaki. Siya ngayon ang lumalabas na extra sa eksena.

Malungkot na lang na yumuko si Jemaikha at saka naglakad palabas ng lobby. Okay na sana. Nag-offer na itong ihatid siya kundi lang umeksena ang babaeng laging parang inuurungan ng damit. Too bad huling araw na niya iyon doon. Di na niya makikita si Hiro.